Chapter 4

1842 Words
Cia's Point of View Maaga kaming nagising dahil mag-aayos pa kami ng aming mga gamit. Balak ko rin kasing maaga maka-uwi para makapag pahinga ako ng maayos. Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay tinulungan ko naman si Airene at Jizel sa mga gamit nila bago kami tuluyang lumalabas sa kwarto. "Nag-text pala si Mark kanina sa akin. Sabi niya may ipinahanda raw siyang breakfast para sa atin. Kain na lang daw tayo bago umuwi" sabi ni Jizel sa amin habang hawak-hawak ang cellphone niya. Pumunta naman kami sa kwarto ni Mark at Aaron para gisingin sila. Gusto kasi ni Jizel na sabay-sabay kaming mag umagahan. Bago pa kami makarating sa kwarto nila ay may narecieve akong message mula kay Aaron. "Good Morning!" Basa ng isipan ko sa text niya. Nagreply naman ako sa kanya habang naglalakad. Hindi ko na inisip kung mababasa ito ni Jizel at Airene. "Nagumagahan ka na ba?" Text niya ulit sa akin. "Not yet. Papunta kami sa kwarto niyo. Sabi kasi ni Jizel na sabay-sabay na tayong mag breakfast" reply ko sa text niya. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa rin siya nagrereply kaya naman in-off ko na ang cellphone ko. Nakarating na kami sa kwartong tinutuluyan ni Mark at Aaron. Kumatok naman si Airene pero ilang segundo pa bago ito bumukas. "Tara na. Gutom na ako" Bungad ni Airene ng buksan ito ni Aaron. "Hindi pa tapos si Mark maligo. Nasa banyo pa" sabi naman ni Aaron kaya napakunit ang noo ni Airene. "Pasok muna kayo" sabi niya pa saka siya gumilid. Nauna namang pumasok si Airene sumunod si Jizel sa kanya bago oa ako sumunod sa kanila. Pagpasok ay umupo naman kami ni Airene sa kama nila at si Jizel naman ay lumapit sa pinto ng banyo at kinatok si Mark. "Babe, bilisan mo. Gutom na kami" sigaw ni Jizel habang kinakatok ang pinto ng banyo. "Wait lang. Patapos na ako" sigaw naman ni Mark mula sa loob ng banyo. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Akala ko noong una ay si Airene dahil tumayos siya at magkatapat lang kami kanina. Paglingon ko si Aaron pala. "Gutom ka na ba?" Bulong niya sa akin. "Hindi pa naman" maikli kong sagot. Narinig naming bumukas ang pinto ng banyo kaya naman napatingin ako rito. Binaling ko agad ang mukha ko sa direksyon ni Aaron dahil lumabas si Mark ng banyo na walang suot na damit. Naalerto naman si Aaron kaya agad siyang lumipat sa kanang parte ko. "Mark!" Rinig kong sigaw ni Aaron. "I'm sorry" sigaw ni Mark at narinig ko ang malakas na pagkakasarado ng pinto. "Nakapasok na ulit siya sa CR" bulong ni Aaron kaya naman umayos na ulit ako ng upo. "I'm sorry about that" pagjingi nya ng paumanhin sa akin. "No, it's fine. Nabigla lang din ako" aabi ko naman. Maya maya pa ay bumukas muli ang pinto ng ngunit hindi na ako lumingon pa. "Let's go!" Aya sa amin ni Jizel kaya naman napatayo na ako at naglakad kasabay ni Aaron. Nang makarating kami sa labas, nakahain na ang mga pagkain. Naabutan naming nagsisinula na ang mga basketball players kaya naman kumuha na agad kami ng aming pagkain. Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay umupo na kami s isang malapit na lamesa. “After mo ba magbreakfast, gusto mo na umuwi?” Tanong sa akin ni Aaron habang kumakain. “Oo sana.” Sabi ko saka ako nagpatuloy sa pagkain. “Ok, I’ll send you home” sabi naman niya sa akin. “Anyway, kumusta tulog mo?” tanong niya pa sa akin. “Ok naman siya. Medyo nahirapan lang ako makatulog since it’s not my room” sagot ko sa tanong niya sa akin. “Don’t worry after mo kumain, ihahatid agad kita para makapag pahinga ka” sabi niya sa akin kaya naman ngumiti ako. Ilang minuto ang lumipas bago kami natapos kumain. Hindi naman ganoon karami ang kinain ko maging si Aaron. Mukha kasing nagmamadali siya. “Mark, una na kami ni Cia. Ihahatid ko pa siya” paalam ni Aaron na ikinagulat ko. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at magpaalam sa kanila. “Ikaw ba Airene, hindi ka pa sasabay?” taning ko kay Airene. “No, susunduin daw ako ni Jacob” sagot niya. Si Jacob ang boyfriend niya. Napakamaalagain din nito. Close naman kami sa kanya, hindi nga lang siya nakasama kagabi dahil na rin sa busy siya sa company ng pamilya nila. “Kayo?” tanong ko kay Jizel at Mark. “Hintayin na lang namin na masundo si Airene bago kami umalis” sagot naman nila kaya tumango ako. “Sige, mauna na kami. Happy Birthday ulit Mark!” Bati ko kay Mark bago ako tuluyang tumalikod at sumabay sa paglalakad kay Aaron. Nang makarating kami sa tapat ng kwartong tinuluyan ko kagabi, agad ko namang binuksan ang pinto. Si Aaron naman ay hindi na pumasok at naghintay n alang sa labas. Pagkapasok ko ay kinuha ko naman ang bag na dala ko noong nagpunta kami dito sa resort. Bago lumabas ay tiningnan ko muna kung may naiwan akong mga gamit. Matapos kong i-check ang bawat oarte ng kwarto at masigurong wala na akong naiwan, agad naman akong lumabas. Nang makalabas ako, kinuha ni Aaron ang bag na dala-dala ko. Sinubukan ko itong bawiin pero hindi niya ako hinayaang makuha ang bag. "Hindi mo naman kailangang dalhin ang bag ko" nahihiya kong sabi "No, it's fine. Sabi mo hindi ka pa nakakatulog ng maayos, right?"sabi niya "Pero wala namang connection ang tulog ko sa pagdadala ng bag" pagdadahilan ko. Hindi na siya nagsalita pa at patuloy lang na naglakad. Nang makarating kami sa tapat ng kwarto nila, agad naman niyang binuksan ang pinto. "Pasok ka muna. Hindi ko pa kasi naiiayos ang gamit ko." Sabi niya saka ako pumasok sa loob ng kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at inilabas ang kanyang mga gamit mula rito. Lumapit naman ako sa kanya at tinulungan siya sa gamit niya. Sinimulan kong iayos ang gamit niya na siyang ikinagulat niya. "Cia, its fine. Hindi mo kailangan gawin iyan" puna niya sa akin. "Ok lang. Sanay naman akong mag-ayos ng gamit. Noong buhay pa kasi si Dad, ako ang laging nag-aayos ng luggage niya pag pupunta siya sa ibang bansa for business trip" sabi ko habang itinutupi ang kanyang mga damit. "But you're tired." Sabi niya habang pilit na kinukuha ang damit mula sa kamay ko. "Aaron, it's fine. Namiss ko lang din mag-ayos ng gamit. Just let me do it, okay?" Pakiusap ko sa kanya. "Then if that's what you want, I'll let you" sagot niya sa akin. "Thanks" habol niya pang sabi. Matapos kong i-ayos ang gamit niya, agad naman kaming lumabas ng kwarto at nagtungo sa sasakyang dala-dala niya. Inilagay na niya ang mga bag namin sa likod ng sasakyan. Hinintay ko siyang makatapos bago ako sumakay sa loob. Akmang bubuksan ko na ang pinto sa unahan ng sasakyan niya ng bigla niya akong naunahan at pinagbuksan ako. "Thank you!" Nakangiti kong sabi. Ngumiti rin siya pabalik saka isinarado ang pinto saka siya umikot sa unahan para makasakay na rin. Nang makasakay siya ay agad naman niyang pinaandar ang sasakyan. "Ang gentleman niya" sabi ng isipan ko at napangiti naman ako dahil dito. "Kung ganito siya araw-araw baka tuluyan akong mahulog sa kanya" pilyong sabi ng utak ko kaya naman tinapik ko ang ulo ko para mawala ito sa isipan ko. "Ano ba Cia! Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya. Three months lang ang relasyon niyo. Tandaan mo hindi ka niya gusto at kailan man ay hindi ka niya magugustuhan!" Sermon ko sa isipan ko. "Why?" Narinig kong nagsalita si Aaron. "Ha?" naguguluhan kong tanong. "Kanina nakangiti ka, tapos bigla kang nalungkot" paliwanag niya sa nakita niyang reaction ko. "Ah w-wala. W-wala yon" sagot ko sa kanya. "Ano ba Cia! Muntik ka lang mahuli!" Sermon ko ulit sa sarili ko saka ako tumingin sa bintana. Maya-maya pa ay naramdaman kong pumipikit na ang aking mga mata. Sinubukan kong labanan ito ngunit hindi ako nagtagumpay. Aaron's Point of View Matahimik kaming dalawa ni Cia sa byahe. Ramdam na ramdam ko ang pagod na naramdaman niya. Nilingon ko siyang muli at pagtingin ko sa gawi niya, nakatulog na pala ito. Unti-unting tumataas ang kamay niya sa braso niya, senyales na nakakaramdam siya ng lamig. Itnabi ko muna ang sasakyan saka ito pinatigil. Nang makatigil, agad kong kinuha ang jacket na nakasabit sa likod ng sasakyan. Pagkakuha ko nito ay ipinatong ko ito sa balikat niya saka muling nagmaneho papunta sa bahay nila. Nang makarating sa tapat ng bahay nila, bumusina ako ng ilang beses. Noong una natakot pa akong bumusina. Baka kasi magising si Cia. Maya-maya lang ay may isang lalaking lumabas. "Good morning, Sir! Ano po maipaglilingkod ko" tanong ng isang lalaki na wari ko ay isa sa mga naninilbihan sa pamilya nila Cia. "Ah, ihahatid ko lang po si Patricia" sagot ko saka itinuro si Cia. "Ah sige po, bubuksan ko lang po ang gate" paalam ng lalaki saka naglakad palapit sa gate at binuksan ito. Nagmaneho akong muli papasok sa loob nito saka itinapat sa may pinto ng bahay nila. Nakita kong nakatayo roon ang mommy ni Cia. Bumaba naman agad ako sa sasakyan at naglakad papunta sa kabilang parte nito. Lumapit naman sa akin ang mommy niya. "Good morning po!" Bati ko sa mommy ni Cia "Good morning din hijo" bati niya sa akin. "Inihatid ko lang po si Cia" sabi ko saka binuksan ang pinto ng sasakyan. "Bubuhatin ko na lang po si Patricia para po hindi na maabala ang tulog niya. Sabi niya po kasi kanina ay hindi siya nakatulog ng ayos kagabi" paalam ko sa mommy niya. "Naku, hijo. Huwag na, nakakahiya na sa iyo" sabi ng mommy niya saka lumapit kay Cia at tinapik ang balikat nito. "Anak, gising na" sabi niya. Tinapik niyang muli si Cia at sinubukang gisingin dahil hindi ito nagigising. Ilang beses oang inulit ito ng mommy ni Cia bago ito nagising. Nang makita kong naalimpungatan na ito, agad naman akong pumunta sa likod ng sasakyan at kinuha ang gamit niya. "Ito po pala ang gamit ni Patricia" sabi ko saka iniabot ang bag niya. "Salamat, hijo. Pasok ka muna at mag umagahan" alok niya sa akin. "Hindi na po" tanggi ko. "Sige na hijo. Pasasalamat ko na rin sa paghahatid sa anak ko" pakiusap niya kaya naman pumayag na ako kahit busog pa ako. "Sorry pinilit ka ni mommy" rinig kong bulong ni Cia. "It's fine. Nakakahiya rin sa mommy mo. Nag-abala pa" sagot ko naman saka kami sumunod sa kusina. Ilang saglit lang ang lumipas ay kapwa tapos na kaming kumain ni Cia. Ang mommy naman niya ay hindi kumain at nakapag-umagahan na raw siya bago kami dumating. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa. "Sige po, Tita. Mauna na po ako. Salamat po sa pagkain" paalam ko saka naman siya ngumiti. Ako naman ay sumakay na sa sasakyan at nagmaneho pauwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD