Chapter 9

1500 Words
[KATHLEEN'S POV] Pagkatapos ng birthday party ni James ay pumunta na kami sa assigned bedroom namin. Mga 1AM na rin kami natapos. Ako lang ang mag-isa rito sa kwarto ni Fredison dahil doon sa kwarto ni James matutulog si Kateleen. Sana lang ay walang mangyari sa kanila. May pagkamanyak pa naman 'tong si James, at ito namang si Kateleen ay madaling bumigay kapag makakita lang ng abs. Naalala ko pa nga yung time kung paano niya pinagnasaan ang abs ni Billy noong makita niya itong topless sa isang magazine. Noon pa 'yon nung may feelings pa siya kay Billy. Sina Shay, Tao at Lachlan naman ay sa sala na natulog. Naging masaya ang birthday party ni James. Kahit paano ay hindi ko na masyadong naiisip pa si Fredison but I still love him. Pahiga na sana ako sa kama nang mapansin ko ang librong nahanap ko. Since hindi pa naman ako inaantok ay babasahin ko muna ang librong 'to. Ang weird nga ng title eh. Black Infinity. Siguro may meaning 'tong title na 'to. Pagkabukas ko sa libro ay binasa ko ang unang pahina. "Black Infinity is a group of gangster which won 143 total underground battles. They killed several number of peoples through their missions." Halos mapatakip ako sa nabasa ko. Grabe naman 'tong Black Infinity na 'to. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa. "One of the rumored victim of Black Infinity is Lisa Gonzales. A 15-year old girl. According to rumors, she died because she had been r***d by the leader of Black Infinity which is her ex-boyfriend. The code name of Black Infinity leader is Si." Teka, kwento ba 'tong binabasa ko? "Lisa broke up with him because she found out his boyfriend's hidden identity. But Si stop his girlfriend by r****g her and killed her after. Lisa's body is found dead in a river." Grabe, hindi ko kinaya ang mga nababasa ko sa librong 'to. "After the incident happened. The Black Infinity Leader decided to left in the group and disappeared. No one knows about his face and even his real name because he always wear mask during underground battle." Natapos ko pa lang ang first page ay hindi ko na agad kinaya ang mga nabasa ko. Introduction pa lang ay kaabang-abang na. Nang pumunta na ako sa second page ay halos napatigil ako sa nakita ko. Teka, bakit nandito ang mga mukha nina Shay, Lachlan, Tao at David? Mukhang bata pa sila rito. *** Members of Black Infinity: Code Name: Pink Real Name: Maria Kim (not confirmed yet) Age: unknown Role: Computer Hacker *** Si Shay 'to. Hindi ako nagkakamali. Hugis pa lang ng mukha niya ay siyang-siya na. *** Code Name: Prince Real Name: Tao Wang Age: unknown Role: Leader's Sidekick *** Obviously na si Tao 'to. *** Code Name: L Real Name: unknown (under investigation) Age: unknown Role: Leader *** Alam kong si Lachlan 'to kahit masyado siyang bata sa picture na 'to. Mahahalata mong hindi mo siya makikilala rito pero ako ay agad ko siyang nakilala. *** Code Name: Li Real Name: David (surname under investigation) Age: unknown Role: Spy *** Bakit nandito ang mga mukha nila? Until I realized na ang binabasa ko pala ay ang mga profile nila sa grupong Black Infinity. I can't believe na hindi nila sinabi ang tungkol dito. I feel betrayed. Akala ko ba mapagkakatiwalaan silang mga kaibigan. Pero hindi pala. They are gangsters. Paano kung patayin nila kami? At teka lang, paano nagkaroon si Fredison nito? Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa sa ilang page hanggang sa may pumukaw sa atensyon ko. *** Former Black Infinity members: Code Name: Si (The Black Sheep) Real Name: unknown (under investigation) Age: unknown Role: Leader/Founder of Black Infinity Organization *** Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang picture. Hindi ako pwede magkamali. Si Fredison 'to. Kahit naka-mask siya ay nakilala ko agad siya sa mga mata niya. Napaiyak ako sa mga nalaman ko. Hindi ako mapakaniwalang isa siyang gangster. And he is also a criminal. May ni-r**e siyang isang minor de edad na babae. Kailangan kong kausapin nang masinsinan sina Shay tungkol dito. I don't care if they are a gangster. I am mad at them right now because of this. How dare they to hide this from me? Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ngayong gabi dahil sa nalaman ko. - NEXT DAY - "Anong ibig sabihin nito?" tanong ko kina Shay, Lachlan, Tao at David. Nakita kong nanlaki ang mga mata nila. "Paano ka nagkaroon niyan?" tanong sa 'kin ni Tao. "Nahanap ko 'yan sa kwarto ni Fredison." sagot ko sa kanya. "Kathleen, let us explain." - Lachlan "What explanation do I need to hear? Na isa kayong gangster? Pumapatay kayo ng mga tao?" galit kong tanong sa kanila. "No. It's not like that." - Shay "Tell me, kinaibigan niyo lang ba ako dahil may masama kayong binabalak sa amin?" "Hindi naman sa gano'n Miss Kathleen." - David "Ano ba ang binabalak niyo ha?" naiiyak ko nang sabi. "Makinig ka muna sa amin Kathleen." - Lachlan "Bakit naman ako makikinig sa..." "Nasa panganib ang buhay mo ngayon Kathleen!" - Shay Natigilan naman ako sa sigaw ni Shay. "N-na-nanganganib ang buhay ko?" wala sa sarili kong tanong sa kanila. "Nasangkot si Si sa kasalanang hindi niya ginawa noong gangster pa siya. He has been accused na may ni-r**e daw siyang minor de edad na babae. At iyong babaeng 'yon ay may kuya siya na galit na galit sa pagkamatay niya. Gustong maghiganti ang kuya ng r**e victim at tinuro niyang si Si ang may gawa nito." pagpapaliwanag ni Shay. "Hindi pa alam ng Kuya ng r**e victim ang totoong identity noon ni Si kaya nahirapan siyang hanapin ito. Dahil sa nangyari ay umalis din si Si sa Black Infinity para magtago at gusto na niya ng normal na buhay. Kami lang ang nakakaalam sa totoo niyang pagkatao." paliwanag naman ni David. Ngayon ay mas nakikilala ko na sila. "Pero noong mga nakaraang linggo ay nalaman na ng kuya ng r**e victim ang totoong pagkatao ni Si. Nalaman naming may binabalak siyang masama lalo na sa 'yo kaya binalaan namin si Si." paliwanag ni Tao. 'Yon ba ang naging dahilan kaya nabalutan ng dark awra si Fredison noong araw ng date namin? "Humingi ng tulong sa amin si Si. Kaya kami nandito ngayon para protektahan ka. Pumasok bilang driver si Li at kami naman nina L at Prince ay pumasok kami sa DGUP bilang estudyante." - Shay "Pero bakit ako ang puntirya ng kuya ng biktima?" tanong ko sa kanila. "Dahil alam niyang girlfriend ka ni Si. Gagamitin ka niya para mapasuko siya." sagot ni Tao. Ako naman ay kinabahan na sa mga nalalaman ko. "Nasaan na si Fredison?" tanong ko. "Sa ngayon ay naghahanap siya ng ebidensiya na nagpapatunay na hindi siya ang gumahasa kay Lisa Gonzales." sagot ni Lachlan. *kriiiiinnnnngggggg!* May bigla namang tumunog. Yung phone ni Lachlan. "Si Si." sabi ni Lachlan nang makita niya ang caller ng phone niya. Nang marinig ko 'yon ay agad kong inagaw kay Lachlan ang phone at sinagot ko ito. ("Hello Lachlan. Gusto ko lang kamustahin ang girlfriend ko.") narinig kong sabi ni Fredison. "Si Kathleen 'to. Alam ko na ang lahat tungkol sa inyo." tugon ko sa tawag niya. Natahimik naman siya. Hanggang sa... *toot toot toot* ...namatay ang tawag. Napatingin naman ako kina Shay. "Papatawarin ko kayong apat. Pero sana ay wala na kayong lihim pang tinatago. Kung hindi, 'wag na kayong magpakita pa sa akin." sabi ko sa kanila. "Sorry talaga Kathleen. Promise, wala na kaming tinatagong lihim pa maliban sa mga crushes namin." sabi ni Shay. Mukhang sincere naman sila. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong sa 'min ni Kateleen. "Mamaya na namin ikukuwento sa inyo twinsis." sagot ko. Dapat din nilang malaman ang katotohanan. *** [FREDISON'S SIDE] (Entry No. 13) Sunod-sunod ang naging g**g fight namin at lahat ng 'yon ay panalo kami. Ni isa ay walang nakakatalo sa amin. Ngunit habang tumatagal kami sa mundo ng mga gangster ay mas lalong nanganganib ang buhay namin. Pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa bawat kilos namin. Hindi ko mapigilang kabahan sa mga susunod pa na mangyayari. - Si *** (Entry No. 14) Natalo kami ng isang grupo ng mga gangster. Dahil do'n ay bugbog sarado kami ng mga kaibigan ko. Ito ang unang pagkakataong natalo kami sa isang g**g fight. Ang sakit ng buong katawan ko. Ako yata ang may pinakamaraming natamong sugat sa grupo namin. Hindi na kami nagpagamot pa sa hospital dahil baka may makaalam sa nangyari sa amin lalo na ang mga magulang namin. Ayaw namin silang mag-alala kaya sinabi na lang namin na may project kami para sa school at ilang araw kaming mawawala. Buti na lang at nasa Korea ngayon ang parents ko kaya kampante akong safe sila. - Si *** (Entry No. 15) Mga tatlong linggo rin kaming nagpahinga sa mundo ng mga gangster. Sa pagbabalik namin ay sisiguraduhin naming mas malakas kami ngayon kaysa noon. - Si
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD