Capitulo Tres

2372 Words
Kerin's "Kerin, nakikiramay ako sa pagkawala ng iyong Inay. Eto kunin mo, ito lang ang mayroon ako. Ibili mo iyan ng makakain mo. Wag mo na akong bayaran, at muli, nakikiramay ako" Inabot sa akin ng matandang manggamot dito sa squatters area kung saan kami nakatira ng aking Inay ang isang lukot na papel ng bente pesos. Mahigpit ko iyong hinawakan habang nakasandal sa isang pader ng aming bahay na pinagtagpi-tagping kahoy lamang. Di alam ang gagawin sa ngayong walang buhay ko nang Inay at sa bente pesos sa aking kamay. Naitiklop ko ang aking tuhod at nakayukong napaiyak na lamang. Sa murang edad na Siyam na taong gulang ay ulila na akong lubos, wala na ang Inay na matagal nang iniinda ang pneumonia nito. Na kahit anong gawin kong pangangalakal ay hindi sumasapat sa pagkain namin at gamutan niya. Aking muling iniangat ang tingin sa aking Inay na nakahiga sa lamang sa sahig na may karton. Sinubukan ko itong lapitan, inalog at tinawag ang. Nais kong kompermahin ang sinabi ng matanda, pero sa aking dismaya ay tama ito, wala na nga ang aking Inay. Hindi ko alam kung saan ko ilalagak ang katawan nito gayong wala naman kaming pera bukod sa hawak ko ngayon. Wala rin akong kilalang mga kaanak ng Inay dahil dito na ako lumaki sa squater, ito na ang buhay na alam ko. Ang buhay na ang tanging kasama at parating karamay ay ang aking Ina. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan humantong sa ganito gayung mabuting tao ang aking Inay. Bakit hindi makita ng oanginoon ang pagdurusa namin? Bakit di kami nito magawang tulungan kung gayung ni minsan ay hindi pumalya ang Inay sa pagsisimba at sinunidy kong lahat ng utos niya dahil ito ay utos ng Diyos, pero asaan ito ngayon, wala, at ang Inay wala nang buhay. Nakagat ko ang ibabang labi at galit na lumabas ng bahay kung bahay mang iyong maitutring dahil di naman kami nito kailanman natutulungan sa lamig ng gabi, at bangis ng ulan at bagyo. Puno ng sama ay tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na tinatawag na ako ng mga kapit-bahay namin dahil sigurado akong sa mga oras na ito ay alam na nila ang pagkawala ng aking Inay. At ako, maari na akong kunin ng kung sino, at mabenta kung kanino. Napakabata ko pa, madami pang taon para sa akin pero hindi ko iyon makita. "Aaargh!", napasigaw ako ng kamuntikan na akong masagasaan ng isang sasakyan, napaupo ako sa lupa at nanigas habang habol ang hininga. Sakto lang akong nakalabas sa daan ay bumalandra agad ang isang magarang sasakyan. Pinagbuksan ito ng driver at iniluwa niyon ang isang lalaking nakaporma, at agad mong masasabi na may kaya ito sa buhay. Ibinaba nito sa akin ang tingin at tinulungan akong tumayo. "You have the same face as his. Ikaw ba si Kerin?", ang huling mga salita lang ang naintindihan ko rito. "Sino ho kayo?", ningitian ako nito. "Cillian Desjardin ang pangalan ko Kerin at kilala ko ang iyong Ama. He was a fine man, until his last moment", hindi ko ito masyadong maintindihan pero alam kong English ang sinasabi nito, pinipilit ko kasing aralin iyan ngayon sa isang libro na nahiram ko dahil hindi namin kaya ng Inay ang pag-aralin ako. "Andito ako para kunin ka" "Ho? Hindi pwede... ang Inay...", tinuro ko pa ang aking likod. "May mga taong paparating na, magkakaroon siya ng maayos na libing wag kang mag-alala", hinawakan nito ang aking mga balikat. "Pero ikaw, andito ka pa, may laban ka pang sayo. Kailangan mong maging matibay dahil sarili mo nalang ngayon ang mayroon ka. Magpatuloy ka sa buhay, Kerin, tutulungan kita, sumama ka sa akin" Kung sasama ako ay maaring niloloko lang ako nito na kilala niya ang Itay at maari niya akong ibenta pero... ang isang ulilang kagaya ko; may mapagpipilian ba? Sa buhay na mayroon ako ngayon, kung hindi ako susugal ay siguradong kagaya ng Inay ang bagsak ko. "Siguraduhin niyo pong maililibing ng maayos ang Inay. Sasama ho ako sa inyo, gagawin ko ho kung anong nais ninyong gawin ko" Sumama ako sa sa lalaking ito at dinala ako sa isang mansyon kung saan sinabi niyang aking magiging tahanan mula ngayon. Napakalawak ng kabahayan at may malking hagdan. Iyong tipong nakikita ko lang sa mga magazine na napupulot ko sa kalakal. "Mr. Desjardin, narito na ho pala kayo", magiliw na bati ng isang kulot na bata na tingin ko ay kasing edad ko lang. May kasama itong isang lalaki at babae na mukhang di rin nagkakalayo ang edad. "Hello, Wesley. May kasama ako, simula ngayon ay ituring mo na siyang kapatid" Nilipat ng bata sa akin ang tingin, taas-baba bago ako ningitian. "Sino siya, Uncle?", tanong ng lalaki. "This is Kerin, dito na siya titira mula ngayon, Jorge... and Jacintha, gaya ni Wesley gusto kong turuan mo ng mga dapat kailangan niyang malaman si Kerin" "Masusunod ho, Mr. Desjardin", ningitian naman ako ng babae ang lalaki naman na tinatawga nilang Jorge ay nakatingi lang sa akin. Ilang araw ang lumipas at sinusubukan kong mag-adjust sa aking bagong-buhay. Ang Inay naman, gaya ng pangako ni Cillian ay nailibing ng maayos. Maayos ang buhay ko sa pamilyang ito, kahit na minsan ay natatakot ako sa Jorge at kay Cillian dahil minsan ay madalas na mag-away. Wala pa kasi talaga akong alam kong anong klaseng negosyo mayroon ang pamilya nila pero panay sinasama ni Cillian si Jorge sa mga lakad na para bang ni-train niya iyon. Kami naman ay pinasok sa home schooling ni Wesley at kapag walang pasok ay tinuturuan kami ni Ate Jacintha ng mga dapat at di dapat gawin sa mansyon, at higit sa lahat tinuturuan kami kung paano makipaglaban para protektahan ang sarili namin na hindi ko maintindihan kung bakit gayung ang babata pa namin. "Ang seryoso mo na naman, Kerin", ibinaling ko ang ulo sa baba kung asaan galing ang boses. Nasa itaas kasi ako ng bakod. "Anong klaseng bahay ba ito, Wesley?" "Huh?", sinusubukan nitong iangat ang sarili. "Bakit may mga baril iyong mga lalaking nakapaligid sa bahay?" "Eh kasi Ker- ay! Baba ka nga, di ako maka-akyat" "Pumapatay ba sila ng tao. Papatay rin ba tayo kapag sinabi nila?", kusa sa akong bumaba at napasandal nalang sa gilid. "Sa totoo lang Kerin ay di ko rin alam. Napunta lang naman ako dito dahil gaya mo ulila na rin ako, niligtas lang ako ni Cillian ng kamuntik na akong ibenta. Minsan ko ring natanong iyan, pero sa mga araw na nagdaan ay napagtanto ko na kahit ano pa man; ang katapatan ko ay nasa mga Desjardin" "Kahit manganib ang buhay mo?" "Ganun naman kasi lage ang buhay, at least dito, may laban ako" May laban ako. Sabi ng isang siyam na taong gulang na bata na maagang namulat gaya ko sa pait ng buhay. Walang pagpipilian kundi ang piliing mabuhay. Mula noon ay hindi na ako nagtanong pa ng kung ano-ano dito. Naging malapit kaming dalawa sa puntong kapatid na ang turing namin sa isa't-isa. At nang nasa tamang edad na kami at nalaman ang tunay na linya ng trabaho mayroon ang mga Desjardin ay mas ginanahan lang kaming protektahan ito dahil ito na ngayon ang buhay namin. ~~~ "What?", I uttered with a grunt ng marinig ko ang sinabi ni Liam, ang personal guard na nilaan ko para kay Juanco dahil alam kong ang lalaking iyon, ay di maaring iwanan ng mag-isa. "Wala naman ho siyang problema ng dinamitan siya pero ng matapos na siya ay ayaw niya. Binigyan na ho namin siya ng alak at yosi pero nagmamatigas pa rin siya" "And he managed to lock himself in his bed? Gamit ang posas?", marahan itong tumango. Pagbukas ko ng pinto ay nakakalat ang ibang mga gamit. Nakayuko lang sa gilid ang dalawang babae na kinuha ko upang ayusan si Juanco. "What the hell are you doing?", Hindi ako nito pinansin, nakaupo ito sa dulo ng kanyang kama nakataas pa ang isa nitong paa tukod ang kamay na may hawak ng tinutunggang bote ng beer sabay hithit ng sigarilyo sa kabila. Naka-ayos na ito suot ang isang flowy red dress, lantad ang bust area nito pati ang kanyang mga braso. Ang kanyang buhok ay malayang nakalugay sa likod. Ang kanyang mukha ay may make-up, walang emosyon akong tiningnan nito, ang bibig ay basa dahil sa pag-iinom niya. Mukha na talaga itong babae. "Like what you see, Mr. K?", wika nito ng tila nang-aakit. "Nakikipagmatigasan ka", lumapit ako rito at hinablot ang bote ng alak at sigarilyo sa kanya, sabay tapon niyon sa kung saan lumikha iyon ng ingay. "Lumabas kayong lahat, mag-uusap kami", utos ko sa mga taong anduon pa, na agad namang sumunod. "May kasunduan tayo...", pagpapa-alala ko rito. "Tinamad na ako, sa susunod nalang..." "You wore that thing without questioning me. So it's not the dress, tell me, you hate Red party's?", he look at me glaring. "Hindi ako pupunta sa Red party" Ang Red party, ay masasabi mong isang pagtitipon-tipon ng lahat ng Mafia sa buong bansa sa isang gabi na puno ng kasiyahan, aliwan; lahat ng sinasabing nilang masasarap na bawal; in short no rules. So him, cross dressing wouldn't even be a harm, nais kong lahat ng atensyon ay nasa amin, at gagamitin ko ang mukha at titulo nito upang mapansin ako sa gabing ito, that when this night ends they will not look down on me anymore. Hindi pa ako naka-attend ng red party pero ito ang sa tingin kong tamang pagkakataon upang ipakilala ang sarili ko sa lahat, since ito ang unang event ko after Jorge retired. So this should be a spectacle, at hindi ko hahayaang sirain iyon ng taong ito. "Should I shoot you then" "I like to see--ugghk!", sa inis ko ay sinunggaban ko ito ng sakal dahilan upang mapahiga siya. Lumikha ng tunog ang posas sa kanyang paa. "Sa lahat ng ayaw ko, ay iyong hindi sumusunod sa gusto ko. Sasama ka sa akin, o sasama kang iika-ika. Mamili ka?", hinila ko ang paa nitong nakaposas, kita ang sakit sa mukha nito sa aking ginawa. "Kailan mo ba ako pinapili ng matino, lage namang nakaayon sayo", itinaas nito ang isang sulok ng labi, nag-igtingan ang aking mga panga. He's at it again, seducing me! Tumayo ako at walang anong binaril ang posas na nasa paa niya dahilan para matanggal ito sa pagkakabit sa kama. Hinila ko ito patayo at iniharap sa vanity na anduon. I was glaring at him, habang ito naman ay plastado pa rin sa mukha ang disgusto, hinuli ko iyon, at nahawakan ang mukha nito na tila babae sa lambot, I let that be. Itinaas ko ang baril at itinutok iyon sa mismong ulo niya. Hindi ito makagalaw na parang naistatwa na sa aking harap, kita ko ang paggalaw ng talukap ng mata nito like he's struggling for something, at wala akong pakialam. "You're a gay man, at puta kita. Kung gustuhin kong tumuwad ka sa harap ng maraming tao ay gagawin mo dahil iyon ang gusto ko. Wala akong pakialam kung ikaw si Juanco Desjardin, you were the past, kaya wag mo akong artehan na para bang di ko kayang pasabugin ang ulo mo ngayon din. My patience isn't as thick as you thought it is, Juanco. Do you understand?" "Yes, yes Mr. K", walang emosyon nitong sagot. Napansin kong lumaylay ang strap ng suot nitong dress sa kanyang balikat, and without realizing I slowly pull it up, hinuli nito ang aking kamay and his hand softly swift in mine. "Ako na...", saad nito. Nagtamang muli ang aming mga kata sa salamin, at una kong napansin ang leeg nito at ang amoy niyon na kay bango, na hindi ko napigilan ang sariling amuyin, pero nang mapagtanto ko ang nangyayari ay itinulak ko ito paalis sa akin. "Kung sino man ang nasa labas. Bumalik kayo sa loob at ayusan ang taong ito. Five minutes, at aalis na kami. Ngayon na!", bulyaw ko sabay huli ng pintuan, lumbas na, na agad sinalubong ng mga tauhan ko at tuluyan ng bumaba at sa sasakyan ko na naghintay. What the f**k was that, Kerin?! You won't let yourself be seduced by a gay w***e, not today, not any day! Lumipas na ang limang minutonay wala pa rin ito, kaya galit akong muling lumabas ng sasakyan. "What is taking--", napatigil ako ng lumabas ng pinto ng kabahayan at maiging naglalakad na ngayon papalapit sa akin si Juanco. Nakaayos na ito at hindi kagaya kanina na gulong-gulo ang buhok. At ang mga labi nito ay bumalik ang kulay pula na, hindi mo mahahanap sa itsura nito ngayon ang gusgusing Juanco na pinulot ko sa magulo at walang kwenta nitong buhay sa U.S. Pinagtitinginan ito ng mga security, pero parang balewala lang sa kanya iyon. "Itigil mo iyan...", "And that is?" "Looking like you want to f**k me" "I'm not into men; lalo na sa isang puta", sarkastiko itong nangiti. "Kung ganun, pagbuksan mo na ang putang ito ng pinto. May nail extensions ako at nangangati na ako sa mayabong na gown na pinasuot mo" Pinagbuksan ko na ito at sumakay na kami ng sasakyan habang nasa byahe ay panay nitong hinihila ang damit. Alam ko, he doesn't like this. "Bakit ayaw mong pumunta sa red party" "Concern mo pa rin ba ang dahilan ko?" "Ayoko ng attitude mo towards it. I want you to be a spectacle beside me. That the Juanco Desjardin, is my w***e, siguraduhin mong tataas ang tingin nila sa akin, but with your behavior..." "Wag kang mag-alala. Those old hags trust me before, they will trust me again", tumango lang ako. "Hindi mo pa rin ako sinasagot" "May...", napatigil itong bahagya at tila may naalala "May isang taong maaring anduon na maari kong makita" "Wala akong pakialam sa taong iyan, Juanco. Just don't let him get into you and do what you're there for" "Alam ko, Mr. K at gagawin ko iyon ng mabuti", pagtatapos nito sa usapan at ibinaling ang atensyon sa bintana, paraan nito para talikuran ko which made me time to stare at him. Is it a past lover? You should not care, Kerin. At gaya niya, ay sa labas ng bintana din ang aking tingin hanggang makarating kami sa event.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD