Chapter 8

1855 Words
Cia's Point of View Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula noong nagkagulo sa canteen. Simula rin noon, hindi na muli pang lumapit sa akin si Maggie. Sinubukan kong tanungin si Aaron tungkol dito pero hindi niya sa akin sinasabi kung bakit bigla na lang nagbago si Maggie. Isa lang ang sigurado ako, may kinalaman siya sa paglubay sa akin ni Maggie. Tungkol naman sa relasyon namin, habang tumatagal, nasasanay ako sa presensya niya. Halos nahahawa na rin ako sa pagiging clingy niya. Kung minsan hindi ko namamalayan na ako na pala ang kusang humahawak sa braso niya. Minsan pa nga ay inaasar ako nila Airene at Jizel dahil sa pagiging clingy ko sa kanya. Palagi nilang sinasabi na dati naman daw, hindi ako ganoon kay Aaron. Hindi ko na lang sila pinapansin bagkus ay sinasakyan ko ang trip nila. "Ako na po tita" presinta ni Aaron ngunit umiling si mommy at pilit na kinuha ang tray na may lamang meryenda. Ngayon ay bumisita si Aaron sa bahay. Hindi naman ako makapag sabi kay Aaron dahil narin nahihiya ako. Alam kong busy siya sa training sa basketball. Magkakaroon kasi ng event ang batch namin since graduating kami. Bawat department ay maglalaban-laban sa sports. Isa siya sa mga olayer ng department namin kaya hindi ko masabi ang tungkol sa pagpipilit ni mommy na papuntahin siya sa bahay. Isa pa, hindi oa kasi alam ni Aaron na nabanggit ko na kay mommy ang tungkol sa relasyon na meron kami. "Ako na hijo. Bisita ka rito, boyfriend ka ng anak ko. Hayaan mong oaglingkuran kita bilang bisita" sabi ni mommy saka siya ngumiti. Nagulat ako sa sinabi ni mommy. Napatingin ako sa gawi ni Aaron. Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat. "Nabanggit mo na kay tita?" Sabi ni Aaron noong naka-alis na si mommy. Dahan dahan naman akong tumabmngo. Bigla naman niyang inilapit ang upuan niya sa pwesto ko. "Ano ang alam ng mommy mo?" Taning niya pa. "L-lahat" sagot ko naman. Biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Kanina ay masaya siya dahil tumango ako tungkol sa pagkaka alam ni mommy sa relasyon namin. Ngayon ay tila ba nalungkot siya. "Lahat? Kahit ang napagkasunduan natin?" Mahina niyang taning ngunit sapat na para marinig ko. "O-oo" natatakot kong sabi. "Ok" sabi niya. Ramdam ko nag pagiging cold niya base sa tono ng boses niya. "I'm sorry" sabi ko ngunit tumango kang siya saka nigmya kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita. Alam kong may tensyon sa oagitan namin dahil sa nalaman niya. Alam kong galit siya. "Kain ka na" sabi ko pero tumango lang siya. "Galit ka ba?" Lakas loob kong tanong. "No" cold niyang sagot. "Bakit parang galit ka?" Taning ko pa. "I said no." May diin niyang sabi na ikinagulat ko. "pagod lang ako" dagdag niya. Alam kong galing siya sa training at dumiretso siya dito sa bahay para dalawin ako kaya kahit papaano ay valid ang reason niya. "Ok" sabi ko saka ako yumuko at pilit na nilalabanan ang luhang nagbabadyang pumatak. "I think I have to go. Pagod na pagod talaga ako" paalam niya. "Kumain ka muna" sabi ko sa kanya saka inilapit ang platito sa kanya. Kinuha naman niya ito at matahimik na kumain. Pagkakain niya ay tumayo na siya. "Uuwi na ako." Oaalam niya kaya naman tumayo ako. Sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay. Tinawag ko naman si mommy at nagpaalam siya. Umakto akong parang walang nangyari at pilit na ngumiti kahit hirap na hirap na ako. Pagkaalis niya, agad naman akong nagpaalam kay mommy na magpapahinga muna ako sa kwarto. Hindi naman tumutol si mommy kaya dali dali akong umakyat. "Mali ba ako?" Tankng ko sa sarili ko habang pauli-uli sa loob ng kwarto ko. Ramdam kong gustong gustong pumatak ng mga luha ko pero pilit ko itong pinipigilan. Naupo ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Tinititigan ko lang ang mga conversation namin these past few days. Gusto ko siyang tawagan pero hindi ko magawa dahil naguiguilty ako sa nangyari. Alam kong mali ako dahil hindi ko sinabi sa kanya. Napakadali lang naman ng pakiusap nya pero hindi ko nagawa. Sa sobrang oagiisip hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko na rin alam gaano na ako katagal na umiiyak. "Anak?" Narinig kkng tawag ni mommy sa akin. Agad ko namang pinunasan ng mga luha ko at huminga ng malalim bago tumayo sa kama at lumapit sa pinto. "Bakit po mom?" Tanong ko saka ko binuksan ang pinto. "Umiiyak ka ba?" Bungad sa akin ni mommy noong nabuksan ko na ang pinto. "H-hindi po" pagsisinungaling ko. Imbes na magsalita si mommy ay nakatanggao ako ng yakao mula sa kanya. Dahil sa ginawa niya, lalong bumuhos ang luha ko. "Anong nangyari?" Tanong ni mommy. "Mommy" tangi kong nasabi habang yakao yakao ko siya. "Anong nangyari? Si Aaron ba?" Nagaalalang tanong sa akin ni mommy. "Kasalanan ko po eh" sabi ko kay mommy. "Anong nangyari? Nag-aalala ako sayo anak" sabi ni mommy habang hinihimas ang likod ko. "Mommy, kasalanan ko eh. Kasalanan ko kung bakit sya nagalit kanina" sumbong ko kay mommy. Kumawala na ako sa yakao ni mommy. Pinahid ko naman ang mukha ko. Lumapit si mommy sa sofa na nasa loob ng kwarto ko habang higit higit niya ang kamay ko. "Anong nangyari? Tell me. Makikinig ako" pagpapagaan ni mommy sa loob ko. "Kasi po-" hindi ko matuloy tuloy ang sinasabi ko dahil sa sobrang hirap na akong makahinga. "kasi po nagalit siya. Kahit hindi niya sabihin, alam kong galit siya" hindi ko na alam kung kaya ko bang ituloy ang mga sinasabi ko. "kung, kung sinunod ko naman po ang pakiusap niya, hindi magkakaganito" sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kanina. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako nang umiyak. Hanggang sa unti-unting naikwento ko kay mommy ang nangyari kanina. "Kaya ba umalis si Aaron ng maaga?" Tanong ni mommy. Tumango naman ako. "nagkausap na ba kayo?" Umiling naman ako bilang sagot. "anak, paano kayo magkaka-ayos kung hindi kayo maguusap. Hindi naman madadaan sa space ang mga problema. Hindi masososlusyunan ng oras ang problema niyo. Hindi ibig sabihin na lalaki siya, siya na ang palaging unang kikolos. Hindi rin ibig sabihin na babae ka ay hihintayin mo na siya ang gumalaw. Alam ko anak naguiguilty ka sa nangyari sa inyo. At alam kong ngayon ay posibleng tama ang sinasabi mong galit siya. Pero sana anak kahit nagkakaroon kayo ng di pagkakaunawaan ay nagkakausap kayo ng masinsinan. Hindi niyo dapat pinapatagal ang away" sabi ni mommy sa akin habang pilit na pinupunasan ang mga kuha ko. "Natatakot po kasi ako mommy" sabi ko naman. "paano po kung di niya ako pakinggan? Paano po kung hindi niya maintindihan ang rason ko? Paano po kung-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si mommy. "Anak, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Natatakot ka ba kasi baka katulad siya ng nakaraan mo?" dahan dahan akong naoatango sa tankng ni mommy. "Anak, hindi naman lahat ng lalaki ay pare-pareho. Siguro pareho silang lalaki. Kahit pareho silang lalaki, magkaiba pa rin sila. Ang damit ba kahit magkapareho ng kulay, pareho ng disenyo? Diba hindi. Ganoon din si Aaron at si Nathan. Parehong lalaki pero hindi pareho ng ugali. Nakikita kong mabuting tao si Aaron. Hindi ganoon kakitid ang utak niya para hindi maintindihan ang rason mo. Kahit papaano may punto naman si Aaron kung bakit siya nagalit. Pero may punto ka rin naman. Ang kailangan ninyo ay mag-usap para magkaintindihan kayo." Paliwanag sa akin ni mommy. Dahil sa mga nasabi ni mommy, naliwanagan ako. Tama siya, walang mangyayari kung walang kikulos. Kasalanan ko rin naman. Kung kinausap ko muna siya bago ko sinabi ang totoo, hindi kami aabot sa ganito. Ang hiling ko lang ay maintindihan niya ang paliwanag ko. "Sige anak, balik muna ako sa ibaba. Maiwan muna kita. Puntahan mo lang ako kapag kailangan mo ako ha" sabi ni mommy saka siya tumayo at lumabas ng pinto. Pagkalabas ni mommy, agad kong kinuha ang cellphone ko. Tinext ko siya at humingi ako ng tawad pero ilang minuto na ang nakalilipas ay di oa rin siya nagrereoly. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi rin siya sumasagot. "Kung kanina ko pa sana siya tinawagan baka sinagot niya. Baka talagang nagalit sya sa akin" sabi ko sa sarili ko. Kakababa ko lang ng cellphone ko sa bedside table ko ng marinig ko itong nagring. Kinuha ko naman ito dahil sa pag aakalang tumatawag si Aaron. Pagtingin ko ay si Airene pala ang tumatawag. "Hello? Cia?" Bungad niya sa akin. "Hello?" Sagot ko naman. "Busy ka ba?" Tankng niya. "Hindi naman. Ba-" naputil ang sinasabi ko. "Si Aaron kasi lasing na lasing. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin. Wala kasi dito sa bansa ang magulang niya. Hindi ko naman alam saan ang condo unit niya" putol ni Airene sa sinasabi ko. Nang narinig kong lasing na lasing siya, agad akong natakot at naguilty. "Pupuntahan kita. Send mo na lang sa akin ang location niyo" paalam ko saka ibinaba ang tawag. Agad naman akong nagbihis ng damit. Pagkabihis ko ay bumaba agad ako. "Mom?" Tawag ko sa mommy ko. "Bakit anak?" Tankng ni mommy. "Mom, pwede po bang magpasama ako kay Manong Ben? Si Aaron daw po kasi" paalam ko. "Sige anak. Mag-ingat kayo" paalala ni mommy kaya naman tumakbo agad ako oara hanapin ang driver namin. Nang makita ko siya ay nagpasama agad ako sa location na sinend ni Airene. Ilang minuto lang ang inabot ng byahe namin dhil malapit naman ito sa tinitirhan namin. Agad naman akong bumaba ng sasakyan at tinawagan si Airene. "Nasa loob kami" sagot niya sa tawag ko. "Ok papasok na ako" sagot ko saka ibinaba ang tawag at pumasok sa loob ng bar. Agad na hinanap ng mata ko ang kinaroroonan nila Airene. Kahit napakalaki ng lugar, pinilit kong halughugin ang hiong bar para lang makita sila. "Airene!" Tawag ko kay Airene ngunit hindi niya ako narinig kaya naman lumapit agad ako sa kanila. "Thank God andito ka na." Sabi niya saka siya huminga ng maluwag. "kanina ko pa siya pinipigilan uminom pero ataw papigil. Tinawagan na kita kasi hindi ko na alam sino tatawagan ko." Sabi niya saka ibinigay ang phone ni aaron sa akin. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya ha. For sure kasi hinahanao na ako ni daddy. Nakailang tawag na kasi sa akin si mommy. Mapapagalitan na ako" paalam niya kaya naman tunango ako. "Bakit ba uminom ka" taning ko kay Aaron kahit alam kong hindi siya sasagot. "Ang bigat mo" angal ko sa kanya. Kahit hirap na hirap ako, pinilit kong makalabas kami sa bar at mahanap si Manong Ben. Nang makita ko si Maanong Ben ay nagpaalalay naman agad ako sa kanya. "Manong sa bahay po" pagkasabi ko ay agad naman siyang nagmaneho papauwi sa bahay. Hawak hawak ko lang ang ulo niya at sinusuklay ito gamit ang mga daliri ko habang nasa byahe kami hanggang sa ramdam kong nakaidlip na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD