[KATHLEEN'S POV] Sinabi na nina Shay, Lachlan, David at Tao sa mga kaibigan ko ang kanilang tinatagong pagkatao at ni Fredison. "OMG! Mga gangster kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Louise habang nakatingin sa libro ng Black Infinity. "Oo, pero hindi naman kami masasamang gangster. Nangbubugbog lang kami ng mga masasamang tao at hindi kami pumapatay. 'Yang nakasulat sa libro na 'yan ay hindi lahat totoo. Napagbibintangan lang kami na pumapatay dahil sa mga kalaban naming gusto kaming sirain." paliwanag ni Lachan. "So ibig sabihin ay hindi si Fredison ang gumahasa sa 15-year old girl na 'yan?" tanong ni Kateleen. "Yes, napagbintangan lang siya." sagot ni Shay. "At kaya siya biglang nawala sa inyo dahil diyan. Naghahanap siya ng ebidensiya na nagpapatunay na hindi siya gumahasa sa b

