HS10

1528 Words
Bago ako natulog ay sinigurado ko talaga na naka-set ang alarm ko para bukas. Sinet ko sa 3:00 a.m. 'yong oras dahil alam kong kakapusin ako sa oras kapag sinagad ko ng 4:00 a.m. lalo pa't tamad talaga akong gumising nang maaga. "Good night self," saad ko sa sarili at tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata. Hindi nagtagal at unti-unti na akong hinahatak ng antok. Ang huling nasa isip ko ay ang sukdulan na pagka-inis ko kay Andoy ngayong araw. Nakalamang man ang lalaki ngayon ay sisiguraduhin ko naman na ako ang makakalamang bukas. "Maligayang pagbabalik Senyorita Elisa!" bati ng mga nakahilerang mga tao sa akin. Ano na naman ba 'to? Isa na namang panaginip?! Nagsiyuko ang mga tao na siyang nadadaanan ko habang ako naman ay naglalakad sa gitna nila. Litong-litong sinuyod ko ang buong kabahayan na siyang pinasukan ko sapagkat pamilyar ang disenyo ng bahay na 'to sa akin. Mula sa mataas na kisame at sa mahaba nitong hagdan. Lahat ng nakikita ko ay parang katulad nang mansyon ng mga Montereal. Ang mansyon sa Bayan ng Ildefonso, mansyon ng pamilya namin. "Hija!" Biglang may yumakap sa aking isang may katandaang lalaki. Hinuha ko ay nasa edad singkwenta anyos na siya. May balbas at may salamin sa mata. Matangkad din at may maputing balat. Agad naman akong nangilap at bahagya pa'ng napa-atras. Sino ba siya? Bakit bigla-bigla niya lang akong yinayakap at bakit ganito na naman ang panaginip ko? "Fabian, mukhang hindi pa gumagaling ang anak natin," paiyak na saad ng isang ginang. Tinitigan ko ang babae at sinipat ko ang kabuuang anyo nito. Katulad nang karamihan ay naka-barong at saya ang mga kababaihan at puros mga pang-sinauna ang mga kagamitan na nakikita ko sa paligid. I can really say that this is not in the present time. Hindi ito ang henerasyon kung kailan ako isinilang pero bakit napapadalas ang pagkakaroon ko ng ganitong panaginip? "Elisa, Elisa, Elisa…" Biglang sumakit ang ulo ko at biglang naglaho lahat ng tao sa paligid. Parang may usok na siyang lumitaw kaya napabalikwas ako ng bangon. Tunog ng alarm clock na nanggagaling sa cellphone ko ang siyang nagpagising sa akin. Saktong alas-tres ng umaga ako nagising. Tagaktak ng pawis ang buo kong mukha habang parang nakipag-karera naman ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Napa-kadilim ng paligid kaya mas lalo akong nagambala. Sa nanginginig na kamay ay kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama. Inilawan ko ang buong paligid at napabuntong-hininga. Nagsimula ang lahat ng kababalaghang ito dahil sa matandang nakita ko noon. Siya ang unang taong tumawag sa akin ng Elisa at hanggang ngayon ay misteryoso pa rin sa akin ang biglaang pagkawala nito. Tandang-tanda ko pa na nag-uusap lang kami at magkaharap kaming dalawa. Nalingat lang ako saglit kaya nawala ang atensyon ko sa matanda pero pagtingin ko muli ay kahit anino nito ay hindi ko mahagilap. Baka totoo talaga 'yong hinala ko dati. Baka minamaligno na ako. Kailangan ko na ba'ng magpatawas para mawala itong mga bangungot na siyang laging gumugulo sa akin? Iwinaksi ko na lamang sa isip ko ang lahat at naglakad ako patungo sa bintana. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang napakagandang buwa--. "Aray!" Hindi ko natuloy ang pag-sesenti ko nang bigla na lamang may lumipad na maliit na matigas na bagay patungo sa akin at saktong tumama iyon sa noo ko. Nakapikit ako habang marahang hinihimas ang noo na siyang natamaan. Ano 'yon at saan nanggaling ang bagay na 'yon? Ang gusto ko lang naman sana ay ma-appreciate 'yong napakagandang buwan. Gusto ko munang lumanghap ng sariwang hangin pero iba naman pala ang nalanghap ko! Isang kamalasan ang siyang dumapo sa akin sa bungad ng araw ko. "Pst! Pst! Pst!" Nanlaki ang mata ko at biglang nanindig ang balahibo ko sa buong katawan. Pinisil-pisil ko pa ang pisngi ko para lang maka-sigurado ako na hindi ako nananaginip ngayon. Oo, gising na ako kaya hindi ito joke time! There's someone trying to get my attention. At sino naman aber? Medyo madilim pa sa labas kaya't natatakot ako. Hindi pa ako makagalaw at makaalis sa kinatatayuan ko para na akong napako. Gustuhin ko man ay parang nag-stop na sa paggalaw 'yong katawan ko dahil sa takot. Tandang-tanda ko pa lahat ng mga urban legends. Kapag ganito na nasa probinsya ka ay laganap ang mga tikbalang, kapre, aswang at tiyanak. Hindi rin nakatulong sa akin ang katotohanan na madaling araw pa lang at bilog na bilog rin ang buwan. Full moon is always associated with this creature. Sabi ng matatanda ay kapag kabilugan ng buwan ay nalabas 'yong mga ganitong creature to find some victims. Isang mahinang tawa naman ang siyang sumunod sa pandinig ko. What the heck?! Inaaswang ba talaga ako ngayon?! Naglakas-loob akong iyuko ang ulo ko nang matingnan ko kung may tao ba sa ibaba. Ang bintana ng kwarto ko kasi ay nasa harap ang halamanan ng buong buhay. Bale nasa ibaba lang 'yong garden at makikita mo talaga ang buong landscape ng garden kung yuyuko ka lang. Nang maiyuko ko ang ulo ko ay halos hindi na ako humihinga. May tao sa shed! Sa shed kung saan ako kumain kanina ng breakfast. May taong nakatayo roon at pakiramdam ko ay nakatingin ang taong 'yon sa akin. "No… Mama, I'm scared," paiyak kong wika. Nanginginig na ako at gusto ko na lamang kumaripas ng takbo pero bakit hindi ko magawang umalis dito sa bintana? Nawawalan na ako ng lakas at nanlalambot na rin ang tuhod ko. "Please po, can you disappear na po? I'm sorry po if you feel that somehow I disturb you. Fvck! How should I say this!" natataranta kong saad. Kinakausap ko 'yong anino at humihingi ng paumanhin. Baka kasi mapakiusapan ko pa siya na maglaho na lang. Nakalimutan ko kasing magsabi ng tabi-tabi po. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinalma ang sarili. I pray at pinaniwala ang sarili na mawawala na ang anino na 'yon. Sa muling pagdilat ko ay mas lalong lumakas ang tawa na siyang naririnig ko. "Takot ka pala sa aswang?" Isang boses ang siyang nagsalita at halos mawalan ako ng enerhiya nang marinig ko iyon. Nagsasalita na rin sila?! Level up na ba ang mga aswang ngayon?! "Please po ayaw ko na po," pagmamakaawa ko. "Promise po hindi ko na bubuksan ang bintana kapag gabi," umiiyak kong ani. "Hoy? Tama na nga 'yan. Maligo ka na nga at magkakape muna ako habang hinihintay kang matapos," sagot no'ng aswang. Huhu! Ito na nga ba'ng sinasabi ko eh. Pinapaligo na niya ako para malinis ako kapag kinain niya na ako. Demanding na rin sila ngayon. Kailangan munang malinis bago ka nila kainin. Atsaka ano raw? Magkakape?! Bakit parang iba naman ata ang trip nitong aswang na 'to? Nakapikit pa rin ang mata ko habang taimtim na nagdarasal hanggang sa hindi ko na nakayanan ang nerbiyos. Kahit nahihirapan ay lakas loob kong tiningnan ang anino na nasa shed at laking gulat ko sa aking nakita! I saw Andoy looking at me na parang na-weweirduhan sa ginagawa ko. Yes, that Andoy we all knew. May hawak na flashlight ang lalaki habang nakatutok iyon sa mukha niya. "Y-you?" nanghihina kong wika. "Fvck you! What do you think you're doing now?!" mahinang sigaw ko. Sakto lang na marinig ni Andoy iyon. Hindi naman malayo ang shed sa mismong bintana ko pero baka kasi magising si lola. Atsaka for sure, gising na rin mga kasambahay namin ngayon at baka magtaka pa sila kapag narinig nila ako ngayon. Madaling araw pa lang pero bad trip na ako. At isa lang naman ang source ng lahat ng ka-badtripan na nararamdaman ko. Isang tao lang naman ang puno't-dulo ng lahat ng inis ko ngayon sa katawan. Itong si Andoy ang may kasalanan ng lahat! "Ha? Anong ginawa ko?" nagtataka na tanong nito sa akin. Siya rin ba ang may kagagawan no'ng tumamang maliit na bagay sa noo ko? Eh kung sungalngalin ko kaya bunganga niya para hindi na siya makapag-salita pa? Sinasagad talaga ni Andoy 'yong natitira kong kapiranggot na pasensya ko sa kan'ya. "Humanda ka talaga sa akin!" Padabog akong umalis sa bintana at padabog ko ring sinirado iyon. Kaagad akong naligo at nagbihis. Isang simpleng loose tattered jeans lamang ang suot ko. May itim na crop top na spaghetti strap ang suot ko pang-itaas at pinatungan ko lang nang crop top din na polo long sleeves. Nagsuklay at nag-lip tint lang ako atsaka bumaba na. Hindi ko pipigilan ang sarili ko ngayon dahil kailangan kong masapak ang lalaking iyon. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya sa aking pananakot. He almost gave me a heart attack kaya siya naman ang kakaratehin ko. Nang makababa ay nakita ko pa ang lalaki na prente lamang nagkakape habang ako ay umuusok sa galit. Sing-init ng kape nito ang galit na siyang lumalabas ngayon sa katawan ko. Hindi ko ito palalampasin. Grabe, abnormal nga ata talaga ang isang 'to. Kahit na nasa harapan na niya ako ay parang bulag ito na hindi man lang napansin ang presensya ko. Hmmp! Enjoyin mo lang 'yang momeng mo ngayon dahil babawi ako mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD