HS4

2574 Words
Shh, shh! Miss, hindi ako manyak!" natatarantang ani ng lalaking kaharap ko. "Don't freaking look at me! You creep!" sigaw ko naman. "Miss, hindi nga ako manyak!" Naibaba nito ang paningin sa pantalong suot ko. Bigla naman itong nag-iwas ng mata at naalala ko na naman ang nangyari. Dahil sa pagsigaw ko kanina ay naging alerto sila daddy at Lola na nasa loob ng bahay, nagmamadali silang makapunta sa kinaroroonan ko at nadatnan nga nila kaming nagtatalo ng estraherong lalaking nasa harap ko. "What's happening here? Nasaan na 'yong manyak?" hinihingal na tanong ni Daddy. "Dad," halos paiyak na saad ko. "That man!" sabay turo ko sa kan'ya. "Andoy?" tawag naman ni Lola sa lalaking nasa harapan namin. Andoy? That name seems familiar. Saan ko nga ba narinig 'yon? "Po Señora Elicia?" sagot nito sa tawag ng aking abuela. Yumukod pa ito nang kaunti upang magbigay galang. Now, he's playing gentleman? Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na siya pinantitirikan ng mata. My abuela seemed to know him, sino ba 'to? "Hija, si Andoy 'yan. Hindi mo na ba siya naaalala?" tanong ni Lola. Napaisip naman ako. May naging kalaro ako noon dito sa hacienda. Andoy rin ang pangalan niya 'wag mong sabihing iisa lang sila? "Andoy?! 'Yong uhuging bata noon?!" gulat ko pang tanong sa kanila. Napatawa naman si Lola at Daddy dahil sa sinabi ko at tinapik sa balikat si Andoy na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. "Pasensya ka na Andoy ha?" saad ni Daddy. "Wala pong anuman iyon Señor, kasalanan ko rin naman ho, hindi ako tumitingin sa paligid," magalang nitong sagot. Napaismid naman ako. Ang galang niya masyado. Aakalain mong galing siya sa ibang panahon kung manalita at kumilos. "Iha, humingi ka ng paumanhin. Hindi tama ang iyong nagawa sa binata na'to. Hindi ka dapat namimintang ng walang basehan," pangangaral ng aking Abuela. Gusto ko pa sanang magmatigas dahil wala talaga sa ugali ko ang nagpapatawad kapag alam ko naman na tama ako. May paninindigan ako at kasalanan din naman niya 'yon. Pabigla-bigla itong sumusulpot. "Elise," tawag ni daddy. Napabuntong-hininga nalang ako at napilitang harapin siya. Hindi umiimik si Andoy at hinihintay lang nito ang sasabihin ko. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at labag talaga sa kalooban ko ang mag-sorry sa kan'ya. No effin way! "Sorry." "Elise Montereal, hindi kita pinalaki ng bastos! Ayusin mo ang panghihingi ng tawad." Dad is mad at me. Ano ba? kasalanan ko na naman ba?! Kapag siya talaga wala akong aasahan, kailan niya ba ako kinampihan? Naiinis ako pero pinilit kong humingi nalang ng tawad para matapos na 'to. "Pasensya na at napagkalamalan kitang MANYAK Andoy," sabi ko. Diniinan ko pa ang pagtawag ng manyak sa kanya para alam niyang hindi ako natutuwa sa ginagawa ko ngayon. "Walang anuman ho iyon Señorita, pasensya na rin ho sa biglaang pagsulpot ko sa kalagitnaan ng iyong PAG-IHI," he smirked at me. At gumanti ito at diniinan rin ang salitang pag-ihi sa salita nito. The nerve of this man! "Pag-ihi?" litong tanong ni Dad. Pinanlakihan ko nang mata si Andoy para itikom niya ang bibig niya at 'wag na itong magsalita pa. Pero mukhang nasisiyahan ang binatang makita akong nahihirapan dahil sinabi nito kay daddy ang pag-ihi ko sa bagong tanim na bermuda grass. "Akin po kasing nasiplatan ang señoritang umiihi sa bagong tanim ko na mga bermuda grass." "Elise? Bakit ka naman sa bermuda grass umihi?" tanong ni daddy. Pulang-pula na ang buong mukha ko sa pagkapahiya at mas lalong pupula talaga ang mukha ko dahil hindi lamang hiya ang nararamdaman ko ngayon pati na rin galit. "You know dad, tawag ng kalikasan? Hindi na ako nakatakbo kasi ang layo ko na," nahihiyang ani ko. "O siya, siya, pumasok na muli tayo sa bahay. At ikaw Andoy ay sumama ka na rin sa loob para sa meryenda mo," paanyaya ni Lola sa kan'ya. Nagpatiuna akong maglakad pabalik sa bahay at pasalampak na umupo sa may kalumaang sofa rito sa loob. Naiinis ako dahil ito ang unang beses na may nagtangkang kumalaban sa'kin at hindi ko iyon nagugustuhan! That probinsyanong Andoy! How dare he? Kung noon uhugin lang siya, ngayon antipatiko na at bastos! Akala mo naman kung sinong gwapo. "Guwapo naman talaga siya," biglang sigaw ng isip ko. Nang makapasok sila daddy at lola at dumiretso silang tatlo sa kusina. Ilang ulit akong tinawag ni lola for meryenda pero tinanggihan ko lang 'yon at pumunta ng second floor para makita ang kabuohan nitong bahay. Masasabi kong malaki talaga ang mansyon. May apat na kwarto sa itaas at may 4 ring kwarto sa ibaba. May mataas na hagdan ang nagkokonekta sa sala at sa second floor ng bahay at sa sentro nito ay nakasabit ang may kalakihang chandelier at ang tingin ko ay may kalumaan na rin. Hindi naman lingid sa kalaaman ng nakararami ang history ng mga Montereal sa bayan na'to. Itinuturing na isa sa mga makapangyarihang pamilya noon ang pamilya namin kahit naman hanggang ngayon ay makikita mo pa rin ang impluwensyang meron ang mga Montereal sa lugar na 'to. I don't like nor I hate this place. It's kinda creepy kasi ayaw ko talagang nagtatagal dito lalo pa't this place is so far from being modern at parang lahat ata ng bagay rito at tao ay nakatira pa rin sa nakaraan. Nahihirapan akong makibagay lalo pa't lumaki naman ako sa siyudad samahan mo pa na walang kasignal-signal ang lugar para makapag-internet. Kaya for me this whole place is like prison for a person like me. Isa-isa kong binuksan ang mga kwarto rito sa itaas dahil ngayon pa lang ay namimili na ako ng kwarto. Medyo matagal-tagal din ang pamamalagi ko rito. I miss Rafa, sana ay okay lang talaga ang kaibigan. "Nandito ka lang pala," si lola. Hindi ko naramdaman ang presensya niya mula sa likuran ko dahil hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kawalan habang inaalala ang kaibigan. "Bakit ho la?" sagot ko. Mula sa pagkakatayo ko ay umupo ako sa kama. May malaking kama kasi ang kwartong ito at malaki ang espasyo kaya dito ko nais mamalagi sa susunod na dalawang buwan. "Hindi tayo masyadong nakapag-usap kanina apo." Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko. "Alam kong ayaw mo sa lugar na 'to." Nagulat pa ako dahil nadale ni lola kung anong nararamdaman ko ngayon. "But hija, this place is magical. Buksan mo lang ang puso mo at masisigurado ko sa'yong mabibighani ka sa bayang 'to." Yeah right. I wonder kung may capability ba akong ma-appreciate ang lugar na'to. Siguro noong bata ako pwede pa. But now, I don't think so. I miss my city life kahit ilang oras pa lamang ako namamalagi rito. There's nothing interesting here. Hindi naman ako mag-eenjoy rito. "You think so La?" I asked. "Oo naman apo, Ildefonso has so much to offer. Masasanay ka rin." Hinaplos niya ang buhok ko at bigla naman ako napanatag. I mean, there's nothing I can do about it, dahil pinatapon na ako ng magaling kong ama rito. "Huwag kang mag-alala nand'yan naman si Andoy at uutusan ko siyang ipasyal ka sa bayan at sa mga magagandang tanawin dito." Halos lumabas na ang usok sa ilong ko nang mabanggit niya ang pangalan ng binata. There's no way na makakasama ko siya ulit. That man makes my blood boils! Ayaw ko talaga at baka masira lang ang araw ko. "Bakit apo? Ayaw mo ba kay Andoy?" tanong niya nang mapansin ang pag-iba ng reaksyon ko sa mukha. "Err, how should I put this. Hmm, kinda Lola," I said. Ayaw ko namang tanggihan ang kan'yang offer patungkol sa pamamasyal pero wala bang iba riyan? "Hija, You and Andoy are pretty closed before. Naghahabulan pa nga kayo no'n sa may garden." I want to roll my eyes kung hindi lang talaga ako nagpipigil. That was before, ang dami ng nagbago and we grew apart malay ko bang lumaki siya ngayong bastos at walang modo kaya kailanman hindi talaga kami magkakasundo. Never! Itatak mo pa 'yan sa bato ng asteroid. Hindi naman nagtagal dito si Daddy. Pagkahatid niya sa akin dito ay agad din siyang umuwi. My face automatically frowned when I heard him saying goodbye to Lola. Hindi ako lumabas ng kuwarto at kahit ilang ulit niya kinatok ang pinto ay hindi ko siya pinagbuksan. For what? Is he going to say some sweet words to me again? Para mapanatag ang puso ko? Hindi naman ako tanga para maniwala pang may konting pag-aalala pa siyang natitira para sa akin. "Ma, ikaw na ang bahala kay Elise," rinig kong ani ni Daddy mula sa likod ng pinto. "Iho, hindi ba puwedeng ipagpabukas mo na lang ang pag-uwi? Delikadong maabutan ka ng dilim sa daan," si Lola. "Nag-aalala kasi ako kay Anisa Ma, masyadong maselan ang kan'yang pagbubuntis, kaya ayaw ko siyang iwan mag-isa," saad ni Daddy. Parang may itinarak na kutsilyo sa puso ko nang marinig ko iyon. Pagdating kay Anisa ay triple ang kan'yang pag-aalala. Kailan pa ba ako masasanay? Simula nang namatay si Mommy at dumating 'yong babae niya sa buhay namin ay hindi na muling nanumbalik ang dati naming relasyon bilang mag-ama. They ruined it! Both of them ruined me! Kaya hangga't nabubuhay ako ay hindi ako makakalimot sa sakit na ibinigay nila sa'kin at pati na rin kay Mommy. "O siya sige, mag-iingat ka hijo," ani ni Lola. Isang katok ang narinig ko mula sa pinto at sinundan ng boses ni Daddy. "Elise, alis na ako. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Mama," Dad said. Hindi ako umimik at napapikit na lamang ako sa aking mga mata. Mga yabag na papalayo ang siyang narinig ko pagkatapos niyang magsalita. Siguro ay aalis na siya at tinatahak na nito ang daan pababa ng second floor. Mas nakakabuti talagang umalis na siya. Masyadong maliit itong bahay ni Lola para sa aming dalawa. Wala naman akong ibang naririnig mula sa kan'ya kung hindi si Anisa at ang pagiging sabik nito sa anak nila. Nang tuluyan nang makaalis ang mga yabag na iyon ay narinig ko na lamang ang tunog ng pag-andar ng kotse. Senyales na paalis na siya sa bahay. I sighed at inihiga ko na lamang ang sarili sa may kalumaang kama. Unti-unti ay hinihila na ako ng antok hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog. "Elise, salamat at narito ka na. Makakabalik na ako," ani ng isang tinig. Hindi ko mawari kung nasaan ako ngayon, puro mga kahoy ang mga nakikita ko at ang daming fogs sa paligid. "Sino ka!?" tanong ko. Naglalakad lang ako sa gitna ng gubat. Wala akong makita bukod sa mga puno at fogs. Paano ako napunta rito? Ang huling naaalala ko ay ang paghiga ko sa kama at ang unti-unting pagbigat ng talukap ko sa mata dahilan para makatulog. Paanong napunta ako ngayon sa kagubatan? "Ako ay ikaw, malapit na akong makabalik Elise, babalik tayong dalawa," sagot no'ng tinig. Agresibo kong iginala ang mga mata ko sa kawalan. Nagbabakasakali akong mahanap ang nagmamay-ari ng boses na naririnig ko ngayon. "Is this a prank? At sino ka ba talaga? Narinig ko na rin ang boses mo noon." Agad sumagi sa isip ko ang narinig na boses noon. Magkaboses sila kaya alam kung iisa sila. Napabalikwas ako ng bangon. Tagaktak ang pawis ko sa noo at humahangos pa ako nang magising mula sa pagkakatulog. Nailibot ko ang paningin sa madilim na paligid. Hawak ko rin ang dibdib ko na hindi matigil sa pagkabog ng mabilis dahil sa naging panaginip. Ano na naman 'yon? Minumulto na ba ako? Kung oo, sino naman? Nang makita kong Madilim na rin sa labas ay napagtanto kong gabi na pala. Maingat kong kinapa ang cellphone ko sa may bedside table at inilawan ang buong kapaligiran. Nakita ko ring alas siyete na ng gabi. Bumangon ako at hinanap ang switch ng ilaw. Saktong pagbukas ng ilaw ay siya namang pagkatok ng kung sinuman mula sa labas sa pinto nitong kuwarto dahilan kung bakit napatalon ako sa gulat. "Ay inahing baboy!" gulat kong ani. "Fvck, who's this? Bakit ba kasi nanggugulat eh!" Binuksan ko ang pinto at tumambad sa paningin ko si Andoy. Wala pa ring pinagbago ang damit nito sa suot nito kanina. Ganoon pa rin kaya ang hinala ko ay hindi pa ito umuuwi sa kanila. I raised my brows when I saw him looking at me seriously. "Anong tingin 'yan?" tanong ko naman habang sinuklian din ng titig ang kan'yang pagmumukha. "Handa na ang hapunan, pinapatawag ka ni Senyora," he formally said. Ang makaluma niya talaga grabe. After he said that ay tinalikuran niya ako agad at nagpatiunang maglakad. What? Ganoon na lang 'yon? Walang tulala effect sa beauty ko? I can't believe this. Hindi pa ako nakakatagpo ng lalaking hindi nabibighani sa mukha ko. Last time I checked ay wala pang nakakatiis sa kagandahang meron ako. I'm not exaggerating everything I said, pero 'yon ay totoo! "You! Wait," tawag pansin ko sa lalaki. Napatigil ito sa paglalakad at bahagyang nilingon ang gawi ko. "Aho ho iyon Senyorita?" Lumapit ako sa lalaki at inilapit ko ang pagmumukha ko sa mukha niya. His eyes widened when I did that. Naistatwa ito sa kinatatayuan habang pigil ang hiningang tinitignan lamang ako. "A-ano p-po iyong ginagawa S-senyorita?" nauutal pang saad nito. Nagyuko ito ng paningin at bahagyang napaatras. I smirked when I saw how he react to what I did. Hmm, hindi pa rin pala talaga kinakalawang ang beauty ko. "Ang baduy mo," I blurted out. Sinamahan ko pa ng pagtawa dahil nagbubunyi ang kalooban ko ngayon. My beauty never fails to amaze any men I met. "Ang liit ng boobs mo," Andoy replied with a smirked on his face. Napatigil ako sa pagtawa at agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad nag-iba ang aura ni Andoy. Kung kanina lamang ay mukha siyang inosenteng probinsyano, ngayon ay nagmumukha itong playboy na lagi kong nakikita sa mga bar dahil sa nakapaskil na nakakalokong ngiti nito sa labi. "What did you say?!" pasigaw kong tanong. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko at nakabusangot ulit ang pagmumukha habang tinitingnan sa harapan ko si Andoy. "Dinner is ready, spoiled brat." Iyon lang at iniwan niya na ako. Tuloy-tuloy itong bumaba ng hagdan habang ako ay naiwang nakabuka ang bibig dahil sa gulat. "What the heck is that?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumaba na lamang sa dining hall. Nang makapasok ako sa kusina ay agad kong nasiplatan si Andoy sa lamesa kasama ang isang katandaang lalaki sa tabi. "Apo, you're here." "Pasensya na Lola, nakatulog kasi ako at hindi ko namalayan na gabi na pala," I politely replied. Hinila ko ang isang bakanteng upuan sa katapat ni Andoy. Bahagya ko siyang tinapunan ng tingin bago tuluyang makaupo. "Ito na ba 'yong apo niyo kay Dominique, Senyora?" tanong no'ng matanda na katabi ni Andoy. Mukhang mag-ama silang dalawa dahil may pagkakahawig ang kanilang mga mukha. Ngumiti ako at tumango para ipaalam na tama ang sinabi niya. "Siya na nga," Lola said. "Kay gandang bata, ang bilis na talagang lumaki ng mga kabataan ngayon. Kung noon lang ay hinahalikan pa nitong si Andoy si Elise niyo," saad no'ng matanda. Kahit hindi pa ako kumakain ay napaubo ako dahil sa sinabi niya. Napaiwas naman ng tingin si Andoy sa gawi ko habang ako ay para ng kamatis sa pamumula ng mukha ko. What the hell? Anong kiss ang pinagsasabi nitong si Manong?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD