Napabuntong hininga siya sa nakikitang tambak na requirements na kailangan niyang tapusin. Kanina pa sila nagsimula sa paggawa ng mga sari-saring paper works pero tila walang katapusang kalat ang nakikita niya.
Maging ang mga kamay niya ay nangangalay na rin. Ramdam na ramdam na niya ang pagod sa pagdedesenyo ng mga isa-submitt niyang projects. Napapaisip nga siya kung matatapos niya lahat ng ito sa tinakdang panahon.
Ngayon ay naituon niya sa kakabatang si Celine ang atensyon. Laking pasalamat niya at nandito ang matalik niyang kaibigan. Hindi niya lubos maisip kung kakayanin niya lahat ng ito kung wala ang nag-aaliw at kakulitan nitong si Celine.
Mabuti na lamang at napapilit niya itong dito na lang rin gawin ang mga requirements rin ng kababata. Pareho na silang magtatapos ngayon sa kolehiyo kaya babad talaga sila sa home works at kung ano-ano pa.
Magkaiba ang unibersidad na kanilang pinag-aaralan sapagkat di maitatangging isang normal lang na pamilya ang nag-adopt sa kaibigan niya. Samantalang siya ay nasa sikat at kilalang pangalan ang nanalaytay sa apelyido niya.
Hindi niya maiwasang ikumpara ang buhay na meron siya sa klaseng buhay na tinatamasa ng kanyang kababata. She has almost everything but it doesn't make her happy and contented. The pressure is always there. Habang si Celine? Hindi nga siya lumaki sa pamilyang may maraming pera at sikat subalit kitang-kita niya sa mata nito ang tunay na kaligayahan mula sa tinatawag nitong pamilya. Not that she is complaining but she wish to have a normal life, yung katulad kay Celine.
Alam niya ang klase ng pamumuhay meron ang pamilyang kumupkop kay Celine dahil minsan na rin siyang pumunta doon sa kanila. And honestly, she can't afford to be jealous of Celine's kind of life. Hindi man sanay sa luho pero maituturing pa rin namang simple lang.
Smile conquered on her lips as she watches her friend cutting those arts while singing like no one might hear her. Nakakapagtataka at hindi man lang niya nasilayang napagod ito sa magdamag na paggawa nila pareho ng projects.
"Alam kong maganda ako Jack pero wag mo akong titigan please." litanya pa ng kababata niya sa kanya nung nahuli siyang nakatingin dito. Napailing na lamang siya sa sinabi nito at muling bumalik sa pagdikit nga pirasong papel sa scrap book niya.
Maya-maya pa ay napansin niya ang minu-minutong pagtingin ni Celine sa wrist watch nito at ang paulit-ulit na pag-tingin sa paligid.
Nasa mansion sila kaya wala naman dapat na ikabahala si Celine dahil maraming gwardiya ang nakabantay dito, kung yun man ang iniisip nito.
"You are safe, huwag kang praning cell." nasanay na siyang tawagin itong cell. Muli ay intinuon niya sa pag-gugunting ang mga mata.
"Jack..." narinig siyang tawagin ito pero mas nakafocus ang kanyang konsentrasyon sa papel.
"Jack." ilang ulit pa niyang narinig ang pangalan na sinasambit ng kababata kaya sa ikatlong pagkakataon ay umangat na siya. Tinaasan niya ito ng kilay na wari ay nagtatanong kung ano ang kailangan niya.
"Sabado ngayon, pero parang di ko ata nakikita si Trevor. Asan yung Kuya mo?" napaisip siya saglit subalit ay nagkibit balikat rin siya, senyales na wala siyang alam kung saan nga ito. Hindi na bago sa kanyang wala si Trevor. Tanging pagbabarkada, gimik at pambababae lamang ang alam nitong gawin.
"Kuya mo siya pero di mo alam kung nasaan." pinagmasdan niyang idikit ni Celine ang isang paper art.
"Hindi niya pa rin ako tanggap na kapatid Cell. Ni ayaw nga niyang tawagin siyang Kuya. He doesn't care about me." walang gana niyang kwento sa kaibigan habang nakasimangot ang mukha.
"Kung sa bagay, isang taon lang naman agwat niyo kaya siguro ayaw niyang tinatawag mo siyang kuya." nakita pa ni Jack ang pagtango niya habang nagsasalita.
"Pero ang gwapo talaga ng kuya mo Jack! Ireto mo ako sa kanya please. May girlfriend ba yun sa ngayon?" Interesadong saad pa sa kanya ng kaibigan. Tinitigan niya ito ng may pagtataka. Hindi talaga mawawala sa usapan nila si Trevor at palaging dito napupunta ang usapan. Kung sa bagay ay di niya masisisi ang mga babae na mahuhumaling sa asungot na si Trevor. Gwapo nga naman ito.
"Ewan ko sayo Cell." hindi na niya pinansin si Celine at mas lalo na lamang inabala ang sarili sa requirements.
"Jack, 18 na tayo pero ni hindi ko pa narinig na nagshare ka tungkol sa lovelife mo. Care to share?" napakunot na naman ang noo niya. Paulit-ulit na nagbukas-sarado ang kanyang bibig sa kadahilanang wala naman siyang maisip na sabihin. Paano siya magkukwento kung wala nga siyang lovelife?
Kung ikumpara ang buhay pag-ibig niya sa kaibigan ay nakadalawang nobyo na si Celine. She knew it cause Celine had shared it to her when she is still on the relationship. Nakakasawa na nga paminsan-minsan dahil hindi mawawalan si Celine ng kwento.
"I don't have any." Ayaw din naman niyang ikwento ang tungkol kay Cyrus. Magkukwento na nga lang siya tapos tragedy pa. Mabuting takpan na lang niya yung bibig niya kesa naman ibahagi ang masakit na karanasan na iyon. Bitter pa rin siya sa lalaking una niyang nagustuhan. Hindi man niya aminin ay nabibwesit talaga siya sa kada maalala ang bagay na yon.
"Kahit crush? Manliligaw? Weh? Jack naman eh!" Paulit-ulit pa siyang niyugyog ni Celine para pilitin siyang magkwento pero sadyan tikom ang bibig niya.
"Wala. Ang ewan mo Celine." napailing na lamang siya at bumalik sa dating ginagawa. Pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa kesa ang hayaan si Celine na guluhin na naman siya.
"Gosh! Nandito na si Trevor." kahit narinig na rin niya ang yabag ng sapatos nito patungong hagdan ay hindi siya lumingon rito.
Naririnig pa rin niya ang tila kinikilig na si Celine. Sa tingin niya ay nababaliw na naman ito sa lalaking iyon. Mas lalo na lamang niyang ituon ang atensyon sa paper. Mas mabuti na yun kesa sa makisabay sa kagagahan ni Celine.
"Ang hot ng niya, Jack. Tingnan mo." Instead of listening to Celine, she focused still her eyes on her paper work. Wala siyang paki kung ano pa yang si Trevor.
"O geez! Tumitingin siya sa akin Jack. Oh gosh. Na sa may itaas siya ng hagdan, umiinom ng wine habang tinitingnan ako." hindi nakawala sa tenga niya ang palihim na tili ng kaibigan. Nagkunwari na lamang siyang hindi ito naririnig kahit nakakarindi na.
Hindi na siya magtataka kung itong si Celine na naman ang magiging next traget ni Trevor, lalo na ngayon na nagpapakita na rin ito ng motibo tulad ng ibang babae. Kung sa bagay ay maganda nga naman ang kaibigan niya, morena at may kurba.
Hindi man siya lumilingon ay alam niyang nakatitig si Trevor sa kinaroroonan nila mula sa itaas. Nakikita niya ito sa peripheral vision. Here he is again, Trevor's first move, ang magkunwaring interesado siya sa babae. If she only knew, the jerk is just is trying to make her friend believe that he is interested where in fact that he is not. Kilala niya na talaga ang lalaking araw-araw na niyang nakakasama sa iisang bubong.
"Tumigil ka na diyan Cell, kilala ko na yan. Huwag mong hayaang malinlang ka ng gagong yan." payo niya sa kababata. Sinadya niyang hinaan ang boses para hindi ito marinig nung lalaking nakasamasid lang sa kanila.
"Oo na." padabog na saad ni Celine saka bumalik na ulit sa paggupit.
Balik na sila sa pagiging tahimik pero hindu siya makapag-concentrate lalo na kung alam niyang patuloy pa rin sa pagtitig sa kanilang kinaroroonan si Trevor.
Sinubukan niyang mag-angat ng tingin subalit ay nagsisi rin siya kalaunan dahil sa nagtama ang kanilang mga mata. Smirk conquered on Trevor's lips.
Agad niyang ibinalik ang atensyon sa ballpen. Binitawan niya ito at maya-maya pa ay nag-aya na lamang siya sa kaibigan na pumunta sa Cafeteria.
"Ha? Bakit doon pa? Dito na lang, may kape naman kayo ah?" Alam niyang mas gugustuhin talaga ni Celine dito dahil sa Trevor na yun.
"Gusto ko ang ambiance doon. Saglit lang tayo, kanina pa tayo stress. Malapit lang rin naman yun dito." saad niya pa. Nasanay na rin kasi siyang tumambay doon kapag mag-isa at kapag naiisipan niyang magbasa ng libro. Mas panatag lang talaga siya sa lugar.
"Okay, ako na magliligpit dito." tumango siya sa naging tugon ni Celine at nagpaalam na pupunta muna siya sa kwarto niya para magbihis at kunin ang pera.
Nilagpasan niya lang ang lalaking hanggang ngayon ay nasa hagdan pa rin. Ganyan ang tungo nila sa isa't isa.
Agad na kinuha niya ang pitaka na nasa kanyang drawer at daliang nagbihis ng pangitaas. Naghuhubad pa lamang siya ay narinig na niya ang pagpihit ng pinto.
Ramdam na niya ang pasensiya ng kaibigan pero ipinagpatuloy lang niya ang pagbibihis. Normal lang naman na magbihis sa harap ng kaibigan niya. Sanay na sila noon.
Nakatalikod pa rin siya habang namimili ng damit na isusuot.
"White V-neck shirt is better." naistatwa siya nung napagtanto ang boses. It was not Celine after all.
"What's wrong?" wala siyang pakialam kung ano ang napulot niyang suotin. Pagkatapos magbihis ay hinarap niya si Trevor.
"You are not welcome in my room." pagtataboy niya dito.
"Wala man lang bang thanks? Tinulungan kitang mamili ng susuotin." mas lalong sumingkit ang mata niya sa inis.
"Shut up. Umalis ka na." pilit pa niyang pinapalayas ito.
"Where are you going?" tanong ni Trevor sa kanya. Nakita pa niya ang biglang pagseryoso ng mukha nito.
"Sa Cafeteria lang kami." sinadyang humarang si Trevor sa kanyang daanan.
"Why?"
"Basta! Di magagalit si mommy." diretsahang sagot naman niya dahil sigurado siyang maghahanap na naman iyon ng paraan para di siya makaalis.
Tumigil saglit si Trevor at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
"Mom, won't let you go with shorts. You must change it." he said it into a firm voice.
"Sandali lang kami, I remember last time pinayagan naman ako ni mommy." she even roll her eyes towards him.
"Then I won't let you. Change that. I won't let you go until you change it. I'm not concern with you, I am concern with myself. Wala na akong nagawang tama sa paningin ng mga magulang ko. Just fvcking do it." Alam niya kung bakit ito ginagawa ni Trevor. Marahil ay napag-utusan lang talaga siya sa kanilang ina na bantayan ang mga suot niya sa tuwing lumalabas siya.
She heaved a sigh. Talo pa rin siya. May batas na dapat siyang sundin.
"You can leave now, magbibihis ako." padabog niyang sabi saka kinuha ang pants.
"Don't worry, hindi kita sisilipan. Isa pa wala naman akong masisilip sayo. You are not even my type." nabwesit siya sa naging tugon ng asungot na si Trevor.
"Bwesit ka, pwede bang tumahimik ka kung manlalait ka lang naman." hindi siya nagpatinag at nanatili itong naroon.
"20 minutes." ani pa ni Trevor habang nakatitig sa kanyang relo. Naguluhan siya sa sinabi nito kaya napaawang ang labi niya.
"It's 3:05 in the afternoon, I will give you 20 minutes to go their but when 3:25 pm strikes, you should already be here." walang emosyon na sabi niya kay Jack.
"Don't complain, utos lang ito ni Mommy. 20 minutes, remember it." walang paalam ay umalis na si Trevor. Sakto naman na siya ring pagpasok ng kanyang kababata.
"Anong pinag-usapan niyo at nakasimangot ka ata?" agad-agad na pangungulit ni Celine sa kanya.
Dahan-dahan siyang kumawal ng ngiti at nagkibit balikat na lang.
"Wala."
Minsan ay napapatanong siya kung kelan ba siya makakaranas ng tunay na kalayaan. She is a bird with a beautiful cage. Kahit gaano pa karangya ang buhay na meron siya, walang silbi iyon kung alam niyang hindi niya nagagawa ang gusto niya. Ramdam na niyang nasasakal na rin siya.
Napatingin siya muli sa kaibigang tila walang problema.
What will be the feeling of being freed? What will be the feeling of being Celine?
Nung minsan ring pumunta siya roon sa bahay ng kanyang kababata ay nakikita niyang mahal talaga si Celine ng kanyang ate at kuya, samantalang siya ay di man lang matanggap ni Trevor.
--SecludedFantasy--
Note: Bigyan niyo ako ng ideya sa susunod na mangyayari please. Thank you :)