Chapter 9

1096 Words
Aaron's Point of View Nagising ako ng maramdaman kong may tumatamang liwanag sa mata ko. Pilit kong iminulat ang mga nata ko. Akmang babangon na ako ng napansin kong hindi ito ang kwarto ng condo ko. Ramdam kong may nakahawak sa braso ko kaya naman tiningnan ko ito. Pagbaling ko sa kung sino ito, laking gulat ko na makita si Cia. "C-Cia?" Mahina kong tanong sa sarili ko. Tatanggalin ko sana ang kamay ko ngunit bigla sigang gumalaw. "Gising ka na pala" sabi niya habang kinukusit ang kanyang mga mata. Nang ramdam niyang gising na gising na siya ay tumayo siya. Kinuha niya ang baso at nilagyan ito ng tubig saka kinuha ang gamot na katabi nito. Iniabot naman niya ang baso at gamot sa akin. "Inomin mo para mawala na sakit ng ulo mo" utos niya sa akin. Ininom ko naman agad ang mga ito. Pagka-inim ay ipinatong ko na ang baso sa bed side table. "Thank you!" Pagkasabi ko ay ngumiti siya saka tumalikod sa akin at nagsimula nang maglakad. "S-sandali" pigil ko sa kanya. Humarap muli siya sa akin at saka tumingin na tila ba nagtatanong kung bakit ko siya tinawag. "Nasaan tayo? Bakit kasama kita?" Kanina ko pa ito gustong itaning sa kanya kaso inabutan naman niya ako ng gamot. "Nasa bahay" diretsong sagot niya ngunit naguguluhan pa rin ako. "Ha? Bahay niyo? How?" Sunod-sunod kong tanong. "Yes bahay namin. Tumawag si Airene kagabi sa akin. Pinasundo ka kasi wala raw tao sa bahay niyo. Hindi rin namin alam condo unit mo kaya dito na kita dinala" Naliwanagan ako sa mga isinagot niya sa akin. "T-thank you!" Ulit ko at tumango naman siya. "Kung gusto mo magshower, may damit dyan sa cabinet. Pwede mong gamitin. May extra towel din sa ibabang drawer" paalam niya habang itinuturo kung saan nakalagay ang mga ito. "Ok. Thank you again" sabi ko naman. Nang makalabas siya, agad naman akong tumayo at naglakad papalapit sa cabinet na itinuro niya kanina. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mga puti at itim na t-shirts. Kumuha naman ako ng isang itim na t-shirt. Pagtingin ko sa babang parte ay may mga pajama at undergarments. Kumuha naman ako sa pinakaibabang drawer ng towel. Nang makumoleto ko na ay pumasok na ako sa banyo at nagsimulang mag-shower. Cia's Point of View Halos hindi ko alam ang gagawin ko ng magising ako dahil kay Aaron. Sobrang kaba ang naramdaman ko dahil hawak-hawak ko ang kamay niya. Paniguradong iba ang maiisip niya dahil sa nakita niya. Umakto akong parang walang nangyari. Nagsalita na tila antok na antok pa ako. Pagkabalik ko sa aking kwarto, agad naman akong pumunta sa CR para maligo. Pagkaligo ko ay inayos ko agad ang sarili ko para makapag umagahan na. Medyo tanghali na rin kasi at paniguradong naghihintay na si mommy sa dinning area. Pagkababa ko ay narinig kong nag-uusao si Aaron at si mommy. "Pasensya na po ulit sa abalang nagawa ko kagabi" humihingi pala ng paumanhin si Aaron kay mommy. "Next time hijo, huwag mag-iinom ng marami. Mabuti na lang at si Airene ang kasama mo. Mamaya mapagdiskitahan ka pa ng mga tao doon." Payo ni mommy kay Aaron. Nakikinig lang ako sa may malapit sa dining area. Ayaw ko kasing guluhin ang usapan nila. Nakakahiya rin naman kay Aaron lalo at si Mommy ang kausap niya. "Sige na hijo. Maupo ka na diyan. Huwag mo nang isipin ang nangyari kagabi." Pagkasabi ni mommy ay narinig kong may naglalakad papalapit sa lamesa kaya naman lumapit na rin ako sa lamesa. "Oh anak, nandito ka na pala. Maupo ka na at magumagahan na kayo. Sabi ni Aaron ay aalis daw kayo" nagulat naman ako sa sinabi ni mommy. Hindi pa naman kami nag-uusao ni Aaron tapos malalaman kong aalis pala kami. "Ipinagpaalam kita sa mommy mo" sabi ni Aaron. Wari ko ay nakita niyang gulong-gulo ako. Nagsimula na kaming kumain. Matahimik kaming tatlo, puro tunog ng mga kutsara tinidor ang maririnig mong namumutawi sa pagitan namin. Nang matapos kami ay wala pa ring nagsasalita kaya naman napatitig ako sa pinggan na pinagkainan ko. "Ah tita, mauuna na rin po ako. Uuwi pa po kasi ako sa condo. Baka po hindi ko masundi on time si Cia" paalam ni Aaron kay mommy. "Sige hijo. Ipapahatid na kita kay Ben" presinta ni mommy. Ngumiti naman siya at nagsimula nang maglakad palabas ng bahay. Nang maka-alis sila Aaron, agad naman kaming bumalik ni mommy sa dining area. Nagsimula na rin akong ligpitin ang mga napagkainan namin. Si mommy naman ay nasa kusina at iniaayos ang mga pinaglutuan niya. "Anak, pagkatapos mo diyan ay mag-ayos ka na. Aalis kayo ni Aaron, maya-maya ay nandito na rin iyon." Paalala ni mommy sa akin. "Saan ba kami pupunta? Pinagpaalam niya ako kay mommy pero hindi ako tinanong kung sasama ako" pagmamarakulyo ko. "Sige na anak. Maya-maya ay darating na rin siya. Malapit lang pala dito ang condo unit na tinutuluyan niya." Pilit naman akong itinutulak ni mommy na mag-ayos na ng sarili. Wala akong nagawa kundi ang umakyat at magbihis. Matapos makapagbihis at makapag-ayos ng sarili ay nanatili muna ako sa loob ng kwarto. Napapa-isip pa rin kasi ako kung saan ang punta namin ni Aaron. Gusto ko sana siyang i-text pero nahihiya naman ako. Itataning ko rin sana kay mommy pero baka hindi naman ako sagutin. "Anak, nasa baba na si Aaron!" sigaw ni mommy mula sa labas ng kwarto matapos niyang kumatok. Agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto. Naglakad na rin ako papababa ng bahay. Ramdam ko ang kaba dahil hindi ko pa rin alam saan ba ang punta namin. "Aaron, ito pala ang cellphone mo. Naiwan mo sa kwarto noong ipinalinis ko" sabi ni mommy saka iniabot ang cellphone niya. "Buti na lang pala di ko siya tinext, wala rin pala akong makukuhang sagot" sabi ko sa isipan ko noong iniabot ni mommy ang cellphone ni Aaron sa kanya. "Thank you po. Mauna na rin po kami" paalam ni Aaron kay mommy. "Sige hijo. Mag-ingat kayo!" paalala ni mommy saka naman kami lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan. Agad naman kaming nagbyahe. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam saan ang punta namin. Nananahimik lang ako sa pwesto ko at inoobserbahan ang dinadaanan namin. Nagbabakasakaling mahuhulaan ko kung saan kami pupunta. "I know iniisip mo saan tayo pupunta" rinig kong sabi niya peri di ko siya pinansin. "Gusto ko lang sana na dalhin ka sa lugar na alam kong magiging masaya ka" sabi niya pa. Napa-isip naman ako sa sinabi niya ngunit nanatili akong tahimik
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD