Bumaba ako ng hagdan at dali-daling nagpunta sa sala kung saan ko nasiplatan si Andres na nagkakape. Tiningnan niya ako, tiningnan ko rin siya. Mukhang hindi pa ata nag-si-sink in sa utak ng lalaki na pareho kaming tumititig sa isa't-isa. Ako na may halong ngiti sa labi habang si Andres naman ay nakaukit na pagtataka sa mukha.
"S-senyorita E-elise," natataranta na ani ni Andres. Agad na napatayo ang lalaki mula sa pagkakaupo at agad yumuko. Muntik pa nito matabig ang tasa na nasa center table. Kahit saan ko talaga titigan ang isang 'to ay talagang magkamukha sila ni Andoy. Pero dahil sa mas matanda 'yong kuya niya kaysa sa kan'ya ay makikilala mo ang kung sino sa dalawa. Nasa ayos na hubog ang pangangatawan ni Andoy na animo ay laging tambay sa gym. Matangkad din ang lalaki at laging walang reaksyon ang pagmumukha. Habang itong si Andres ay madaling mataranta at mukhang mahiyain pa. Magkasalungat ang kanilang pag-uugali. But I like Andres more, not that I like him romantically though.
"Did I tell you already to drop the senyorita thing?" I said. Nagpunta ako sa katabing upuan nito. I sat next to him. Siguro ay nasa half a meter lang 'yong layo namin sa isa't-isa. While I'm sitting, Andres remained standing while nakatutok ang mga mata sa unahan. What's wrong with him? Ako 'yong kausap niya pero iba 'yong direksyon ng mga tingin nito.
"Hey?" tawag ko kay Andres.
"Bakit ho?" tugon nito. Napakunot ang noo ko sa kung bakit hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ang lalaki.
"You can sit na. Bakit nakatayo ka pa?" Nang sabihin ko iyon ay agad kumilos ang lalaki. Una nitong dinampot ang tasa at naglakad siya sa kabilang couch. Mukhang lilipat ata siya ng upuan. No! Kaya nga ako lumapit sa kan'ya dahil may itatanong ako. I can't ask him kung masyadong malayo 'yong pagitan naming dalawa. Someone might hear our conversation atsaka baka iba pa ang maisip nila.
"Stop!" pasigaw kong ani. Tumigil naman sa paghakbang si Andres at para lang kaming naglalaro ng stop dance nito. Bakit ba parang ang awkward kumilos nitong si Andres? Hindi gaya no'ng kuya niya na kung kumilos ay daig pa ang may-ari ng mundo. At bakit ko lagi silang ipinagkukumpara?! Ewan ko rin eh. Even the smallest details I can see in them ay parang naging habit ko nang i-compare silang dalawa. Maybe because I'm both interested in them? And again, not in a romantic way. I find them entertaining to ease some boredom while I'm here. "Sit beside me," diretso kong wika.
Napaubo nang malakas si Andres at halos hindi na kumilos ang lalaki nang marinig niya iyon. Naghintay akong kumilos siya pero nanatili pa ring nakatayo si Andres at mukhang na-estatwa na. Ang hina naman pumick-up ng isang 'to. "Buhay ka pa ba riyan?" tanong ko. "I said, sit beside me," dagdag ko pa. Malapit nang mapigtas 'yong pasensya ko. Nasagad na kaninang umaga 'yong extra na pasensya na baon ko. Masyadong sinagad ng kuya niya kaya less friendly ako ngayon. Pinagtatiyagaan ko lang itong si Andres dahil may gusto lang akong malaman.
"P-pero k-kasi po--"
Agad kong pinutol ang iba pang sasabihin ng lalaki. This is the right time para magtanong sa kan'ya. Walang tao rito sa loob maliban sa aming dalawa. Atsaka bonus na wala si lola ngayon. Kaya kailangan ko na siyang tanungin dahil hindi mapapanatag ang kalooban ko kapag pinag-pabukas ko pa ito. "No buts please, and oh to inform you, maikli lang ang pasensya ko kaya halika na," ani ko.
Walang nagawa si Andres kung hindi sundin ang utos ko. Para siyang tuta na nakatungo lamang. Nang makaupo ay parang nanigas na ito sa kinauupuan dahil hindi na kumilos ang lalaki. Parang pinipigilan nito na maglapit pa kaming dalawa dahil dumikit na si Andres sa pina-kasulok.
"Bakit ka ba lumalayo?" tanong ko. "Ang lawak ng space oh atsaka hindi ako nangangagat Andres. Are you really that scared of me? Friends na 'di ba tayo?"
"Pasensya na ho kayo ma'am, nakasanayan ko lang po kasi. Tanging magkasintahan lang ang p'wedeng magkalapit nang ganito. Ganito po kasi ang nakasanayan ko," pormal na sagot nito.
"Really? So kahit hawak ay bawal?" tanong ko ulit na ikinatango naman ni Andres.
This is what I meant when I said that this place is so old fashioned. Isipin mo kahit ang paghawak sa opposite gender ay big deal sa mga taga-rito. What does he mean by tanging magkasintahan lang ang p'wedeng maging close? Pati pag-upo nang malapitan sa isa't-isa ay talagang iniiwasan. Kung nandito lang si Rafa ay alam kong first day pa lang ay aangal na 'yon. Napailing na lamang ako.
"I-I just want to ask you about something. Pero bago 'yon ay uunahan na kita. Walang malisya okay? And this is just pure curiosity," pagpapaalala ko. I just want to make sure na wala siyang maisip na iba sa mga tanong ko ngayon. Baka isipin pa nito na I'm asking these questions because I like his kuya and I'm jealous. Heck no, I just want to know Andoy more. All his weaknesses and his secrets. 'Yan naman ang dapat na strategy to make your enemies lose the battle. Para alam mo kung saan mo siya tatamaan.
"Ano po ba 'yon?" tanong ni Andres.
Tumikhim ako bago magsalita. Kinakabahan ako ng very slight pero keri pa naman. "You know, may nabalitaan kasi ako. Mayor Madrigal has a daughter, right? Her name is Katarina. At nalaman ko rin na parang close friend siya ng kuya mo. Is it true though?" pasimple kong tanong.
May ilang segundo pa bago nagsalita si Andres. Mukhang ina-absorb na nito 'yong question ko kaya I waited patiently.
"Ah! Si Ate Katarina ba?" tanong nito. Tumango ako atsaka ngumiti nang pilit. Lumiwanag ang pagmumukha ni Andres at parang gumaan ang pressure na bumabalot sa lalaki. Parang naging panatag ito nang banggitin ko ang pangalan ni Katarina. Ganito ba ang impact ng babaeng 'yon sa pamilya nila? Close nga ata talaga sila. "Mag-bestfriends sila ni kuya," dagdag nito.
Napaisip ako. Best friends? Sure na ba 'yan? Bakit mukhang hindi pa rin ako naniniwala na friends lang talaga sila. Best friends or secret lovers? Ano ba talaga ang totoo?
"Bestfriends?"
"Opo, matagal nang magkaibigan si kuya atsaka si Ate Katarina," tugon pa nito.
"Hindi papasok 'yong kuya mo bukas 'di ba? Susunduin niya ba si Katarina?" tanong ko ulit.
"Opo, senyorita. Tuwing fiesta po kasi ay umuuwi si ate galing Maynila tapos si kuya 'yong sumusundo. Nakasanayan na rin," pagkukwento nito. Biglang pumait 'yong lalamunan ko.
"Ano pang alam mo sa kanila?" pag-uusisa ko.
Napaisip muli si Andres atsaka nagsalita.
"Lagi-lagi ring tumatambay si ate sa amin. Baka nga bukas ay sa bahay 'yon mag-pirmi. Tuwing umuuwi kasi si ate ay ipinagluluto siya ni kuya ng bicol express atsaka ginataang gabi na siyang paborito ni Ate Katarina," dagdag na kuwento ni Andoy. Sobrang TMI na. TMI means too much information! Parang sasabog na 'yong utak ko. Hindi pa sila magkasintahan sa lagay na 'yan? Akala ko ba big deal ang closeness ng babae at lalaki sa lugar na ito? So, kung sa kanila ay okay lang? Parang ang unfair naman ata no'n?
"Andres? Wala ka bang gagawin bukas?" tanong ko pa.
"Wala naman po," tugon ng lalaki.
"Good! Puntahan mo ako rito. Mamamasyal ako bukas," wika ko habang may nabubuong plano sa utak ko. Hindi naman siguro masama ang i-gate crash ang welcome celebration ni Andoy kay Katarina 'di ba? Atsaka hindi pa ako nakakalabas simula nang dumating ako rito. I'm hitting two birds in one stone. Isasama ko si Anya bukas. This is getting interesting. Andoy never fails to amaze me. Parang ang lalim ng pagkatao niya kaya para siyang magnet para sa akin. There is a force that keeps pulling me towards him.
"Wala pong problema senyorita," sagot ni Andres atsaka sumaludo pa. Mukhang napapanatag na ang kalooban nito habang nakikipag-usap sa akin. Tatayo na sa ako nang masiplatan ko ang bulto ng isang tao. I saw Andoy at my peripheral vision at biglang may pumasok na kalokohan sa isip ko. Tumayo ako at sinadya ko talagang matumba para masalo ako ni Andres.
At tama nga ang calculation ko. Alam kong sasaluhin ako ni Andres. Nasambot nito ang beywang ko kung kaya't hindi ako tuluyang nadapa.
"Andres." Isang buo at baritono na boses ang siyang nagpa-hiwalay sa magkadikit na katawan namin ni Andres. Palihim akong nagbunyi dahil agad sumingit si Andoy sa eksena. Hindi niya ba matagalan ang ganitong scene?
Sabay kaming napalingon sa kapapasok pa lang na si Andoy. Si Andres naman ay biglang nataranta at agad yumuko upang humingi ng pasensya dahil sa paghawak nito sa beywang ko.
"No worries," sagot ko.
"Tayo na, uuwi na tayo," simpleng saad ni Andoy. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Bago pa ako malampasan ni Andres ay lumapit muna ako sa lalaki upang bulungan siya.
"Secret lang natin 'yong pinag-usapan natin ha? Maaasahan ba kita?" pa-sweet kong bulong kay Andres. Napalunok pa ang lalaki atsaka tumango habang nagmamadaling nilampasan ako at naglakad patungo kay Andoy na nasa gilid na ngayon ng pinto. Tumaas ang isang kilay nito nang makita nitong parang bumulong ako sa kapatid niya. Hah! Mahirapan ka sanang mag-overthink kung ano 'yong sinabi ko sa kapatid mo. Knowing Andres ay alam kong hindi niya sasabihin sa kuya nito kung ano man ang pinag-usapan namin. He's too masunurin para hindi sumunod sa napag-usapan.
"Bye Andres, ingat ka," ani ko pa. Napapatawa na lang ako. Inirapan ba naman ako ni Andoy. Nakakatawa talaga siya kapag napipikon.
Kinabukasan din ay late akong nagising. Mabuti na lang at wala pa si Andres sa bahay. Agad akong naligo at nagkape lang. Hinanap ko si Anya at nahanap ko siya sa may garden area. Nagkakape rin ang babae at mukhang katatapos lang nito magdilig ng halaman.
"Anya!" masayang tawag ko sa babae.
"Ang aga-aga at ang taas na ng engery mo ngayon Elise ah," puna pa nito. Napangiti na lang ako atsaka umupo ako sa tabi nito. Nasa kubo kasi si Anya at nagpapahinga.
"Sama ka sa akin mamaya," wika ko.
"Saan?" tanong naman nito.
"May papasyalan tayo," sagot ko habang may nakakalokong ngiti sa labi.
Madali namang kausap si Anya at hindi rin ito humindi. Bago kami umalis ay nagpaalam pa kami kay lola. Binigyan niya kami ng pera at baka may magustuhan daw kaming bilhin sa sentro. Dumating si Andres siguro mga alas-diyes na. Agad naman kaming umalis at paglabas pa lang namin sa mansyon ay nasalubong pa namin ang mga tao na naglalagay ng banderitas sa paligid. Gamit namin ang kalesa ngayon habang sa tabi ko si Anya na nasisiyahan din sa nakikita. Tama lang talaga na isinama ko siya ngayon para naman makalabas-labas siya. Safe naman dito at alam kong hindi siya mapapahamak.
"Diretso po ba tayo sa sentro?" tanong ni Andres. Bahagya pa itong sumilip sa may maliit na bintana na nasa loob ng kalesa.
"No."
"Saan po tayo kung ganoon?" nagtatakan na tanong ni Andres sa akin.
"Sa bahay niyo," nakangiti kong wika. Nagulat pa si Anya at napatingin sa akin. Ganoon din si Andres na nagtaka sa sinabi ko.
Kahit naguguluhan ay hindi na nagsalita pang muli si Andres dahil kailangan nitong mag-focus sa pag-da-drive nitong kalesa habang sinipat naman ako ng tingin ni Anya.
"Kwento ko sa'yo later," sabi ko sa kan'ya.
Anya just nodded her head. Kaya gustong-gusto ko itong si Anya eh. Madali rin siyang kausap at well-educated. Kaya nagpapasalamat talaga ako na nandito siya dahil baka mabaliw na ako kahahanap ng matinong kausap.
"Nandito na po tayo," si Andres. Tumigil ang kalesa sa tapat ng kahoy na gate. Gawa sa kahoy ang siyang nakikita kong bahay. Malaki naman atsaka mukhang matibay. Hindi naman 'yong exagge na pang-mahirap na bahay. Their house is good, okay na rin.
Naunang bumaba si Anya atsaka sumunod naman ako. Agad ding lumapit si Andres sa akin na parang may dala itong pag-aalala sa ginagawa namin ngayon.
"Nasa loob po kasi si kuya at Ate Katarina. Baka magalit po kasi si kuya sa akin, senyorita," saad ni Andres.
"Hindi 'yan, chill boy. Ako ang bahala." Tinapik ko pa ang balikat nito atsaka dire-diretso na pumasok sa gawa sa kahoy nilang gate. Andoy will surely be surprised. Mang-gagate crash muna ako. Pang-inis ko lang sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob. Payback time my Dear Andoy.