HS2

2112 Words
Guni-guni ko lamang ba 'yong nakausap ko na matanda kanina? Imposibleng hindi iyon totoo, matino kaming nag-uusap at kita-kita ko sa'king dalawang mata na totoong totoo siya. "Teh? Ano na? Mukhang di na maipinta 'yang pagmumukha mo, okay ka pa ba diyan?" nag-aalalang tanong ni Rafa. "I'm okay, sure ka bang wala ka talagang nakitang matanda kanina na kausap ko? pagtatanong ko sa kaibigan. Kailangan kong makasiguro at baka namamaligno na ako. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoong bagay ngunit paano ko maipapaliwanag ang biglaang pagkawala ng matanda. "Alam mo teh, I'm not really sure kasi nakatalikod ka sa'kin. Nang papalapit ako sa'yo doon ko lamang narinig na parang may kinakausap ka. Tinignan ko naman kung saan ka nakatingin. Wala namang tao sa harapan mo," pagpapaliwanag naman ni Rafa. Kung gayon, namamaligno nga talaga ako? Sino ba kasi 'yong matanda na 'yon. Bakit niya ako kilala at sino si Elisa? Elise naman ang pangalan ko, at anong ibig niyang sabihin sa pagbabalik ko sa nakaraan? kasabay ng pagdaloy ng katanungan sa isip ko ay siyang pagsimoy nang malamig na hangin. Nanunuot sa balat ko ang lamig na dala nito at isang malamyos na tinig ang siyang narinig kong bumulong sa aking tainga. Nanindig ang balahibo ko sa batok ng bigla itong magsalita. "Tadhana ay mababago, mabubunyag ang nakatago. Elise, ika'y magbabalik sa nakaraan, isulat mong muli ang katotohanan," bulong ng isang tinig. "Sino ka?" sigaw ko sa aking isipan. "Ako'y ikaw," malumanay namang tugon nito. Makailang ulit akong nagtanong sa aking isipan ngunit wala na akong tinig na narinig pa. Ako'y nagugulumihan. Sino ka ba Elisa? "Teh? Hoy!" pasigaw na pukaw ni Rafa sa atensyon ko. I was spacing out. Kailangan ko na bang magpa check-up? Baka sa stress ko sa bahay kaya kung ano-ano na lang ang naririnig ko. Baka nagkaroon na akong mental disorder dahil sa past traumas ko na hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin. Simula kasi nang mamatay si mommy ay naging magagalitin ako. Nawalan ako ng gana sa lahat at ni hindi ako makausap ng matino. Mas lalo pang grumabe ang sitwasyon ko noong nag-asawa ulit si daddy. Sinubukan nila akong dalhin sa psychiatrist, ngunit tumatanggi ako. Pero parang ngayon kinokonsidera ko na ang pagpapatingin. "Ely? kaya mo pa bang makipag-karera ngayon?" nag-aalalang tanong ni Rafa. "Limang minuto na lang teh, magsisimula na ang drag race. Nandoon na rin ang mga dati mong manliligaw sa starting line," dagdag nitong sabi. "Don't worry Rafa, I can, exhausted lang ako kanina," pagtitiyak kong tugon sa kan'ya. "Same problem ba sa erpat mo teh?" tanong ng kaibigan sa kan'ya. Napatingin naman ako sa kan'ya. Mababakas mo sa kan'yang mukha ang pag-aalala. Sa mga ganitong usapin ay siya lang ang napaglalabasan ko ng mga hinaing sa buhay. Nagkakilala kami ni Rafa noong nasa highschool pa lang kami. Ang totoong pangalan talaga ng lalaki ay Rafael, pinalitan niya lang ng Rafa. Halos magkapareha lang kami ng sitwasyon ng kaibigan. Ang mga magulang ni Rafa ay walang alam sa tunay na pagkatao ng anak. Hindi niya maamin na siya'y bakla. Paano nga naman niya aaminin sa magulang nito kung ang pangarap ng papa niya para sa kanya ay ang sumunod sa yapak nito, ang maging sundalo. Sa unang tingin talaga ay hindi mo aakalaing bakla ang kaibigan. Hindi siya 'yong nakikita mong typical na bading na naka make up at naka-bestida ng pambabae. Kung hindi mo siya lubos na kilala ay aakalain mong adonis dahil sa guwapong pagmumukha nito. Mahahabang pilik-mata at may kutis krema na balat ang lalaki. Matikas na pangangatawan, singkit na abuhan ang mga mata at matangos na ilong. Ilang ulit na rin kaming napagkamalan na magkasintahan, ang hindi nila alam mas mahindot pa ang kaibigan sa kan'ya. May lahing unicorn si Rafa at mas bet nito ang abs ng kalalakihan kaysa sa naglalakihang future ng mga babae. At dahil malapit nang mag alas-diyes ay ipinarada ko na rin ang aking sasakyan sa harap. Sakay ko si Rafa sa front seat na ngayo'y inaayos ang seat belt nito. "Gaga, si Damon may kasamang bagong babae sa passenger seat," sabi ni Rafa na halos magkandahaba na ang leeg sa kakatingin sa kaliwang sasakyan. "Oh tapos? Anong pake ko?" walang ganang sagot ko sa kanya. "Wala lang, baka kamo interesado kang malaman na may bagong chicks na naman ang dati mong manliligaw," pakindat-kindat pa nitong tugon sa'kin habang sinusundot ang bewang ko. "Pakihanap ng pake ko, kahit isang daang babae pa ang dalhin niya hinding-hindi ako magkaka-interes sa kan'ya." Kinuha ko ang pantali na nasa kamay ko at itinali ang buhok ko. Isa sa mga namana ko sa'king ina ay ang magandang buhok kung kaya't pinapanatili ko itong mahaba. May natural akong kulay-tsokolateng kulot na buhok, at kulay brown na mga mata na namana ko naman sa daddy ko. Maputi naman ang kutis ko at may kakaunting maliliit na pekas kang makikita sa ilalim ng mga mata ko, dahil iyon sa dugong kastila ng pamilyang Montereal. Balingkinitang katawan na hinubog ko sa pag-eehersisyo araw-araw, matangos na ilong at bilugang mga mata na halos matabunan na ng mahahaba kong pilik-mata. May natural din akong maninipis na mapupulang labi na laging kinaiinggitan ni Rafa dahil kahit hindi ako magpahid ng lipstick ay aakalain mong gumamit ako. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya ng dalawang pares ng mata na kanina pa nakamasid sa'kin. Pagtingin ko sa'king kanan ay nakita ko ang matalim na pagtitig ni Francis sa gawi ko. Francis Alvarez, ang spoiled brat na anak ni Mayor Alvarez. Kasalukuyang papa ni Francis ang mayor sa lalawigang 'to. Ilang ulit ko ng tinanggihan ang binata sa panliligaw nito ngunit kasing tigas yata ng bato ang kanyang paninindigan at hindi pa rin ito tumitigil. Minsan nga'y inaabuso nito ang koneksyon niya sa ama at nagpapakita ito ng karahasan kapag hindi nakukuha ang kagustuhan. Sa akin lamang hindi uubra ang pagiging barumbado niya dahil magkakilala ang mga magulang namin. Hindi siya makagagawa ng masama laban sa'kin dahil malalagot siya sa tatay niya na ninong ko naman. "Ely, tatlong taon ka nang nagpapakipot sa'kin. Hanggang kailan mo ba ako pahihirapan?" pasigaw na tanong nito sa'kin. "Dream on, Francis, how many times do I need to reject you para ma-gets mo na ayaw ko sa'yo?" sarkastikong tugon ko sa kanya. "Do you wanna bet my dear Elise?" tanong uli ni Francis sa'kin na ngayo'y seryoso ng nakatitig sa manibela nito. "Kapag nanalo ako ay mapapasakin ka, at kapag natalo mo naman ako ay titigilan na kita," pagtutuloy nito sa kaninang sinasabi niya. "Haven't you learned your lessons, Francis?" sagot ko sa lalaki. "Baka nakalimutan mong kahit kailan ay hindi mo pa ako natatalo." Bakas sa aking labi ang di maitagong mga ngiti. "Bring it on," puno ng kumpiyansang tugon ko sa kanya. Tutok ang mga mata ko sa daan nang magsimulang magbilang ang mga tao sa paligid ko. 1,2, ready go... Isang puting panyo ang iwinagayway hudyat ng pagsisimula ng karera. Isang kilometrong karera ang magaganap sa pagitan naming tatlo. Paunahang makabalik sa starting line, ang kanto trese ay isang abandonadong daan kung kaya't hindi ka mangangambang may masasagasaan ka. Naging sikat itong lugar sa katulad ko na nagda-drag race. Nangunguna ako, ang sumunod naman sa akin ay si Francis na kasalukuyang nasa kanang bahagi at ginigitgit ako. "Teh? May balak ata si fafa mo Francis na banggain tayo. Halatang ayaw magpatalo," sabi ni Rafa na nagnonobena na ata sa gilid. "Kumapit ka bakla, ifu-full speed ko," saad ko sa kan'ya. Nakakarinding sigaw ang maririnig sa buong sasakyan dahil sa hiyaw ni Rafa na todong kumakapit sa seat belt nito. Nasa 220 mph na ang takbo ko ng biglang... Tunog ng kumakalansing na bakal ang siyang naririnig ko at pakiramdang tila pag-ikot ng mundo. Nang bumalik ako sa huwisyo ay nakita kong mababangga kami, dahil sa biglaang pagpapabilis ko ng takbo ay nawalan ako ng kontrol sa manibela at tuluyang sumalpok ang kotse ko sa isang malaking puno. Ang huli kong natatandaan ay ang sigaw ni Rafa at ang mahigpit na hawak nito sa mga kamay ko. Pakiramdam ko ay matagal akong nahimlay sa pagkakatulog at ang bigat ng buo kong katawan. Isang puting kisame ang siyang namulatan ko, nasaan ako? Nagpalinga-linga ako at nakitang puro puting pintura ang lugar na ito. Anong nangyari? Wala akong maalala. Napansin ko naman ang isang suwerong nakakabit sa aking kamay. Nang tumingala ako sa gilid ay nakita ko ang isang dextrose na nakasabit. Dextrose? nasa hospital ba ako? Biglang narinig ko naman ang pagpihit ng siradora at tumambad sa aking paningin ang mukha ni daddy at Anisa. Noong mapansin nila na gising na ako ay lumapit sila sa akin. "Elise, are you okay? May masakit ba sa'yo? pag-aalalang tanong ni daddy sa'kin. "Anong ginagawa ko sa hospital Dad?" pagtatanong ko sa kanya. "Naaksidente ka, nabangga ang minamaneho mong sasakyan," aniya. Bigla namang sumakit ang ulo ko at dumaloy sa aking isip ang huling memorya ko sa nangyari sa'min ni Rafa. Tama, nabangga nga pala kami. Si Rafa? anong nangyari sa kaibigan ko? Sumibol ang kaba sa aking dibdib nang maalala ko ang kaibigan. Nasa hospital ako ngayon at alam ko nandito rin ang kaibigan. "Dad? What happened to Rafa? What about him?" kinakabahang tanong ko kay Daddy. "Your friend Rafael is in coma. Isang linggo na kayong tulog. Hindi malala ang sinapit mo pero ang kaibigan mo." Napailing pa ito atsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "He undergo brain surgery dahil sa nakitang pamumuo ng dugo sa kanyang utak. Kasalukuyang naka-coma siya ngayon," sagot nito. No, hindi ito maaari. This is my fault. Nag-uunahang tumulo ang luha ko dahil sa sinapit ng kaibigan. Hindi ko matanggap ang nangyari dahil lamang sa kapabayaan ko ay nag-aagaw buhay ang nag-iisang taong umuunawa sa akin. Sana ako na lang, ako na lang sana ang nasa kalagayan niya. "Dad please, I wanna see Rafa. Gusto kong puntahan siya," pagmamakaawang hiling ko sa kanya. "Hindi maaari Elise," tugon naman ng ama. "Bakit dad?" tanong ko. "Ayaw ko mang sabihin ito pero sinisisi ka ng mga magulang ng kaibigan mo sa nangyari sa anak nila. Nakausap ko na sila noong isang araw at nalaman nila ang illegal na pagda-drag race mo ang dahilan kung bakit napahamak ang anak nila," pagpapaliwanag ni daddy. Wala naman talagang ibang dapat sisihin kundi ako lang. Napahagulhol ako at nagsisisi. Niyakap naman ako ni daddy at inalo. Lumapit naman si Anisa at hinaplos ang buhok ko. Gusto kong sumigaw at magwala, gusto kong sisihin si daddy at Anisa sa mga nangyayari ng dahil sa kanila ay nagkakaganito ako. Gusto ko isisi sa kanila ang lahat! "Bitawan mo ako dad," malamig kong sabi sa kanya. Agad namang napabitaw sa pagyakap si Daddy sa'kin at umatras ito ng kaunti. "Alam mo dad, gusto ko isisi sa'yo ang lahat, kayo ni Anisa! kayo 'yong dahilan kung bakit ako nagkakaganito! kung bakit wasak ang pagkatao ko," umiiyak kong saad sa kanila. "Si Rafa na nga lang 'yong taong nakakaintindi sa'kin, bakit siya pa 'yong nag-aagaw buhay! Sana kayo na lang. Kayong dalawa na lang sana ang nasa kalagayan niya!" sumisigaw na sabi ko sa kanila. "You've crossed the line Elise,'wag na 'wag mong ibunton ang lahat ng sisi sa'min ni Anisa. Lahat ng ginagawa mo ay desisyon mo at ikaw mismo ang naglagay sa sarili mo sa posisyong 'to," malamig na tugon ni daddy. "You leave me no choice, ipapadala kita sa Ildefonso. Doon ka muna mamamalagi hanggang sa matutunan mong magpatawad at tumanggap ng kamalian," saad ni daddy na seryosong nakatingin sa'kin. At ngayon parang tinatakwil na niya ako. Alam ko Dad, alam na alam ko na darating din ang panahon na pati ako ay iiwan mo sa ere. Mas pinipili mo pa ang kerida mong 'yan! Nakakatawa nga naman ang sitwasyong 'to. "Talaga ba dad? Ngayon, lumabas na rin 'yong totoo mong kulay. Itatakwil mo na ako para makapagsimula kayo ng bagong pamilya?" mapaklang tugon ko. "Isipin mo na lahat ng pwede mong isipin Elise, ginagawa ko 'to para sa sarili mong kapakanan. Hanggang nananaig sa puso mo ang galit hinding-hindi ka magkakaroon ng normal na buhay," si Daddy. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Daddy bago siya lumapit uli sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko. "Anak, kailangan mong tanggapin na wala na ang mommy mo. Kailanman hindi ako nagtaksil sa kan'ya. Pero alam kong sarado ang isipan mo sa eksplinasyon ko. Mas nakabubuti para sa'yo ang magpalipas muna sa probinsya," malungkot na saad nito sabay haplos sa pisngi ko. "Alam mo Dad? Gawin mo na lahat ng gusto mo. Ipapatapon mo ako sa probinsya? Fine, stop this drama already, tanggap ko na ang pagtatakwil mo. Sana maging masaya kayo," paismid kong tugon sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD