KABANATA 02

1313 Words
Huminga muna ako ng malalim bago ipasok ang susi sa doorknob pero nang pihitin ko ang doorknob hindi ito nakalock. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang biglang may nag bukas nito mula sa loob. Napaatras ako dahil sa gulat. “Sino ka?” Sabay naming bigkas. “Wait ikaw ba ung bagong Doctor dito?” Tanong nya sakin. Nang mapansin nya sa mukha ko na nawiweirdohan ako sa kanya ay ang unang nagpakilala. “Doctor Santos nga pala” pakilala nya at inabot nya ang kamay nya sakin. "Rafhael Santos” dugtong nya. “Kairiel Ablaza, bagong Psychiatrist” pakilala ko at inabot ang kamay nya. “Ano nga pala ang ginagawa mo sa loob ang sabi sakin ni kuya guard ito daw ang kwarto ko kung hindi ako nag kakamali” anong ko sa kanya. “Ah, oo dito nga ang kwarto mo, kinuha ko lang tong mga files na naiwan ng umalis na doctor ito kasi yung kwarto nya bago sya umalis.” Sabi nya at pinapakita sakin ang hawak nyang mga files. At tuluyan naman na syang lumabas ng kwarto. “Ah ganun ba, sige pasok muna ako” sabi ko sa kanya at pumasok na sa kwarto. At sinarado ko na ang pinto. Pero hindi nag tagal ay may kumatok sa pintuan. Pag bukas ko si Doc Santos pala. “May nakalimutan kapa?” tanong ko. “Ah wala…”sabi nya, pero ang weird ng kilos nya tingin sya ng tingin sa hallway. “Sabihin mo na Doc kung may sasabihin ka para makapagpahinga nako.” Medyo inis na sabi ko. Na pansin nya siguro ang tono ng bosrs ko kaya nilapit nia ang mukha nya sakin ako naman ay napaatras. “Mag ingat ka wag kang magtitiwala sa mga tao dito.” Sabi nya ng pabulong. “Check mo rin ung mga kabinet sa loob ng kwarto baka may ibang tao” dagdag pa nya. Hindi ako na kapagsalita at na istatwa nalang ako kinatatayuan ko. Si Doc Santos na ang nag sara ang pinto at narinig ko narin ang yapag ng paa nya palayo sa kwarto ko. Nag matauhan ako ay agad akong tumakbo sa kabinet na sinasabi nya at binuksan ito pero wala namang tao dito. Hay nako natakot lang ako sa wala. Bumalik ako sa pintuan at nilock ko ito kagaya ng sabi ng guard na mag lock ako ng pinto. Inayos ko na nga ang mga gamit ko bago ko ihiniga ang sarili ko sa kama. At hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. … Nagising ako sa katok sa pintuan ko. Hinanap ko ang phone ko sa tabi ng unan ko para tignan ang oras pero wala ito, saka ko lang naalala na kinuha pala ito sa akin. Tuloy parin ang katok sa pinto kaya bumangon ako para tignan kung sino ito. At nang nakalapit na ako sa pinto tumigil ang katok dito. Hindi ko muna tinanggal ang lock sa pinto sumilip muna ako sa butas sa may pinto ko. Madilim sa hallway sa labas pero makikita mo naman na walang tao, kung walang tao sino ang kumakatok? Pero dahil sa antok ko hindi ko pinansin yun bumalik nalang ako sa kama para matulog ulit hindi rin naman nag tagal ay nakatulog ulit ako. … Nagisi ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana ko. Umaga na pala, nilibot ko ang paningin ko sa kwartong tinutuluyan ko at saka ko lang nakita ang orasan na nasa dingding. 6:30 am pala kaya maaga pa pero nag disisyon na akong maligo sa banyo na nasa loob lang naman ng kwarto. Pag pasok ko ng banyo ang napansin ko agad ay ang mga footprint na nasa sahig pero hindi ko nalang pinansin dahil baka bakat ng paa ito ni Doc Santos. Overall maayos naman ang banyo. Pag katapos kong maligo sinuot ko na ang uniform na binigay ng hospital bago pa ako makarating dito pinadala na nila ito sa akin uniform ko. 8 am na akong lumabas ng kwarto para pumunta sa head doctor’s office para makuha ng schedule ko at higit sa lahat ang food card ko dahil kagabi pa ako hindi kumakain. Nag lakad na ako papunta sa hospital dahil nasa likod ngang bahagi itong doctor’s room. Si kuyang guard parin ang nag babantay sa entrance door. “Good morning po” bati ko dito. Pero hindi man lang ako nito pinansin at para akong invisible na dumaan sa harapan nya. Ang susungit talaga ng mga guard dito. Dumiretso nalang ako sa office ni Doctor Cruz para kuhanin ang schedule ko. Kumuatok muna ako sa pinto bago ko ito buksan. “Good morning po Doc Cruz” bati ko sa kanya. “Good morning Doc Ablaza, take a seat” alok sa akin ni Doc Cruz ng upuan. “Here is your schedule” sabi nya pag kaupo ko at binigay sa akin ang isang maliit na booklet. “The files of your patient” sunod naman nyang inabot ay ang isang folder. “Isang patient lang po ang hahawakan ko?” tanong ko sa kanya. “Yes, because you are new, ayaw naman naming mabigla ka” sagot naman nya sa akin. “And also the map of the hospital and your food card” hay sa wakas makakakain na rin ako. Inayos ko na ang mga binigay nya sa akin para lumabas ng office dahil ako ay gutom na talaga. “Doctor Ablaza” pigil nya sa akin. “Good luck to patient 0A4… many experienced doctors worked here… but they failed when they met patient 0A4” nakangiti nyang sabi natakot naman ako sa mga sinabi nya. “Hindi kita tinatakot nag sasabi lang ako ng totoo kaya ka andito ay dahil hindi tumatagal ang mga Doctor na humahawak kay patient 0A4” dugtong pa nya. “Kagaya nga ng sinabi ko kahapon mag tagal ka sana dahil ung pinalitan mo naka dalawang araw lang na visit kay patient 0A4 sumuko na, sana hindi naman mangyari sayo ang ganun” “Salamat po sa concern Doc” sabi ko kahit natatakot na ako sa mga sinabi. Tumayo na ako sa aking pag kakaupo para tuluyang nang lumabas sa kanyang office. “Thanks again Doc mauna na po ako” paalam ko sa kanya. “Doctor Ablaza if there is a problem you’re free to come to me” sabi nya. “I will.” Sagot ko at tuluyan na nga akong lumabas ng office nya. Parang nawala na ang aking gutom dahil sa mga narinig ko pero kumakalam na talaga ang aking tyan kaya kinuha ko ang map na binigay ni Doctor Cruz para tignan kung asan ang location ng Cafeteria nila. Nang makarating ako sa cafeteria ay nakita ko si Doctor Santos na kumakain sa isang lamesa at ang mga ibang doctor din na hindi ko pa kilala. Kumuha muna ako ng aking pag kain sandwich at kape lang ang kinuha ko, saka ako lumapit sa kinauupuan ni Doc Santos. “Good morning Doc” bati ko sa kanya. Nilingon naman nya ako. “Doc Ablaza ikaw pala, good morning din” balik na bati nya sa akin. “Dito ka na umupo sa tabi ko” pag aalok nya sa akin ng upuan. “Salamat” sabi ko at saka umupo sa upuang inalok nya. “Kamusta naman ang unang gabi mo dito” tanong nya sakin. “Ayos naman” sabi saka ako lumagat sa sandwich na kawak ko. “Kumatok ako sa kwarto mo kahapon aayain sana kitang mag dinner kaso mukhang tulog kana” “Ahm ikaw pala ung kumatok kagabi akala ko kung sino na.” sabi ko at inalala ko nanaman ang mga katok sa pinto ko kagabi. “Pero teka sino nga pala ang pasyente mo?” tanong si Doc Santos. “Si patient 0A4.” *CLINK*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD