[KATHLEEN'S POV]
"Go my love. Kaya mo 'yan." cheer ko kay Fredison.
Naglalaro kasi ang team ni Fredison ng basketball. Kasama rin ang mga kaibigan niya na sina Billy at James.
Ang kalaban nilang school ay ang Rodriguez University. Isa rin itong mayaman at sikat na eskwelahan.
By the way, I'm Kathleen Keet at dito na pala ako nag-aaral sa De Guzman University of the Philippines. Napag-desisyunan kong mag-aral ulit para makuha ko ang inaasam kong diploma. Nag-stop ako one year ago dahil sa modeling career ko. Pero na-realize kong napakahalaga talaga ng edukasyon sa ating buhay kaya bumalik ulit ako sa pag-aaral.
"Go my love." todo cheer pa rin ako sa boyfriend kong si Fredison. May pa-banner pa ako para sa kanya na ako lang ang gumawa with his topless picture. Hahaha!
"Go hubby ko." narinig kong cheer ni Louise kay Billy. Kumaway pa si Billy sa pinakamamahal niyang si Louise.
Binigyan naman ni Louise ng flying kiss si Billy, na sinalo naman ni Billy at inilagay niya ito sa puso niya. Ang sweet nila!
"Go cutiepie." narinig ko namang cheer ng kakambal kong si Kateleen kay James. Nagpakitang gilas si James kay Kateleen sa pag-shoot ng bola at boom! Bomba lang ang peg. Hahaha!
Three-point shoot si James.
Ang saya naming tatlo dahil meron na kaming sariling lovelife. Lahat kami ay inspired na inspired and in love na inlove.
Pero love story namin 'to ni Fredison kaya kami naman ang bida rito. Sa aming dalawa naka-focus ang kwento na 'to.
Dito nagsimula ang love story naming dalawa.
*flashback*
First day of school ko ngayon bilang second year college sa De Guzman University of the Philippines. Excited na nga akong makilala ang new classmates ko. I'm pretty sure mababait silang lahat. I hope so.
Pagpasok ko pa lang sa room ay nagulat ako dahil nagbabatuhan ang mga estudyante ng bolang papel. Natamaan nga ako sa ulo eh. Mali pala ako. Mga pasaway pala sila especially those girls na tinaasan agad ako ng kilay nang makita nila ako. Mean girls.
Pero buti na lang at dumating si Prof Nika para suwayin ang mga estudyante. I can feel that she's a nice person.
"Okay, since this is our first day ay magpapakilala muna kayo one by one. And I will give you a chance to ask one question para mas lalo niyo pang makilala ang isa't isa. Only one question. Understood?" sabi sa 'min ni Prof Nika.
"Yes Prof." tugon ng mga estudyante except me. I understand naman. Tamad lang ako tumugon ngayon.
Isa-isa kaming nagpakilala at tinanong hanggang sa ako na ang susunod.
"Good morning Ma'am. Good morning my dear classmates. I'm Kathleen Keet and I love modeling and dresses." pagpapakilala ko sa harap ng mga estudyante.
"Anyone will ask Kathleen?" tanong ni Prof Nika sa mga estudyante.
May nagtaas naman ng kamay. Isang lalaki.
"Yes Rhys. Stand up." sabi ni Prof Nika sabay turo sa lalaking medyo violet ang buhok. He looks like a gangster.
"Hi Kathleen." bati sa 'kin nung Rhys.
Kinawayan ko lang siya.
"Virgin ka pa ba?" tanong nung Rhys na ikinalaki ng mga mata ko.
What the hell!
"Woah!" everyone gasped at sinuway sila ni Prof Nika.
"Rhys! Hindi magandang tanong 'yan. You apologize to Kathleen." sabi ni Prof kay Rhys.
"But Prof." protesta nung Rhys.
"Apologize or automatic zero for our quiz today." banta ni Prof Nika.
Nag-sorry nga sa akin si Rhys. Pero hindi 'yon sincere at labas 'yon sa ilong niya.
"Mamaya ay maglilinis ka ng banyo Rhys." ani Prof Nika.
Nanlaki naman ang mga mata ni Rhys. "Ano? Prof naman!"
"Ano? Aangal ka?" hamon ni Prof Nika kay Rhys.
Palihim naman akong napatawa. Buti nga sa kanya.
***
Hindi masyadong naging maganda ang first day of school ko dahil sa mga bago kong classmates lalo na yung mga lalaking estudyante na nagpapa-cute sa akin kahit hindi naman sila cute at gwapo. Nakakairita sila.
Pero na-offend talaga ako sa nagtanong sa akin kung virgin pa ba ako. Huhuhu! Ang sakit no'n bilang babae.
Pero buti na lang at pinarusahan siya ni Prof Nika. Pinaglinis siya ng banyo. Bwahahahaha!
"Kumusta ang first day mo rito twinsis?" tanong sa 'kin ng kakambal kong si Kateleen.
"Okay naman. Marami akong nakilalang mga estudyante." pagsisinungaling ko. Ayoko kasing mag-alala sa akin si Kateleen kaya tinago ko na lang yung totoo.
"Tara, sabay tayong mag-lunch. Nando'n din sina James." sabi sa 'kin ni Kateleen.
Tumango naman ako at pumunta na kami sa cafeteria dito sa school.
"Ate Kathleen." tawag sa 'kin ni Louise.
"Louise." masayang sabi ko sabay yakap kay Louise.
"Na-miss ka namin." sabi sa 'kin ni Louise.
"Na-miss ko rin kayo. Nga pala, may pasalubong pala ako sa inyo." sabi ko sa kanila. Buti na lang at hindi ko nakalimutang dalhin 'yon.
Binigyan ko si James ng sombrero na may pirma ni Justin Bieber na ikinatuwa talaga niya. Idol na idol niya kasi si Justin Bieber.
Binigyan ko naman si Billy ng wallet na may mukha ni Louise. Sinadya ko talaga 'yan ipagawa para sa kanya.
Tuwang-tuwa naman si Billy sa gift ko sa kanya. May mukha ba naman ng pinakamamahal niya.
Sunod na binigyan ko ng gift ay si Louise. Binigyan ko siya ng mga Novels na gawa nina Dyosa at Elena Buenavista.
"Wow! Novels nina Dyosa at Elena. Salamat dito Ate Kathleen." masayang niyang tugon.
Nagustuhan ni Louise ang gift ko sa kanya dahil idol na idol daw niya ang dalawang author na 'yan.
(A/N: Balang araw magkaka-novel din ako katulad ni Elena. *cross fingers*)
Nabigyan ko na kahapon ng gift si Kateleen. Binigyan ko siya ng iba't-ibang brands ng imported na chocolates na ikinatuwa rin niya.
Last ay binigyan ko si Fredison ng mini popcorn machine. Plus recipe book kung paano gumawa ng iba't-ibang klase ng home made popcorn. Ito'y para hindi na siya mahirapang maghanap pa at bumili ng popcorn. Paborito niya kasi ang popcorn. Minsan nga dati ay na-ca-crave siya sa popcorn pero nahihirapan siyang makahanap kung saan niya ito mabibili.
Tuwang-tuwa naman si Fredison nang mabigyan ko siya ng popcorn machine.
"Salamat dito Kathleen." masaya niyang tugon.
*shock*
Nagulat naman ako dahil niyakap niya ako.
*heart beats*
Bakit ang lakas ng t***k ng puso ko nang niyakap niya ako? Baka nagulat lang ako dahil sa biglang pagyakap niya sa akin. Tama, tama. Gulat lang 'to.
"Ay sorry Kathleen. Pasensiya na. Na-excite kasi ako sa gift mo." sabi ni Fredison at humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. To be honest, ang sarap ng yakap niya. Ang warm. Parang nabitin tuloy ako.
Ay ano ba 'yang thoughts mo Kathleen. Erase, erase.
*end of flashback*
***