Chapter 2

873 Words
[KATHLEEN'S POV] Natapos ang first quarter ng game at lamang ang kalaban ng one point. Ang score ay 22-23. Lumapit ako kay Fredison at pinahiran ko siya ng towel sa noo. Pati na rin ang likod at katawan niyang pawis na pawis. "Ang sweet talaga ng my love ko." sabi sa 'kin ni Fredison sabay kiss sa pisngi ko. Napangiti at kinilig naman ako sa sinabi niya. *flashback* Camping day namin ngayon dito sa school. Ang init-init nga eh dahil tanghaling tapat ngayon. "Twinsis, patulong naman ako sa pagsaing ng rice." sabi sa 'kin ni Kateleen habang inaayos niya ang mga kahoy sa lutuan na gawa sa bato. "Hindi ako marunong magsaing." tugon ko sa kanya. Hindi talaga ako marunong magsaing kahit sa rice cooker. Pinalaki kasi akong pinagsisilbihan ng mga kasambahay kaya medyo wala akong alam sa mga gawaing bahay. Pero tinutulungan naman ako ni Kateleen at ng tatlong hunks upang matutunan 'yon, at medyo natututo na ako ng konti. "Gano'n ba? Tulungan mo na lang akong magluto." ani Kateleen. "Hindi rin ako marunong magluto." tugon ko sa kanya. "Naku! Kawawa naman ang magiging future husband mo. Mukhang siya parati ang magluluto para sa 'yo." sabi sa 'kin ni Kateleen at umalis na siya. Napa-isip naman ako bigla sa sinabi niya. Tama siya, kawawa ang future husband ko kung hindi ako marunong magluto. Papasok na lang ako sa isang cooking lesson pag may time. Maybe sa summer. Mas madali akong matututong magluto kapag pumasok ako sa cooking lesson. "Hi Kathleen babes." Nagulat naman ako nang may biglang umakbay sa akin. My god! Kailan ba ako tatantanan 'tong m******s na 'to. "Bitawan mo nga ako." inis na sabi ko kay Rhys. Araw-araw na siyang nagpapapansin sa akin. As if namang gwapo siya. Mas gwapo pa kaya sa kanya si Fredison. He's really creepy. "Samahan mo naman ako sa banyo Kathleen babes." ani Rhys. Nagulat ako nang bigla niyang hinipo ang p***t ko. Parang biglang lumabas ang kaluluwa ko dahil do'n. "p*****t!" sigaw ko at saka ko siya binatukan nang sobrang lakas. Walang nakarinig sa akin dahil kaming dalawa lang ang nandito. "Ouch! Ang s*****a mo naman Kathleen babes." sabi sa 'kin ni Rhys. "Kathleen babes your face!" ani ko at tinalikuran ko na siya. Pero hinila niya ako pabalik. Nanlaki ang mga mata ko nang magkadikit na ang mga katawan namin. "Wag mo muna akong talikuran Kathleen babes." ani Rhys. "Don't touch me." pagpupumiglas ko sa kanya. "I'm horny Kathleen babes. Horny for you." sabay kagat labi niya. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. How dare him! Hinampas ko siya nang hinampas. "Bitawan mo nga ako m******s ka." inis na sabi ko sa kanya. Pero hindi niya ako sinunod kaya sinampal ko siya. Dahil do'n ay nabitawan niya ako. "Bastos!" sigaw ko sa kanya. Tatakbo na sana ako nang hinila na naman niya ako sa braso. "Ang kapal din ng mukha mong sampalin ako. Humanda ka sa akin ngayon." sabi sa 'kin ni Rhys na ikinatakot ko. "Parang awa mo na. Bitawan mo na ako." pagmamakaawa ko sa kanya. Nginisian niya lang ako at mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. Huhuhu! Help me lord. "Ang sabi niya, bitawan mo siya. Bobo ka ba para mahirapan kang intindihin 'yon?" Nanlaki ang mga mata ko dahil may nagsalita. Si Fredison. Nasa likod siya ni Rhys at masama ang tingin nito sa m******s na nakahawak sa braso ko. Ngayon ko lang siyang nakitang ganyan simula nang makilala ko siya. Si Fredison ba talaga 'to? Nakita ko naman ang takot sa mukha ni Rhys. Pero pinigilan niya ito at hindi siya nagpatinag kay Fredison. "Wag kang makialam dito. Porket artista ka ay hindi na kita papatulan. Kung ayaw mong masaktan ay wag ka nang makialam pa." matapang na sabi ni Rhys kay Fredison. "May pakialam ako..." ani Fredison. Walang kahirap-hirap niyang nahila ang kamay ni Rhys at saka niya ito pinilipit. "...dahil girlfriend ko 'yang binabastos mo." dagdag pa ni Fredison. "Aaahhhhh!" sigaw ni Rhys sa sakit. Napahiga naman sa lupa si Rhys at nakita kong nasasaktan talaga siya. Mas lalo pang lumapit si Fredison kay Rhys at inapakan niya ang isa pang kamay ng m******s na 'to. Nakita kong napangiwi si Rhys sa ginawa ni Fredison. Ako naman ay imbes na matakot ay kinilig ako sa ginawa ni Fredison. Ang heart ko. Kumakabog sa saya. Tapos sinabi pa niya kay Rhys na girlfriend niya ako. Nakakakilig! "Wala kang karapatang hawakan si Kathleen dahil pag-aari ko siya." sabi ni Fredison kay Rhys. Waaaaa! Pag-aari raw niya ako. Is this love? "Aaaahhhh!" daing ni Rhys sa sakit. Buti nga sa kanya. "Wag na wag mo nang lalapitan pa si Kathleen kung ayaw mong maputulan ng isang kamay. Naiintindihan mo?" banta ni Fredison sa kanya. Nakita kong takot na takot na talaga si Rhys at hindi na niya ito maitago. Mabilis siyang tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Fredison. Binitawan na ni Fredison si Rhys. Mabihis namang tumayo si Rhys at agad itong tumakbo papalayo sa amin. "Ayos ka lang ba Kathleen?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Fredison. "A-ayos lang ako F-fredison. S-salamat sa pagligtas sa akin." nauutal kong sagot sa kanya. Nakita ko namang ngumiti siya. Waaaaa! Baka matunaw ako niyan Fredison. *end of flashback*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD