Parang pakiramdam ko ay nainsulto ako ro'n sa ginawa niya. Hindi ko maipagkakaila na para akong nalugi na ewan dahil lang sa ganoon niya lang akong tratuhin. Para lang akong hangin sa paningin ng lalaking ito. Mukha ba akong invisible upang hindi niya ako mapansin? Hindi ako sanay makakita ng isang lalaking walang pakialam sa akin. Sino ba siya sa tingin niya? Nayayabangan talaga ako at naiinis. Sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya ay parang gusto ko siyang tirisin. Dahil sa inis na nararamdaman ko ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at napatingin sa tsinelas na siyang inupuan ko kanina. Nangangati ang kamay ko. Gusto ko siyang hambalusin para magka-emosyon naman 'yong mukha niya! At dahil umandar na naman ata ang pagka-maldita ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Ibinato ko ang hawak na tsinelas sa kan'ya. Kitang-kita ko ang paglipad niyon sa direksyon nito. Saktong tumama iyon sa ulo ng lalaki kaya napahinto ito sa paglalakad.
Napaatras pa ako nang makita ko ang paglingon ng ulo nito sa direksyon ko. Nakakunot ang noo at hawak nito sa kamay ang tsinelas na tumama sa ulo niya.
"Bakit mo ako binato ng tsinelas?" seryosong tanong nito sa akin. Nanlamig naman ako at napakagat na lamang ako sa labi ko. Dahil sa bugso ng damdamin ay hindi ko napigilan ang sarili kong kamay.
"E-eh, a-ano n-naman?" nauutal kong tanong sa lalaki. Hindi ako makatingin sa mga mata nito. Panay lang ako sa paglingon sa gilid ko iniiwasan kong madapo ang paningin ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa lalaking 'to. Sino ba siya sa palagay niya? Trabahador lang naman namin siya kaya wala siyang karapatan na magalit sa akin.
Nakita ko ang paglapit nito sa akin. Dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla naman akong kinabahan kung kaya't marahan din akong napaatras.
"L-lumayo ka nga sa akin! Isusumbong kita kay Lola!" sigaw ko. Parang walang narinig ang lalaki dahil patuloy lamang siya sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Habang ako naman ay napako na sa kinatatayuan. Hindi na ako makaatras dahil sa puno na nasa likod ko.
Napapikit ako sa aking mata nang umangat ang mga palad nito. Sasampalin niya ba ako?! Ha?! Para lang sa pagtapon ko ng tsinelas sa kan'ya? Talaga bang gaganti siya. Dahil mukhang seryoso naman ang lalaki sa pagsampal sa akin ay napayuko ako habang nakapikit ang mata. Hinihintay ko na lamang ang pagdapo ng palad nito sa pisngi ko. Wala akong sampal na natanggap mula sa kan'ya. Ikinulong niya lamang ako sa mga kamay nito habang nakahawak ang magkabilang kamay nito sa puno.
"Sa susunod na mananakit ka pa. Paduduguin ko 'yang labi mo," bulong ni Andoy sa akin. Nang narinig ko iyon ay agad akong napadilat ng mata. Sa harapan ko ay ang malapit na pagmumukha ni Andoy. Dumadampi sa balat ko ang bawat hininga niya habang amoy ko ang pawis niya. Hindi naman siya mabaho. Hindi ko lang mawari kung anong pabango nito sa katawan dahil naghalo-halo na rin ang pawis nito atsaka ang gamit nitong pabango. Ang mga mata ni Andoy ay walang buhay na nakatitig sa akin. Bigla akong nangamba sa paraan ng pagtitig niya. Mukhang hindi siya nagbibiro pero dahil nagsisimula na naman akong mainis ay walang pag-aalinlangan na tinulak ko siya.
"At sinong tinatakot mo ha?!" angil ko. "Trabahador ka lang namin atsaka lumayo ka nga sa akin! Ang baho mo!" inis kong saad. Mas lalong bumagsik ang reaksyon nito sa mukha. Mukhang nagalit na ngang tuluyan ang lalaki. Umigting ang panga nito at kumuyom ang kamao. Napaismid ako. Wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Wala naman akong pake sa nararamdaman niya atsaka sinasahuran siya ng Lola ko at wala siyang karapatan upang sagut-sagutin ako.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?! Mag-trabaho ka na! Sayang naman ang pinapasahod ng Abuela ko sa tulad mo na pa prente-prente lang!" dagdag kong wika. Nakapamewang pa ako habang nakataas ang kilay.
Agad naman akong napangiti nang hindi na umimik si Andoy at tumalikod na ito. Naglakad na ang lalaki habang ako naman ay nakangisi lamang habang pinapanood ang likod nitong papalayo sa akin. Mukhang pupunta ang lalaki sa bodega kung nasaan si Lola kung kaya't minabuti ko na lamang na sundan si Andoy. I mean, papunta rin naman ako sa bodega. Hindi ko siya sinusundan 'no? Asa pa siya! Dahil maraming d**o ang siyang dumidikit sa paa ko ay hindi ko maiwasan ang mapatili sa inis. Kung sana lang ay ordinaryong d**o lang siya, 'yong dumidikit kasi sa akin ngayon ay 'yong may mga tinik. Dahil sa hindi naman ako tumitingin sa dinadaanan ko ay halos matumba pa ako nang mabunggo ako. Agad naman akong nagtaas ng paningin at sumalubong sa akin ang hindi maipintang pagmumukha ni Andoy. Sinundan ko ang tingin nito at agad akong napaatras nang nakita kong sa may legs ko siya tumitingin.
"M-manyak…"
"Tumahimik ka at p'wede ba? Walang kamanyak-manyak sa katawan mo," sagot nito. "Sino bang may sabi sa'yo na magsuot ka ng maikling shorts dito?!"
"Pake mo naman? Bakit? Katawan mo ba 'to?!" inis kong tanong sa lalaki.
Nanlaki pa ang mata ko nang agad na lamang tumalikod si Andoy sa akin atsaka pumusisyon na para bang papasanin niya ako.
"Anong ginagawa mo? Tumayo ka nga!" gulat kong wika. Mabuti na lang at walang tao na nakakakita sa amin ngayon. Ayaw kong ma-issue sa isang 'to 'no. Naiisip ko pa lang na baka may mali silang ideya sa amin ay nanggagalaiti na ako. Not with this man! Not with him. Sa taas ng standard ko ay hindi umabot itong Andoy na ito kahit ¼ man lang.
"Nababaliw ka na ba? Ano ka? Sinuswerte?! Hindi ako magpapabuhat sa'yo! Kaya kong mag-isa," dagdag kong wika.
"I'm not kidding Princess." Sa paraan ng pagbigkas nito sa salitang Princess ay parang nang-uuyam ang tono dahilan kung bakit kumunot ang noo ko. "Ayaw kong isipin ni Senyora na pinabayaan ko ang nag-iisang apo niya." Ahh! So, he's doing this for my grandma? Para magpakitang-tao?! How dare he use me just to gain recognition from my Lola? Ang kapal nga naman talaga ng pagmumukha.
"I'm sorry to disappoint you Mr. M, but I don't need your help. At kung gusto mong magpasikat, take your kayabangan somewhere!" Sinadya ko talaga na banggain ang balikat nito upang masubsob ito sa damuhan pero dahil malakas siya ay hindi naman ito natumba. Mukhang hindi nga natinag eh.
Iniwan ko siya at nagpasiunang maglakad pero hindi pa ako nakakalayo mula kay Andoy ay naramdaman ko na lamang ang pag-angat ng sarili kong katawan mula sa lupa. Nakita kong pasan-pasan na ako ng lalaki. Ang pwetan ko ay nasa bahaging mukha nito habang ang mukha ko naman ay nasa likod nito. Para lang siyang pumasan ng isang sakong bigas. Dahil nga sa nagulat ako kung kaya't hinampas ko ang likod nito.
"Pumirmi ka nga kung ayaw mong mahulog," saad ni Andoy sa akin. Marahas akong napabuga ng hangin at hindi ako nakinig sa sinabi nito dahil hindi pa rin ako tumitigil sa paghampas sa likod nito. Ano ba ang pumasok sa utak ng lalaking ito?! Wala pang lalaki ang siyang nakakagawa ng ganito sa akin! Siya ang bukod tanging lalaki ang ganito sa akin. Walang respeto, ubod ng antipatiko at walang ka amor-amor sa beauty ko! I hate it when he can simply ignore my existence. Hindi sa gusto kong mapansin niya ako but argh! How do I put this. Basta, hindi ako sanay!
"Ibaba mo ako! I don't want everybody to see us in this situation! Not you, eww…" Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang mahinang pagpalo nito sa pwet ko. Did he just slap my butt?! He freaking slapped my butt!
"Stop wiggling! Ang daming ahas dito. Gusto mo bang makagat?" Bigla akong natahimik at para akong nanlamig sa narinig. Ahas? Oh my God! I hate snakes. May phobia ako sa ahas at dahil sinabi niya iyon ay parang ayaw ko ng bumaba until safe na ako sa damuhang ito. "Oh ano? Natahimik ka rin," dagdag pa nito.
Wala na akong nagawa. Gusto ko mang barahin siya ay hindi ko na lamang ginawa baka kasi topakin si Andoy at ibaba niya ako. Hmmp! But it doesn't mean that I already forgot what he did. Sa oras na makababa ako ay lintik lang ang walang ganti. He slapped my butt and he must pay for it. Gonna slapped his face really hard. Mabuti na lang talaga at mukhang nasa loob ang mga trabahador pati na rin si Lola at nang sa wakas ay nakababa na ako ay agad umigkas ang isang palad ko sa pisngi nito. Pawisan ang mukha ng lalaki habang gulat na napahawak sa pisngi nito na bago ko lang sinampal.
"Hindi ko palalampasin ang ginawa mo! Slapping my butt is the biggest decision you ever made," pagbabanta ko. "No one dared to touch me except you. Expect something bad in return atsaka huwag kang mag-alala. Dahil binuwesit mo ako ay araw-araw rin kitang bubuwesitin hanggang sa makaalis ako rito. I'll make your life a living hell while I'm here."
I was not expecting a small smile on his face. Pagkatapos ko kasing magbanta ay ngumiti lamang ang lalaki na parang bang may nakakatuwa sa sinabi ko.
"Welcome to hell then," ani ni Andoy. "Make my life hotter Princess." Pinitik nito ang noo ko atsaka iniwan na naman akong nakatunganga. I thought I did something. Ang akala ko ay sa akin ang huling halakhak! How the hell things turn out like this?! Something's really different about him. Hindi ko ma-explain but one thing is for sure, he's getting into my nerves. Para niya na ring sinabi na tinatanggap nito ang hamon ko sa kan'ya. The hell to this man. 'Yong pagka-inis ko sa kan'ya ay ibang level. Kung badtrip ako sa daddy ko mas badtrip ako rito kay Andoy. Nilampasan nito si Dad sa trigger line ko! This is why I hate men. They act like they're superior to women. And myself hate this kind of sh*t. No one is superior to anyone. Dahil sa bongga 'yong inis ko ay maghanda ka talaga Andoy. Expect something from a sweet devil like me.
"Argh!" Inis kong sinipa ang maliit na bato sa harap ko at agad rin akong napa-aray dahil doon. "Aray! Fvck." Agad akong napahawak sa paa ko dahil sa agad na pagkirot niyon.
"Okay lang po ba kayo Senyorita?" Agad akong napahawak sa dibdib ko at muntik pa akong mapaupo sa lupa nang nakarinig ako ng boses mula sa likuran ko.
"Fvck? Bakit ka ba bigla-biglang sumusulpot?!" Dahil sa gulat ay hindi ko na nakontrol ang pagtaas ng boses ko kay Andres. Oo, si Andres. Hindi ko nga alam kung saan galing ang lalaking ito at bigla na lamang sumulpot sa likod ko.
"Pasensya na po. Nagulat ba kita?" marahang tanong ni Andres sa akin. My heart softened a bit when I heard his soft voice. Nakonsensya tuloy ako sa pagsigaw ko sa kan'ya bakit ba kasi ang lambot ng boses nito atsaka ang galang pa? Ibang-iba sa kuya nito. Napailing ako. Hindi ko dapat iniisip ang ulupong na 'yon. He's not worth my time.
"No, no, I'm sorry rin sa pagsigaw. It's just that nagulat lang ako," I said. Tumango lang ang lalaki. Para talagang pinagbiyak na bunga itong si Andres at Andoy. They look the same pero ang pagkakaiba lang ay walang emosyon ang pagmumukha ng kuya nito while Andres has this charming and soft aura. Sus, pinaganda ko pa. Demonyo 'yong kuya niya habang ang isang 'to naman ay anghel.
"Ayos lang ho Senyorita," saad ni Andres.
"Can you please stop calling me Senyorita? Nakakailang kasi eh," I replied. Totoo namang nakakailang. It's very formal na kahit sino man ay maiilang kapag tinawag ka sa gan'yan eh.
"P-pero S-seny--" Pinutol ko ang dapat na sasabihin nito. Alam ko naman kasi na aangal lang ito. Mukhang big deal sa lugar na ito ang gumalang ng ganito. Not me, hindi naman kasi ako rito pinanganak.
"You can call me Eli," pagpapaalam ko kay Andres.
Tumango lamang si Andres atsaka nahihiyang nagyuko ng ulo. Hmm, cute.
"Handa na ang agahan." Dahil sa nakatuon ang mata ko kay Andres ay hindi ko napansin ang pagdating ni Andoy na nakakunot na naman ang noo.
"Kuya," tawag ni Andres sa lalaki habang ako naman ay walang pasabi na iniwan ang dalawa. Didistansya muna ako sa lalaking 'yon dahil sa tuwing nagkakadikit kami ay lagi na lang akong napapahamak. May dala atang kamalasan sa katawan ang isang 'yon.