Cia's Point of View
"I'm sorry Cia" sabi ni Aaron noong gumaan na ang pakiramdam ko.
"Ha?" naguguluhan ako kung bakit siya humihingi ng paumanhin.
"For what happened. I know naka-abala ako sa inyong dalawa ng mommy mo. And dapat kinausap kita before ako magconclude. And thanks for taking care of me last night" pagkaklaro niya.
"It's fine. I already told you, may kasalanan din ako. And about sa pag-aalaga sayo last night, it's part of my responsibility as your girlfriend." sagot ko sa kanya.
"Still I'm sorry and thanks a lot." gumaan ang pakiramdam ko.
"So let's go?" aya niya sa akin matapos makalipas ang ilang minuto. Tumayo naman ako at inalalayan niya ako. Nagpaalam na ako kay daddy at saka kami naglakad papalapit sa sasakyan.
"Where do you want to go?" tanong niya noong makasakay na kami sa sasakyan niya.
"Anywhere" hanggang ngayon kasi di pa rin ako makapaniwala na dinala niya ako dito kay daddy. Masayang masaya ako sa ginawa niya kahit pa pagkalipas ng ilang buwan, matatapos din ito.
"Ok, then let me bring you sa favourite restaurant ko. And I'm hoping magustuhan mo ang mga pagkain doon" pagkasabi niya ay ngumiti siya at pinaandar na ang sasakyan.
Ilang minuto ang inabot ng byahe namin bago nakarating sa sinasabi niyang paboritong restaurant niya. Agad naman kaming pumasok at umorder ng pagkain. Pakiramdam ko, familiar ang lugar na ito sa akin. Hindi ko alam pero parang noong bata ako, dinala na ako once dito ng daddy ko.
"Why?" kuha niya sa atensyon ko.
"Ah, wala naman. Pamilyar lang ako s alugar na ito. Although this is my first time here pero parang pakiramdam ko nadala na ako dito." paliwanag ko sa kanya.
"Ohh. Actually kilala ang restaurant na ito. Naalala ko na dito ko unang nakita ang babaeng unang nagustuhan ko." nakangiti niyang sabi.
Nang marinig ko ang salitang "babaeng unang nagustuhan niya" pakiramdam ko kumirot ang puso ko. Iyong pakirmadam na nagseselos ka pero parang hindi. Parang nasasaktan akong hindi ko maintindihan.
"Yiee. Nahuhulog na siya kay Aaron!" asar ng isipan ko sa sarili ko.
"Of course not!" sigaw naman ng sarili ko.
"Aminin mo na kasi na gusto mo na siya. Hindi mo naman mararamdaman ang selos kung hindi!" pagpupumilit ng isipan ko kaya napahinga ako ng malalim sa isipin na baka tama nga ang sinasabi ng isipan ko.
"You're cute" puri ni Aaron na ikinagulat ko. Pakiramdam ko namumula na ako ngayon.
"H-ha? Hindi ah!" mataray kong sabi saka inirapan siya. Narinig ko naman ang tawa niya.
"It's true!" pagpupumilit niya.
"You're a liar. Tumawa ka nga. How come na totoo yon?" naiinis kong sabi.
"Ang cute mo nga kasi. Especially when you're looking at me" Malambing niya namang sabi.
"Nababaliw ka na!" iritado na ako sa mga sinasabi niya. Alam ko naman kasing walang katotohanan ang sinasabi niya. Posibleng pinagtitripan niya lang ako at tinitingnan kung kakagat ako sa mga trip niya sa buhay.
"If ever na may gusto talaga ako sa iyo, ano magiging reaction mo?" napaubo ako sa tanong niya. Iniabot naman niya sa akin ang baso ng tubig.
"Are you okay?" tanong niya habang hinihimas ang likod ko.
"Yeah" sagot ko at saka ako lumayo sa kanya.
"Dito ka lang" higit niya sa upuan ko papalapit sa kanya.
"What if I love you, would you give me a chance?" tiningnan ko ang mata niya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o pinagtitripan pa rin niya ako.
"Seryoso ba siya?" taning ko sa sarili ko.
"Ah"pagkasabi ko ay pumikit pikit ako. "Well, I don't know. Maybe yes? Maybe no?" naguguluhan kong sagot sa kanya.
"Don't be nervous. I was just asking. Who knows right?" pagkaklaro niya saka siya vumalik sa pwesto niya kanina.
"You're right who knows." segunda ko sa sinabi niya.
Maya-maya lang ay dumating na rin ang food na inorder namin. Nagsimula na kaming kumain at nanahimik lang ako. Habang siya napapansin kong tumitingin siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
Aaron's Point of View
"Now I know wala akong chance sa iyo" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin kay Cia.
I tried to ask her kung bibigyan niya ako ng chance if ever na gusto ko siya. Alam ko na wala naman talagang chance pero naglakas-loob akong itaning sa kanya. If ever na sumagot siya ng oo, I will stop this nonsense dare and I will court her. Pero dahil sa sagot niya, mananatili na lang sigurong pangarap para sa akin ang mahalin niya ako.
"Hey, hindi mo ba uubusin ang food mo?" pukaw niya sa atensyon ko.
"Ah no. Busog na rin kasi ako" nawalan kasi ako ng gana sa sagot niya. Hindi ko naman siya sinisisi. Normal ang rejection, iyon nga lang nakakapanghina.
"Ang dami mo pang inorder tapos hindi ka pala kakain ng madami. Sabi mo dati sa akin, maraming batang nagugutom kaya dapat kinakain ko mga inoorder mo. Tapos ikaw tong hindi kumakain ng madami" nagtatampo niyang sabi habang kumukuha ng pagkain sa serving plates.
"I just lost my appetite" sabi ko sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Wala naman" sagot ko ngunit hindi pa rin sapat sa kanya ang sagot ko. Akala ko ay magtatanong pa siya pero hindi na niya ako pinilit pa at ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya. Nang makita kong busog siya, natuwa naman ako.
"Nagustuhan mo ba ang food?" tanong ko sa kanya pero inirapan niya ako. "Why?" napatanong ako sa kanya.
"Ok sana ang food kung may kasama akong kumakain. Iyong isa kasi diyan ang daming inorder di naman pala kakain ng madami" pagmamaktol niya.
"Ang cute mo magtampo" nakangiti kong sabi sa isipan ko. Dahil doon, nagulo ko ang buhok niya na ikinainis niya sa akin kaya tinabig niya ang kamay ko.
"Hindi ako aso!" bulyaw niya.
"Wala naman akong sinasabi" depensa ko.
"Wala nga pero nang guluhin mo buhok ko, nagmumha akong aso" pagmamaktol niya saka siya lumabas ng restaurant at naunang magpunta sa sasakyan. Agad naman akong sumunod sa kanya. Pagdating sa sasakyan ay agad naman akong nagpaandar nito saka kami umalis papunta sa kanila.