[KATHLEEN'S POV]
Bakit wala akong mahanap na magandang susuotin para sa date namin ni Fredison. 'Yon kasi ang prize ko para sa kanya nang maka-three point shoot siya kanina. I need my twinsis help.
Tinawagan ko si Kateleen.
("Hello twinsis. Ba't napatawag ka?") tanong ni Kateleen mula sa kabilang linya.
"Eh kasi twinsis. Kailangan ko ng tulong mo. Pwede ka bang pumunta sa kwarto ko?" ani ko sa kanya.
("Ah pasensiya na twinsis. Nandito ako ngayon sa bar. Lasing kasi si James eh. Kailangan ko siyang ihatid sa boarding house nila.") sabi sa 'kin ni Kateleen.
"Gano'n ba?" malungkot kong tugon.
("Pasensiya na tala... You b***h! Stay away from my cutiepie!") - Kateleen
Nailayo ko bigla ang phone ko nang sumigaw siya. Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?
Nang mag-end ang call ay naghanap ulit ako ng susuotin. My gosh! Halos lahat ng dress ko ay masyado nang common at out of style.
I need to think a bright idea.
Think.
Think.
Think.
*ting*
I got it.
I have a backup dress in my closet in case of emergency.
Pumunta ako sa closet ko para kunin ang emergency dress ko. Good thing that I always have a backup.
Pagkabihis ko ay pinuntahan ko agad si Fredison na naghihintay sa sala.
Pagkarating ko sa sala ay nakita kong napatayo bigla si Fredison nang makita niya ako. Gosh! He's so handsome tonight.
"My love. You're not just pretty but gorgeous. You're stunning tonight." sabi ni Fredison na nagpakilig sa akin.
Enebe Fredesen! Weg keng genyen dehel beke metenew eke.
"Thanks." pabebe kong sabi.
"Shall we?" he said and he offer his arm to me.
Hinawakan ko naman siya sa braso at lumabas na kami ng bahay para mag-date.
Dinala ako ni Fredison sa isang fancy restaurant. Maganda ang restaurant dahil maliban sa ganda ng paligid na mala-garden ay pumukaw sa akin ang mga batang tumutugtog ng violin. Pumalakpak pa nga ako ng matapos sila. Hinangaan ko ang synchronization nila sa pagtugtog.
Then, tumugtug ulit sila ng panibagong kanta.
"What do you want to eat my love?" narinig kong tanong ni Fredison.
"You." wala sa sarili kong sagot dahil nakatuon ang atensyon ko sa mga bata.
"Do you want to eat me?" - Fredison
Natauhan naman ako sa sinabi niya.
"I mean you. What do you want to eat? 'Yon na lang din ang kakainin ko."
Buti na lang at nakaisip ako ng palusot.
"Are you sure?" tanong ni Fredison.
I just nodded.
Habang hinihintay namin ang order ay tumunog naman ang cellphone ni Fredison. I think he receives a message.
Tinignan naman ni Fredison ang phone niya. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang nasa screen ng phone, pero habang tumatagal ay dumidilim ang kanyang awra.
"Damn it!" bigla na lang siya nagmura. Ako nga rin nabigla eh. Pati tuloy yung ibang kumakain ay napatingin sa kanya.
Ano kaya ang nakita niya sa cellphone at biglang dumilim ang awra niya?
"A-ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Napatingin naman sa akin si Fredison at parang nawala ang madilim niyang awra nang makita niya ako. "I'm fine my love. Don't mind me." sabi niya sa 'kin.
Nang dumating na ang order namin ay kumain na kaming dalawa. I don't know pero parang tumahimik bigla si Fredison habang kumakain kami. He's not like that sa tuwing kumakain kami. I have a feeling that he's not okay after niyang makita ang nasa phone niya.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng restaurant. I feel that this is the most awkward date that we had. Kung ano man ang nasa isip ngayon ni Fredison ay sana okay lang siya.
Pagkahatid niya sa akin ay hindi man lang siya nag-goodnight sa 'kin. Nalungkot tuloy ako. But I need to understand him. Maybe he has a problem at their home.
Pagkapasok ko sa mansyon ay sinalubong agad ako ng isang hindi pamilyar na lalaki.
"Hello po Miss Kathleen. Ako nga po pala si David. Bagong hire na driver." pagpapakilala ng lalaki.
"Hi." bati ko rin sa kanya. Parang ang bata naman niya masyado para maging driver siya.
"Kahit masyado po akong bata Miss Kathleen ay safe naman po akong mag-drive kaya wala po kayo dapat ipag-alala." sabi niya sa 'kin.
Teka, nababasa ba niya ang nasa isip ko? Ang weird niya ha.
"Okay, pagbutihin mo ang trabaho mo." sabi ko sa kanya at nilampasan ko na siya. Sigurado ba ang parents ko na marunong 'yon mag-drive?
Pagpasok ko sa kwarto ay tumunog naman ang phone ko. May nag-text.
Tinignan ko ang screen ang cellphone ko.
***
From: My Love
Kahit anong mangyari ay mahal kita. I'm just doing this for your own safety.
***
Ha? Hindi ko ma-gets ang message niya.
I replied him pero hindi na siya nag-message pa. Ang weird ng kinikilos niya ngayon.
Haaay! I need to sleep na dahil may pasok pa ako. Bukas ko na lang siya kakausapin.
Zzzzzz...
- NEXT DAY -
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.
Bumangon ako sa kama at ginawa ko ang morning routines ko.
"Good morning Miss Kathleen. Hatid ko na po kayo sa school niyo." nakangiting sabi sa 'kin ng bago naming driver. Hindi ko na matandaan ang pangalan niya.
"David po ang pangalan ko." sabi niya na ikinataas ng kilay ko.
"Nababasa mo ba ang nasa isip ko?" mataray kong tanong sa kanya.
"Hindi po pero nababasa ko po ang facial expression niyo." sagot niya at abot tenga pa ang ngiti niya. Mukha siyang timang.
"Tara na po?" sabi niya.
"Teka, hihintayin pa natin ang kakambal ko." sabi ko sa kanya.
"Umalis na po siya Miss Kathleen kasama ang boyfriend niya. Akala ko nga po ikaw siya. Hindi ko alam na may kakambal po pala kayo." sabi niya sa 'kin.
"Whatever. Wag mo na akong ihatid pa dahil magpapahatid na lang ako sa BOYFRIEND ko." Inempasized ko pa talaga ang salitang 'boyfriend'.
Tinawagan ko si Fredison.
("The number you have dialled is unattended or out of coverage area.")
Nakapatay yung phone niya.
"Tara na po Miss Kathleen. Malelate na po kayo." sabi niya.
Wala na akong choice pa kundi magpahatid sa lalaking 'to.
"Teka lang, marunong ka ba talagang magmaneho?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman po. Ito yung driver's license ko." sagot niya sabay pakita niya sa akin ang kanyang driver's license.
"Okay. Mukhang marunong ka nga." sabi ko sa kanya.
Pagkaandar niya sa kotse ay halos mapahawak ako sa upuan dahil sa bilis ng pagmamaneho niya.
"Ano ba! Wag mo masyadong bilisan dahil baka mabangga tayo!" naiinis kong sabi sa kanya.
"Wag po kayong mag-alala dahil hindi lang po ako marunong magmaneho kundi magaling din po akong mangarera." tugon niya.
Pagkapara ng kotse sa parking area ng DGUP ay halos masuka na ako dahil sa hilo.
"Ayos lang po ba kayo?" tanong niya sa 'kin.
"Sa tingin mo." sarcastic kong sagot.
"Sorry po Miss Kathleen." sabi niya at nag-peace sign pa siya.
"Umalis ka na nga." sabi ko sa kanya.
Pagkarating ko sa DGUP ay pumunta agad ako sa room ng first subject ko ngayon. Baka nandoon na si Fredison.
Pagkarating ko sa room ay hinanap ko agad si Fredison.
Pero wala pa siya rito. Mag-classmate kaming dalawa sa ilang subjects.
Nasaan na kaya siya? Malapit nang magsimula ang first subject namin.
***
[FREDISON'S SIDE]
(Entry No. 4)
Nilooban ang bahay namin. Sobrang iyak ang Mama ko dahil do'n. Maraming pera at gamit ang nawala o ninakaw. Pero ang mas ikinagalit ko ay ang nasaksak ang Papa ko. Nasa hospital siya ngayon at nagpapagaling.
Biglang dumilim ang awra ko. Magbabayad ang sinumang gumawa nito sa Papa ko.
- Fredison
***
(Entry No. 5)
Nalaman ko mula sa CCTV na ang mga grupo ng mga estudyanteng sumugod sa amin noon na may hawak na baseball bat ang nanloob sa bahay namin at sumaksak sa Papa ko. Pinuntahan ko ang mga kaibigan ko at pumayag na akong tulungan sila para makaganti sa mga estudyanteng 'yon.
Humanda silang lahat sa akin.
- Fredison
***
(Entry No. 6)
Ang una kong ginawa ay bumuo kami ng isang grupo na ang pangalan ay Black Infinity. Ako ang naka-isip ng pangalang 'yon. Ako rin ang naging leader ng grupong binuo namin. Gumawa rin kami ng code names para itago ang totoo naming pagkatao. Tinago rin namin ang mga mukha namin sa likod ng isang maskara.
Ngayon ay handa na ako sa panibago kong buhay.
Ako na ngayon si Si. Founder at leader ng Black Infinity.
- Si