Chapter 6

1362 Words
Cia's Point of View Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ay Monday na agad. Kagaya ng napag-usapan namin ni Aaron, susunduin niya ako sa bahay. Kanina ay maaga siyang dumaan sa bahay para sunduin ako. Ikinagulat iyon ni mommy. Hindi ko kasi nasabi na isa sa napag-usapan namin ay ang pagsundo niya sa akin. Hindi naman na nagtanong si mommy at agad kaming naka-alis ng bahay. Pagpasok sa school, pinagtitinginan kaming dalawa ng ibang estudyante. Dala-dala niya kasi ang bag ko at hawak-hawak naman ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko. Noong una, pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit nmmalakas ang pwersa niya kaya hinayaan ko na lang ito. Nang makarating kami sa classroom ay agad niyang ibinaba sa upuan ang bag ko at umupo naman ako sa dati kong inuupuan. "Seat beside me" sabi niya saka itinuro ang upuan sa tabi niya which is upuan ni Airene. "Pero si Airene ang naka-upo diyan" sabi ko naman. "No it's fine." Narinig kong may nagsalita mula sa likuran ko, paglingon ko ay si Airene pala ang nagsasalita. "We already talk about that yesterday and yes, diyan ka na uupo simula ngayon" sabi niya saka siya umupo sa upuan ko. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa pagitan ni Airene at Aaron. Medyo awkward kasi hindi ako sanay na si Aaron ang katabi ko. Sanay kasi akong napapag-gitnaan ni Airene at Jizel. "Talaga bang nagpapapansin ka kay Aaron?" Sabi ni Maggie noong nakalapit siya sa amin. Hindi ko naman siya pinansin. Napatingin ako sa gawi ni Aaron at kita ko ang inis sa mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napunta sa akin ang atensyon niya. "Huwag mo nang patulan" mahina kong sabi ngunit hindi ko siya napigilan. Tumayo siya at hinarap si Maggie. "This would be my last warning, Maggie. Ilang beses ko bang kailangan ipaalala sa iyo na huwag mong pagsasalitaan si Cia?" Bawat salitang binitawan ni Aaron ay may diin. Pilit ko pa ring hinihigit nag kamay niya dahil sa takot kong magkagulo sa loob ng classroom. "Next time na lalapitan mo ang girlfriend ko, make sure na maganda ang gagawin mo. Otherwise, hindi ako magkakamaling patulan ka kahit babae ka" banta niya kay Maggie bago siya bumalik sa pagkakaupo. Si Maggie naman ay masamang tumingin sa akin bago siya tuluyang lumabas ng classroom namin. Ang mga estudyante naman ay hindi na rin alam kung ano ang mararamdaman. "Hindi mo na sana siya pinatulan pa. Sanay naman ako sa kanya eh" sabi ko habang sinusubukang pakalmahin siya. "I won't let anyone na gawin ang ganoong mga bagay. Babae man siya o lalaki, wala akong pipiliin" mahina niyang sagot. "Please, huwag na. Ayaw ko ng gulo" pakiusap ko sa kanya "Tama si Aaron. Hindi dapat hinahayaan ang mga ginagawa nila sayo. Hindi pwedeng masanay sila dahil hindi mo sila pinapatulan" segunda naman ni Airene kay Aaron. "Ang akin lang naman, ayaw ko ng gulo" pilit kong pagpapa intindi sa kanila. "Kahit iyon lang, Aaron. Please?" Pakiusap ko sa kanya. "If that's what you want then fine. Pero kapag pinipisikal ka na nila, hindi na ako mananahimik pa. Okay?" Sabi niya saka hinawakan ang pisnge ko. "Thank you" pagkasabi ko ay tumango naman siya. Maya maya ay dumating na rin si Jizel at Mark. Pagkapasok na pagkapasok nila ay pumasok na rin ang professor namin. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang professor namin at nagsimula na siya sa pagkaklase. Noong una, medyo naiilang ako dahil katabi ko si Aaron. Ngunit hindi rin tumagal ay medyo nasasanay na rin ako sa presensya niya. Mabilis na lumipas ang oras, hindi ko namalayan na tanghalian na pala. Pagka-dismiss sa amin ay agad namain kaming nagtungo sa canteen ng campus. Kagaya ng nakagawian, si Mark at Jizel ang nag-order ng pagkain para sa aming lima. "Cia, magpupunta lang ako sa CR, maiwan ko muna kayo. Just text me or call me if you need something okay?" Paalam ni Aaron sa akin. Tumango naman ako saka siya naglakad papunta sa banyo ng canteen. "Ang sweet ah, nagpapaalam pa talaga" pang-aasar ni Airene sa akin. "Baliw" sabi ko na lang saka ako ngumiti. May narinig akong hakbang. Agad ko namang tiningnan kung sino ito. Akala ko ay si Aaron. Pagtingin ko ay si Maggie pala. "Kinukunsinti mo pa talaga 'tong babaeng ito sa paglandi kay Aaron?" Pagalit na sabi ni Maggie "Excuse me?" Pagkasabi niya ay tumayo siya kaya naman napatayo na rin ako at lumapit sa kanya para awatin siya. "Never nilandi ng kaibigan ko si Aaron." Paglilinaw ni Airene. "Airene, hayaan mo na. Alam naman nating hindi totoo yon" pag-awat konkay Airene. "No! Hindi ko hahayaang sabihin niya ang mga bagay na iyon lalo pa at wala itong katotohanan!" Sagot niya sa akin. Hindi ko siya napigilan pa at lumapit siya kay Maggie. "Kung lumalandi lang ang usapan dito, sa tingin ko ikaw ang lumalandi kay Aaron" mataray na sabi ni Airene. Akmang sasampalin ni Maggie si Airene kaya naman naalerto ako at hinigit si Airene. Hindi ko namalayang ako pala ang tatamaan ng kamay niya. Aaron's Point of View "Aaron? Nasaan ka na ba?" Bungad sa akin ni Mark noong masagot ko ang tawag niya. "Nasa CR, bakit?" Sagot ko naman. "Bumalik ka na rito! Si Cia at si Airene-" hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na kaagad ang tawag at agad na tumakbo pabalik sa canteen. Pagkadating ko ay naabutan kong hinigit ni Cia si Airene. Imbes na si Airene ang masasampal ni Maggie, si Cia ang nasampal nito. Napatakbo naman ako palapit sa kanila. "You deserve it!" Sigaw ni Maggie "Are you okay?" Tanong ko kay Cia habang hinihimas ang pisnge niyang nasampal ni Maggie. "Yes I'm fine" sagot niya sa akin. Agad ko naman siyang pinaupo sa upuan. Nang makaupo siya ay agad akong humarap kay Maggie "I didn't mean to slap her. Siya kasi, inaagaw ka niya sa akin!" Pagdadahilan ni Maggie. "I already warn you, Maggie! This time hindi kita mapapalampas!" Galit na galit kong sabi. "Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa iyo na layuan mo ang mga kaibigan ko lalo na ang girlfriend ko?!" Pasigaw kong sabi. Ramdam kong napunta sa akin ang atensyon ng iba pang estudyante. "Aaron, tama na. Nakakahiya na sa ibang estudyante" pigil sa akin ni Cia. "No! Paulit-ulit na lang nilang ginagawa. Ngayon, sinampal ka, hindi ako papayag!" Sagot ko sa kanya. Nakita ko sa mukha niya ang takot. "Hindi ko naman sinasadya na masampal siya" depensa pa ni Maggie. "Sinadya mo man o hindi, hindi kita mapapatawad" sabi ko kay Maggie. "Aaron, kung hindi ka niya inagaw sa akin, hindi ko siya masasampal!" Dehilan niya. "Ilang beses kong kailangan ipaliwang sa iyo na walang inaagaw si Cia! Hindi mo ako pag-aari Maggie. At ni minsan hindi kita nagustuhan!" Sabi ko kay Maggie na siyang ikinagulat niya. "So sinasabi mo ba na ang hampas lupang iyan ang gusto mo?" Pagkukwestyon niya sa akin. "Sinabi ko na sa iyo na huwag mong pagsasalitaan ng hindi maganda ang girlfriend ko!" Sabi ko pa. "Isang beses pa Maggie, makaka-abot 'to sa daddy mo" banta ko sa kanya. Akala ko ay matatakot na siya sa sinabi ko. Ngunit pagtalikod ko sa kanya, agad naman niyang sinugod si Cia at sinabunutan ito. Agad naman siyang hinigit ni Jizel at Mark. "Are you okay?" Tanong ko kay siya. Nang tumango siya ay gumaan ang pakiramdam ko. "Airene, pakisamahan muna si Cia sa clinic." Pakisuyo ko kay Airene agad naman siyang tumango. "Huwag na Airene. Ok lang ako" pagkumbinsi ni Cia kay Airene. "No, dadalhin kita sa clinic. Nagkasugat kana sa kamay dahil kay Maggie" pagkumbinsi naman ni Airene. Nang makaalis sila ay agad ko namang nilapitan si Maggie. "I'm sorry Maggie, pero makakarating ito sa daddy mo. I already told you not to do anything sa kaibigan ko at sa girlfriend ko" pagkasabi ko ay tumalikod na ako sa kanya. "Jizel, pakidala naman ng gamit ni Cia. Mark, ikaw na muna bahala sa gamit ko. Susundan ko lang sila sa Clinic" sabi ko saka iniabot ang gamit namin ni Cia kay Mark at Jizel. "Thank you" sabi ko saka ako tumakbo papunta sa clinic
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD