Nakanguso akong kumakain. Labag sa kalooban ko ang naging resulta ng argumento namin ni Andoy kanina lang. Pakiramdam ko kasi ay natalo ako at ako 'yong nainis. Imbes na sana ako 'yong may advantage rito ay ako pala 'yong makakaramdam ng ganito. Andoy really knows how to trigger me. Kahit naman wala pa itong ginagawa ay parang naiirita na ako. Makita ko lang pagmumukha niya ay para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ang yabang niya kasi na kung umasta ay parang ang gwapo-gwapo niya.
"Hmm, Eli? He's handsome though," sigaw ng isip ko.
"Hey, you shut up!" inis na tugon ko naman.
Para na akong baliw na nakikipagtalo sa utak ko. Napapikit ako. Baka kung magtagal ay baka ako 'yong mabaliw. Ngayon pa nga lang ay nakikipagtalo na ako sa sarili ko. Baka sa susunod ay magsalita na akong mag-isa. Iba 'yong kamandag ng Andoy na 'yon. Nakakabaliw! Not in a romantic way though. Nakakabaliw 'yong pagmumukha niya dahil sa tuwing nakikita ko siya ay na-babadtrip ako na hindi ko mawari.
"Badtrip…" Napabuntong-hininga ako habang kagat-kagat ko ang hotdog. Dahil sa bad mood ako ay apektado tuloy 'yong pagkain ko. Parang naging bitter 'yong lasa. "Sh*t!" Napamura pa ako nang wala sa oras dahil may biglang dumikit na malamig na bagay sa pisngi ko. Nang matingnan ko iyon ay isang malamig na mineral bottle pala.
Nang lumingon pa ako ay nakita ko si Andoy ang may hawak niyon at idinikit nga nito ang mineral bottle sa pisngi ko dahilan kung bakit nanlamig ako.
"Tubig mo," simpleng sabi ni Andoy. Tiningnan ko lang 'yong mineral bottle. Nagpabalik-balik 'yong tingin ko sa mineral tapos kay Andoy. "Ano? Kukunin mo ba o hindi?"
"Bakit ko naman kukunin 'yan aber? Malay ko ba baka nilagyan mo 'yan ng lason," nakataas-kilay kong saad.
Napailing si Andoy. Atsaka totoo naman 'di ba? Hindi naman ako tanga para basta-basta na lang tanggapin 'yong dala niya. Nakipagtitigan pa ang lalaki sa akin at dahil competitive akong tao ay hindi rin ako nagpatalo. We're just staring at each other. No one's backing down. At siyempre sisiguruhin ko na ako 'yong magwawagi sa staring contest namin.
"Kung ayaw mo, eh 'di huwag. Madali naman akong kausap," saad ni Andoy atsaka umalis. Bitbit nito ang mineral bottle sa kamay at nagpunta na ulit sa puwesto nito kanina. Mukhang babalik na ulit ang lalaki sa pagtatanim. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. Seeing the mineral bottle from his hands ay bigla na lamang akong natakam na makainom ng tubig. What the heck is wrong with me?
Hindi na muli kaming nag-usap pa ni Andoy. Nakatalikod na ulit ang lalaki sa akin habang ako ay nakatitig lamang sa mineral bottle na nasa may halamanan. Parang gusto kong inumin iyon pero nagpipigil lang ako. Paano naman 'yong pride ko 'di ba? I already said no to him atsaka nanindigan pa ako na baka may lason 'yon. I cannot afford to take my back what I said tapos hingin sa kan'ya 'yong tubig. For Christ's sake Elise! Tubig lang 'yan. You can get all the water you want! Hindi ka mauubusan!
I tried to cough but Andoy never bothered to check me. Hindi ito lumingon at dedma na ulit 'yong drama niya. Baka lang kasi kapag naubo ako ay i-offer nito ang mineral bottle sa akin. Pero mukhang back to bingi-bingihan na naman itong si Andoy kaya wala pa ring kwenta 'yong acting ko.
"Where's Andres nga pala?" tanong ko sa lalaki. Nagulat pa ako nang tumigil ang lalaki sa pagtatanim at lumingon ito sa akin na nakakunot ang noo. What? What did I do now?! Bakit hindi maipinta 'yang pagmumukha niya?!
"What?" tanong ko. Naka-krus ang dalawa kong kamay sa dibdib habang seryosong sinuklian din ang tingin nito. Bad vibes talaga lagi ang lalaking 'to. "Bawal na ba magtanong ngayon?" dagdag ko pa.
"Bakit mo kilala ang kapatid ko?" seryosong tanong naman nito. Bakit ba gan'yan siya makatingin sa akin? What did I do ba? I'm just asking lang naman ah?
"Like duh? Trabahador din namin siya dito," walang ganang sabi ko. Parang timang 'tong lalaking 'to.
"Huwag na huwag mo siyang idadamay. You know what, I don't know what this game you're talking about. Wala akong pakialam senyorita kung pag-tripan mo ako pero don't include my brother to your childish game," mariin nitong sabi. His eyes are telling me that he's not kidding right now. Sino bang may sabi na kasali 'yong kapatid niya? Pala-desisyon siya?
"Pala-desisyon ka?" Nakakairita talaga siya. Bakit ang assuming niya? I was just asking about Andres kasi naman hindi ko pa siya nakikita na nagagawi rito sa mansyon. Ano bang pumasok sa utak nito at naisip niya na isasali ko si Andres sa pang-babadtrip ko sa kan'ya? Ma-totouch na ba ako sa brotherly love na mayroon sila? Heh! Hindi niya ako matatakot diyan sa tingin niyang 'yan. You have no idea Andoy what I'm capable of. 'Yong Elise na nakikita mo ngayon is just a 25% of myself. My true self is beyond irritating and manipulating. Sanay akong mang-asar. Parang naging everyday routine ko na 'yan noon. Wala kasing araw na hindi kami nagtatalo ni daddy noon.
Naputol ang mainit naming pag-uusap ni Andoy nang lumabas si lola mula sa bahay at nakita niya kaming dalawa.
"Hija? Dito ka pala sa labas nag-breakfast?" tanong nito.
"Good morning ho senyora," bati ni Andoy. Naibaling ni lola ang paningin nito sa lalaki at agad ding sinuklian ng isang ngiti ang pagbati nito.
"Good morning din Andoy. May sasabihin nga pala ako sa'yo Andoy. Elise will start working in the office. Gusto ng apo kong matuto sa pamamalakad ng hacienda at nasabi ko na rin sa kan'ya na sa'yo ko siya i-a-assinged. Is that okay with you?" Hindi agad naka-imik si Andoy sa sinabi ni lola. Marahan naman akong napatawa dahil sa reaksyon nito. Siguro hindi niya inaasahan na makakaya kong sundan siya pati sa trabaho nito sa opisina. Epic 'yong pagkagulat ng mukha nito. Oh My God Andoy, ngayon pa lang ay pinapaligaya mo na ako. I feel like nakabawi ako kanina. So the score between us is 1-1 now.
"O-okay l-lang naman ho," sagot nito kay lola. Anong mukha 'yan? Hindi naman halata Andoy na napipilitan ka lang.
"Okay lang sa akin Andoy kung nagdadalawang isip ka na turuan ako. Mukhang ayaw mo ata eh," malungkot kong ani at sinabayan ko pa ng malungkot na mukha. Gusto kong tumawa nang malakas nang makita ko ang pagmumukha nito na parang natatae. Halos nakanganga na ang bunganga ni Andoy at nakaukit sa pagmumukha nito na parang hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ko sa harapan mismo ni lola.
"You know la, it's okay po kahit wala nang magturo sa akin. Maybe mag-se-self taught na lang ako," dagdag ko pa.
Mas lalong hindi naging komportable si Andoy sa sinabi ko at marahan itong napailing. Ngumiti ito atsaka nagsalita.
"Senyorita Elise is in the right hands po senyora," tugon nito. Nawala ang ngisi ko at parang may sumikdo na kaba sa dibdib ko nang makita ko ang agad na pagbabago ng reaksyon sa mukha ni Andoy. I saw this before. Nakita ko na ito noon at tandang-tanda ko pa how fast this man can shift his emotions. I can say na malilinlang ka talaga. Mabuti na lang talaga na na-expose ako sa mga kagaya niyang tao. I can see his true self even if he masked himself with a hundred masks.
"Well, that's good to hear! I just want the best for my granddaughter Andoy. Hindi ko naman siya pwede i-assigned kila Sonya at Maribel," masayang tugon ni lola. Maybe Sonya and Maribel are the secretary and the accountant of our hacienda.
"Oo naman po senyora. Walang problema sa akin." Andoy smiled. I looked at him again. He is not smiling pala! More like he's grinning. This man really is different. Ibang-iba sa tipikal na probinsyano. I usually describe them as pure and innocent pero seeing Andoy right now. I can say that my perception towards them is so poor. Not all of them are innocent and pure. May kagaya kay Andoy na hot… And… What the hell am I thinking?! Anong hot ba pinagsasabi ko!? Bangag pa ata ako. Baka epekto lang 'to nang maaga kong pagka-gising kanina.
Pagkatapos ipaalam ni Lola kay Andoy ang pag-te-train nito sa akin ay nagpaalam na ulit ito at pumasok sa loob bitbit ang pamaypay sa kamay. Mahapdi na kasi raw 'yong init ng araw kaya kaagad ding pumasok si lola sa loob. Naiwan na naman kami ni Andoy rito sa labas. Bago pa nga pumasok si lola ay sinabihan nito ang lalaki na handa na raw ang meryenda nito kaya kasalukuyang nagpapahinga na ngayon ang lalaki. Kinuha nito ang mineral bottle na kanina lang ay nasa halamanan at tinungga iyon. Watching him drinking ay parang may bumara sa lalamunan ko. Sa bawat paglagok nito ng tubig ay napapalunok ako sa sarili kong laway. Kitang-kita ko pa kung paano gumagalaw ang adams apple nito.
Agad akong nagbawi ng tingin mula sa pagkaka-titig ko sa kan'ya dahil bigla na lamang akong tiningnan ni Andoy. Patay-malisya na lamang akong tumitingin-tingin sa paligid. Nakakahiya naman kasi kapag nahuli niya akong nakatitig sa kan'ya. Baka isipin pa nito na nagnanakaw ako ng ng sulyap at baka may maidaragdag itong pang-asar sa akin.
"So sensei, anong ituturo mo sa akin?" tanong ko sa lalaki. I crossed my arms and waited for him to answer. Curious lang ako kung paano magturo ang isang Andoy.
"Hindi mo ako teacher," sagot ng lalaki.
"Ow? You can understand japanese word pala!" nagagalak kong wika.
Andoy rolled his eyes na parang punong-puno na siya sa lahat ng pang-aasar ko. Hindi pa nga ako nagsisimula eh. Kumbaga sa pelikula ay teaser pa lang itong pinapakita ko.
"Hindi naman kasi lahat ng nasa probinsya ay mga walang pinag-aralan senyorita. Nakakaawa pala kayong mga nasa siyudad. Laganap pa rin sa pag-iisip ninyo ang stereotyping," litanya ng lalaki. Ay pikon?! Pero he has a point. Not gonna lie about that. May tendency talaga na 'yan 'yong impression ng mga taga-city sa mga tao sa probinsya. Akala ng lahat na ang mga tao na naninirahan sa ganitong lugar is mga walang alam. Hindi naman sa wala talagang alam. 'Yong parang limited lang 'yong knowledge ba about things.
"Eh di ikaw na. Mr. Know it all!" sagot ko. Dahil sa break time naman ng lalaki ay pumasok na rin ako sa loob. Aba syempre! May break time rin ang pag-ma-maldita ko 'no. Nakakapagod din kaya mag-isip ng linya na ibabato sa lalaking 'yon. Iniwan ko na 'yong pinagkainan ko roon sa labas. May maglilinis naman doon kaya no need na para bitbitin ko pa 'yong plato ko.
Makapag-siyesta nga muna rito sa sala. Malaki rin naman kasi ang sofa at malambot din naman. Atsaka masyadong malaki 'yong mismong room ko. Nakakalungkot 'yong ambiance ro'n kaya rito muna ako. Hindi ko naman namalayan na masyado na pa lang nahihimbing ang tulog ko hanggang sa.
"Nasaan ako?"
I looked at my surroundings. Mga lumang bahay! May mga tao na nakasuot ng barong at saya. Naglipana rin ang tumatakbong kalesa. Is this a dream? Dahil kung panaginip ko man ito ay parang ang weird naman ata. Based on what I'm seeing right now. This place looks like one from those history books. From the building, to the way people dressed. Sa mga infrastructure ay talagang masasabi ko na this is from spanish era! Why the hell do I have this kind of dream? Napapadalas ata ang pagkakaroon ko ng ganitong panaginip. Parang may kung anong nakakapag-trigger sa akin na magkaroon ng ganitong klase ng panaginip. Maybe it's the house? From what I learned about our family's history ay talagang from Spanish era pa 'yong mansion na ito. Minana pa ito nang lolo ko sa ninuno namin.
"Ate Elisa!" I saw a boy running towards me. Kumakaway ang batang lalaki while he has this charming smile on his face.
"Who are you? Atsaka hindi ako si Elisa," sagot ko nang makalapit ang bata sa akin.
The boy just looked at me confusingly. He tilted his head a little and examined me for a minute.
"Nagbalik ka na ate… Nagbalik ka na nga talaga," the boy said. Magsasalita pa sana ako nang biglang…
"Hoy! Hoy! Gising! Binabangungot ka." Marahas akong napabangon mula sa pagkakahiga at parang takot na takot kong inilibot ang aking paningin sa paligid ko. Nakita ko sa harap ko si Andoy na nagtataka sa kinikilos ko.
"A dream?" naguguluhan kong tanong. Elisa… That name is very familiar. I heard that name before at bakit ba lagi ko naririnig ang pangalan na 'yan? My name is Elise. Not Elisa, is it possible na baka nagkamali lang sa pagbigkas? Argh! My brain… Parang sasabog na iyon. Bigla kasing sumakit ang ulo ko.
"Hey, one meter away please." Shinoo ko pa si Andoy na ang lapit-lapit na naman ng pagmumukha sa akin. Bakit ba kapag nananaginip ako ng ganito ay laging nandito itong si Andoy?!
"Pasalamat ka nga at ginising pa kita," he said. Ay wow? Gusto niya ba ng award for that?
"And then? You are our trabahador 'di ba? Dagdag mo na 'yan sa job description mo. Atsaka bakit ka ba nandirito ha? Shoo! Magtanim ka na ro'n," pantataboy ko.
"Senyorita, gabi na ho. Hindi naman ako OT ngayon." Nagulat pa ako sa sinabi nito. What the hell? Evening na?! Parang alas-diyes pa lang ng umaga ako nagsimulang natulog ako kanina ah. I've been what? 8 hours akong natulog dito sa sala?! Wala man lang gumising?
"Wala man lang gumising sa akin?!" patanong kong saad. Parang hindi ko nasulit 'yong pang-aasar kay Andoy. Paano ba naman kasi nakatulog pala ako! Gumising lang ako nang maaga para lang sa wala.
Nakaupo na si Andoy sa katapat na sofa kung saan ako nakatulog. Prente lang nakaupo ang lalaki habang pinagmamasdan ako habang nagsasalita.
"What?!" inis kong tanong rito. He kept staring for almost a minute now kaya naasiwa ako.
"Ang weird mo," he replied. "You have to be ready by five a.m. tomorrow dahil kung hindi ay iiwan kita." Iniwan ako ni Andoy sa sala. What does he mean by that? Kailangan kong gumising nang maaga tapos by 5 a.m. ay dapat ready na ako makaalis for work?! Fvck, is he serious right now?
"You're kidding right? That's too early!" Napahinto naman si Andoy na nasa b****a na ng pinto. Bahagya niya akong liningon atsaka ngumisi.
"You want to learn right? Ginusto mo 'to 'di ba? O baka gusto mo ng mag-back out? Pwede mo naman sabihin sa lola mo. Sabihin mong back-out ka na dahil laro-laro lang naman sa'yo ang lahat. Gusto mo ba iyon senyorita? Sa palagay ko lang ay masasaktan ang damdamin ni senyora kapag nalaman nito na ang apo niya ay naglalaro lang," mahabang sabi ni Andoy.
Parang natuklaw ako ng ahas dahil sa narinig ko mula sa kan'ya. Did he just use a reverse card on me? Dahil kung oo, I felt what he said. Argh! Parang nawalan ako ng boses at hindi nakasagot. Goodluck sa akin. 5 a.m. is too early pero dahil kagagawan ko naman ito ay wala akong magagawa kung hindi ang panindigan itong kagagahan ko.