Juanco's
Mabahong amoy ng sasakyan
Malansang amoy ng... dugo?
Masakit ang katawan, hindi ko iyon halos maigalaw.
Nahihilo man, sinubukan kong idilat ang aking mga mata, at isang maaliwalas na kalangitan ang aking nakita.
Nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib, may sugat ako, may tila umaagos na din na kung anong malapot na likidk sa aking bibig.
Iginalaw ko ang aking kamay na nasa gilid ng aking ulo ng may bigla akong nasagi, at nang aking lingunin sa aking kanan ay nanginig ang buo kong katawan.
Si Damien, nakadilat ang mga mata, nakadapa, pero ang mukha ay nakaharap sa akin. Naliligo ito sa sariling dugo, na gumapang na sa aking mga kamay, patungk sa aking mukha.
Hindi ako makasigaw, sinubukang abutin ito at hawakan ang pisngi... malamig na iyon.
At sa likod nito ang nakaluhod at nakayukong si Damon, hawak ang isang baril, ang dugo nito ay umaapaw sa kanyang mukha habang nasa likuran ang wasak na sasakayan kung saan, gulat na gulat na nakatayo si Anton.
"Ju-juanco", utal ang boses nitong tawag sa akin.
Nagsimulang gumalaw ang aking baba at nangilid ang aking mga luha. Malakas na sumigaw, sumigaw ng sumigaw hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay tao.
"AAAAH! AAAAH!", malakas kong sigaw ng magising sa bangungot na iyon. Ang bangungot na kailanman ay hindi na nawala at tila nakakubli na sa aking isipan at naghahanap ng tsempo upang multuhin akong muli.
Pero sa pagkakataong ito, hindi lang takot at sakit ang aking nararamdaman, kundi ang dalawang maiinit na kamay na nakahawak sa aking braso. Habol habol pa rin ang aking hininga, patuloy pa arin ang pawis na umaagos sa bawat parte ng aking katawan, na nanginginig pa rin ay tiningala ko kung sino ang taong ito.
"Juanco! Calm down, its me", malabo pa rin ang aking mga mata dahil sa mga luha. Unti unti ay nasisilayan ko ang kanyang mukha. Tumayo ako at hinawakan iyon, at ng tamaan ito ng sinag ng buwan it flashed through me, the same eyes that haunt me in that very nightmare.
"Damien... I'm sorry, I'm really sorry, I'm sorry, I'm sorry, I lost you, I'm sorry", paulit-ulit kong hingi ng tawad kahit alam kong wala na iyong katuturan. Lalo bumigat ang aking pakiramdam at patuloy ang aking pag-iyak, tumutulo na iyon sa kanyang mga pisngi.
"D-dont l-leave me, p-please!", ang ekspresyon nito ay tila isang batang nag-aalala sa akin, I can't help but cry. Alam kong panaginip ko lang ito but I want to hold him more, his face, his eyes, nose and lips even if those were the same face that haunts me, ayos lang because it's you.
"Damien... I--", hindi ko na natapos ang sasabihin ng ito na mismo ang naggawad sa akin ng isang malumanay at nag-iingat na halik, ang aking mga kamay ay nakapulupot sa batok nito habang hawak nito ngayon ang aking ulo at bewang at dahan dahan akong ibinababa pahiga sa kama, hindi pinuputol ang maingat niyang halik.
"Breath, Juanco, breath...", wika nito sa pagitan ng mga mumunti nitong halik.
"I'm not going anywhere, breath", ang noo nito ay nasa aking noo ang mga mumuniting halik nito sa aking mukha ay nagpapakalma sa akin. Ang aking paghinga ay dahan dahan bumabalik sa dati hanggang sa tuluyan akong kumalma at dinalaw na ng antok.
This nightmare turned out to be a dream. Kung ganito lang sana palagi... kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan...
If only.
Nagising na ako kinabukasan, at masama ang aking pakiramdam. Tingin ko yata ay lalagnatin ako. Tiningnan ko ang cellphone, tanghali na pala at hindi rin ngayon ang death anniversary nila kaya hindi ko lubos maisip. What triggered me to dream of them again, na sa pagkakataong ito pakiramdam ko ay mas isang daang libo ang sakit na dulot sa akin. Na tila napakabago pa rin ng pangyayari.
Madalas ko mapanaginip ang nangyari, tanggap ko nang hindi na ito maalis sa isipan ko at isa iyong paraan na ipaalala sa akin ang resulta ng mga nagawa namin noon. The day, that everything for me crumbled, when Damien and Damon died.
"Magandang umaga ho, Mr. Juanco. Mabuti at gising na ho kayo dala ko ho ang tanghalian ninyo", bungad sa akin ng mayordoma, mukhang kumatok na ito at pumasok ng di ko napansin dahil sa malalim ng aking iniisip.
Nahihilo pa man ay tumayo ako at kinuha ang baso ng orange juice sa tray at ininom iyon saka mabilis na nagbihis.
"Saan ho kayo pupunta Sir Juanco? Maigi pong bilin sa akin ni Sir Kerin na hindi kayo palalabasin ng bahay"
"Don't worry, babalik rin ako. Si Liam na ang bahala", tinawag pa ako nito pero hindi ko na ito nilingon at dumaan na sa sekretong labasan at sumakay sa sasakyang binigay sa akin ni Kerin at mabilis na nagpatakbo paalis sa lugar.
Kita ko sa salamin ng sasakyan na namumutla ako, pero kaya ko pa naman. I won't crash this, I won't die like that, I just can't die yet.
Bumili ako ng mga bulaklak. Bibisitahin ko ang puntod nilang dalawa. Nang makarating ako doon ay nalito pa ako. It was so long, I'm trying to hit or miss on this. Nagtanong nalang ako sa naglilinis ng sementeryo kong asaan ko mahahanap ang puntod nila ng biglang may lumapit sa akin habang kinakausap ang matanda.
"Alam ko kung asaan, Juanco. Follow me?", si Anton, may dala iyong mga bulaklak.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at sumama nalang ako rito.
"Mukhang masama yata ang pakiramdam mo, Juanco. You look pale",
"Ayos lang ako",
"Did you, received my gifts?"
"Oo, pero alam mong ayoko ng mga walang kwenta mong gestures"
"Kung ganun tell me, what it is that you want", desperado nitong sabi.
"Hindi ka ba talaga titigil?"
"Gusto kita noon at ngayon; walang nabago doon, Juanco. So please, forget the past and move on with me. Ayokong pilitin ka pang lalo, so please find it in your heart. Kaya kong maghintay", hindi na ako sumagot at natahimik narin ito.
Narating din naman ang puntod ng dalawa, magkatabi iyon. Naupo ako at inilagay ang mga bulaklak. Hinawakan ko ang bawat lapida nila, and smile at them. At dinala nga ako nito sa puntod ng dalawa sa haba na ng panahon at sa isiping ulila sina Damien at Damon ay malinis ang puntod ng mga ito.
"Kung nagtataka ka ay palagi kong pinananatiling malinis ang puntod nila. It's me, Juanco... cause it's the least I can do to our friends", inilagy nito ang bulaklak niya
"Huh, friends? Kahit ba naman sa harap ng puntod nila ay hipokrito ka pa rin", tumayo ako at napamulsa.
"I consider them my friends Juanco, even you."
"Hindi sinisiraan ng kaibigan nila ang bawat isa, at maging dahilan ng kanilang kamatayan"
"You made me do it. Lying in my face kahit na nakikita kung gaano mo siya kamahal"
"Kaya ginawa mo iyon, causing their lives?"
"Dahil totoo naman, Juanco...", naptigil ako.
"Lahat ng sinabi ko sa kanila ay totoo. It was just the actions they took that lead... into this"
"Totoo man o hindi, you had no right back then to out my heart. My truth and your reckless self cause us to lose them. Hindi mo na maibabalik iyon"
"But I can correct it...", desperado nitong sabi.
"How? by bullying his son, sa bawat oras na kaya mo? You still hold the grudge Anton na kahit kay Kerin na walang alam sa lahat ng ito ay binubunton mo ang galit mo dahil lang sa hindi ako napasayo", hindi ito nakapagsalita.
"So I hope you are living the guilt like I am, we deserve it", tiningnan ko lang muli ang puntod nina Damien and Damon at tahimik na nagpaalam bago tinalikuran si Anton at naglakad na palayo.
Sa bawat lakad ko ay may pumapatak galing sa kalangitan, hanggang sa dumami iyon at tuluyan nang naging ulan pero hindi ako nagmadaling maglakad. Hinayaan ko ang sariling mabasa ng ulan kahit na alam kong di kayang ialis ng ulan lahat ng nararamdaman ko sa katawan. Kahit na papalalain lang nito ang lagnat ko.
I am now numb. No... I've always been numb that's how I survived.
Kerin's
"Damien... I'm sorry, I'm really sorry, I'm sorry, I'm sorry, I lost you, I'm sorry",
"D-dont l-leave me, p-please!"
Ang katawan nitong nanginginig, ang mukha niyang puno ng nga luha. Ang gabing iyon, di maalis sa isip ko.
He seemed so vulnerable, so hurt, too fragile. Ibang-iba kung paano nito i-presenta ang sarili sa mga tao. A different side of Juanco, I never knew I would see.
Napunta lang naman kasi ako sa silid nito dahil ipinaalam sa akin ng mayordoma na naghahanap ito ng gamot, at hindi kumain ng tanghalian at hapunan. Ang nais lang daw nito ay ang mahiga sa kama niya. He was feeling unwell, but I didn't expect to see him in that kind of state.
Ni hindi ito nagkasakit matapos ang mga torture na nangyari sa kanya but he then grew weak ng ganun lang; something must've been bothering him that it lead him to feel sick like that.
"Mr. Desjardin, are you following?", tawag sa aking pansin ng tauhan kong nagre-report ng mga progress ng imports mula ng ako na ang namahala; it has already been three years. Matagal na panahon na rin pala ang lumipas.
Puno ang schedule ko sa araw na iyon kaya madaling araw na ng umuwi ako. I am exhausted, pagkatapos kasi ng meeting ko ay lumipad kami papuntang Hong Kong ni Wesley na nagpaalam sa akin na kina Benille na muna siya.
Pakiramdam ko ay tuyo ang aking lalamunan kaya nagpunta ako ng kusina to grab some water to drink. Pagpasom ko ng kusina ay madilim na doon kaya binuksan ko ang ilaw.
"What the actual! f**k, f**k f**k!", hawak ko ang aking dibdib habang ang isa kung kamay ay nakahawak sa pintuan.
Laking gulat ko ng makitang may tao isang bar stool, kumakain ng cake, may icing pa nga ito sa mukha. Magulo ang pagkakatali ng buhok nito at nananamlay ang itsura, mukhang multong tinakasan ng buhay.
"Bakit hindi mo binuksan ang ilaw?"
"Kasalanan ko ba kung matatakutin ka?", sabay subo nito sa red velvet cake at bumalik sa pagkain.
I simply shook my head at hindi na ito pinansin pa. Binuksan ang two door refrigerator para kumuha ng tubig, hindi ko iyon sinarado para magpalamig na rin. At nang isasarado ko na ay gulat ko na naman ng nasa tabi ko na si Juanco.
"Stop! Don't. f*****g. Do. That!", pigil ang hininang may diin sa bawat salitang binitiwan ko.
"Buksan mo, bigyan mo akong tubig", parang wala lang na utos nito habang ako ay kanina nagugulat sa ginagawa niya.
"Di ba bawal ang malamig sa nilalagnat?"
"Paki mo?", walang ka emo-emosyon itong kumuha ng tubig at isinarado ang pinto ng ref. Tinalikuran ako at maglalakad na sana paalis pero bago pa nito mabuksan ang bottled water ay hinarangan ko siya at kinuha iyon sa kanya at inabot ang kinuha ko sa counter, iyong di malamig.
"Here, drink this one", hindi na ito namilosopo at binuksan nalang ang bote and nagsimulang uminom sa harap ko.
"Oh ano? Tumabi ka dadaan ako"
"You are still sick. Kailangan mong magpunta ng hospital", inismiran lang ako nito.
"Lagnat lang ito, Mr. K. Nothing a grown man can't handle. Tabi.", hinawakan ko ang kamay nito.
"You need to see a doctor"
"Ano ka ba, sabi nang ayoko. Alam mo, it would help if you would leave me alone. Cause it's you who keeps reminding me of someone that it made me sick"
"What?"
"Wala", nagtama ang braso namin, nilampasan na talaga ako nitong tuluyan.
Ikinuyom ko ang aking kamay at napatiim-bagang bago tumalikod at sinundan muli si Juanco, na ngayon ay parang lantang gulay na naglalakad. Nasa unang baitang palang ito ng hagdanan at nakahawak doon, nakatalikod sa akin.
"Juanco?", malalim ang boses kong tawag rito. Hindi ito humaharap at parang naistatwa na sa kinatatayuan.
Tinawag ko itong muli pero hindi talaga ito humarap kaya ng makalapit ako rito ay hinala ko agad ito paharap sa akin. Doon ko nakita ang dumudugong ilong nito, napakaraming dugo, sa isang normal lang sa nose bleed.
"Juanco, your nose is bleeding!", pukaw ko rito dahil tila hindi narin nito maibuka ng maayos ang talukap ng kanyang mga mata. And without saying anything, he fell into my shoulders and I can do nothing but to hold him gamit ang dalawa kong kamay to support his weight.
"Juanco?, Juanco?!", niuugyog ko ito pero hindi na ito sumasagot. At napakainit na ng katawan niya.
Dali-dali kong inalalayan ito ng maayos at pinuwesto siya sa aking likod. I am now peggy riding this man on my back.
Panay itong ungol at daing na tila nasasaktan, good, at least that way alam kong humihinga pa ito.
Paglabas ko ng kabahayan ay agad akong tumawag ng security na maaring magdala sa amin sa isang hospital. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay humihinga pa rin naman ito pero tila hindi na nito alam ang nangyayari sa paligid niya. Wala along dalang thermometer pero alam kong napakataas ng lagnat nito. He may even convulse if worse comes to worse; nakatingin lang ako rito.
How can this man keeps falling in my arms when I told him I never wanted to embrace someone like him.
"Cause it's you who keeps reminding me of someone that it made me sick"
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapa-isip na naman sa mga sinasabi nito; but I simply shook my head. May sakit si Juanco at maaring dahil iritable lang ito at kung ano-ano na ang sinasabi niya; it means nothing but it definitely is the 'Dam' guy again.
Ilang minuto lang ay narating na rin namin ang hospital. Inihiga namin ito sa isang stretcher at dadalhin na sana ng mga nurse sa loob ng bigla nitong hinawakan ang aking kamay.
"Dam...", biglang anas nito.
Nakapikit pa rin siya, he again utters that name, na pagmamay-ari ng kung sinong di ko kilala. Ako na mismo ang kusang bumitaw rito saka lang ito nadala ng mga nurses sa loob.