Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko sa'king kwarto. Tatlong araw na rin simula noong ma-discharge ako sa hospital. Gustuhin ko mang dalawin ang kaibigan ay di ko magawa, hindi ko pa kayang harapin sila tita't tito. Naguguilty ako sa nangyari kay Rafa. Hanggang ngayo'y di pa rin nagigising ang bestfriend ko, halos araw-araw akong tulala at di makausap ng maayos. Mas lalo akong naging iritable sa mga taong nakapaligid sa'kin lalong-lalo na kay daddy at sa asawa niya. Habang isa-isa kong tinutupi ang mga gamit ko ay biglang may narinig akong tatlong magkakasunod na katok sa pinto.
"Sino 'yan? anong kailangan mo?" tanong ko.
"Elise, si tita Anisa mo ito," malambing na sagot nito.
"Bakit? anong kailangan mo?" walang gana kong tanong sa kanya.
"Pwede bang pumasok?" panghihingi naman niya ng pahintulot sa'kin.
"Bukas 'yan," tanging naisagot ko sa kanya. Gusto ko mang paalisin ang babae ay di ko magawa, mag-aaway lang kami ni daddy kung babastusin ko naman 'tong pinakamamahal niyang asawa. Dahan-dahan namang lumapit si Anisa sa kinaroronan ko.
"Elise, alam kong malaki ang galit mo sa'min ng daddy mo. Kahit paulit-ulit akong humingi ng sorry sa'yo ay gagawin ko. Kasi alam ko 'yong pakiramdam na walang kakampi." Kinuha naman ni Anisa ang picture frame na nasa tabi ng kama ko. "Nakilala ko si Denise noong minsa'y sinundan ko si Dominique dito sa Maynila. Tubong taga Ildefonso ako at doon ko rin unang nakilala ang papa mo," pagkukwento nito. Umupo ako sa gilid ng kama at si Anisa naman ay nakaupo sa dulong bahagi ng kama ko habang nagsisimulang mag-kwento patungkol sa nakaraan nila.
"Katulong ng pamilya Montereal ang mama ko kung kaya't paminsan-minsan ay tumutulong ako sa gawain sa mansiyon. At doon ko unang nakilala ang papa mo. Magkaklase kami simula elemetarya hanggang sa nag-high school pero noong nag-college na ay sa Maynila na ipinagpatuloy ng 'yong ama ang pag-aaral niya at ako nama'y naiwan sa Ildefonso at dito na rin nagtapos. Tuwing umuuwi siya galing sa Maynila ay lagi akong sumasama sa inay para lang masilayan siya, matagal na kasi akong may lihim na pagtingin sa kanya noon pa man ngunit di ko magawang magtapat dahil alam ko naman na imposible dahil sa antas ng pamumuhay namin. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng minsa'y nagpasama ang iyong ama sa'kin papuntang talon, mga ilang kilometro rin ang layo nito sa mansiyon. Ngunit nasasakop pa rin iyon ng ari-arian ng mga Montereal. Dahil sa sama ng panahon ay di kami makauwi at nagpalipas na lamang ng ulan sa kubo ngunit naabutan kami ng gabi ay di parin tumitila ang ulan, pareho kaming basa at inaapoy na ng lagnat ang iyong ama. Sa pagkataranta ko ay niyakap ko si Dominique para maibsan nito ang lamig na lumalatay sa buong katawan niya. Natatakot din ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Napakalayo pa naman namin sa mansiyon. Ngunit sa di ko inaasahan ay nagsalita si Dominique at nagtapat ng pag-ibig sa'kin. Noong una ay akala ko dala lamang iyon ng kanyang lagnat at kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya. Ngunit pinatunayan iyon ng iyong ama sa pamamagitan ng isang mainit at masuyong halik. Matagal na rin pala siyang may lihim na pagtingin sa'kin at natotorpeng magtapat. Dahil sa saya ko ay napaamin na rin ako sa totoong nararamdaman ko para sa kanya. At dahil doon, nagsimula ang pag-iibigan namin. Nangako kami sa isa't-isa na walang makakapaghiwalay sa'min at kaming dalawa lamang ang magkakatuluyan sa huli. Noong una ay mahirap ang naging kalagayan naming dalawa sapagkat malayo kami sa isa't-isa ngunit kalauna'y naging mas matatag ang relasyong pinanghahawakan namin. Ngunit hindi ko sukat akalaing darating 'yong araw na susubok sa pagmamahalan naming dalawa. At iyon na nga ang patungkol sa arrange marriage sa pagitan nina Denise at Dominique. Nabalitaan ko ito mula kay Señora Elicia, ang lola mo. Ilang ulit akong tumawag nang tumawag sa papa mo para malaman ang katotohanan, halos mawalan ako ng bait sa kakahintay sa pagbabalik niya ngunit wala akong natanggap ni isang mensahe galing sa kanya. Naalala ko pa noon, seremonya ng pagtatapos ko sa pag-aaral sa kolehiyo. Nakatanggap ako ng pinakamataas na parangal at ginawaran bilang Magna Cumlaude sa batch namin. Imbes na magbigay ako ng mensahe para sa pagtatapos ay bumaba ako sa stage at patakbong pumunta ng terminal. Balak ko sanang sundan si Dominique sa Maynila at marinig ang katotohanan galing mismo sa kanya. Kahit pinagtitinginan ako ng mga tao dahil naka-toga ako ay di ko alintana ang mga tingin nila. Buo ang desisyon ko na sundan ang papa mo," mahabang kwento ni Anisa sa'kin. Maluha-luha pa ang kanyang mga mata habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan niya. Ramdam ko ang bigat sa bawat salitang binibitawan niya. Patuloy lamang ako sa pakikinig sa kwento niya at nakaupo sa may gilid ng kama habang yakap-yakap ko ang doraemon na stuff toy. Hinaplos naman ni Anisa ang may kabilugang tiyan nito atsaka nagpatuloy sa pagkukwento.
"Kahit umuulan nooy pinilit kong makarating sa unibersidad na pinag-aaralan ng papa mo. Mahigit dalawang oras akong naghintay sa labas ng gate para makita siya. Basa ang buo kong katawan dahil sa ulan at nanginginig na rin ako sa lamig ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan kong kausapin siya. Hindi naman nagtagal ay may isang babaeng lumapit sa'kin. Maganda, may maamong pagmumukha at tila anghel ang kanyang kabuuan. Lumapit siya at inabot sa'kin ang extrang payong dala nito. Tinanggap ko naman ito at sinundan ng tingin ang babae, pumasok siya sa may gate at sa di inaasahan ay nakita ko si Dominique. Naglalakad siya papalabas ng gate, kahit na nilalamig ako ay ramdam ko ang saya na muling nasilayan ko ang iyong ama. Papalapit na sana ako nang biglang ang kaninang babaeng nag-abot sa'kin ng payong ay yinakap at hinalikan si Dominique sa mga labi. Nabagsak ko ang payong na kanina ay hawak ko at unti-unting naramdaman ko ang panghihina ng buo kong sistema, ang sakit ng nararamdaman ko na para akong pinatay ng paulit-ulit. Kahit hindi pa kami nagkakausap, ay nakumpirma ko naman sa dalawa kong mata ang katotohanan. Ang katotohanang totoong ikakasal na siya, at iniwan niya ako at ipinagpalit sa iba. Durog na durog ang buo kong pagkatao at di ko alam kung saan ko magsisimulang pulutin ang mga parte ng puso kong nawasak. Tila gumuho ang nooy umiikot kong mundo. Ang huling balita ko ay ikinasal si Dominique pagkatapos nitong grumadaute at namalagi na sa Maynila. Habang ako nama'y nagpatuloy sa buhay. Hindi ako nag-asawa at mas inuna ko na lang ang pagtatrabaho. Ilang taon ang nakalipas ay muling nagtapo ang landas namin, nakapagtrabaho ako sa kompanya ng papa mo at muling nagbalik lahat ng masasaya at pait ng nakaraan namin. Noong una ay iniiwasan ko siya dahil nirerespeto ko ang mama mo, kahit na noong nalaman ko na patay na si Denise. Kahit na narinig ko na ang lahat ng paliwanag niya patungkol sa nakaraan ay hindi ako nagpatukso dahil alam kong maaapektuhan ka Elise. Pero tila mapaglaro ang tadhana, muli akong umibig sa papa mo sa ikalawang pagkakataon. Kahit na anong iwas ko'y mas hinahatak ako papalapit sa kanya," malungkot na ani nito.
"Bakit mo sinasabi sa'kin ang lahat ng ito?" tanong ko naman.
"Dahil kahit hanggang kailanman Elise, hihintayin ko 'yong panahon na mapapatawad mo kami ng papa mo. Na matatanggap mo ako, alam kong di ko mapapalitan si Denise sa puso mo. Pero gagawin ko ang lahat para matanggap mo ako," sagot nito.
Pareho kaming tahimik at wala sa'ming dalawa ang nagtangkang magsalita pa. Binalik naman ni Anisa ang picture frame na kanina lang ay hawak-hawak niya at nagpaalam sa'kin. Wala akong maisagot sa sa sinabi niya kanina. Mahirap at masakit para sa'kin ang lahat ng nangyari. No one can justify how devastated I am, kahit pilitin ko ang puso kong intindihin sila ay di ko magawa. Oras lamang makakapagsabi kung kailan maghihilom ang tinamong sugat ng munti kong puso. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit dahil dalawang buwan din ako sa probinsya. Mabuti na lamang at tapos na ang klase hindi rin naman ako papayag na roon ako sa probinsya mag-aral.
Nang sumapit ang alas-otso ng umaga ay nagsimula na kaming bumiyahe. Si dad ang nagmamaneho at nasa backseat ako ng kotse. Kinumpiska niya rin lahat ng gadget ko except sa cellphone ko. Hindi ko rin naman daw magagamit doon dahil pili lamang ang lugar na may signal. Ang Bugati Veyron ko naman ay kasalukuyang inaayos. Mabuti na lang talaga at di masyadong grabe ang sira ng kotse ko. Binuksan ko naman ang bintana ng sasakyan at sumalubong sa'kin ang sariwang hangin. Kakapasok pa lang namin sa bayan ng Ildefonso at may humigit tatlumpung minuto pa ang tatahakin upang makarating sa bahay ni lola. Masasabi kong medyo okay naman ang pinakasentro ng Ildefonso. May mangilan-ngilan naman akong nakikitang mga gusali at mga establisyemento. Makikita mo sa daan ang mga tent na may kung ano-anong display na paninda.
"Tuwing sabado ay may mga ganitong pwesto sa bayan. Makabibili ka ng iba't-ibang produkto na galing naman sa ibang bayan. Tinatawag din nila itong kalakalan. Naalala ko pa noon na madalas akong mamasyal tuwing sabado rito sa bayan para mamili," pagku-kwento naman ni daddy.
"Sml?" sagot ko naman.
"Anong Sml, Elise?" nagtatakang tanong naman nito.
"Share mo lang," pairap ko namang sagot.
Obvious namang wala akong gana marinig ang mga kwento niya. Atsaka pakialam ko ba sa bayang 'to. Kung gusto niyang mag self reflect ako dito, eh di fine. 'Wag na siyang madaming sinasabi. Isinarado ko naman ang bintana dahil napapansin kong marami na rin ang tumititig sa sasakyan namin. Ngayon lang ba sila nakakita ng sasakyan? bat ganyan sila makatitig. Natatanaw ko rin ang malawak na palayan sa magkabilang kalsada na tinatahak namin. Naglalakihang puno kung saan-saan, puro berde ang nakikita ng mata ko at aaminin kong masarap sa pakiramdam ang ganitong tanawin. Pumasok kami sa malaking gate na may nakasulat na "Montereal" bumungad naman sa'kin ang naggagandahang mga halaman sa malawak na hardin ni lola Elicia. May iba't-ibang kulay at klase-klaseng bulaklak ang siyang makikita mo. Mukhang may tagapangalaga ang mga ito.
Bumaba ako sa sasakyan at binuksan ang medyo kalawanging malaking gate papasok sa bahay. Habang si daddy nama'y bitbit ang mga gamit ko na nasa compartment. Saktong pagpasok ko sa gate ay lumabas naman sa pinto ang aking Lola Elicia, sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi. Nagmano naman ako at kinumusta si Lola.
"Kumusta po Lola? Lalo ka atang bumabata ngayon. Na-miss po kita," malambing kong sabi.
"Ikaw talaga apo, binobola mo na naman ako. Halika pasok," anyaya sa'kin ni Lola habang nakahawak sa mga balikat ko.
Solong anak si daddy at ako lang din ang apo ni Lola kaya spoiled na spoiled ako noon pa man. Noong bata ako ay lagi kaming nagbabakasyon dito, umiiyak pa nga ako noon kasi hindi ako sanay sa tahimik at boring na lugar. Pero noong nagkaroon naman ako ng kalaro ay nae-enjoy ko na ang mga bakasyon sa rito sa probinsya. Natigil lamang ang pagdalaw ko rito noong nagsimulang magkasakit si mommy nasa edad sampu ako noon. Naalala ko rin noon na may kalaro akong nagngangalang Andoy, anak siya ng hardinero ni Lola. Lagi kaming nagkakalaro noon kapag pumupunta sa bahay ni Lola 'yong papa ni Andoy.
"Dominique, kamusta naman si Anisa?" tanong naman ni Lola kay daddy. Nasa sala na kami ngayon at nagmemeryenda.
"Okay naman po kami ma, nasa anim na buwan na rin ang tiyan ni Anisa kaya todo ako sa pag-iingat sa kanya ngayon," sagot naman ni daddy. Di ko maiwasang mapairap dahil sa sinabi niya.
Nagpaalam naman ako saglit sa kanilang dalawa dahil ayaw ko ring makinig sa pag-uusapan nila. At gusto ko sanang tignang mabuti ang paligid. Namamangha pa rin ako sa ganda ng landscape sa garden dito, nilabas ko naman ang cellphone ko na nasa bulsa at nagsimulang kumuha ng litrato. Gusto ko sanang ipakita ito kay Rafa kapag nagising na siya at kapag nakabalik na rin ako sa Maynila ay mag-uupdate na rin ako sa i********: ko kasi parang 2018 pa ata 'yong last post ko roon.
Halos sampung minuto na akong kumukuha ng litrato ng biglang nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan, naiihi ako. Namimilipit na ako sa pagpipigil at parang puputok na ang pantog ko. Gusto ko sanang tumakbo papunta sa loob pero naalala ko na nasa likod-bahay pala ako ngayon, dahil sa pagka-aliw ko ay napadpad ako sa bahaging likod ng mansiyon. Palinga-linga ako sa paligid para masigurong walang tao dahil hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang ihi ko, ang plano ko sana'y rito na lang umihi sa bagong tanim na bermuda grass. Hindi naman makikita sa labas dahil wala namang kabahay-bahay sa likod dahil pribadong pag-aari ito ng pamilyang Montereal.
Binuksan ko ang zipper ko at ibinaba ang highwaist na pantalon ko, mabuti na lang at may suot akong medyo mahabang denim jacket dahil ang panloob ko pa naman ay croptop lang, kitang-kita ang pusod ko dahil dito. Isinunod ko namang ibinaba ang underwear ko, nakasuot nga pala ako ngayon ng doraemon na underwear. Paborito ko kasing anime ang doraemon kaya kahit sa mga gamit ko'y may mga doraemon talagang desinyo. Mabuti na lang talaga at walang tao, nahihiya pa naman akong aminin sa iba na anime lover ako. Nang makaihi ako ay gumaan ang pakiramdam ko. Iba talaga ang hatid na kiliti kapag nakaihi ka na. Itataas ko na sana ang pantalon ko ng biglang may isang lalaki ang bumulaga sa harapan ko. May bitbit itong karit at bermuda grass sa kabilang kamay nito. Nakasuot ng lumang damit at may sombrero sa ulo. Sa pagkabigla ko'y hindi ako nakagalaw at nakatingin lamang ako sa lalaki na ngayo'y nakatitig na rin sa'kin. Halata ang gulat sa mga mata ng lalaki at biglang napadako ang paningin nito sa ibabang bahagi ng katawan ko. Bigla ko namang naisip na naka-underwear lang pala ako ngayon dahil hindi ko pa tuluyang naitataas ang pantalon ko. Sabay lumaki ang aming mga mata sa gulat at napasigaw na lang ako ng...
"Lola! May manyak sa likod ng bahay!" naghihisterekal na sigaw ko. Halos magasgas na ang vocal cords ko sa lakas ng sigaw ko sabay dali-daling pagtaas ng pantalon. Nakakahiyang nakita niya pang naka-doraemon ako na underwear. Kitang-kita pa naman ang ulo ni Doraemon sa gitnang bahagi ng panty ko, ang bobo ko talaga. Nakita niya pa tuloy ang p***y ko, este! ang pusang si doraemon na desinyo ng underwear ko.