Cia's Point of View
Nang maka-alis si Aaron ay agad akong bumalik sa kusina para hugasan ang mga napagkainan naman. Kahit naman may kaya ang pamilya namin, ang mga simpleng gawaing bahay tulad ng paghuhugas ay hindi ko na iniaasa pa sa mga kasambahay namin.
"Anak, ako na diyan. Magpahinga ka na. Sabi ni Aaron, hindi ka pa raw nakakapag pahinga ng maayos" nagulat ako sa sinabi ni mommy.
"Sinabi niya talaga iyon kay mommy?" Napatanong ako sa isipan ko.
"S-sinabi po niya?" Pagkaklaro ko kay mommy.
"Oo anak. Bubuhatin ka kasi sana niya papunta sa kwarto mo dahil nakatulog ka sa byahe. Nakakahiya naman kaya ginising na lang kita" sagot sa akin ni mommy saka kinuha ang mga plato at panlinis ng pinggan.
"Matanong nga kita, anong meron kayo ni Aaron?" Tanong ni mommy habang naghuhugas ng plato.
"P-po?" Nauutal kong sabi.
"Sa tagal ninyong magkakaibigan, ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka concern sa iyo. First time ka niyang ihatid dito na kayong dalawa lang. May relasyon ba kayo?" Paliwanag ni mommy sa observations niya.
Dahil sa huling tanong niya, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang totoo sa kanya. Naalala ko kasi ang pakiusap niya na huwag sabihin ang tungkol sa dare. Hindi namin itatanggi na may relasyon kami pero hindi namin babanggitin na dare lang ito.
May parte sa utak ko na gustong sabihin ang totoo dahil si mommy ang nagtatanong. Ayaw na ayaw ko magsinungaling sa kanya.. Ngunit may parte na nagsasabing hindi ko dapat sabihin dahil sa paki-usap ni Aaron.
"Meron ba?" Sa tono ni mommy ay natakot ako bigla. Halos nanginginig na ang aking mga kamay.
"M-meron po" nauutal kong sagot. "P-pero let me explain mom" pakiusap ko. "Alam ko po na nakapag-usap tayo dati na hanggang hindi pa ako ready, hindi muna ako papasok sa panibagong relasyon. Maiintindihan ko pong nag-aalala lang kayo. Pero huwag po kayong mag-alala" napahinga muna ako bago ituloy ang sasabihin ko. "H-hindi naman po ito magtatagal. Tatlong buwan lang po ang napagkasunduan namin" pagpapatuloy ko.
"Tatlong buwan? Anak, hindi ka pa ba nadadala sa nanagyari noon? Anak hindi sa pinagbabawalan kita. Pero anong tatlong buwan? Naglolokohan ba kayo?" Ramdam ko ang galit sa boses ni mommy. Nagsisimula na rin akong lamunin ng kabang nararamdaman ko.
"Mom, h-hindi po. Hindi po kami naglolokohan. Tatlong buwan lang po talaga kasi dare lang po sa amin iyon" hindi ko na inisip pa ang kabang nararamdaman ko. Ang mahalaga nasabi ko na kay mommy ang totoo. Bahala na kung pagalitan niya ako o hindi.
"Ha? Dare? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni mommy.
"Opo dare lang po. It may sounds weird but that's the truth mom. But we already talk about it last night na we will treat each other the way we deserve how to be treated as a real couple. Go with the flow lang. Hindi na namin iisipin na laro ang pinasok namain sa loob ng tatlong buwan. Hindi kami magpapanggap sa harap ng ibang tao or even sa harap ng mga kaibigan namin. Magiging couple kami in real life. But after three months we will end it. It depends on us kung mageend pa or hindi na" sabi ko pa. "I'm sorry about it mom" sabi ko saka ako napayuko.
"Anak, hindi sa kinukunsinti kita. It's fine with me if you already have a new boyfriend. Masaya akong bumabalik ka na sa dati, nawawala na ang trauma na naranasan mo. And I'm hoping na hindi ka niya saktan. Paalala lang anak na laro ang pinasok mo. Posibleng mahulog ka sa kanya, posibleng hindi. Posible ring mahulog siya sa iyo at posible ring hindi. Kaya sana anak, mag-iingat ka" sa bawat salitang binibitawan ni mommy, nararamdaman ko ang pagiging kalmado niya.
"Don't worry mom. I'll take care of myself. Besides, three months lang naman po ang napag-usapan namin" pagpapagaan ko sa loob ni mommy.
"Three months is a long time anak. Sana hindi ka masaktan. Basta nandito lang ako anak para sa iyo, okay? Huwag mong kakalimutan iyon. Kung gusto mong umiyak, pwede kang lumapit sa akin. Kung nagka-away kayo at gusto mo ng kausap, andito lang ako. I'll guide you okay? Don't worry. I'm not mad." Naalala ko bigla si Daddy dahil sa sinabi ni mommy. Kung nandito lang si daddy, dalawa silang maggaguide sa akin.
"May pakiusap lang sana si mommy" sabi pa ni mommy.
"Ano po iyon?" Tankng ko naman.
"Maging masaya ka" saka siya ngumiti. "Tama ang desisyon niyo. Go with the flow." Sbai ninmonmy saka niya ako niyakap.
"Sige na, tumaas ka na sa kwarto mo at magpahinga" utos ni mommy kaya naman naglakad na ako papunta sa kwarto ko.
"Thank god hindi nagalit si mommy sa pinasok ko" pagkasabi ko ay napahinga ako ng malalim.
Binuksan ko naman ang cellphone ko. Nakita kong may mga messages and missed calls ako mula kila Aaron, Jizel at Airene. Isa isa ko naman itong binuksan.
"Cia, naka-uwi ka na ba?" Basa ko sa text ni Airene.
"Yes" reply ko sa kanya.
Matapos kong replyan si Airene, binuksan ko naman ang text mula kay Jizel. Parehas lang ang naging tanong ni Jizel sa tanong ni Airene kaya naman nagreply lang ulit ako ng "yes" sa kanya. Binuksan ko naman ang text mula kay Aaron.
"Pahinga ka na, Cia. Thanks for the breakfast" basa ko naman sa text ni Aaron.
"Thanks for the ride! You too, pahinga na rin:)" reply ko sa text niya.
Nakarecieve ako ng isa pang text mula kay Airene kaya naman binuksan ko ulit ito at binasa.
"That's good" basa ko sa unang text niya.
"Kilala na ba ni Tita si Aaron as your boyfriend?" Basa ko naman sa ikalawang text niya.
"Yes" maikli kong reply. Pagkasend ko ay nakarecieve naman ako ng call sa kanya. Sinagot ko naman ito agad.
"Hello?" Panimula ko noong masagot ko ang tawag mula sa kanya.
"Oh my gosh! For real? Alam na ni tita? Anong reaction niya?" Naeexcite na tanong ni Airene.
"Calm down. Yes alam na ni mommy. Nagtanong siya kanina noong inihatid ako ni Aaron. And I tell her the truth. Hindi naman siya galit at the same time hindi rin siya masaya. I don't know, hindi ko alam ano ba tumatakbo sa isip ni mommy. Sabi niya lang she's always there to guide me" paliwanag ko sa sinabi ni mommy sa akin kanina.
"Oh my gosh, legal na agad! Eh teka, diba sabi mo nakiusap si Aaron na huwag munang sabihin ang tungkol sa dare? Eh sabi mo sinabi mo kay tita ang totoo. So alam ni tita na dare iyon?" Naririnig ko sa boses niyang gulong-gulo siya.
"Yes. Hindi ko kasi maitago kay mommy ang totoo. Alam mo naman na siya na lang meron ako. Kahit sa mga ganoong bagay, ayaw ko magsinungaling sa kanya" paliwanag ko naman sa kanya.
"Yeah may point ka. Sana lang maintindihan ni Aaron yan kapag nalaman niya" rinig ko ang lungkot sa boses niya.
"Ipapaliwanag ko na lang. Hindi naman siguro siya ganoon kahirap umintindi. At sana nga maintindihan niya" sabi ko naman.
"Oh siya sige na! Magpahinga ka na! Bye bye" sabi niya. Hindi na niya inantay pa ang sagot ko at ibinaba na niya ang tawag.
Nakita kong may text message muli sa akin si Aaron kaya naman agad ko itong binuksan.
"No worries. Pahinga ka na. It's already 10 in the morning. I know your still tired." Sabi niya sa text.
"Yeah. Thanks again!" Reply ko bago ko pinatay ang cellphone ko. Ipinakit ko na ang mga mata ko. Ilang segundo lang ay ramdam kong nilalamon na ako ng antok.