Chapter 8

1157 Words
[KATHLEEN'S POV] "Bigla na lang siya nawala. Pati mga gamit niya sa kwarto niya ay wala na rin." 'Yan ang sabi ni Louise na paulit-ulit pumapasok sa isip ko. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mawala si Fredison. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa amin. "Ayos lang po ba kayo Miss Kathleen?" tanong sa 'kin ni David habang nagmamaneho. "Yeah, I'm fine. Don't mind me." sagot ko sa kanya. "Hindi naman po sa nanhihimasok ako sa buhay niyo Miss Kathleen. Pero kung kailangan niyo po ng karamay ay nandito lang po ako para sa inyo. Hindi lang po ako basta driver niyo pero pwede rin po ako maging kaibigan niyo." ani David. Ewan ko pero bigla ako na-touch sa sinabi niya. "Thanks David." tugon ko sa kanya. I didn't know na may ganito pala siyang side. Pagka-uwi ko ay sinalubong agad ako ni Kateleen ng yakap. Alam talaga niyang malungkot ako ngayon. "Ilang araw na rin siyang nawala. I know that he has a reason. You should understand him twinsis." sabi sa 'kin ni Kateleen. "I know but how?" tanong ko sa kanya. "Instead of being sad. You should pray for him na sana nasa maayos siyang kalagayan ngayon." sagot niya sa 'kin. I just nodded. "Para mawala 'yang lungkot mo. Mamaya ay pupunta tayo ngayon sa boarding house dahil birthday ngayon ni James." sabi sa 'kin ni Kateleen. Oo nga pala, kaarawan ngayon ni James. Buti na lang at pinaalala sa akin ni Kateleen. "Invited din ang news friends natin and it is an overnight party since weekend naman bukas at wala tayong pasok." dagdag pa ni Kateleen. Tumango lang ako. - 8:00 PM - Nagpahatid kami kay David papuntang boarding house nina Billy. "Sumama ka na lang sa amin David." sabi ni Kateleen sa kanya. "Huwag na po Miss Kate. Nakakahiya po." tugon ni David sa kanya. "Okay lang 'yan at saka huwag kang mahiya. Nandito naman kami ni twinsis." sabi ni Kateleen kay David. "Oo nga David. Mas matutuwa pa nga sila dahil sinama ka namin." pagsang-ayon ko sa sinabi ni Kateleen. Well hindi ako sigurado sa sinabi ko. "Kung iyon ang sabi niyo. Sige po." sabi niya. Pagkapasok namin sa boarding house ay binati agad namin ni James. "Happy Birthday James." bati ko sa kanya. "Buti naman at dumalo ka my future sister-in-law." sabi sa 'kin ni James. May pa-future sister-in-law pa talaga siyang nalalaman. "Happy birthday sa 'yo cutiepie." bati naman ni Kateleen sa kanyang boyfriend. "Thank you cutiepie." tugon ni James at hinawakan niya ang kamay ni Kateleen. Simple lang yung birthday party dahil kami lang ang magkakaibigan ang nag-ce-celebrate. Nga pala, ipapakilala ko sa kanila si David. "By the way guys, si David nga pala. New friend namin ni twinsis." pagpapakilala ko sa kanya sa mga kaibigan ko. Hindi ko siya pinakilala bilang driver namin since off-duty niya ngayon. Nakita kong nagulat sina Shay, Tao at Lachlan nang makita nila si David. Pati nga rin si David ay nagulat. "Magkakilala ba kayo?" tanong ni Louise sa kanila. "H-hindi, ngayon lang namin siya nakita." sagot ni Tao. "Ngayon ko lang sila nakita." sagot naman ni David. "Since nandito na ang lahat. Let's start the partyyyyyyyy." sabi ni James. Habang nagkakasiyahan sila ay hindi ko naman magawang mag-enjoy dahil iniisip ko pa rin siya. Akala ko nga ay magagawa kong maging masaya pero hindi pala. I miss him so much. "I know that you're thinking about him." Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Billy. "Yeah." tipid kong sagot. "C'mon Kathleen. Enjoy yourself." sabi sa 'kin ni Billy. "I tried but I can't. Siya lang parati ang nasa isip ko." tugon ko sa kanya. "Kung ayaw mo talaga ay pumunta ka na lang sa kwarto ni Fredison para matulog." sabi niya. "Kwarto ni Fredison?" tanong ko bigla. 'Yon kasi ang pumukaw sa isip ko. "Yup, alam mo naman kung nasaan 'yon diba?" tugon ni Billy. Tumango lang ako. Saglit muna akong nagpaalam sa kanila at sinabi kong magbabanyo muna ako. Pero ang sadya ko talaga ay pumunta ako sa kwarto niya. Baka may mahanap akong clue kung nasaan siya ngayon. Pagkarating ko sa kwarto ni Fredison ay nagsimula agad akong maghanap na pwedeng maging clue kung nasaan siya. Pero ilang minuto ang nakalipas ay wala akong mahanap. Kahit yung cabinet niya ay walang laman. Medyo napagod ako kaya umupo muna ako sa kama ni Fredison para magpahinga. Habang naka-upo ako sa kama ay may napansin akong isang bagay sa sahig. Medyo nakalabas ito ng konti mula sa ilalim ng kama. Nakalimutan kong i-check yung ilalim ng kama niya. Dahil sa curiosity ay kinuha ko ang bagay na iyo at tinignan kung ano ito. Isa ba 'tong libro? Binasa ko ang nasa cover. *** BLACK INFINITY *** Baka nga libro 'to. Bubuksan ko na sana ang libro nang may biglang kumatok. *tok tok tok* "Sino 'yan?" tanong ko. "Si Louise 'to Ate Kathleen." sagot ng kumatok sa pintuan. Si Louise pala. Mukhang napansin nilang wala ako sa banyo dahil natagalan ako. Sinabi siguro ni Billy na baka nasa kwarto ako ni Fredison. "I-bo-blow na ni James yung birthday candles niya. Baka gusto mong samahan mo muna kaming kantahan siya ng happy birthday." sabi sa 'kin ni Louise. "Okay, papunta na ako diyan." tugon ko sabay lagay ang libro sa ibabaw ng kama ni Fredison. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ni Fredison at pumunta sa sala. Pagkarating ko sa sala ay kinantahan na namin si James ng happy birthday. "HAPPY BIRTHDAY JAMES!" sigaw namin pagkatapos namin siyang kantahan. Humiling muna si James. "Sana ay tumagal pa lalo ang pagkakaibigan natin." Pagkatapos ay inihip na niya ang mga birthday candles na nakasindi sa ibabaw ng cake. "YEHEY!" masayang sabi namin. Kahit papaano ay sumasaya na rin ako. *** [FREDISON'S SIDE] (Entry No. 10) Akala ko ay balik na sa normal ang buhay namin. Ngunit nagkamali pala ako. May sumugod ulit sa amin na isang grupo ng mga estudyante. Nalaman din nila ang totoong identity namin. Doon ko napagtantong hindi na ako makakalabas pa sa mundo ng mga gangster. - Si *** (Entry No. 11) Buti na lang at hindi kumalat sa buong school ang totoong identity namin kaya nakampante ako. Pero hindi na naging normal ulit ang buhay namin dahil do'n. May mga nagbabanta sa buhay namin na papatayin daw nila ang mahal namin sa buhay kapag hindi kami bumalik bilang gangster. Wala kaming magawa no'n kundi bumalik kahit labag sa loob namin. Ang sabi sa akin ni Lachan, kapag pumasok ka sa mundo ng gangster ay mahihirapan ka nang lumabas sa mundong 'yon. - Si *** (Entry No. 12) Naghanda kami para sa pangalawang g**g fight. Ang nakalaban namin ay isang grupo ng mga babae. Noong una ay nag-aalinlangan kaming kalabanin sila dahil mga babae ito. Magaling din sila sa pakikipaglaban gaya namin. Ngunit wala kaming nagawa kundi kalabanin sila. Sa huli ay kami ang panalo. - Si
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD