"Ang init," saad ko. Todo ako sa pagpaypay sa sarili dahil hindi ko talaga kaya ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko.
Alas otso pa lang ng umaga nang naisipan ni Lola na maglakad-lakad kami sa labas. She even interrupted my sleep a while ago just for this. Hindi ko alam kung anong trip niya pero wala akong choice kanina kung hindi ang bumangon. It's just 6:00 a.m. in the morning when she wake me up at lahat ata ng cells ko sa katawan ay tulog pa sa mga oras na 'yon.
"Where are we going ba Lola?" I asked. Nasa likod niya lang ako habang mabagal naming binabaybay ang daan patungo sa kung saan.
"Hija, nakabubuti sa kalusugan ang paglalakad sa umaga," sagot naman ni Lola sa akin.
Aish, Are we gonna talk about health facts here? Seriously? Ang plano ko pa naman sana ay magkulong lang sa kwarto ngayon at matulog buong hapon.
"Lola, I do my exercises regularly," ani ko. "Atsaka, it's just 8:00 a.m. where are we going ba kasi?" maarteng tanong ko sa kan'ya.
Lola never bothered to answer me but instead naglalakad lang kami. My whole body is sweating and I can't bear the sun rays hitting my bare skin. I don't know kung saan kami paroroon but I don't like this talaga. I hate what we are doing now. I'm just hoping na sana ay matapos na ito so I can freely go back to my room and sleep all day. Panay lang ang pag-angal ko sa aking isip. Gigil ko ring hinahawi 'yong mga d**o na siyang dumidikit sa paa ko. May kalayuan na ang pagitan mula sa bahay namin mula rito kung saan kami naglalakad hanggang sa may nakita akong parang kalesa sa may dulo.
"W-what is that?" tanong ko. Kahit na alam ko naman talaga 'yong sagot sa nakita ko. Nagtataka lang kasi ako kung bakit may kalesa rito? Wala naman akong nakuhang sagot mula sa aking Lola dahil lumapit ito sa kalesa at doon ko nalaman na may tao pala sa loob niyon.
"Magandang umaga ho Senyora," bati ng isang lalaki. Bumaba ito mula sa kalesa upang bumati kay lola. Hindi nito napansin ang presensya ko sapagkat tutok ang atensyon nito sa aking abuela.
Kung titingnan ko ay mukhang magkasing-edad lang kami ng lalaki. Batang-bata pa ito at may kayumangging balat.
"Hmm, not bad," ani ko sa isipan.
Tiningnan ko muli ang lalaki mula paa hanggang ulo. May katangkaran ito at may matangos na ilong. May pagka-kulot ang buhok, and one thing I like about his appearance is that when he smile ay parang nawawala ang mata nito dahil sa singkit siya. Hindi ko rin masabi kung may matipuno ba siyang pangangatawan dahil nakasuot kasi ito ng parang long sleeves na damit pang-itaas. May abaniko itong sombrero sa ulo at may bota na suot. Tipikal na magbubukid.
"Argh, sayang ka. Tsk!"
Hindi naman sa ayaw ko sa mga probinsyano. It's just that they're not my cup of tea. Hindi sila 'yong tipo ko and my standards were way too high. Wala rin sa isip ko ang mag-boyfriend. I just want to enjoy my life dahil gusto kong malimutan lahat ng problema ko. Ayaw ko ng magdagdag ng problema sa buhay. Men are so problematic. Bakit ko nasabi? Dahil mismo sa sarili kong tatay wala na akong tiwala. I wouldn't let myself get hurt again. They don't deserve me.
"Hija…" Napailing naman ako at agad bumalik mula sa paglalakbay ang isip ko nang tawagin ako ni Lola. Sumenyas ito na lumapit pa ako sa kan'ya. Judging by her actions ay alam kong ipakikilala niya ako sa lalaking kaharap namin ngayon.
As I was walking towards them ay hindi ko naiwasan na tingnan ulit ang lalaki sa mukha. Now that I can see his full face I can say na parang may kamukha siya. May kamukha talaga siya. Hindi ko lang ma-figure out kung sino.
"Hijo, this is my apo," pagpapakilala ni Lola sa akin sa lalaki. "Elise, this is Andres. Kapatid siya ni Andoy."
As soon as I heard that man's name ay agad lumaki ang mata ko. The scene last night popped in my head at hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang inis ko sa lalaki. Kaya pala pamilyar ang isang 'to. He is his brother!
"Magandang umaga Senyorita Elise," bati nito sa akin. Inalis nito ang sombrero na suot at inilapat ang kanang kamay sa may dibdib at bahagyang yumukod. This is very very very makaluma! Napalingon ako kay Lola at alanganin na ngumiti. I was sending signals to her kung anong gagawin ko right now. Am I going to bow as well to greet him? But that is so not me. Parang hindi ko naman karakter ang ganito. I am not really into this kind of situation.
"Uhh… Hi?" alanganing bati ko sa lalaki.
"O siya, tayo na," saad naman ni Lola.
Agad akong napalingon sa kan'ya at nagulat ako sa sinabi nito. Ang aga-aga pa at parang nais atang gumala ni Lola kung saan ngayon. Huwag niyang sabihin na riyan kami sa kalesa na 'to sasakay? At saan naman kami pupunta aber?
"Hija? You're spacing too much. Halika na," wika ni Lola sa akin. Tinitigan ko lang siya kung paano ito sumakay sa likod ng kalesa habang si Andres naman ay maingat na inaalalayan si Lola sa bawat pag-hakbang nito upang makasakay. Well, he's a gentleman. I can see that.
"Senyorita?" Nakita ko na lamang na nakalahad ang isang kamay ni Andres sa may harap ko. Para bang sinasabi nito na hawakan ko ang kamay niya upang maalalayan niya ako sa pag-akyat.
At dahil nga independent woman ako ay hindi ko tinanggap ang kamay nito. Don't get me wrong. Lumaki lang talaga ako na kulang sa pagtitiwala. I don't easily trust someone lalo pa't ngayon ko lang nakilala.
"No, thanks," I said. Kaagad akong sumampa at umupo sa gilid ng aking abuela. Si Andres naman ay nagpunta sa unahan to drive this thing.
I was literally frowning while I'm staring at the trees, grass and the sunlight from the outside. Antok na antok pa ako and I hate it when someone interrupts my sweet sleep. Pero dahil nga 'yong Lola ko naman 'yong gumising sa akin ay wala akong magawa. Ni hindi ko pa nga alam kung saan kami tutungo.
"Are you enjoying Hija?" biglang tanong ni Lola sa akin. I want to be honest. I don't find this entertaining but because I know Lola will get lonely when I'll say this ay hindi ko na lang sinabi. I don't want to hurt her feelings. Baka isipin nito na hindi ko na-a-appreciate lahat ng ginagawa nito para sa akin. I know she just wants me to forget what happened but hindi ko naman kasi agad-agad iyon magagawa lalo pa't Raf is out there fighting for his life. Habang ako nandirito para magkaroon ng peacefulness sa sarili!
"Oo naman Lola," I said and smiled a bit. Hinaplos nito ang buhok ko atsaka hindi na kami muli nag-usap pa. Inaliw ko na lang din ang sarili ko sa tanawin sa labas. Two months lang naman ako rito. After two months ay makakaalis na rin ako. Kailangan ko lang tiisin 'yong pagka-boring ng lugar atsaka mabilis lang naman ang paglipas ng panahon. It's not that I am forever stuck here. I just need to fake everything until I can go home.
Tumigil ang kalesa sa harap ng malaking bodega. I didn't know this kind of place existed. Ano namang ginagawa ng bodegang ito sa gitna ng kagubatan? And there are lots of coconut trees here. Natatakot tuloy ako na baka mabagsakan ako ng isang buko. Una akong bumaba at sumunod naman si Lola. When we finally get out from the kalesa ay nagsalita naman si Lola.
"This is one of our family's business Hija. Bodega ito para sa koprahan at narito nga tayo para kumustahin ang mga tauhan natin," ani ni Lola.
Napatango na lamang ako. Basta alam ko lang ay isa itong bodega ng koprahan. Mukhang nakuha ata namin ang atensyon ng mga trabahador sa loob dahil agad silang nagsilabasan upang batiin kaming dalawa. May mga babae rin palang nag-tatrabaho sa koprahan namin. May nakikita rin akong mga batang naglalaro sa gilid.
"Senyora! Magandang umaga ho sa inyo," sabay-sabay na bati ng mga trabahador. May ngiti sa kanilang mga labi habang binabati kami. Mapapansin mo talaga na malaki ang respeto at pagmamahal nila kay lola. Makikita mo 'yong init ng pagtanggap at pagbati nila sa pamamagitan ng kanilang mga mukha at boses.
Hindi rin nakaligtas sa kanilang mga mata ang titigan ako. Siguro ay nagtataka sila kung sino ako dahil bihira lang naman talaga ako napapadpad dito sa Probinsya. Dati-rati kasi ay mismo si Lola 'yong pumupunta sa Maynila upang bisitahin kami ni Papa. Medyo nailang naman ako sa paraan ng pagtitig nila sa akin kaya patay-malisya akong tumingin sa aking likuran upang maiwala ko ang atensyon nila.
"Si Elise nga pala, ang apo ko." Dahil sa sinabi ni Lola ay lahat sila nagsipag-yuko. Ako naman ay natataranta na rin dahil sa hindi ko alam ang magiging tugon ko sa kanilang mga yuko. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong royalty. Masyado talagang pormal at hindi ako sanay sa ganito. I'm starting to feel nervous at natigil lamang ang panginginig ko nang hawakan ako ni Lola sa balikat.
"It's okay, you can relax apo. You can greet them normally," bulong nito sa akin.
I took a deep breath and said, "good morning sa inyo!" All of them lift their heads at ngumiti nang matamis sa akin. Para akong nakaahon mula sa pagkakalunod nang makahinga ako nang maluwag.
I'm not usually like this. Sanay naman ako sa mga tao. But this place has this kind of effect on me. Hindi naman ako allergy sa Province. It's just that hindi ako sanay sa mga nakasanayan nila. I feel like naiiba ako kapag nakakasalamuha ko sila.
"Ang ganda-ganda ng apo ninyo Senyora. Tisay na tisay, mana sa inyo," puri nila sa akin. I can feel my cheeks burning because of that sudden compliment.
Ang gulo ko rin minsan eh. Sometimes I want attention pero minsan din ay nahihiya ako kapag nakakakuha ako ng compliment from other people. Hindi ko rin talaga alam sa sarili ko. This place is like changing the Elise I was known for. 'Yong pagiging rebel and spoiled brat ko ay hindi uubra sa environment na ito. Nang napagpasyahan ni Lola na pumasok sa bodega ay tumanggi na ako. Gusto ko munang mapag-isa at gusto ko ring i-explore ang lugar. Wala namang bago. Puros puno at niyog pa rin naman 'yong nakikita ko sa paligid ko. I saw a big tree at nakita kong parang comfy magpahinga sa lilim no'n kung kaya't agad akong nagpunta para magpahinga saglit. Nandito din lang naman ako. Might as well enjoy the scenery and the peacefulness of the place.
Hinubad ko ang dalawang tsinelas ko sa paa at nilapag iyon sa may lupa upang gawing upuan. Ayaw ko namang madumihan itong suot ko. Nang nakaupo ako ay tahimik lang akong nagmasid sa paligid. Ipinikit ko ang aking mata at dinama ko ang kapayapaan. Nakakagaan sa kalooban na marinig ang huni ng mga ibon at ang sariwang hangin na dumadampi sa balat mo. Pero naputol naman ang siyang pagmumuni-muni ko nang naramdaman ko ang isang presensya sa harap ko. Dahil nga sa pakiwari ko ay may nakatingin sa akin ay binuksan ko ang paningin ko at nakita ko mismo ang mukha ng kinaiinisan ko. Si Andoy!
Nakatitig ang lalaki sa akin habang pawisan ang buong mukha. Ilang pulgada lamang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Napakurap-kurap ako. Hindi ko mabawi ang tingin ko sa mukha ng lalaki. Para bang may magnet ang mukha niya na hindi ko maalis ang mga mata ko roon.
"Excuse me Senyorita. May kukunin lang ako sa likuran mo." Mas lalo akong hindi nakagalaw nang mas lumapit ang katawan nito sa akin. Ano bang ginagawa ko? I should make tulak him and scream at his face by making lapit to me! But I cannot do it. I almost passed out dahil sa tagal ng pagpipigil ko sa aking hininga. I was stopping myself to sniff him. My body is curious about his smell at para akong baliw because this is not me! Elise Montereal won't be thinking like this now. At kailan pa ako nagka-interes umamoy ng isang lalaki?!
"Salamat," Andoy said and left me. Kinuha lang pala nito ang t-shirt na nasa gilid ko. I watched his back as he walked away from me. I hate this man! Hindi ko nagugustuhan kung paano nito ginugulo ang sistema ko.