HS16

2056 Words
Halos isang oras na no'ng iniwan ako ni Andres at Anya. Hanggang ngayon ay nowhere to be found ang dalawa. Nahihiwagaan pa rin ako sa closeness no'ng dalawa. Hindi ko alam na magkalapit sila dahil hindi ko naman masyadong nakikitang pumupunta sa bahay si Andres, tanging ang kuya lang naman nito ang lagi-lagi kong nakikita. Mapa-bahay man o kahit na anong lugar rito sa Ildefonso ay bigla-bigla na lamang siyang sumusulpot. Kanina pa ako nakakaramdam ng pagka-ilang. Sino ba ang hindi? Kung ang tanging naririnig ko ngayon ay ang mahihinang tawa ni Katarina at ang malambing na pag-uusap nitong dalawa na nasa gilid ko. Ayaw kong magpaka-Marites pero kahit anong iwas kong huwag silang mapakinggan ay rinig na rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Wala akong kawala. Ang plano kong guluhin 'yong moment nila ay naunsyami dahil na rin sa akin. Ewan ko ba, parang nawalan ako ng ganang makita silang halos magdikit na lang ang kanilang mga nguso riyan sa tabi. Parang nakalimutan na nila na nag-eexist ako. Ayaw ko namang umalis dahil makukuha ko ang atensyon nila at baka tanungin pa nila ako kung saan ako pupunta atsaka baka isipin ni Andoy na naiinggit ako kaya aalis ako. Tsk, no way. Nandito na rin naman ako ay hindi ko rin hahayaan na isipin ng lalaking 'to na inggit ako at nagseselos sa ginagawa nila. Eww, ang pangit kaya nilang tingnan atsaka ang cheap. Really? Sa bahay lang sila nag-da-date? Wala bang pera si Andoy para roon? Kawawa ka naman Katarina. Mukhang bare minimum lang 'yong kayang ibigay ni Andoy sa iyo. "Alam mo ba talaga ang ginagawa mo?" Agad akong napalingon at halos mabitawan ko ang kutsilyong hawak ko nang makita ko ang malapit na pagmumukha ni Andoy sa gilid ko. Sa gilid din nito ay ang nakatinging si Katarina. Ha? Bakit nila ako tinitingnan ng gan'yan? Kanina lang ay naghaharutan lang sila tapos bakit napunta sa akin ang atensyon ngayon? "Ha? Bakit ba?" sagot ko kay Andoy. Nakakunot ang noo nito habang napabuntong-hininga. Tinitingnan nito ang ginagawa ko. Kanina kasi ay inutusan ako ni Katarina na siyang maghiwa ng mga rekado para sa ibang putaheng lulutuin nila. Ako naman si tanga ay sumunod na lamang kahit labag sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng bad vibes sa babaeng ito. Madali lang sa kan'yang utos-utosan ako kahit alam na nito na isa akong heridera at mayaman. Dapat ay mangingilag siyang kausapin ako at worst, utos-utusan. Halos pagmamay-ari na namin ang buong Ildefonso atsaka di hamak na mas mayaman ang pamilya ko. "Hala, hindi ka marunong maghiwa?" tanong ni Katarina sa akin. Napaatras naman ako. Masyado kasing malapit si Andoy sa akin. Naiilang ako na hindi ko maintindihan. Hindi naman ako dating ganito. Basta nag-iba na lamang 'yong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Am I disappointed? Bakit naman? Dahil sa nakita ko ba kung paano ngumiti si Andoy kay Katarina? Ngiti na hindi ko nakita kapag kasama ko siya? Paano ko makikita 'yong ngiti niya eh kung halos mawalan na ng kilay ang lalaking ito dahil sa lagi-laging pagdidikit niyon na akala mo ay lagi siyang may kaaway. And to answer Katarina's question, duh? It's so obvious na hindi ako marunong. We have lots of katulong sa bahay. Bakit ko naman pagpapa-pratiksan maghiwa ng mga sibuyas atsaka nitong bawang?! "Err, yeah, medyo hindi ko alam maghiwa eh. We do have lots of katulong and I never experienced na maghiwa," tugon ko. Hindi ko alam kung nagtutunog plastik ako ngayon. I was calming myself really hard bago sumagot. Naiirita kasi ako eh. Kinuha ni Andoy ang kutsilyo na nasa kamay ko at pumalit ito sa pwesto ko upang ipagpatuloy ang paghihiwa. Tiningnan ko naman 'yong mga gawa ko at napagtanto na wala sa hugis at hindi pantay 'yong pagkakahiwa ko. May mga square at mga iba't ibang shape 'yong nagawa ko. Napangiwi ako. Pati nga sarili ko ay hindi aprubado 'yong sariling gawa ko. "You know Ely, it's very important to learn these basic skills in cooking. Lalo pa sa ating mga babae. Well, I cannot blame you. Lumaki ka pala sa Maynila. But here in Ildefonso ay wala kang makikitang mga babae na hindi marunong sa pagluluto," Katarina said. Bakit parang na-offend ako? Iniisip niya ba na dahil sa mayaman ako ay inaasa ko na lahat sa katulong namin ang pagluluto? Kaya nga may katulong 'di ba? Bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko? What she said is like gender stereotyping. Hindi lahat ng babae ay dapat marunong nito o marunong no'n dahil lang sa required sa gender nila. No, it's not like that. May choice tayo sa ano mang gagawin o gugustuhin nating malaman. As an individual and not base by the gender. Ang society lang naman ang nagdidikta sa kung anong dapat mong gawin eh. Mga ganitong pag-iisip ay laganap sa Probinsya. Nakatali pa sila sa lumang tradisyon at napag-iiwanan na ng mundo. "I don't think so, is it like gender stereotyping? We can choose whatever we want to learn. Hindi base sa gender mo ang magdidikta ng dapat mong matutunan," direktang sagot ko. Napaubo pa si Katarina sa sagot ko. Maybe hindi niya inakalang sasagutin ko ng facts 'yong sinabi niya. Alam kong nakuha niya ang nais kong sabihin. Mukha naman siyang matalino atsaka nag-aaral siya sa Maynila. Kahit na ganito ako ay consistent honor student ako noon. Kaya kong makipagsabayan sa ano mang topic hindi lang halata dahil sa pagiging spoiled brat ko. Biglang iniba ni Katarina 'yong topic at napunta iyon sa pinsan nito na kasama niya raw galing sa Maynila. "Alam mo Ely, magkakasundo kayo no'n. Ewan ko ba kung nasaan na 'yon. Binilinan ko na 'yon na huwag magliwaliw dahil grounded pa naman 'yon," pagkukwento nito. Hindi ko alam kung bakit napunta ang usapan namin sa pinsan nito na grounded daw. Wala na ba siyang ma-i-rebutt sa sinabi ko? Hindi ako sumagot ako at pinanood ko na lang kung paano hinihiwa ni Andoy 'yong mga sangkap. Parang walang kahirap-hirap niya lang itong ginagawa habang ako ay halos magkasugat-sugat na habang ginagawa ko iyon. Nang matapos na ito sa ginagawa nito ay nagpaalam na lamang ako at bumalik sa sala. Wala rin naman pa akong ibang maitutulong sa kanilang dalawa. Patapos na silang magluto habang 'yong dalawa na kanina lang umalis ay hindi pa nakaka-balik. Masama ang loob na kinain ko 'yong bicol express na nasa lamesa. Halos maibuga ko pa iyon nang malasahan ko ang anghang sa kinain ko. "Pwe!" Panay ako sa pagpaypay sa sarili kong bunganga at nang sana ay aabutin ko na ang pitsel ng juice nang makainom ako ay may isang basong tubig ang siyang inilapag sa lamesa. Nakita ko si Andoy ang naglapag no'n na may seryosong pagmumukha. Kanina pa siya gan'yan. Hindi nagsasalita ang lalaki at tutok lang sa ginagawa. Napakagat ako sa sarili kong labi. Galit ba siya? Mukhang galit nga ata dahil sinira ko 'yong moment nila. Dapat masaya ako ngayon dahil nagtagumpay ako sa plano ko pero may parte sa puso ko ang malungkot. Iniwan ako ni Andoy at bumalik ulit siya sa kusina. Sinundan ko ng tingin ang bawat kilos ng lalaki at nahuli ko si Katarina na seryosong nakatingin sa gawi ko. Syempre nakita niya 'yong paghatid ng tubig ni Andoy sa akin. Nagseselos ba siya? Naputol lang ang tingin nito nang makarinig kami ng katok. "Is anybody here?" Malalakas na katok ang siyang narinig namin mula sa kahoy na pinto nitong bahay nila Andoy. Nagkatinginan kaming tatlo. More on, nakatingin ako kay Andoy na may pagtataka sa mukha. Imposibleng si Andres at Anya 'yan. Hindi naman kakatok 'yon si Andres sa sariling pamamahay nila. "Argh! Geeze, bakit ang tagal buksan?" dagdag na wika no'ng lalaki na nasa labas. "Ako na…" Tumango si Andoy atsaka hinayaan akong pagbuksan kung sino 'yong demanding na lalaki na kumakatok. Bakit hindi siya makapag-hintay?! "Yes--?" Naputol ang siyang dapat kong sasabihin at parang nalaglag ang panga ko sa sahig nang makita ko ang mukha ng taong nasa labas ng bahay nila Andoy. Ganoon rin ang lalaki na may halong pagtataka sa mukha. Gulat na gulat din ang ekspresyon nito nang makita ako. Anong ginagawa ni Fra--- "Francis!" tawag ni Katarina sa lalaki. Oo, si Francis na manliligaw ko at ang dahilan kung bakit kami naaksidente ni Rafa noon. Tandang-tanda ko pa kung paano nito ginitgit 'yong sasakyan ko dahilan kung bakit kami nadisgrasya ng kaibigan. Agad lumapit si Katarina sa pinto at hinila ito papasok sa bahay. Habang ako ay naiwan sa pinto na may halong kaba sa nangyayari. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Siya ba 'yong sinasabi ni Katarina na pinsan niya na grounded?! Siya ba 'yon? Dahil kung oo, ay masasabi kong ang liit ng mundo naming dalawa. "Ely! Halika." Napalingon ako at nakita kong nakangiting nakatingin na si Francis sa akin. Napakunot-noo ako. How can he smile at me like that knowing na kamuntik niya na kaming mapatay ni Rafa?! How can he show his face to me right now?! Agad kumuyom ang kamao ko. He's the reason kung bakit ipinatapon ako ni Dad dito at kung bakit galit ang magulang ni Rafa sa akin. Did he get away again this time? Natakasan niya na rin naman ba ang kasalanan niya dahil sa putchang pamilya niya?! Hindi ako kumibo at nanatili akong tahimik. Nakaupo na ako ngayon ulit sa sofa habang sa kanilang bahagi naman umupo si Francis. Nasa tapat ko lang siya na hindi na nawala ang ngiti nito sa labi. Naging blangko ang pagmumukha ko. Walang emosyon na siyang mababasa mo galing sa akin. Galit ako at nanggagalaiti ako. Kung sana ay legal ang pumatay ay baka nakapatay na ako at nauna ko si Francis. "Fran, si Ely, tagapagmana ng mga Montereal," pagpapakilala ni Katarina sa amin sa isa't-isa. Agad akong napalingon kay Andoy na nasa kusina. He looked so pissed at hindi ito nakatingin sa amin bagkus ay seryoso ito sa kan'yang ginagawa. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kakampi sa mga oras na ito. "I know her… My Dear Ely, kamusta ka na?" nakangiting bati ni Francis sa akin. Napaismid ako at tinaasan siya ng kilay. "Buhay ka pa pala? Hanggang dito ba naman ay makikita kita? Anong kamalasan ito?" prangkang wika ko. Pati si Katarina ay nagtaka sa biglaang pag-iba ng pag-uugali at pananalita ko. "Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Katarina sa amin. "Yes cous, siya 'yong lagi kong kinukwento sa'yo," ani pa ni Francis. "What?! The girl na binasted ko nang paulit-ulit?" pasigaw na tanong ni Katarina sa pinsan nito. Tumango lang si Francis. Parang kung mag-usap ang dalawang ito ay parang sila lang dalawa. Like haler? Nandito pa kami ni Andoy baka lang naman nakalimutan niyong dalawa. "Oh Eli, hindi ka pa rin nagbabago. I never knew na rito lang pala kita mahahanap. Maniningil sana ako," saad ni Francis. Maniningil? Ng ano? Sa pagkakatanda ko ay wala akong pagkakautang sa kan'ya. "The hell with that? Anong sinisingil mo? Halos buhay ko na ang naging kapalit ng kademonyohan mo," galit kong tugon. Bumagsik ang pagmumukha ko at nag-init lahat ng parte ng katawan ko. Gusto kong manakit at gusto ko siyang bugbogin. "Err, what's happening guys?" naguguluhang tanong ni Katarina. Siguro ay naramdaman din nito ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa kaya nagtataka ito sa nangyayari. "Remember our bet Ely?" tanong nito. "I won, and so, you are mine…" Magsasalita pa sana ako ngunit naunahan ako ng malakas na kalansing ng mga kaldero sa kusina. Naputol ang mainit naming pag-uusap at lahat kami ay napatingin kay Andoy na busy pa rin sa pagluluto. "Hindi mo ako pagmamay-ari. Mamamatay muna ako bago 'yon mangyari." Mabilis akong tumayo at hinagilap ang bag ko. Aalis na ako! Hindi ko na kayang magtagal pa rito na kasama si Francis. Nanginginig ako at gusto kong magwala. Napatingin ako sa kamay ko nang may biglang humila sa akin papalabas ng bahay. Narinig ko pa ang sigaw ni Katarina na tinatawag ang pangalan ni Andoy. "Andoy?" nalilitong tawag ko sa lalaki. Nakalabas na kami sa kahoy na tarangkahan nila at kasalukuyan niya akong inaalalayan para makasampa sa kalesa. "Uuwi na tayo senyorita," simpleng tugon nito sa akin at wala na akong nagawa kung hindi ang tumango sa sinabi nito kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD