[KATHLEEN'S POV]
Nang dumating na ang Professor ay wala pa rin si Fredison. Tinawagan ko na rin siya pero hindi talaga siya sumasagot.
May problema ba siya ngayon? May kinalaman ba ang nakita niya sa phone o sa pag-text niya sa akin kagabi? Naguguluhan ako.
"Miss Keet, are you okay?"
Bumalik naman ako sa huwisyo nang magtanong sa akin ang Professor.
"Yes, I'm fine Sir." sagot ko.
"Mukhang absent yata si Mr. Mirko. Alam mo ba kung nasaan siya ngayon Miss Keet?" tanong sa 'kin ng Professor.
"N-nasa taping po siya ngayon." pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko.
"I see." tugon ng Professor at bumalik ang tingin niya sa mga kaklase ko.
"Asan ka na ba Fredison?" bulong ko sa sarili ko. Sana ay nasa maayos siyang kalagayan ngayon.
"By the way class, we have three new students to join in our class. Please come in." - Professor
May pumasok namang tatlong hindi pamilyar na estudyante sa room namin. Dalawang lalaki at isang babae. Infairness, mga good-looking sila. Pati nga yung dalawang babaeng nasa harapan ay mukhang naglalaway na sa dalawang lalaking estudyante.
"Please introduce yourselves in front of our class." sabi ng Professor sa tatlong bagong estudyante.
Una munang nagpakilala ay ang babaeng estudyante.
"Hi everyone, I'm Chloe Shay Gonzaga. You can call me Shay. I hope maging friends ko kayo." pagpapakilala niya.
Sunod namang nagpakilala ay ang lalaking estudyante na parang Chinese ba 'yan o Thai? Hindi ko alam. Pero parang may royal look siya ha.
"Good morning everyone, I'm Tao Wang. I'm Half-Chinese and Half-Thai. Gusto ko kayong maging kaibigan." pagpapakilala niya at nag-bow pa siya. Half-Chinese at Half-Thai pala siya. Pero yung pag-bow niya ay pang-korean eh.
At ang huling nagpakilala ay ang lalaking estudyante na parang may lahing pinagsamang Chinese at Korean.
"I'm Lachlan Chen. That's all." walang emosyong pagpapakilala niya. Halatang masungit eh.
After nilang magpakilala ay nagkaroon ng Q and A para sa kanila.
"Hi Shay. Can I have your number?" tanong ng classmate kong si Dwayne kay Shay.
"Woah!" biglang reaction ng mga kaibigan ni Dwayne. Pasalamat sila dahil lumabas muna sandali ang Professor namin. Yung president ng class namin ang in-charge ngayon sa Q and A.
"Sorry but I don't have a number." - Shay
Natawa naman ako sa sinagot niya. Syempre sa isip ko lang 'yon. Mukhang sign of rejection ang sinabi ni Shay kay Dwayne.
"Wala ka pala brad." sabi ni Jun kay Dwayne.
"Akala ba namin lapitin ka sa chicks." sabi naman ni Drake.
Napakamot lang si Dwayne. Halatang napahiya siya.
"Sino pa ang gustong magtanong." tanong ng President namin.
"Me Miss President." masiglang sabi ni Kyla habang nakataas ang isang kamay niya.
"Yes Kyla." - Class President
"This question is for Tao. Are you single? If yes, can I be your girlfriend?" - Kyla
Ba't may halong landi ang tanong niya?
"Yes, I'm single. But sorry, I'm already in love with someone else." sagot ni Tao.
Yung reaksyon ni Kyla. Halatang nabasted talaga siya ni Tao. Ang harot kasi eh. 'Yan tuloy ang napala niya.
"Another one who can ask a question?" tanong ng Class President.
Pero wala nang nagtaas pa ng kamay.
"Ikaw na lang Kathleen. You can ask Lachlan a question." sabi sa 'kin ng Class President.
"A-ako?" tanong ko.
"Hindi, ako ang magtatanong. Syempre ikaw kaya tumayo ka na diyan." - Class President
Sampalin ko kaya siya. Pinipilosopo pa talaga niya ako.
Tumayo naman ako at tinignan ko si Lachlan. Nagulat pa nga ako dahil nakatingin din siya sa akin.
"Hello." medyo nahihiya kong panimula. Wala akong maisip na tanong sa kanya. "Ito ang tanong ko."
Ano kaya ang pwede kong itanong?
"Itanong mo sa kanya kung anong type niyang babae." bulong sa 'kin ni Klarissa na nakaupo sa harapan ko.
"Magtanong ka na Kathleen. Tumatakbo yung oras." sabi sa 'kin ng Class President.
Nagmamadali-nagmamadali? At kailan pa tumakbo yung oras? May paa ba siya?
Waley.
"Sige na nga. Anong type mo sa isang babae according to her?" tanong ko sabay turo kay Klarisse. Nagulat pa talaga siya eh nang tinuro ko siya. Eh siya ang naka-isip niyan eh.
"Nothing." sagot ni Lachlan.
Wow! Ang ganda ng sagot niya ha. Life changing. Halatang wala siyang pakialam.
Pagkatapos ng Q and A ay saktong bumalik naman ang Professor at nagsimula na ang klase. Nga pala, katabi ko yung tatlong bagong estudyante. Katabi ko yung girl habang yung dalawa naman ay nasa likod namin.
Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na sa amin ang Professor. Yung next subject ko ay dito pa rin yung room.
"Hi Miss." bati sa akin ni Shay.
"Hello din sa 'yo." tugon ko sa kanya.
"Gusto ka sana naming maging kaibigan. Ako nga pala si Shay. At ito naman sina Tao at Lachan." pagpapakilala ni Shay.
"Hi. Lachlan." walang emosyong bati at pakilala ni Lachlan.
"Hello, I'm Tao." masiglang bati at pakilala naman ni Tao.
Mukha naman silang mababait kaya okay lang sa akin na maging friends ko sila.
"I'm Kathleen." pagpapakilala ko sa sarili ko.
"Nice to meet you." - Shay
"Nice to meet you rin." tugon ko kay Shay. "Kilala mo silang dalawa." sabay turo ko kina Lachlan at Tao.
"Yup, since high school pa lang kami ay kilala na namin ang isa't isa." sagot ni Shay.
Tumango naman ako. Akala ko kasi ngayon lang sila nagkita.
Matagal din kaming nag-chikahan at masasabi kong friendly sila kahit na si Lachlan. Kahit wala siyang emosyon ay nakikipag-usap pa rin siya sa akin.
I have a new friends now.
- LUNCH BREAK -
Sa cafeteria ay pinakilala ko sa mga kaibigan ko sina Shay, Lachlan at Tao.
"Hello sa inyo. Nice to meet you." bati ni Louise sa mga bago kong kaibigan. Si Louise ay isa rin sa minahal dati ni Fredison. Pero no hard feelings naman lalo na't may boyfriend na siya at ako na ang girlfriend ni Fredison.
"Nice to meet you rin sa inyo." sabi naman ni Shay sa mga kaibigan ko.
"Are you still single?" tanong ni James kay Shay. Dahil do'n ay hinampas siya ni Kateleen sa may balikat.
"Ouch cutiepie! Nagbibiro lang naman ako." sabi ni James kay Kateleen.
"Ikaw kasi. Umaandar na naman ang kalandian mo." inis na sabi ni Kateleen na ikinatawa namin. Poor James.
Habang kumakain kami ay masaya rin kaming nagkukwentuhan. Parang matagal na kaming magkakilala dahil komportable sa amin ang bago naming kaibigan. Sayang lang dahil wala rito si Fredison.
"By the way, bakit hindi pumasok si Fredison?" tanong ko sa kanila.
Napatigil naman sila sa pagkain. Pati nga rin sina Shay ay napatigil din. I don't know why. Hindi naman nila kilala si Fredison para mag-react ng ganyan.
Kami naman ni Kateleen ay nagtataka.
"Bakit parang ganyan ang mukha niyo?" tanong ni Kateleen sa kanila.
"A-ah wala. B-busy ngayon si Fredison." nauutal na sagot ni Louise. Halatang nagsisinungaling siya. Kilala ko si Louise kaya alam ko kung paano siya magsinungaling.
"I know you are lying. Please tell me kung nasaan siya ngayon. Simula kagabi ay parang nag-iba siya. I want to know how is he?" sabi ko sa kanila.
"Ah Kathleen. I have something to tell you about Fredison." sabi sa 'kin ni Billy.
"Please tell me." sabi ko sa kanya.
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.
"Fredison is missing." sabi ni Billy na ikinalaki ng mga mata ko.
"WHAT?" sabay naming sabi ni Kateleen.
***
[FREDISON'S SIDE]
(Entry No. 7)
Nag-ensayo kami sa una naming g**g fight. Sakto dahil ang kalaban namin ay ang mga estudyanteng 'yon. Naging pursigido ako sa ensayo dahil do'n.
Sisiguraduhin kong makakaganti ako sa ginawa nila sa Papa ko.
- Si
***
(Entry No. 8)
Nanalo kami sa g**g fight. Sobrang saya ko dahil nakamit ko ang hustisya para sa Papa ko. Maraming grupo ng mga gangster ang pumuri sa galing namin sa pakikipaglaban. Ganito pala ang pakiramdam kapag may pumupuri sa 'yo. Ang sarap sa pakiramdam.
Pero mas masaya ako dahil nakamit ko na rin sa wakas ang hustisya para kay Papa. Ito na ang huling araw ko bilang si Si.
- Si
***
(Entry No. 9)
Balik ulit sa normal ang buhay ko. Na-discharge na rin ang Papa ko sa hospital. Malaking pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan niya ng panibagong buhay ang Papa ko. Nang ma-discharge si Papa ay nagbakasyon kami kasama si Mama sa South Korea ng ilang araw.
Ilang araw naging tahimik ang buhay namin kaya nakampante ako.
- Fredison