HS12

2059 Words
I am just observing what he was doing. Bina-brush na kasi ni Andoy 'yong buhok ng kabayo habang ako naman ay tinitingnan lang 'yong ginagawa niya. Seeing how huge this horse is ay parang gusto ko na lang bumalik sa loob at 'wag na lang tumuloy. Wala na ba talagang ibang option diyan? Do I need to ride this horse talaga? "Tayo na ho." "Wait!" pigil ko kay Andoy. Andoy stopped walking. Hawak nito ang tali ng kabayo at bahagyang nilingon ako. "I couldn't ride that, I swear." Napabuntong-hininga si Andoy. He looks so tired. Parang bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Am I bothersome now? Atsaka, p'wede namang tumanggi siyang i-tour ako ngayon. Rest day niya pala. For sure naman ay maintindihan 'yon ni lola. "You should have said no," diretsong saad ko. "You look like napipilitan lang naman. I get it okay?" nakasimangot kong sabi. Nabalisa ako nang hindi sumasagot ang lalaki. Wala na itong ibang ginawa kung hindi ang tingnan ako sa mukha. How should we communicate then? Magtitinginan na lang ba kami rito? His eyes were like speaking to me. Kahit hindi siya nagsasalita ay parang naiintindihan mo naman siya sa pamamagitan ng mga tingin nito pero nga lang ay ayaw ko sa gan'yan. I want him to speak. May bibig siya 'di ba? "Hindi ako papasok bukas…" Wala siya bukas? Saan siya pupunta kung ganoon? Tomorrow is Monday. May gagawin ba siya? Hindi ko pinahalata na curious ako kung saan siya pupunta. But, pasimple akong naghihintay ng sasabihin nito. A minute has passed… Hanggang sa naging two minutes… Again as usual, wala akong nakuhang karugtong. "Tara na? Sumakay ka na lang sa likuran," saad ni Andoy at tumalikod na. Nakanganga akong naghintay sa wala. Hindi naman sa gusto kong malaman kung saan siya pupunta pero iba kasi nagagawa ng pagiging tsismosa ko. "Uhm, ano kasi…" Tumigil na naman sa paglalakad si Andoy at naguguluhang tiningnan ako. Nakakairita na ba ako? Naiirita na ba siya? Naghihintay lang ito ng sasabihin ko pero naduwag na naman ako. Imbes na magsalita pa ay kinagat ko na lamang ang aking dila. "Uhm, wala na pala. Nakalimutan ko na ang sasabihin ko," pagsisinungaling ko. I laughed nervously at tanging tango lang ang siyang nakuha ko mula sa kan'ya. Argh! Bakit ba ako na-fu-frustrate? Saan ba kasi siya pupunta? Is it really important na kailangan niya pang umabsent? "And, why do you care, Eli?" tanong ko sa sarili. Did he and lola already talk about it? At bakit ba parang nababahala ako na mag-aabsent siya. Come on Eli, it's his right atsaka wala ka ng pakialam do'n kung saan mang lupalop ng mundo siya pupunta bukas. What's wrong with me?! Unang sumakay sa kabayo si Andoy. Nasa unahan ang lalaki habang inaabot nito ang isang kamay sa akin. Nag-he-hesitate pa ako at first. Natatakot ako baka mahulog ako. This is my first time riding a horse. Wala akong alam kung paano at kung ano bang dapat kong gawin. Samahan mo pa ng biglang pagkawala ng mood ko. Hindi ko tuloy ma-enjoy itong tour na 'to. Parang sumama na lang bigla ang pakiramdam ko. May maliit na platform naman na kailangan kong tapakan upang makasakay sa likuran ng kabayo kaya hindi ko hinawakan ang kamay ng lalaki. "I can manage," I said in a serious tone. I don't need his hands and most importantly, I don't need him at all! Kung gusto niya umalis ay fine! Hindi 'yong parang labag sa kalooban nito ang samahan ako ngayon. Pinilit ko ba siya ha? Pinilit ko ba?! May importante siyang gagawin 'di ba? Hala! Eh di, lumayas na siya sa harap ko. "Ingat po senyorita," biglang wika ni Andoy nang makita nitong medyo nahihirapan ako. Nanginginig pa ako dahil hindi rin mapirmi ang kabayo at hanggang ngayon ay hindi ako makasampa sa likod nito. I don't wanna hear his voice right now. Genuine ba 'yang pag-aalala niya o pakitang tao na naman? Hindi ko na napigilan ang mapakunot-noo sa mga naiisip ko. My mind is in chaos right now and he's the sole reason for it. Dahil sa inis ko ay mas lalo kong inigihan ang pagsampa sa kabayo hanggang sa hindi nagtagal ay nagtagumpay na rin ako. A breath of success ang siyang pinakawalan ko. Parang nakahinga ako nang mapayapa knowing that I did it on my own without him helping me. "Hindi pa ba tayo aalis? Ano pa'ng hinihintay natin? Are we waiting for some sort of miracle here?" iritable kong tanong. "Hawak po," simpleng tugon nito. Nakatalikod si Andoy ngayon sa akin kaya ang likod lang nito ang siyang nakikita ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang ulit na akong umirap sa kawalan. Hindi ko alam kung saan nanggagaling itong pagka-iritable ko ngayon. "Hawak saan?" naguguluhan kong tanong. Saan niya ba ako pahahawakin? Sa buntot nitong kabayo? Gusto niya ba akong mabalian ng buto? Kung gagawin ko 'yon ay mahuhulog ako. Ganoon niya ba kaayaw sa presensya ko? "Don't tell me na pahahawakin mo ako sa buntot nitong kabayo na 'to. Gusto mo ba akong mabalian ng tadyang?!" patanong kong wika. Parang lumampas na sa red line ang pagiging maldita ko ngayon. Parang lahat na lang ata na makita kong gawin nitong si Andoy ngayon ay pinag-iinitan ko. Everything he does is so wrong in my eyes. Lahat na ata kinaiinisan ko sa lalaking 'to. Ultimo paghinga niya ay ayaw ko. Andoy sighed again kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. He keep sighing kanina pa na animo ay problemado siya! "Ano ba? Naiirita na ako sa lagi-lagi mong pagbuntong-hininga. Just tell me already na ayaw mong gawin ito. No one is forcing you," wika ko. "Hindi ako napipilitan senyorita. You might wanna consider holding tight to me. Patatakbuhin ko na itong kabayo. Ayaw mo naman sigurong mahulog 'di ba?" I can sense a sarcastic tone from him. Parang sinasabi nito na obvious naman na sa kan'ya dapat ako kumapit. Sa beywang niya ba o sa damit niya? Where the heck should I hold him?! "Where? Sa beywang mo? Heck no man, I don't wanna touch you," pagmamaldita ko. I don't like the way he talks to me right now. Basta lahat sa kan'ya ay ayaw ko. Hindi nagsalita si Andoy at agad pinatakbo ang kabayo. Nagulat ako at kamuntik na mawalan ng balanse. Agad akong napakapit sa beywang ng lalaki at huli na nang napansin kong nakahawak na pala ako kay Andoy. It looks like I'm hugging him from behind na agad namang kinataranta ko. Para kaming lovey-dovey na couple ngayon. Hindi ko naman mabitawan ang beywang nito dahil nga nahihilo na rin ako at hindi ko gamay ang pag-balance. Natatakot akong mahulog at mahuhulog talaga ako kapag nag-inarte pa ako. May narinig akong mahinang hagikhik. Did I just hear him chuckle? Nagsasaya siya ngayon na makita akong parang tuko na kumakapit sa kan'ya? "Are you happy? Anong ikinasasaya mo aber?" seryoso kong tanong sa lalaki. Mabuti na lamang at tumigil na ang panaka-nakang pag-hagikhik nito. Akala niya ba ay hindi ko mapapansin 'yon? Dahil parang in-absorb ko na ata lahat ng bad vibes ngayon ay ang ginawa ko ay inisip ko na lamang na hindi siya nag-eexist. I reminded myself to enjoy the surroundings at kalimutan na magkasama kami ngayon. Nakita ng mga mata ko kung gaano kalaki ang aming lupain. Sa ngayon ay mga puno ng niyog pa ang siyang nakikita ko. Sumagi sa isip ko ang planong pagpapahirap sa lalaki. Parang nawalan ako ng gana to make him suffer while I'm here. Simula no'ng prinangka ko siya about sa relasyon namin bilang mag-amo ay parang nawalan ako ng reason para ipagpatuloy lalo pa't mukhang natauhan na ang Andoy na ito. Sunod-sunuran na ang lalaki sa lahat ng iniutos ko. Parang nagtagumpay na rin ako 'di ba? Parang natapos na ang lahat kahit hindi pa ako nagsisimula. Should I stop pretending na curious ako sa hacienda namin? How about Lola's feelings? Para na ring binetray ko siya. She thought that I genuinely want to know how things run here. "Nandito na po tayo," Andoy said. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa tubuhan. Dahil sa lalim ng iniisip ko ay nakalimutan ko na talaga 'yong rason kung bakit kami nandito. Bumagal ang kilos ng kabayo hanggang sa parang kaswal na naglalakad na lang ito. Kaagad ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa beywang ni Andoy. Parang kumapit pa sa kamay ko ang matigas nitong abs. Oo, abs nga. May abs ang gago kahit hindi halata. Sinuyod ko lang ng tingin ang napakalawak na tubuhan namin. Sa dami ng dapat na gawin dito ay paano nilang nagagawang i-manage ito lahat knowing na tatlo lang sila sa opisina? May koprahan pa. Tumigil ang pagtakbo ng kabayo sa harap ng isang maliit na sementong bahay. Hindi naman siya maliit talaga. Mukhang ito na 'yong opisina. May nakalagay na parang naka-engrave sa may itaas na Hacienda Montereal. Ito na talaga 'yon. Unang bumaba ang lalaki. Mukhang alam naman nito na hindi ko tatanggapin ang tulong nito sa pagbaba ay kinuha na lang nito ang isang plastik na upuan na nasa gilid. "Hoy teka? Saan ka pupunta?" Agad akong nataranta nang umalis ito at iniwan akong nakasakay sa kabayo. Gago 'yon? Baka biglang tumakbo itong kabayo! Mukhang naisip din ata ni Andoy kung bakit ako nataranta dahil agad itong bumalik sa tabi ng kabayo at agad pinuwesto ang plastik na upuan sa harap ko para makababa na ako. Nang makababa ako ay agad kong pinanliitan ng mata ang lalaki. "Magsabi ka lang ha kung gusto mo talaga akong mapahamak," sabi ko sabay irap. Agad akong sumilong sa opisina. May maliit na parang balkonahe naman kaya diretso agad akong nagpunta habang si Andoy ay itinali muna 'yong kabayo sa may puno. Dahil ang aga pa naman naming nakarating ay marami pang fogs ang siyang makikita mo. Parang 5:30 kami nakaalis kanina. Sinipat ko ang suot na relo at 6:05 a.m. na pala. Nagliliwanag na ang buong paligid at unti-unti na rin nagpapakita si haring-araw. Binuksan ni Andoy ang pinto at pumasok kami sa loob. Nagsimula namang magsalita si Andoy upang turuan ako sa mga bagay-bagay na kailangan kong matutunan. May tatlong kwarto ang siyang makikita mo. May nakalagay na mga pangalan nila sa bawat pinto. Ang unang bubungaran mo sa loob ay ang malaking couch at malaking ceiling fan. May bulletin board din kung saan nakasulat lahat ng mga important dates and info's na kailangan sa hacienda. At siyempre hindi mawawala ang napakaraming paper works. Mga paper sheets about sa production, cost, at sahod ng mga tauhan namin. "Talaga bang kaya mong magtrabaho rito or you're just doing this para sa plano mo?" Hindi agad ako nakasagot. Aaminin kong wala naman talaga sa isip ko ang tumulong. I'm just doing this para pahirapan siya but hearing him asking these with a serious tone makes me feel that I'm not capable of doing something. Parang pinapahahiwatig nito na tigilan ko ang pagkukunwari dahil wala namang patutunguhan itong ginagawa namin. "Who gives you the authority to question my decision?" pabalik kong tanong. "Sinasahoran ka ba namin para mangialam?" sunod-sunod kong tanong. Nagtitigan kami at wala ni isa sa aming kumurap. I stare at him seriously with full authority. Bakit ba? Ayaw niya ba akong makasama dahil takot ba siya? Takot siyang i-handle ang isang tulad ko? I already crushed his pride at ang makita kong bumabalik na naman ang tapang niya ay bumabalik din 'yong gana ko para pahirapan siya. "Okay, fine." Nilapag niya sa lamesa ang napakaraming papeles. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan siya na may pagtataka sa mukha. "Aanhin ko 'yan?" "Gusto mo 'tong gawin 'di ba senyorita? Here's the paper sheets for next month's cost. Pag-aralan mo," walang ganang tugon nito. "And why do I have to study these papers?" Tinaasan ko siya ng kilay. I'm here for vacation tapos pag-aaralin niya ako ng ganito? "Paano ka matututo kung ito pa lang ay umaangal ka na? Huwag kang mag-alala, pagbalik natin ay ako na mismo ang makikiusap kay senyora. Hindi ako ang kailangan mo. If you really want to learn you need someone na may malawak na expertise sa ganito. Hindi ako ang kailangan mo senyorita," seryosong tugon ni Andoy atsaka iniwan ako at pumasok ang lalaki sa loob ng opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD