“Pero teka sino nga pala ang pasyente mo?” tanong si Doc Santos.
“Si patient 0A4.” Sagot ko at medyo napalakas ang boses ko.
*CLINK*
Nagulat ako ng mahulog ni Doc Santos ang kaniyang kutsara nya.
“P-p-patient 0A4?” Nauutal na tanong nya.
“Oo bakit?”
Kunuha muna nya ang nahulog nyang kutsara at saka sya lumapit sa akin ng bahagya, napansin ko rin ang ibang doctor na nasa cafeteria na nakatingin sa direksyon namin simula nung sinabi ko kung sino ang hawak kong patient.
“Ikaw pala ang bagong biktima” bulong nya sakin.
“Biktima?” medyo naguguluhang tanong ko.
Mas lalo pa syang lumapit sa akin na halos mag dikit na ang mga mukha namin.
“Kahapon nung nakita kita may hinala na ako na ikaw ang bagong doktor ni patient 0A4 dahil dun din naka room ang dati nyang doktor sa kwarto mo ngayon” mas mahinang bulong nya.
“Lahat ng naging doctor ni patient 0A4 first meeting palang sa kanya kinabukasan nag reresign na sila.” Tuloy nyang kwento. “Pero ikaw palang ang lalaking doctor na ma-aasign sa kanya lahat ng naging doctor nya babae.”
“Bakit sila nag reresign?” curious kong tanong tanong.
“Hindi namin alam si Doctor Cruz lang ang nakakaalam basta ang alam namin lahat ng ma-aasign kay patient 0A4 kinabukasan wala na sila.” Yun lang ang naging sagot nya sa akin ipinag patuloy na nga namin ang aming pag kain dahil malapit na ang schedule para bisitahin ang mga pasyente.
Kahit medyo natakot ako sa mga sinabi ni Doc Santos ay tinahak ko parin ang hallway papunta sa room ni patient 0A4.
Medyo pamilyar na sa akin ang hallway dahil dito ako napadpad kahapon ng hinahanap ko si kuyang guard.
Nakarating na nga ako sa bakal na pintuan at saka ko lang na realize na hindi ko pala alam ang code ng pinto wala rin naman sa file ng pasyente.
Hinanap ko na lang si kuya guard para sa kanya ko nalang tanungin kung ano ang code ng kwarto ni patient 0A4.
Bakit kasi may pacode code pa.
Natagpuan ko nga si kuya guard na ang pangalan pala ay Rundell tapos yung guard naman sa gate ang pangalan ay Rowell.
“Excuse me, kuya Rundell hindi ko po kasi alam ung code sa room ni patient 0A4 itatanong ko lang po” medyo nahihiyang sabi ko.
“Diba galing kana kay Doc Cruz bakit hindi mo pa tinanong” sabi nya.
“Hindi ko naman po kasi alam na kailan ng code ang lock ng kwarto ng pasyente ko kasi ung ibang patients room naman disusi” pangangatwiran ko.
Kumuha ng papel at ballpen si kuya Rundell at saka nya dun sinulat ang code pag katapos nyang magsulat ay inabot nya sakin ito.
“Wag na wag mo ipag sasabi ang code na yan kahit sa mga doctor na hindi naman nakaasign sa pasyente mo” maotoridad nyang sabi sa akin.
“Sige kuya puntahan ko na po ang pasyente ko, salamat po” pag papaalam ko at saka bumalik sa room ng pasyente ko.
Nang makarating na nga ulit ako sa tapat ng pintuan ay tinignan ko ang code na binigay ni kuya Rundell.
Nanginginig nga aking mga kamay habang pinipindot ang code.
-CLICK-
Tumunog ang pinto sinyales na bukas na ang pintuan.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
Isang madilim na kwarto ang bumungad sa akin nakapatay ang ilaw at nakasarado ang kurtina.
Pero kapansin pansin ang isang pigura ng lalaki na nakaupo sa kama.
“H-hello? Pwede ko bang buksan ang ilaw?” naaalangang tanong ko.
Wala akong natanggap na sagot at hindi rin sya gumalaw sa kinauupuan nya.
“Ako ung bago mong doctor” pakilala ko, pero hindi parin nya ako pinansin.
“Bubuksan ko na ang ilaw hah.” Binuksan ko na nga ang ilaw, now I can see him clearly.
Mga itsura nya mukha syang mid 30s, nakaupo lang sya sa kama nya at naka kadena ang mga paa’t kamay nya.
Kinuha ko ang bangkuan na nasa kwarto nya at saka ako lumapit sa kanya.
Umupo ako sa harapan nya, ipinatong ko ang file nya sa hita ko.
Nang buksan ko ito upang ignan kung ano ang kaniyang information ay halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko dahil kahit isang information ay wala.
Walang pangalan, edad, at kung ano talaga ang sakit sakit nya ang nakalagay lang ay kung anong date sya napunta dito sa hospital.
“Mali ata ang nabigay saking files mo wala man lang kasulat sulat” sabi ko at medyo na tawa ako.
Tumingin sya sa akin at halos manlambot ako sa talim ng kaniyang mga tingin nabitawan ko ang file at ballpen na hawak ko.
Napansin kong tumingin sya sa ballpen na nasa sahig kaya nag madali akong kunin ang mga gamit ko na nahulog sa sahig.
“Sorry, my bad” sabi ko ng nakangiti kahit sa kaloob looban ko ay hiyang hiya nako, pero hindi parin sya kumibo or nag react man lang sa nang yari.
Tinignan nya ulit ako pero this time hindi ko na pinahalata ang takot ko sa kanya.
Tinignan ko kung muli ang kanyang files pero ganun parin wala talagang nakasulat na information nya.
“Can you please tell me what your name is?” I ask to him nicely.
Pero wala parin rin syang reaction nag tanong tanong pa ako ng kung ano ano about sa buhay sya para naman may masulat ako sa files nya hindi talaga sya nag salita buong session namin.
Inayos ko na ang files nya na wala naman naging role dahil wala rin naman ako nasulat at saka ako tumayo para lumabas na ng room nya dahil tapos na ang session namin.
“Aalis nako kita nalang ulit tayo bukas” paalam ko sa kanya kahit alam ko naman na hindi nya ako kikibuin.
“KHILLAN”.