"Ow, sweet naman," saad ko nang makita kong halos magkayakap na si Katarina at Andoy. Sa nakikita ko ngayon ay masasabi kong mukhang nasa kalagitnaan sila ng pag-ba-bake. Paano ko nasabi? Dahil duh?! Syempre haler? Obvious naman sa posisyon ng mga katawan nila ngayon. Dagdagan mo pa na may harinang nakalatag sa may lamesa. Nasa likurang bahagi ni Katarina si Andoy habang hawak nito ang mga kamay ni Katarina na animo ay iginigiya nito ang bawat galaw para masahin 'yon dough.
Tinitigan ko 'yong Katarina. I mean, nagtitigan kami. Maganda ang babae, ang graceful ng mukha nito. Siya 'yong tipo ng babae na ang hinhin sa school at mala-campus crush 'yong datingan. Simpleng kasuotan lamang ang suot nito pero angat naman ang ganda niya. Bahagya akong nakaramdam nang marahang pagsiko sa kanang bahagi ng aking tiyan. Nang lumingon ako ay nakita ko si Anya na nakataas ang kilay. Sa hindi kalayuan naman ay nasiplatan ko si Andres na kakamot-kamot ng ulo at hindi makatingin sa kuya nito. Ano ba ang kinakatakutan niya? Nandito naman ako.
"Uh, hi? Sorry for the intrusion," I said. Sinamahan ko ng ngiti at binalingan ko ng tingin si Andoy. Gusto ko pang matawa sa reaksyon ng lalaki. Nagkalayo na silang dalawa sa isa't isa dahil mukhang nagulat namin sila kaya hindi agad sila naka-react. Si Andoy ay nasa kanang bahagi na habang tinitingnan ako ng masama. 'Yong si Katarina naman ay nginitian niya lang ako. Hindi ko masabi kung plastik ba 'yon o sincere. Ang amo kasi ng mukha eh. Aakalain mong may halo na siya sa ulo. "Hi Andoy!" bati ko.
Agad namang nagsalita si Andres na parang natataranta pa sa nangyayari. "Kuya, kasi… Gusto mamasyal ni Senyorita Elise kaya nandito kami ngayon para alam mo na, mamasyal?" Hindi ko na halos maintindihan ang pinagsasabi nitong si Andres. Mukhang natakot na ata sa kuya nitong inaanak ni Satanas.
"Hala? Bawal ba?" tanong ko. "Uuwi na lang kami mukhang off limits pala tayo rito. Halika na Andres, gusto ko pa naman sanang makisalamuha," pagpapaawa ko. Sinamahan ko pa iyon ng pag-nguso na para bang malungkot ako at down na down. Sinulyapan ko si Andoy at tinaasan lang ako nito ng kilay. Talagang hindi naman halata na gusto na nitong umalis ako. Pero sorry na lang sa kan'ya at mukhang magtatagal pa ako rito. Bigla kasing nagsalita si Katarina at pinigilan kami nito sa pag-alis.
"No, please. Join us, ang dami rin kasing pagkain atsaka nandito lang din naman kayo," nakangiting wika nito. I smirked, yes! Ano ka ngayon Andoy?! Ito ba ang dahilan kaya absent ka dahil nakikipag-landian ka pa rito sa secret lover mo ha. Ayaw talagang maniwala ng sistema ko na friends lang sila. Ayaw nitong tanggapin na totoong walang namamagitan sa kanila. Atska pagpapatunay na 'yong kakaibang closeness nila kanina no'ng nadatnan namin sila. May something eh, kahit itago pa nila.
Sabay kaming naglakad nila Anya at Andres. May nakita naman akong sofa. May kalumaan 'yong sofa nila pero for sure malinis naman ito. Iginiya ako ni Anya atsaka sabay kaming naupo habang si Andres ay dumiretso sa kusina nila. 'Yong bahay kasi nila ay kapag pumasok ka ay bubungad sa iyo 'yong sala tapos diretso kusina na. Wala pang nakaharang na pinto o kahit kurtina man lang kaya kitang-kita talaga sila kahit nasa sala ka pa. May kinuhang plato si Andres atsaka naglagay ng pandesal. Kumuha rin ito ng isang pitsel sa ref. Ang hinuha ko ay isa iyong juice. Hanggang ngayon ay wala pa ring imik si Andoy. Ang sama pa rin ng tingin nito sa akin. Sinuklian ko naman ng mga nakakalokong ngiti ang bawat masasamang tingin nito sa gawi ko. Kanina niya pa ako pinagmamasdan. Kailan niya ba ako titigilan? Baka makahalata 'yang kasama niya. Tsk, baka pagselosan pa ako.
Naputol ang tinginan namin nang lumapit si Andres dala ang mga kinuha nito sa kusina. Sumunod naman si Katarina na may dalang isang bowl ng bicol express. Naka-apron ng kulay pink ang babae atsaka naka-ponytail ang buhok nito. Ang neat niyang tingnan pero as usual maganda pa rin ako. Oo, ang ganda ko na kahit maganda si Katarina ay angat pa rin ako. Oh ano? Papalag ka? Sabay na inilatag ni Andres at Katarina ang kan'ya-kan'yang mga pagkaing dala nila.
"Here, si Andoy ang nagluto nito. I'm Katarina by the way," pagpapakilala ni Katarina sa aming dalawa ni Anya. Tumayo kaming dalawa atsaka nakipag-shake hands kay Katarina.
"I'm Elise," simpleng tugon ko sabay ngiti. Halos mapunit na ang labi ko sa kangingi-ngiti para magmukhang friendly lang.
"I'm Anya," Anya said. Umupo si Katarina sa may kabilang sofa. Nasa harapan na namin siya ngayon. Malapitan ko na siyang natitingnan kaya kitang-kita ko ang facial features nito. Sharp nose, foxy doe eyes, long eyelashes and thick brows. She has a v-shape face at nagmukha siyang si Mama Mary but the morena version. Hindi siya kaputian. Mas maputi kami ni Anya sa kan'ya pero kung i-rarank kaming tatlo ay walang tatalo sa kaputiang taglay nitong si Anya. Parang nilaklak na ata ni Anya lahat ng gluta sa mundo dahil sa balat nitong kasing-puti ng gatas. Para ngang foreigner si Anya eh. Para nga siyang spanish dahil na rin sa freckles nito sa may bandang ilong. May freckles din ako pero lagi kong tinatakpan ng foundation. Nagmumukha rin kasi akong foreigner dahil na rin sa bloodline namin. May lahi rin kasi kaming spanish kaya ganito rin ang features ko.
"You must be a Montereal, tama ba ako?" tanong ni Katarina sa akin. Tumango ako atsaka kumuha ng isang pandesal. Mukhang marunong mag-bake si Andoy dahil tinatapos nito ngayon ang iniwang trabaho ni Katarina. So, si Andoy rin ang may gawa nitong pandesal? Kaya nagka-interes tuloy akong tikman 'yon. Curious ako kung anong lasa ng gawa niya. From the garden to baking ay masasabi mong napaka-femine nito. Kung siguro ibang tao ang makakakilala kay Andoy ay baka pag-isipan nilang bakla siya. Not knowing na ang harsh niya talaga sa totoo lang. Hindi ko pa nakakalimutan kung paano nito tinampal ang pwet ko noon.
"Yes, anak ka ng Mayor right?" tanong ko pa.
"Ahh, oo," nahihiyang tugon nito. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa akin at sa katabi kong si Anya. "Magkapatid kayo?"
Halos mabilaukan si Anya nang marinig nito ang tanong ni Katarina. Agad umiling ang babae at si Anya na rin ang sumagot sa tanong nito.
"Hindi po, amo ko po si Senyorita Elise," magalang na wika ni Anya.
"Amo? You worked for them?" nagtatakang tanong ni Katarina kay Anya. Tinitigan pa nito ang kaibigan na parang hindi siya makapaniwala na nagtatrabaho ang babae. Well, I can't blame her. Same kami ng first impression, pati ako ay hindi talaga naniwala na kasambahay namin si Anya and I know she's something na ka-level ko which is true naman. Heridera kasi si bakla atsaka nagtatago lang siya ngayon. Walang dapat makaalam sa sekreto niya at baka mapahamak siya. Nasa pangangalaga namin siya at gagawin namin ang lahat para maging komportable siya.
"Opo," sagot ulit ni Anya. Naramdaman kong hindi na siya komportable sa mga tanong nito kaya pasimple kong hinawakan ang kamay nito. Hindi ko aakalaing hihilahin ni Andres si Anya kaya napatunganga ako.
"Saan kayo pupunta?" natataranta na tanong ko.
"Ipapasyal ko lang po si Anya, senyorita," tugon ni Andres na ikinataas ng kilay ko. Kailan pa? Kailan pa sila naging close ni Anya?!
Iniwan nila kaming tatlo rito. Hindi ko maiwasang hindi ma-akward lalo pa't kami na lang ang nandirito. Walanghiyang Andres na 'yon, isinama pa niya si Anya na ngayon kailangang-kailangan ko ang presensya nito. Anong gagawin ko ngayon? Nagmumukha akong third wheel nito!
"Hindi halata ha? Ang ganda ni Anya eh," biglang sabi ni Katarina.
"Half kasi siya, spanish 'yong tatay niya kaya ganoon," pagsisinungaling ko. Mabuti na ang magsinungaling sa katauhan ng kaibigan kaysa naman maraming ma-kuryoso sa pinagmulan at mahalungkat pa ang sekreto nito. Kaya naiintindihan ko na kung bakit ayaw nitong lumalabas sa mansyon. Agaw pansin naman kasi 'yong kagandahan ni Anya na hindi mo talaga aakalaing nagtatrabaho lang siya bilang kasambahay.
"Kaya pala," saad ni Katarina. "But you looked stunning as well, ang ganda-ganda mo rin. Well, Montereal ka eh, that explains why."
"Nakakahiya naman." Nahuli kong nakatitig si Andoy kay Katarina. Agad akong kinabahan. Kaba na may kasamang pagka-ilang sa sitwasyon namin. Sa kagustuhan kong sirain 'yong moment nila ay umabot ako sa punto na pati ako ay naiilang na sa pinaggagawa ko. "Pero thank you," dagdag na wika ko.
"Are you a relative? Kamag-anak ka ba ni senyora?" tanong ulit ni Katarina. Do I looked like a kamag-anak lang? Agad nag-init ang ulo. Hindi ko rin alam kung bakit pero nainis ako nang itanong niya 'yon. Not that I expect everyone will know about my existence. Bihira lang kasi akong mag-stay rito kaya I understand na maraming hindi nakakaalam sa existence ko. Ako lang naman ang tagapagmana ng lahat ng pag-aari ng mga Montereal. Ang nag-iisang apo, noon… Pero hindi na ngayon. Dad and Anisa have another child coming. Hindi na ako ang sole heiress, may kahati na ako.
"Apo siya ni senyora, Katarina. Ang heridera ng mga Montereal," biglang sabat ni Andoy. Nagulat pa ako nang siya na mismo ang sumagot sa ibinatong tanong ni Katarina sa akin. Natutop ni Katarina ang sariling bibig at nanlaki ang mata sa gulat.
"OMG! I'm so sorry, hindi ko alam," panghihingi pasensya nito. "Hindi ko alam na may apo pala si senyora," she said.
"No, it's okay. Hindi naman kasi ako laging nandito. Sa Maynila kasi ako nakatira at bihira lang magbakasyon sa probinsya," ani ko.
"Oh I see, you looked young also," puna nito. Bakit ba ang daming napupuna nitong si Katarina sa akin? Is she interested in me? Baka magsulat na lang ako ng slambook para hindi na siya mahirapan na magtanong pa sa akin.
Hindi natapos ang mga katanungan ni Katarina sa akin. She also invited me to bake kasama niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok sa kusina at tulungan sila ni Andoy. Andoy gave me an apron. Isusuot ko na sana iyon pero may dumi pala sa kamay ko. Nahawakan ko kasi 'yong dough na medyo basa pa kaya dumikit iyon sa kamay ko. Si Katarina naman ay agad naging busy sa ginagawa kaya hindi nito napapansin ang mga tinginan namin ni Andoy sa likuran niya.
"Ako na," simpleng saad ni Andoy. Hindi na ako nakaangal nang isinuot ni Andoy sa akin ang apron. Magkaharap kami at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Dahil ba sa palagay ko ay may ginagawa kaming masama ni Andoy behind Katarina's back? O sadyang madumi na ang isipan ko kung kaya't kung ano-ano na rin ang naiisip ko?
Mas lalong naglapit ang aming mga katawan nang tinali nito sa may beywang ko 'yong tali ng apron dahilan kung bakit nagmumukha kaming magkayakap ngayon. Ramdam ko ang t***k ng puso nito habang magkadikit ang aming mga katawan sa isa't isa. Ang bawat paghinga nito at ang hanging ibinubuga ni Andoy na siyang tumatama sa may leeg ko. Nakikiliti ako pero pinigilan kong makagawa ng ingay. Bakit ba ang tagal niyang matapos? Magtatali lang naman siya ah? Ganoon ba kahirap magtali?
"Andoy--" Agad kaming napalayo sa isa't-isa nang bigla na lamang humarap si Katarina sa aming dalawa. May hawak na kutsilyo ang babae habang nagtataka na pinagmamasdan ang aming mga gulat na ekspresyon sa mukha.
"Anong ginagawa ninyo?" tanong pa nito. Nagkatitigan kaming tatlo. Walang umimik sa amin. I was expecting Andoy to talk pero wala eh. Nakita niya ba 'yon? 'Yong halos magkayakap na kami ni Andoy? Wala namang malisya 'yon eh. He's just helping me to wear the apron. Galit ba siya?
"Hoy?! Kayo naman kanina ko pang nahahalata na hindi kayo nagsasalita?" tanong ni Katarina atsaka mahinhing na tumawa. "Is there something wrong?"
Hindi niya ba nakita 'yong kanina? Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Akala ko ay magagalit na siya sa amin. Alanganin akong ngumiti at hindi na sumagot pa bagkus itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga itinuturo ni Katarina. Tinuruan niya ako kung paano masahin ng tama 'yong dough at kung paano gumawa ng empanada. Nasa tabi lang nito si Andoy na nakaalalay lang lagi sa bawat kilos nito. Hindi ako bitter ah, but the way he assist her and the way he helped her ay masasabi kong there's something deep na nag-uugnay sa kanilang dalawa. One thing is for sure, what they have is something like me can't have.