Chapter 3

805 Words
[KATHLEEN'S POV] "Galingan mo my love." sabi ko kay Fredison para bigyan siya ng lakas ng loob. Ngumiti naman siya bilang tugon. Nagsimula na ang second quarter ng game. Todo cheer naman kaming tatlo sa mga boyfriends namin. "Go cutiepie! Kapag maka-shoot ka ulit ng ball ay makaka-shoot ka sa akin mamayang gabi!" cheer ni Kateleen kay James. Teka ba't parang double meaning? "Go hubby ko! Go hubby ko! Go go go hubby ko!" cheer ni Louise kay Billy na may sayaw pang kasama. "Go my love! Lampasuhin mo sila!" cheer ko naman kay Fredison. *flashback* Second day ng camping day namin ay nakita ko si Fredison na nagsisibak ng kahoy. Pawisan na si Fredison at yung braso niya ang ginagamit niya para tanggalin ang pawis sa noo niya. Hindi ko mapigilang maawa sa sitwasyon ngayon ni Fredison, kaya kinuha ko ang towel ko sa bag at lumapit sa kanya. Tapos ay pinunasan ko siya sa noo. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko, pero napalitan agad ito ng ngiti nang makita niya ako. "Salamat." nakangiting sabi niya sa 'kin. "Wala 'yon. Nakita kasi kitang pawis na pawis. Kaya lumapit ako sa 'yo at pinunasan ko ang noo mo." nakangiting tugon ko kay Fredison. "Kung gano'n. Pwede mo rin bang punasan ng towel ang likod ko?" sabi ni Fredison sabay tanggal ng black sando na suot niya. *WOW!* Ulalaaaaaammm! Napakagat-labi ako. Ang hot niya. May anim siyang pandesal. Yummy! Hala Kathleen! Kailan ka ba nagsalita ng ganyan? Ang landi ko naman. Pinunasan ko ng towel ang likod niya. Gosh! Bakit parang pinagpapawisan din ako sa aking ginagawa. "Pati na rin ang katawan ko Kathleen." nakangising sabi ni Fredison. Nang-aakit ba siya? Kung OO, naaakit na niya ako. Okay Kathleen, hinga nang malalim. Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breathe out. Breathe in. Breathe out. Sinimulan ko nang punasan ang katawan niya gamit ang towel ko. Mula sa leeg niya. Papunta sa kanyang dibdib. Pababa sa anim niyang pumuputok na pandesal. Waaaaaaaa! Nakukuryente ako. Pababa pa. Charot lang! Wala nang ibababa pa. Mula leeg hanggang abs lang ni Fredison ang pinunas ko. Tapos pinunasan ko na ulit ang noo niya. Gosh! May pawis na rin ako. "May pawis ka na rin Kathleen." sabi ni Fredison sabay kuha sa akin ang towel. *shock* Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan ang leeg ko gamit ang towel na pinunas ko sa kanya. Waaaaa! Bakit mas lalong uminit? Tapos pinunasan niya rin ang noo ko at pati na ang mukha ko. Feel na feel ko ang pawis niya. Hihihi! Ang landi ko. "Ang sweet niyo namang dalawa." *shock* Nailayo bigla ni Fredison ang towel sa akin nang may nagsalita. "Kayo pala Louise. Mali ang iniisip niyong dalawa." sabi ni Fredison. "Masyado kang defensine Fredison. Sinabihan ko lang naman kayong sweet." tugon ni Louise kay Fredison. "Kayo na bang dalawa?" tanong sa 'min ni Billy na ikinagulat namin ni Fredison. "Hindi ah." sabay naming sagot ni Fredison. Totoo namang hindi kami ni Fredison. Pero nag-a-assume akong OO ang isasagot ni Fredison. Parang yung sinabi niya kahapon nang binastos ako ni Rhys. "Amin amin din kayo." sabi sa 'min ni Louise. "Wala talaga kaming relasyon Louise. Hindi pa ito ang tamang panahon para magmahal ako muli." sabi ni Fredison at bumalik na siya sa pagsisibak ng kahoy. "Sige, magluluto pa ako. Ikaw na muna ang bahala kay Ate Kathleen, hubby ko." sabi ni Louise kay Billy. "Sige wifey ko." tugon lang ni Billy kay Louise. Nang umalis na si Louise para magluto ay kaming dalawa ni Billy ang naiwan. "Wala ba talaga kayong relasyon ni Fredison?" may halong tuksong tanong sa 'kin ni Billy. "Oo." sagot ko sa kanya. "Pero gusto mo siya?" - Billy "Oo." *stops* Bakit 'yon ang nasagot ko? "I-I mean..." "Sinasabi ko nga ba't may gusto kay kay Fredison." sabi sa 'kin ni Billy na may ngiting asar. "Nadulas lang ako sa pagsasalita." depensa ko. "Weh." - Billy "Oo nga, gusto ko talaga si Fredison. Ay mali!" Ano ba 'yan. Strike two na ako. "Kahit i-deny mo pa 'yan Kathleen ay hindi pa rin ako maniniwala sa 'yo." - Billy "Edi wag kang maniwala." sabi ko na lang kay Billy. Pero waaaaaa! Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? I'm starting to like Fredison na ba? Oh yes! I mean oh no! [FREDISON'S POV] Habang nagsisibak ako ng kahoy ay hindi ko mapigilang mapasulyap sa kanya. Kausap niya ngayon si Billy. She's still gorgeous kahit wala siyang make up. Now I know kung bakit lagi siyang kinukuhang model. She can still manage to be beautiful kahit medyo may dumi na siya sa kanyang mukha. Ang swerte ng mapapangasawa niya. Kung ako lang 'yon ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Napailing ako sa aking mga naiisip at muli akong bumalik sa pagsisibak ng kahoy. *end of flashback*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD