Cia's Point of View
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe. Paggising ko, tila pamilyar ang lugar na pinuntahan namin. Napatingin-tingin ako sa paligid dhail hindi pa ako nakakababa sa sasakyan. Tama nga ako sa hula ko kung nasaan kami. Tama rin si Aaron na ito ang lugar na magpapasaya sa akin. Bumaba na ako sa sasakyan at nakita kong nakatayo si Aaron sa may pinto ng backseat.
"Gising ka na pala" panimula niya. "Nagustuhan mo bang dinala kita rito?" tanong niya.
Bago ako sumagot ay naglakad muna ako papalapit sa kanya saka ako ngumiti. "Yes" sagot ko. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa kawalan saka siya tumingin muli sa akin.
"Your mom tell me about this place. Nabanggit niya kanina na dito ka nagiging masaya." sagot niya na nagpanguti sa akin. My mom really know me.
"Bakit mo ako dinala dito?" taning ko ulit sa kanya.
"Well, gusto ko sana na maging masaya ka. After what I did to you, nabanggit sa akin ni Tita na umiyak ka raw. And I'm really sorry for that. I really didn't mean to do that." pagpapaliwanag niya. Ramdam ko ang sinseridad sa tono ng pananalita niya kaya naman hinawakan ko ang mukha niyang nakayuko at dahan-dahang itinunghya uto.
"It's fine. I know may mali rin ako. Hindi naman kita masisisi. Napaka simple lang naman ng hiniling mo pero hindi ko nagawa. And I'm really sorry. Sana sinabihan muna kita bago ko ginawa iyon para hindi tayo umabot sa ganito. Hindi mo kasalanan ang nangyari" pagkasabi ko ay umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Kasalanan ko rin. Pinakinggan ko muna sana ang side mo bago ako umalis." bigla naman siyang nagpakawala ng hangin mula sa katawan. "Aside from that, gusto ko sana na magpakilala sa daddy mo" nagulat ako sa huling sinabi niya.
"W-What? Magpakilala?" pagkaklaro ko.
"Yes! I told you, I wanted to treat you better. And even though this is a dare, gusto ko oa rin na pormal na magpakilala sa daddy mo" sobrang natuwa ako sa sinabi niya. He was the first man na gumawa nito. Ang last relationship ko, he never did this kind of thing.
"Ayaw kong mabastos ang daddy mo. As a man, napaka sarap sa feeling na maglalakas loob akong magpaalam sa kanya at magpakilala bilang boyfriend mo." nakangiti niyang sabi. Maya Maya ay naramdaman kong hawak na niya ang kanang kamay ko
"But he's already gone. Paano ka magpapaalam?" nalungkot ako sa isiping mas matutuwa sana ako kung buhay pa si daddy at pormal siyang makipag-usap.
"Hindi ibig sabihin na wala na ang daddy mo ay di na ako magpapakilala sa kanya. Kaya nga pumunta tayo rito" sabi niya saka siya naglakad papalapit sa puntod ng daddy ko.
"Good day, Sir!" pagka-usap niya sa puntod ng daddy ko.
"Daddy, si Aaron po boyfriend ko" singit ko sa kanya saka ako bumitaw sa kamay niya at naupo sa lupa.
"Ako dapat ang nagpakilala" reklamo niya bago tuluyang tumabi sa pagkaka-upo ko.
"Anong pinagka-iba kung ako ang magpakilala sayo at ikaw ang magpakilala?" tanong ko habang tinatanggal ang mga lantang bulaklak sa puntod ni daddy.
"Kapag ako ang nagpakilala, mas malalaman ng daddy mo na sincere ako sa iyo" sagot niya habang tinutulungan akong tanggalin ang mga lantang bulaklak.
"Kung sinabi mo na rito tayo pupunta, dumaan sana muna tayo sa flowers hop" pag-iiba ko.
"Oh I totally forgot. Wait" saka siya tumayo at tumakbo papunta sa likod ng sasakyan. Pagkabukas niya ng likod ng sasakyan ay may kung anong kinukuha ito. Ibinalik ko na ang tingin ko sa puntod ni daddy maya-maya naramdaman kong malapit na siya dito sa kinaroroonan ko.
"Here's the flower. I don't know kung magugustuhan ng daddy mo." nagulat ako sa bitbit niya. Isang paso na may mga bulaklak at may dala rin siyang kandila. Saktong sakto ang disenyo ng bulaklak sa laging dinadala ko rito.
"Tell me. Tinanong mo rin ba kay mommy ang design ng flowers?" nakatingin ako ng masama sa kanya.
"Of course not!" sagot niya sa akin. "Dumaan lang naman ako sa along the road na flower shop. Pinagawa ko lang yan, sila na nagdesign" habol niya pa.
"Ohh, I see" mahina kong sabi.
Kinuha ko na ang kandila sa kaniya at sinindihan na ito. Inilagay naman ni Aaron ang bulaklak sa may itaas na parte ng lapida.
"May I know bakit masaya ka kapag nandito ka?" tanong niya. Napahinga naman ako ng malalim bago nagtangkang magsalita. "It's fine kung ayaw mo sagutin" habol niya pa.
"Close kasi ako kay daddy. Daddy's girl ganon. And everytime na pumupunta ako dito, pakiramdam ko kasama ko siya. Don't get me wrong. masaya rin akong kasama mommy ko. Pero iba ang feeling kapag kasama ko sila pareho" paliwanag ko."Sayang nga lang, maaga siyang nawala sa amin ni mommy. Siguro kung nandito siya, hindi niya hahayaan na masaktan ako" ramdam kong unti-unting nangingilid ang mga luha ko kaya naman tumingin ako sa langit para mapigilan ang pagbagsak nito.
"Anong nangyari?" tanong ulit niya.
"Sakit sa puso. Akala ko ang healthy healthy niya kaya mas matagal namin siyang makakasama. Kung alam kong may sakit siya, hindi na sana ako nag-aral sa ibang bansa. Sana hindi ako pumayag sa gusto niya na sa America ako mag-aral. Baka mas maraming memories pa ang nagawa namin before siya mawala." hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko, naramdaman ko na lang na pinupunasan ni Aaron ang mukha ko.
"Shh, gusto lang ng daddy mo na maging maayos ang buhay mo." pagpapagaan niya ng loob ko.
"Hindi man lang niya sinabi sa akin na may sakit pala siya. Kung alam ko lang talaga-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, niyakap na agad ako ni Aaron.
"Shhh, stop crying. I know may dahilan ang daddy mo kung bakit hindi niya sinabi sa iyo. Mahal na mahal ka ng daddy mo kay gagawin niya ang lahat maging masaya ka at maapbuti ang kinabukasan mo" sa sinabi niya, mas lalo akong naiyak.
Hinayaan lang akong umiyak ni Aaron. Hindi niya ininda ang pagkabasa ng kanyang damit ng dahil sa mga luha ko. Tinapik tapik niya ang aking balikat hanggang sa maging ayos na ulit ako.