Chapter 12

1073 Words
Cia's Point of View Pagkadating sa bahay, hindi na nagtagal si Aaron at umalis din agad. Ako naman ay nagpahinga saglit sa salas dahil sa pagod sa byahe. Nakita ko namang naglalakad si mommy papalapit sa akin kaya naman napatayo ako at sumalubong sa kanya. "Kumusta?" tanong ni mommy pagkatapos kong magmano. "Ok naman po" sagot ko saka bumalik sa pagkakaupo sa sofa. "Ok na kayo?" tanong ulit ni mommy. "Yes mom" sabi ko matapo tumango. "That's good" nakangiti niyang sbai saka siya thmabi sa inuupuan ko at naupo na rin. "He's kind" puri niya kay Aaron. "Hindi ko inaasahan na ipapagpaalam ka oa niya sa akin para lang lumabas. Most of the time, anak ang nagpapa-alam sa kanilang magulang at hindi ang boyfriend or girlfriend nila" nakikita ko sa mata ni mommy nag tuwa s aginawa ni Aaron. "Saan ka niya dinala?" tanong ulit ni mommy. Napangiti ako bago sumagot sa kanya. Inalala kong muli ang mga nangyari noong umalis ako kasama si Aaron. "Dinala niya po ako kay daddy" pagkasabi ko ay nagulat siya. "Talaga?" pagdisiguro niya kaya naman tumango ako. "Bakit doon ka niya dinala?" naguguluhan na tanong niya. Kahit ako noong una ay di ko rin alam bakit doon niya ako dinala, noong mabanggit ni Aaron ang dahilan niya, natuwa ako at paniguradong matutuwa rin si mommy. "Nagpakilala po siya kay daddy. Ang weird po pero ang sarap sa pakiramdam na kahit wala na po si daddy, nirerespeto pa rin ni Aaron si dad." sagot ko sa tanong ni mommy sa akin. "Ang bait talaga niya. Kung sana lang hindi na kayo maghiwalay. At kung sana lang ay nagmanahalan talaga kayo, botong-boto ako sa kanya." tuwang-tuwa siya sa mga nabanggit ko kanina. Siguro kung buhay si daddy, parehas sila ng sasbaihin ni mommy. Isa kasi sa pinakahinahanap nila ay ang oagiging marespeto ng isang tao. Naalala ko ang laging sinasabi sa akin ni daddy noong nasa Junior High School pa lang ako. Pinapaalala niya lagi na kahit hindi galing sa mayamang pamilya ang taong mamahalin ko atpakakasalan ko, ayos lang sa kanya. Kahit hindi rin daw gwapo, ang mahalaga raw ay may respeto sa akin at sa kanila. Pniguradong kung nakilala niya si Aaron, matutuwa rin siya kagaya ni daddy. "Matutuwa ang daddy mo kay Aaron" napatingin ako kay monmy sa sinabi niya. Nakita kong nangingilid na rin ang mga luha niya. "Paniguradkng botong-boto rin siya kay Aaron para sa iyo" patuloy niya. "Tama po kayo, pero huwag po sana kayong umasa monmy. Parehas po nating alam kung hanggang kailan lang ang lahat ng ito" nasaktan ako sa sinabi ko. Totoong masasaktan lang ako kung mahuhulog ako sa kanya at kung aasa akong siya ang taong mamahalin ko. Alam ko namang walang katotohanan ang lahat ng mga kinikilos namin. Niloloko ko lang sarili ko. "Anak, wala ba talagang chance na kayo na lang? Wala ka bang nararamdaman para sa kanya?" pagkasabi ni mommy ay hinawakan niya ang kamay ko. "Kita ko sa mga mata niya na mahal na mahal ka niya" sabi pa niya na ikinagulat ko. "Imposible po ang sinasabi niyong mahal niya ako. Malinaw po parehas para sa amin na walang totoo sa mga kinikilos namin at kailanman ay hindi niya ako mamahalin." sobrang sakit pala ng reyalidad. Kahit hindi ko siya gusto, parang tinutusok ang puso ko. "Anak, huwag magsalita ng tapos. Baka itinatanggi mo lang nararamdaman mo dahil natatakot kang sumugal." paalala ni mommy. "Hindi ko naman po itinatanggi. Wala po talaga akong gusto sa kanya. Kung meron man po, una po kayong makakaalam" paninigurado ko sa duda ni mommy. Totoong wala akong nararamdaman sa kaniya. At totoo rin na kung unti-unting magkagusto ako sa kanya, si mommy ang unang makaka-alam. Minsna ginugulo ako ng isipan ko, pero ramdam ko sa puso kong wala akong gusto sa kanya. Alam ng puso kong wala akong nararamdaman lalo pa at ilang linggo pa lang ang nakalilipas. Imposible namang magkagusto ako sa kanya ng ganoon kadali. Imposible ring magkagusto si Aaron sa akin ng ganoon kadali. "Suge na hija, magpahinga ka na at maya-maya ay kakain na tayo ng hapunan." Sabi ni mommy kaya naman agad akong umakyat ang nagbihis. Matapos magbihis ay nahiga naman ako sa kama. Saktong paghiga ko ay tumunig ang cellphone ko kaya naman napatayo akong muli para kunin ito. Pagbukas ko ng cellpi, bumungad sa akin ang text message ni Aaron. "Thanks for today! I really appreciate it" basa ko sa text niya. "Crazy! Ako rapat ang nagpapasalamat for bringing me sa puntod ni daddy. Anyway, thanks for the treat :)" reply ko sa kanya. Maya-maya ay tumatawag na siya sa akin kaya sinagot ko ito. "Hello?" bungad niya. "Hmm?" sabi ko. "Well, for the nth time, I'm really sorry" nababaliw na siya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang humihingi ng sorry. "Aaron kung iyan ay tungkol na naman sa nangyari, vukas na bukas sasapukin kita" naiirita kong sabi. "Ang sincere ko na magsorry tapos sasapukin mo lang ako?" nagtatampo niyang sabi. "Seryoso naman ako sa paghingi ng sorry. Kakabasa ko lang sa mga text messages mo. Ang dami mo rin palang missed calls. I feel so bad" paliwanag niya. "I told you its fine. Nagkausap na tayo right?" pagpupumilit ko sa kanya. "Yeah I know. Ayaw ko naman na isipin mo na binalewala ko ang text messages mo. Gusto ko sanabg replyang isa-isa pero tinatamad ako" dahilan niya. "You don't have to. Ok na tayo." pagkaklaro ko. "Ayaw kong mangako, pero susubukan kong hindi na ulit to mangyayari." paniniguro niya. "Promises are meant to be broken kaya wag na lang mangako" habol niya pa. "Kung hindi mo tutuparin pangako mo, meaning hindi iyon pangako" sagot ko sa huling sinabi niya. "You won. Hindi na ako lalaban. Ang akin lang, hindi na ulit to mauulit pa period." sabi niya. "Tama lang na di na maulit pa.Kung mauulit man to, hindi na kita talaga papansinin habambuhay!" sagot ko ulit. Kung totoong boyfriend ko talaga siya at hindi dahil sa dare, baka kinikilig na ako sa mga sinasabi niya. Pero kung mauulit man ulit ang nangyari, gagawin ko pa rin ang lahat magkaayos lang kami. Ganoon naman sa isang relasyon diba? Hindi pwedeng palaging hahayaan niyo na lang. You have to admit your mistakes. And hindi laging iisa lang ang may pagkakamali. "Sige na, magpahinga ka na ulit" paalam niya. "Ok, good bye" paalam ko naman sa kanya saka ibinaba ang tawag
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD