"Anong trip mo?" nakakunot noong tanong ko kay Andoy. Nasa sala ang lalaki at prenteng nagkakape habang nasa harapan niya naman ako na nakatayo habang nakapamewang. Kanina ko pa siya nais kausapin. Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya rito sa bahay. Ang usapan namin ay alas-singko nang umaga kami aalis. Ano 'to? Alas-tres pa lang. Nasobrahan naman ata siya atsaka bakit sa dami-daming lugar na p'wede niya pagtambayan ay sa may kubo pa siya pumuwesto. Hindi niya alam kung ilang laway ang nalunok ko dahil sa takot. Kina-career niya masyado ang paninira sa araw ko.
Hindi ako pinapansin ni Andoy bagkus ay nakuha pa nitong magbasa ng dyaryo. Napapadyak ako ng paa. Ganitong-ganito ako kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko.
"Ano ba!" Hinablot ko ang dyaryo na hawak nito. Mabuti nga at nakapagpigil pa ako. Muntik ko na rin kasi itapon 'yong tasa niya. Kaya ayaw na ayaw kong magalit eh. Masyadong maikli ang pasensya ko at sa tuwing nauubos iyon ay kung minsan nakakapanakit ako ng tao.
Sa wakas ay nakuha ko na rin ang atensyon nito. Ayaw ko mang isipin pero nagmumukhang ako 'yong uhaw sa atensyon niya. Hindi ko kayang ipagsawalang bahala ang pang-iisnob niya sa akin. Imbes na dapat ang lalaking 'to ang siyang nagkukumahog gumawa ng paraan para mapansin ko ang presensya niya ay nagiging baliktad.
"Ow bakit?" walang ganang tanong nito sa akin. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang ginawang pagsuri nito sa kabuuan ko. Na-conscious tuloy ako. Bakit gan'yan siya makatingin? May mali ba sa suot ko?
"Bakit ba nasa labas ka ha? Akyat-bahay ka ba?" inis kong tanong sa lalaki. Hindi nito pinansin ang tanong ko. Kaya halos umusok na naman ang ilong ko.
"'Yong puso mo senyorita, hinay-hinay lang." Inaasar niya ba ako? Naku! Akmang babatukan ko siya nang tiningnan niya ako. Nabitin tuloy sa ire ang kamay ko na dapat ipangbabatok ko sa kan'ya. "Ang aga-aga at mananakit ka na naman," seryosong saad nito.
Kahit nangangalay ang mga paa ko dahil sa pagkakatayo ay hindi ako umupo. Pinanindigan ko ang katigasan ng ulo. Someone like me will never back down to someone like him. I don't want to swallow my pride again. I'm his boss at dapat alam niya kung saan siya dapat lumugar. Siya lang 'yong nakita kong tauhan na kung umasta ay daig pa ang boss, kung minsan nga ay naiisip ko palit na lang kaya kami ng posisyon. Nakakahiya naman sa kan'ya. Kung sagut-sagutin niya ako ay parang magka-level lang kami. Like duh?! Apo lang naman ako ng taong nagpapalamon sa buong pamilya niya. He should show kahit an ounce of respect to me.
"I just want to clear something here. I'm your BOSS, apo ako ng taong nagpapalamon sa'yo. Tauhan ka lang, amo mo ako. Can you see the difference? Pasalamat ka at may natitira pa akong pasensya sa katulad mo," diretsahang saad ko sa kan'ya. Andoy just looked at me with no emotions on his face. Naka-poker face ang lalaki kaya parang naisulto ako.
"Do you get it now? Ayaw ko sa paraan ng pagtrato mo sa akin. I don't want you to treat me like I'm on your level. Sino ka ba para umasta na parang nakakaangat ka kumpara sa akin? You are just our worker," pagmamaldita ko.
Mukhang natibag ko ata ang matigas na pride ng lalaki dahil nag-iba ang titig nito sa akin. Parang may halong galit na. Anong problema niya? Pinapaintindi ko lang ang agwat naming dalawa. There's nothing wrong with it. Tama naman ako, dapat tratuhin niya ako with respect. He should never treat me like parang barkada niya lang ako. Heck! Kahit barkada ay hindi siya papasa sa akin. He is so full with himself at masyadong mataas 'yong lipad niya. I should put him in his right place.
"Tapos ka na?" simpleng tanong nito sa akin. "Hihintayin na lang kita sa labas senyorita," dagdag pa nito. Iniwan ako ni Andoy sa sala. Kahit ang kape nito ay hindi na nito tinapos inumin. Nagtuloy-tuloy itong lumabas at mukhang sa kubo na naman 'yon tatambay. When he left ay roon pa lang ako nakaupo. I slowly sat at the couch habang hawak ang pumipintig kong sentido. Hinilot-hilot ko ang sentido ko. Grabe 'yong pagpipigil ko sa aking sarili kanina. Parang nagka-habit akong singhutin siya whenever he's close to me. I don't know why, I don't like him but something in my system like his smell. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Alam kong masyado akong naiirita sa kan'ya pero no'ng nakita ko ang blangkong pagmumukha nito habang nakikinig sa sinabi ko ay parang gusto ko na lang itikom ang bibig ko. Sumobra ba ako?
"No, you're not Eli. You're just voicing your rights as her boss," ani ng brain ko.
"Eli, I think you said too much. You hurt him. Poor him, nilait mo pa 'yong tao," saad naman ng konsensya ko.
Argh! Pati utak at konsensya ko ay nagkakagulo. But I'll stick to what I believe is right. I'm sorry conscience, but I think my brain is right this time. Setting boundaries is fine, and he should accept it because that's the reality for the both of us. Napasandal ako sa couch na siyang inuupuan ko. Grabe 'yong bungad ng araw ko. Stress na agad. Paano pa kaya kapag magkasama kami? He's the one who'll train me right? Magiging awkward siguro pero who cares. Siya rin naman nagsimula nito eh. Kung hindi sana siya naging antipatiko at mahangin ay hindi ako aabot sa punto na ipapamukha ko 'yong agwat ng estado namin.
"Eli?" Marahan akong napamulat ng mata at nakita ko sa harapan si Anya. May hawak itong feather dust sa isang kamay. Ang aga pa ah? Ganitong oras ba siya gumigising?
"Anya? It's too early pa. What are you doing here?" tanong ko.
"Ah, nakasanayan ko na kasi. I'm an early bird atsaka ganitong oras ako nagsisimulang maglinis kahit noong nasa hacienda pa ako noon," sagot ni Anya.
"Naglilinis ka sa hacienda niyo?" nagtataka na tanong ko sa babae. She's an heiress! Bakit naglilinis siya sa sarili niyang pamamahay? Parang lumungkot pa ang mukha nito nang marinig nito ang tanong ko. Parang may naalala si Anya na nagpalungkot sa kan'ya. May nasabi ba akong mali? Sensitive ba siya sa topic namin ngayon?
"Ah kasi, naranasan kong matulog sa kuwadra no'ng namatay ang lola ko," tugon naman nito. Hindi ako agad nakasagot. Nag-loading 'yong utak ko dahil sa sinabi nito.
"What's kuwadra ba?" Is it some kind of a room? What kind of room is kuwadra? Ang lalim naman ng tagalog nito. Hindi ko kayang ma-reach 'yon.
Napahagikhik pa si Anya at nagtaka pa ako kung bakit napatawa ito sa tanong. Kanina nga lang ay parang namatayan ang pagmumukha niya.
"Kulungan ng kabayo," sagot ni Anya sa tanong ko.
"You mean stable?! You slept in a freaking stable?! Why? Ano 'yon, trip mo lang?" Umupo naman si Anya sa tabi ko. Hindi ba ang dirty naman no'n? It's an animal thing and may poop sila right? Parang iisa lang 'yong tulugan at cr ng mga horse. And then, here's Anya who slept in there. Okay lang ba siya? For experience? Gusto niya ba maranasan maging kabayo?
"You're funny, but to answer your question, I never wanted to experience sleeping in a stable. But what can I do? 'Yong auntie ko na mismo 'yong nagpatapon sa akin do'n. She said that now that lola is gone, I should be out of the house and start working as a maid to them. Dahil nga raw I'm just an illegitimate child. Bunga ng kasalanan ni papa," mahinang wika ni Anya. I can hear her trembling voice. Naiisip ko lang 'yong pinagdaanan niya ay parang kinukurot ang puso ko. Naalala ko naman 'yong mga sinabi ko kay Andoy. Parang nasaktan ko talaga 'yong lalaki na 'yon. The way he looked at me kanina ay alam kong tumatak iyon sa kan'ya.
"I'm sorry to hear that. It must be traumatizing for you." Hays, now I feel bad about what I've said earlier. Parang napasobra ata ako. Hearing Anya's story made me to realize na parang nalait ko ata ng very hard si Andoy kanina.
Hindi ko namalayan ang oras at napasarap ang kwentuhan naming dalawa. Nang makita kong 5:00 a.m. na ay nagpaalam na ako kay Anya. Nakalimutan ko pang kumain dahil masyado akong invested sa mga kwento ni Anya sa akin. She told me how her life changed when her abuela died. Parang napaisip din ako sa sitwasyon ko. I only have my grandma and my best friend Rafa. Hindi ko kayang kahit isa sa kanila ay mawala pa sa akin. I already lost my mom ayaw kong maiwan na naman. Naglakad akong papunta sa maliit na kubo kung saan alam kong nasaan si Andoy ngayon. Nang makarating pa ako roon ay nagulat pa ako sa nadatnan ko. I saw Andoy peacefully sleeping. Naka-fetus position ito at parang nanginginig. He's trembling, nilalamig ba siya? Tinitigan ko ang lalaki. He looks innocent when he's asleep. Ang payapa ng mukha niya kapag tulog pero kapag gising ay nagiging hambog at antipatiko. Oo na, I'm guilty dahil sa nangyari sa amin kanina. Inaamin ko na parang kinurot ang puso ko pero slight lang naman.
"Hey," mahinang gising ko sa kan'ya. Hindi ko siya hinawakan at tanging boses ko lang ang ginamit ko sa paggising sa kan'ya. I'm not being maarte ha, hindi lang talaga kami close para maging touchy-touchy ako sa kan'ya.
Hindi naman naging matagal ang paggising sa kan'ya dahil isang tawag ko lang ay agad siyang bumangon sa pagkakahiga. Hindi tumingin si Andoy sa akin. Walang nagsalita sa aming dalawa. Nagpatiunang maglakad ang lalaki at nasa likod niya naman ako habang sinusundan siya. Naglalakad kami palabas at lumiko si Andoy papunta sa may likurang bahagi ng bahay. Kahit naguguluhan ako kung bakit kami nandito ay walang imik pa rin akong sumunod sa kan'ya. Nang marating namin ang pinakalikod ay nagulat akong malaman na may mga kabayo pala kami rito! Nasa mga kuwadra sila. There are four of them. May kulay white, black, brown at combi ng brown at black na mga kabayo.
"Why are we here?" tanong ko. Nakatingin lang ako kay Andoy habang nilalabas nito ang puting kabayo. Nakatalikod ang lalaki sa akin habang seryosong ginagawa ang trabaho nito. His aura change, nag-iba talaga simula no'ng kanina.
"Kabayo po gagamitin natin senyorita," magalang nitong sagot. Napangiwi pa ako. Hearing him now being respectful towards me is something that I don't know what to feel. Parang nailang ako na hindi ko maipaliwanag. Nasanay ako sa pagiging antipatiko niya sa akin.
"Errr, I'll ride that?" alanganing tanong ko. Tumango si Andoy habang ako naman ay mabilis na napailing. "No, I don't know how. Atsaka bakit ba kailangan pa natin sumakay niyan? Nasaan ba 'yong kalesa?"
"Nasira po ang kalesa at kasalukuyan pang inaayos," simpleng tugon naman ni Andoy.
Hindi ko alam kung paano mangabayo. Hindi pa nga ako nakakahawak ng kabayo eh! Takot ako at baka masipa nila ako o 'di kaya'y mahulog.
"Can we just walk instead?" I asked.
"Ikaw po ang bahala. May humigit kumulang limang kilometro pa ang layo mula sa mansyon kung nasaan ang opisina," Andoy said.
F-five kilometers?! Ang layo no'n. Agad akong napasuyod ng tingin sa napakalawak naming lupain. There are lots of trees and grass ang siyang madadaanan muna namin. Kapag may grass ay automatic na prone to ahas ang lugar. Nakatatak pa sa isip ko ang sinabi nito sa akin noon. Maraming ahas ang naririto dahil na nga sa nature ng lugar. Kahit nga sa patag may ahas pa, kaya 100% na mayroon talaga rito. Paano makakapunta 'yong dalawang tauhan pa namin? Mangangabayo rin sila?
"How about the two employees?"
"Bukas pa po pasok nila. Day off namin ngayon. Pinakiusapan lang ako ni Senyora na ipasyal ka ngayon para maging pamilyar ka sa palagi naming ginagawa," sagot ni Andoy. Kailan sila nag-usap ni lola? Parang wala naman akong narinig na napag-usapan nilang gan'yan kahapon. Nagka-usap ba sila no'ng nakatulog ako? Day off niya ngayon, he can refuse naman. Parang tour lang naman pala ang gagawin namin. He should rest. Parang natauhan naman ako sa pag-mo-monologue ko. Parang nagiging tunog concern pa ako, what's wrong with me? Atsaka, no need to feel bad. Ginusto niya namang turuan ako kahit rest day niya.
"I don't know how to ride," problemado kong sabi. Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig na lang sa kabayong nasa harapan ko.
"No need to worry about that. Nandito ako para turuan ka senyorita," Andoy said dahilan kaya napatingin ako sa lalaki. "Kung iyong mamarapatin lang naman," pahabol nitong saad habang nakatingin ng bahagya sa akin. My heart skips a beat when I hear his manly voice offering to teach me. Parang na-starstruck ako sa paraan ng pananalita nito. Ang amo ng boses af parang tunog na animo ay pinagsisilbihan ako.
"Teach me," pursigido na sagot ko. I wonder how my day will go. Knowing that kami lang pala dalawa ngayon ay parang natataranta ako and I don't know why. Bahala na nga.