HS7

2167 Words
"Lola?" Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanungin ko ba siya o hindi. Nakakahiya kasi at ayaw kong isipin nito na interesado ako kay Andoy. Gusto ko lang malaman kung anong araw nagpupuntai si Andoy rito sa bahay upang alagaan ang mga halaman namin. Hindi naman sa nais ko siyang makita. Gusto ko lang talagang inisin ang lalaki at nang makabawi man lang ako no'ng nakaraan. "Yes apo? What is it?" tanong nito. Sabay kami nag-hahapunan ngayon. It's been a week since dumating ako rito. Himala nga at natagalan ko ang pananatili ko rito sa probinsya. Nakakapanibago at hanggang ngayon ay hindi pa ako nabuburyo. Nagtataka nga ako eh. Kung noon kasi ay halos bukambibig ko lang ay ang maka-uwi agad ngayon ay hindi ko na siya naiisip. Wala namang bago sa nangyayari sa akin. Pagkatapos no'ng pagpasyal namin ni Lola sa koprahan namin ay hindi na ako muli nakalabas, except kapag nag-jojogging ako. Pero rito lang din naman ako sa loob at hindi ako lumalabas. Malaki naman kasi itong lupain namin kung kaya't hindi ko na kailangan na lumabas pa. Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Andoy. Noong isang araw ko pang gustong tanungin si Lola tungkol sa kan'ya pero wala akong lakas ng loob banggitin ang pangalan nito kay Lola. "Hmm, I just wanna ask kung anong schedule ni… Ahem." Bigla namang kumati ang lalamunan ko kung kaya't napatitig na rin si Lola sa akin. "Are you not feeling well Hija?" pag-alalang tanong nito sa akin. Agad akong umiling nang mabilis. Bakit ba kasi hirap na hirap akong bigkasin ang pangalan ng lalaking iyon. "I'm okay Lola, kasi gusto ko lang itanong kung anong araw pumupunta si Andoy rito?" diretso kong tanong kay Lola. Napalunok pa ako ng laway atsaka patay-malisya na kumain. Alam kong magtataka siya sa tanong ko kung bakit hinahanap ko si Andoy. Alam ko na rin ang sasabihin nito. I already have a response in my mind. Kaya medyo hindi ako inaatake ng kaba. "Bakit Hija? Gusto mo bang mamasyal?" tanong nito sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin atsaka sinagot ang tanong nito. "Hmm, no po, I just want to learn how to plant some flowers. Gusto kong matuto habang naririto ako," pagsisinungaling ko. Me? Planting flowers? Hell no. It's just an excuse para hindi ako pag-isipan nang masama ni Lola. Napangiti naman si Lola dahil sa narinig nito mula sa akin. Na-gu-guilty tuloy ako. Baka kasi nasa isip nito ay nag-eenjoy na ako rito sa probinsya, that I'm starting to like this place na. But the truth is, I still hate this place. It reminds me of Anisa and Dad. Lalo pa no'ng nalaman ko na minsan na naging love nest nila itong mansyon. I just want to go back to my old life. Pero dahil nga I'm stuck here, pagbabayarin ko na lang muna 'yong antipatikong hambog na Andoy na 'yon. I am eager to make his life a living hell while I'm here. Gusto ko siyang inisin hanggang sa sumuko na lang ito. "Well, that's good to hear Hija! At tama na si Andoy ang hanapin mo at pagtanungan mo tungkol diyan. He is knowledgeable about plants and flowers," galak na wika ni Lola sa akin. "Bukas ay pupunta si Andoy rito. Once a week lang 'yon nagpupunta rito dahil kung minsan ay sa tubuhan o sa koprahan natin iyon nalalagi," dagdag pang sabi sa akin. That explains his moreno skin. Babad lagi sa araw and he has a well-defined body na hinubog ng araw-araw na trabaho nito sa koprahan at tubuhan namin. I also knew about his position in our koprahan and tubuhan. Operations manager pala ang lalaki, pero hindi mo aakalain na ganoon 'yong posisyon niya. Nalaman ko rin na tumutulong pa rin ito sa mga trabahador kahit hindi naman talaga iyon ang job description nito. May maliit na opisina para sa accounting ang ipinagawa ni Abuela. Hindi ko pa nga iyon napapasyalan pero ang alam ko is nasa loob lang iyon ng lupain namin. Tatlo lang din naman ang nagtatrabaho sa opisinang 'yon. Si Andoy, 'yong secretary ni Lola atsaka 'yong accountant. Sila 'yong nag-ma-manage sa lahat ng incomes at pagpapasahod sa mga trabahador namin. Once a week? Parang napaisip ako ro'n. Hindi magiging successful 'yong pang-iinis ko sa lalaki kung isang araw lang sa isang linggo ko siya makikita. How can I make him suffer kung ganoon? Atsaka two months lang ako nandito. I can't fully do what I need to do. Somehow kailangan naming magkasama araw-araw. "You know La, I'm thinking about working here. Gusto ko kasing matutunan ang pamamalakad ng koprahan atsaka 'yong ibang crops natin," ani ko. I made up my mind. If I can go to the extent of working in the office ay gagawin ko. Iyon lang ang nakikita kong paraan para lagi ko siyang makita. Knowing Abuela, I know she's gonna assign Andoy to me para turuan ako sa mga bagay-bagay. Might as well do it for a change na rin. Nandito lang din naman ako. Thinking about it, it's not that bad. Experience na rin 'yon and at the same time, nagagawa ko pa 'yong plano ko. "Really apo? Hindi ko alam na interesado ka pala sa pamamalakad ng negosyo ng pamilya natin," manghang saad nito sa akin. I can see her twinkling eyes na parang nasisiyahan talaga ito sa naririnig nito ngayon mula sa akin. Kung alam mo lang Lola. I don't have even an inch of nterest in our family's business. It's all about my own pride. I feel like somehow Andoy crushed a part of me. Parang natapakan talaga 'yong ego ko at hindi ko iyon matatanggap. I'm a spoiled brat for a reason. And now, let's see if he can handle me. "Is it okay for you Lola? Baka maging nuisance lang ako sa office," wika ko. Sinamahan ko pa ng paawa effect. "You'll be okay apo. Si Andoy na ang bahala sa'yo. He's gonna teach you about everything you need to learn about our business," tugon naman nito. Nang gabi ring 'yon ay natulog ako nang may nakaukit na ngiti sa aking labi. Ang gaan sa pakiramdam knowing that my plans are sailing smoothly. Kinabukasan ay maaga talaga akong nagising. I wake up early and bathe kahit ang ginaw-ginaw ng tubig. Nakalimutan kong wala palang heater ang banyo ko. Pero kahit ganoon ay hindi iyon naging hadlang para mawala 'yong excitement ko ngayong araw. Good mood ako today at sa palagay ko ay walang makakasira no'n. Lalo na't my victim is gonna be here today. Isang araw ko rin siyang ma-bu-buwesit. Masaya akong bumaba sa hagdan at naabutan ko si Lola na nasa sala habang nagkakape. Agad akong dumiretso sa kan'ya upang bumati at humalik ako sa pisngi niya. "Good morning La!" masaya kong bati. "You're early Hija. Mukhang excited ka ata," Lola replied. Napaubo pa ako. Halata bang excited ako masyado? Mukhang kailangan ko ata babaan 'yong energy ko at baka iba na ang isipin ni Lola sa mga kilos ko. Baka isipin nito na may gusto ako kay Andoy. Yuck lang. "Napaaga lang po ng gising," palusot ko. Umupo ako sa tabi nito atsaka agad namang lumapit ang isang kasambahay namin. Nakuha nito ang pansin ko. Matagal ko na rin napapansin ang kasambahay naming ito. Kung minsan nakakalimutan ko lang talaga magtanong kay Lola. Mukhang hindi naman kasi kasambahay ang babaeng ito. She looks young at ang expensive niyang tingnan na parang galing siya sa mayamang pamilya. She's also pretty though. Pero mas maganda pa rin ako. "Senyorita? May kailangan po ba kayo? Coffee po?" tanong nito sa akin. Mukhang nailang naman ito sa paraan ng pagtitig ko kung kaya't iniwas ko na ang paningin ko sa kan'ya. "Green tea 'yong akin please," sagot ko. Tumango lamang ito at naglakad na papunta sa kusina para gawin ang green tea ko. "Hmm? Lola? Who's that girl?" I asked. Sinundan ng tingin ni Lola ang tinitingnan kong papalayo na kasambahay namin. "Si Anya ba?" tanong nito. Even her name sounds rich. Hmm, mukhang imposible namang anak siya ng isang mahirap. I can sense someone who is like me. 'Yong may parehang lifestyle ng katulad sa akin. Kahit anong tingin ko ay hindi ko pa rin makita ang pagiging dukha niya. Not that I'm stereotyping. Pero kasi she has this rich vibes that I can't explain. Tumango naman ako atsaka naghintay sa sagot nito. "Anya is the granddaughter of my friend. Her grandma pass away just a month ago at nandirito siya ngayon for a reason," wika nito. Na-intriga naman ako. I knew it! Hindi lang siya ordinaryong babae. I can really sense that she's like us. Pero bakit siya nagtatrabaho sa amin? She can live here naman without working. Friend naman pala ng lola ko ang lola niya. "What reason po ba?" naguguluhan kong tanong. Parang nag-aalinlangan pa siyang sagutin ang tanong ko pero dahil pursigido akong malaman ay bumigay rin naman si Lola. "Hays apo, someone is trying to kill her. Before my amiga died ay hinabilin niya si Anya sa akin. Ipinama kasi nito lahat ng ari-arian sa bata. Makukuha lang lahat ni Anya ang pamana nito kapag tumuntong na siya ng 22 at ngayon na nga ay naipit siya sa sitwasyon. I told her that she doesn't need to work here dahil hindi naman siya sa iba sa akin but she insisted kaya wala akong magawa," pagkukwento ni Lola. "This is really confidential apo and I'm trying to keep Anya safe until tumuntong na siya sa legal age just to keep her safe from her killer. Wala sanang ibang makaalam nito," she added. Naputol ang pag-uusap namin dahil nakita kong paparating na si Anya. I shut my mouth and just silently watch her. Makikita mo talaga sa kilos nito ang pagiging mayaman. She's trying to do her job and I appreciate it. Ang lungkot lang pala ng buhay niya. Someone's trying to kill her para lang sa mana. Baka isa sa mga kamag-anak niya lang ang nais magpatumba sa kan'ya. It's so sad to think about it. May mga gan'yan talagang tao na kakayaning pumatay para sa pera. For me, money is a curse. "Ito na po 'yong green tea niyo Senyorita," si Anya. "Drop the Senyorita. Just call me Eli. Mukhang hindi naman nagkakalayo 'yong edad natin," nakangiting saad ko. Namula naman si Anya at parang nahiya ito. Ang hinhin niya at may pagka-mahiyain pala ang babae. Tumango lamang ito atsaka iniwan na kaming dalawa ni Lola. I'm having such positive vibes from her. Makausap nga siya minsan. She's rich, I know we can relate in some other things. Atsaka parang mabait naman siya at wala pa akong nakakausap na babae na kasing-edad ko ka lang din. She's perfect para maging kaibigan. Boring din kasi kapag wala kang makausap na same gender. Lumabas ako bitbit ang tsaa sa kanang kamay ko at nagpunta sa may garden area. May isang shed naman do'n na p'wedeng pag-tambayan. Hinihintay ko lang 'yong biktima ko para ma-surprise siya sa presence ko. Inagahan ko talaga para marami akong oras na buwesitin siya habang nagtatrabaho. Lumipas ang ilang minuto hanggang sa lumipas na rin ang isang oras na paghihintay. Ilang kasambahay na rin ang tumawag sa akin para mag-agahan pero tumanggi ako. Nakabusangot ako habang halos mabali na ang leeg sa katitingin sa daan. Ni anino nito ay hindi ko nakikita. Panay rin ako tingin sa relo ko. Alas-nuwebe na! Anong oras ba siya darating? Mahapdi na 'yong sinag ng araw kapag tumatama sa balat ko. Naiirita na naman ako. Huwag mong sabihing bokya ako ngayon? Pinaghintay niya ba ako sa wala?! "Fvck that man!" pagmumura ko. Kapag talaga nagagalit o naiinis ako ay hindi ko mapigilan ang magmura. Parang naka-program na 'yon sa sistema ko na automatic na lang lumalabas sa bibig ko. "Ang aga-aga pero mura na agad ang lumalabas diyan sa bibig mo." Napatalon ako sa gulat. Muntik ko pa maibato ang tasa na hawak ko. Gulat akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Andoy. May suot itong abanikong sombrero habang naka-checkered na long sleeves. Bukas lahat ng butones at may itim na sandong suot sa loob. "Bakit ngayon ka lang?!" Halos nag-loading ako at parang gusto ko na lang sanang lumubog sa lupa. Dahil sa bugso ng damdamin ay naitanong ko 'yon sa kan'ya. Nagmumukha tuloy akong naghihintay sa pagdating nito. Mas lalo akong nainis nang makita kong napangisi ito sa tanong ko. "Ow bakit? Miss mo na ako agad?" tanong nito. Halos lumabas na ang puso ko mula sa dibdib ko. Parang nagwawala 'yong sistema ko at hindi ako makasagot. Nanginginig ako sa inis at kumakabog 'yong puso ko sa galit. Iba na 'to! Iba na ang level ng pagka-bad trip ko sa isang 'to. "A-ang k-kapal mo!" Iniwan ko siya at nagmamadaling umalis. I need to freshen up and clear my mind muna bago sumabak sa giyera. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito. I hate him! Humanda ka talaga sa akin ngayon Andoy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD