Aaron's Point of View
"Naaya mo na siya at pumayag siya. Siguro naman after ng game natin aaminin mo na sa kanya" sabi sa akin ni Mark.
"Oo naman. Matagal ko nang hinihintay ito. Hindi ko na papalampasin pa" masaya kong sabi kay Mark.
"Oh siya tara na, magsisimula na ang game" aya ni Mark kaya naman pumasok na kami sa court.
Nagsimula na ang laro namin. I did my very best kasi nanonood si Cia. Ayaw ko naman mapahiya sa harap niya. First time lang niya ako papanoorin kaya gusto ko na sulit ang napanood niya. Kasama niya si Jizel sa bench na nanonood. Galing pa ito sa Mall, bumalik siya dito kasi alam niyang walang ibang kasama si Cia. Ganoon nila kamahal si Cia.
"Ayos ah. Ang ganda ng laro mo kapag nanonood ang girlfriend mo" biro ni Mark sa akin noong makashoot ako ng 3 points.
"Siyempre, bawal tayo mapahiya sa harap niya" sakay ko naman sa trip niya.
"Dapat lang" sabi la niya habang naglalakad kami papunta sa kabilang dulo ng court.
Maya-maya pa ay natapos na ang laro namin. Lumapit naman sa akin ni Cia at si Jizel ay lumapit kay Mark. Masayang masaya sila kasi nanalo kami. Todo cheer din sila para sa amin.
"Congrats. Ang galing mo oala maglaro" puri niya sa akin.
"Nandiyan ka kasi. Inspired" biro ko sa kanya.
"Baliw" taning nasabi niya.
"Sige magpapalit lang ako sa loob. Intayin mo ako. May pupuntahan tayo" masaya kong sabi saka ako tumakbo papunta sa loob ng CR ng team namin.
Agad akong nag-bihis at pagkatapos ay kinuha ko na ang mga gamit ko sa locker room. Pagkakuha ko ay agad akong naglakad palapit sa pinto para makapunta sa kinaroroonan ni Cia kanina. Bago pa ako makalabas sa locker room, narinig kong may nag-uusap na dalawang babae. Sa tono ng boses, hula ko ay si Cia at Jizel ito. Nanatili ako sa may pintuan at pinapakinggan ang kanilang usapan. Narinig ko kasi ang pangalan ko.
"Kumusta kayo ni Aaron?" taning ni Jizel.
"Ok naman." sagot ni Cia.
"Ganoon na lang iyon? Hindi na mageextend?" tanong ulit ni Jizel na tila ang sinasabi ay ang relasyon namin ni Cia.
"Hindi mo ba siya nagustuhan kahit katiting? Hindi ka na-fall?" sunid sunid na tanong niya noong hindi sumasagot si Cia.
"Hindi" direktang sabi ni Cia na siyang ikinasakit ng damdamin ko.
All this time akala ko kahit kaunti ay nagkagusto siya sa akin. Mali pala ako. Umasa lang ako sa wala. Alam kong wala akong karapatan pero akala ko magkakaroon ng chance base na rin sa mga actions niya. Ang sweet niya, ang lambing. Pero wala pala talagang kahulugan sa kanya ang mga ginagawa niya para sa akin.
Masyado nang masakit ang mga narinig ko kaya naman nilakasan ko ang loob ko at naglakad ako papalapit sa kanila na tila wala akong narinig. Komprontahin ko man siya o hindi, walang magbabago. Tatapusin ko na kang talaga ang relasyon namin.
"Andito pala kayo" sabi ko noong makalapit ako.
"Ahh oo, inaya kasi ako ni Jizel" sagot niya sa akin.
"Let's go?" pilit kong ngiti sa kanya kahit sobrang nasasaktan ako ngayon.
"Let's go!" sagot niya saka niya inilagay ang kamay niya sa braso ko.
Nagdrive ako papunta sa restaurant na kinainan namin before. Pilit pa rin akong ngumingiti kahit nahihirapan na ako. Ang plano kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko ay hindi ko na itutuloy. Wala na rin namang kwenta pa kung sabihin ko sa kanya. Ayaw kong maawa siya sa akin. Tatapusin ko na lang. Maigi nang ako ang tatapos kesa naman siya pa na lalong ikakasakit ng damdamin ko.
Nang makarating sa table na pinareserve kk, agad naman kaming umorder. Matapos maka-order ay naghintay lang kami ng ilang minuto. Pagkadating ay kumain naman na agad kami.
"Ang galing mo pala maglaro" puri niya sa akin.
"Hindi naman" tipid kong sagot.
"Totoo, ang galing mo. Lalo na kapag nagshoshoot ka. Wala akkng masabi. Deserve maging varsity" nakangiti niyang sabi.
"Nakaka-proud ka" habol niya oa saka siya uminom ng tubig.
"Let's end this" bigla kong nasabi.
"A-alin?" nauutal niyang tanong kahit alam naman na niya ang tinutukoy ko.
"Our relationship. Tutal malapit na rin naman mag three months. Ako na bahala magsabi sa kanila. Besides balak kong umamin sa babaeng gusto ko. Ayaw ko isipin niya na niloloko ko siya kung nasa relationship la ako with you." pagsisinungaling ko. Nakita kong nangingilid ang luha niya. Bigla tuloy akong nagsisi sa mga sinabi ko. "Like what I've said before, sineryoso ko ang relasyon natin, pero hanggang dito na lang talaga tayo" sabi ko pa kahit ako ay nasasaktan na ng sobra.
"O-ok" nauutal niyang sabi. Namutawi naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Sa totoo lang hindi ko siya masisisi kung bakit wala siyang naramdaman para sa akin. Lalo pa sa trauma na pinagdaanan niya. Masaya akong naovercome niya ang lahat ng iyon. Magiging masaya ako para sa kanya.
"Ahh sige aalis na pala ako. Hinahanap na ako ni Mommy" paalam ni Cia habang nakatingin sa cellphone niya. Kita ko naman na masaya sya.
"Hatid na kita" offer ko.
"No it's fine. Ayaw ko rin makaabala. Thanks for the food." sabi niya saka siya nagmadaling lumabas ng restaurant.
Ilang segundo lang ang nakalipas mula noong umalis si Cia, kinuha ko na ang bill at nagbayad. Pagkatapos ko magbayad ay tumayo ako at lumabas ng restaurant saka ako dumiretso ng paglalakad ppaunta sa sasakyan ko. Nagmaneho lang ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sobrang nasasaktan ang puso ko. Gusto kong umiyak. Gustong-gusto kong umiyak.
Narinig kong natunog ang cellphone ko. Wala na akong balak pagtuunan pa ng pansin kung sino ito kasi alam ko namang hindi si Cia ang tatawag sa akin. Naka-ilang ring pa ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ito. Si Mark pala.
"Hello?" simula ko noong masagot ko ang tawag.
"Hello! Kumusta?" tanong niya sa akin.
"Wala pare" maikli kong sagot
"Ha? Anong wala?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi ko na sinagot pa ang sunod niyang tanong bagkus ay ibinaba ko ang tawag. Gusto kong mapag-isa. Hindi ko kayang makipag-usap ngayon. Wala akong galit s akahit na sino sa kanila, nasasaktan lang talaga ako