Chapter 20

1663 Words
Cia's Point of View Ilang buwan na ang nakalipas mula noong tinapos ni Aaron ang relasyon namin. Simula rin noon, hindi na siya pala sama sa amin. May babae siyang laging kasama. Sa tuwing makikita namin silang magkasama, nasasaktan ako. Pakiramdam ko maling hindi ko sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Pero kapag sinabi ko naman, wala namang magbabago. "Cia!" tawag sa akin ni Airene. Naglakad naman ako papalapit sa kanya. Kasama niya ngayon si Jizel at Mark. As usual, hindi namin kasama si Aaron. "Picture tayo" aya ni Jizel kaya naman tumabi na ako sa kanila at nagpose. Ilang minuto rin kaming nagpipicture. Maya-maya ay nahagip ng mata ko si Aaron. Nagulat naman ako ng higitin siya ni Mark. "Pare, picture tayong lima" aya ni Mark. Pumayag naman si Aaron. Wala namang ilangan na naganap sa aming lima. Although lagi ngang wala si Aaron, minsan nagtatampo sila Mark. Iniisip kasi ni Mark na dahil iyon sa naging relasyon namin. Sinisisi niya sarili niya dahil sa dare na pinagawa niya sa amin. Dahil daw kasi sa kanya umaagwat sa amin si Aaron. Pinaliwanag ko naman na hindi niya kasalanan yon. Personal choice ni Aaron ang umagwat sa amin para sa girlfriend niya. "Free ba kayo later? I just want to treat all of you" sabi ni Airene. "Celebration lang for our graduation" habol niya pa. "Ahh hindi ako pwede eh. May flight kasi ako bukas" sabi ko kay Airene na ikinagulat niya "Ha? Why?" tanong naman ni Jizel. "Balak kong doon na tumira" sagot ko kay Jizel. "Hindi ba pwedeng kahit 2 hours lang? Ano ba oras ng flight mo? Kung gusto mo ihahatid pa kita ng maaga para lang makasama ka sa amin kahit sandali before ka umalis" pagpupumilit ni Airene. "Ahh kasi-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko "Ahh anak, ipinagpaalam ka pala ng parents ni Airene. Magdidinner daw kayong lima sa labas later. Ako na bahala sa gamit mo. Basta umuwi ka before mag 11 pm okay?" sabi ni mommy na siyang ikinasigaw ni Jizel. "Thank you Tita! Kami na po bahala kay Cia." sabi ni Jizel saka tumango si mommy. "Take care mom" bilin ko kay mommy saka ako nakipag beso sa kanya. "Ah ako ang hindi pwede" sabi naman ni Aaron. "Pare minsan lang naman mag-aya si Airene" sabi ni Mark. "May dinner date kasi kami ni Sam" si sama nh girlfriend ni Aaron. "Pare minsan lang naman to. Besides aalis na rin naman si Cia bukas." pagpupumilit ni Mark kay Aaron. "Nakapangako kasi ako kay Sam" pagpupumilit naman ni Aaron. "Ipagpapaalam kita kay Sam" sabi ni Airene saka siya naglakad palayo sa amin. Nang makita niya kung nasaan si Sama y nilapitan niya ito at kinausap. Kasunod niya rin si Aaron at Mark, kami ni Jizel ang naiwan dito sa pwestong kinatatayuan namin kanina pa. Maya-maya ay bumalik na silang tatlo. Kita ang saya sa mukha ni Mark at Airene habang si Aaron, kita mong dismayado. "Pumayag si Sam." balita ni Mark sa amin. "So tara na" aya ni Airene wala naman akong choice kundi sumama kaya sumunod na ako sa kanila. "Dito na kayo sumakay dalawa" Sabi ni Airene saka ko hinigit si Jizel ngunit hindi ito gumalaw sa pwesto niya. "Doon ako sasakay" sabi niya saka itinuro ang motor ni Mark. "Diyan ka" sabi niya pa saka naman itinuro ang likod ng kotse nila Airene wala akong nagawa kundi ang sumakay sa passenger seat ng kotse na dala ng boyfriend ni Airene. Pareho kami ni Aaron na nasa likuran. Habang nasa byahe papunta sa kakainan namin, tahimik labg kaming dalawa ni Aaron. Si Airene ay nakikipag-usap sa boyfriend niya. "Oy usapa naman kayong dalawa diyan. Parang hindi kayo friends ah" asar ni Airene. Hindi naman ako nagsalita at nanatiling tahimik lang. Ganun din naman si Aaron. Hanggang sa makarating kami sa restaurant ay tahimik kaming dalawa. Nang makita ko sila Mark at Jizel, agad akong lumapit kay Jizel. Sinabayan naman niya akong pumasok sa loob. Si Mark naman ay walang nagawa kundi sumabay kay Aaron.Nang makarating sa pinareserve ni Airene na table para sa amin, agad naman kaming naupo. Nasa gitna ako ni Airene at Jizel. Katabi naman ni Jizel si Mark habang katabi naman ni Airene ang boyfriend niya. Nasa gitna naman nila Mark at ng boyfriend ni Airene si Aaron. Matapos kumain ay nagkwentuhan muna kami. Pakiramdam ko bumabalik kami sa dati. Noong hindi pa nagsisimula ang dare ni Mark sa amin. Parang ang natural lang ng lahat. Hanggang sa magsalita si Mark. "Hindi na ba talaga pwede, Aaron at Cia?" tanong ni Mark. "Marl, may girlfriend na ako. And sana irespeto mo iyon" sabi ni Aaron. Natahimik naman ako at nakaramdam ng kaunting lungkot. Paalis na ako at lahat, ipapaalala pa nila ang nangyari. Pinamumukha pa na wala na talagang pag-asa. "If ever ba na hindi mo nakilala si Sam would you continue your relationship with Cia?" tanong ni Airene. "It depends if we both love each other" sagot niya. "Unfortunately hindi" habol niya pa. "Ikaw Cia, hindi ka ba nagkagusto kay Aaron?" tanong ni Airene kahit alam naman na niya ang sagot. "Hindi" pagsisinungaling ko saka ako uminom ng juice. "Masaya ba kayo sa naging relasyon niyo?" tanong ni Jizel. "Yes" maikling sagot ni Aaron. "Ikaw Cia?" sabay baling sa akin ni Jizel. "Yes, naging masaya ako" sagot ko naman. "Eh bakit parnag ngayon hindi kayo masaya?" singit ni Mark. "Aminin mo Aaron, malungkot ka ba kasi aalis na si Cia?" tanong pa ni Mark. "Medyo, she's my friend. And I know hindi na natin siya makakasama pa if she's staying there for good" sagot ni Aaron, natuwa naman kahit papaano ang puso ko kahit pa sinabi niyang friend lang talaga ang turing niya sa akin. "Ikaw, Cia? Malungkot ka ba kasi may bagong girlfriend na si Aaron?" nagulat ako sa tanong ni Makr. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "O-ofcourse not" sabi ko saka ako ngumisi. "Masaya ako for him, finally girlfriend na niya ang babaeng gusto niya" pagsisinungaling ko. Narinig kong may binulong si Mark. Hindi ko ito narinig ng ayos kaya naman pinagsawalang bahala ko na lang. Tiningnan ko silang lahat isa-isa. Sila ang pinaka mamimiss ko dito sa Pilipinas. Kung pwede lang na huwag na akong tumuloy pero para rin naman to sa peace of mind ko. Kung dito ako maninirahan, pakiramdam ko hindi ko malilimutan ang nangyari. Ang dare sa aming dalawa ni Aaron. Ang relasyon na meron kami ni Aaron. Naalala ko bigla noong tinapos na ni Aaron ang relasyon namin. To the rescue sa akin si mommy. Hindi niya ako iniwan kahit alam kong may mga dapat siyang unahin. Puro advice ang narinig ko, never niya akong sinermonan. Hanggang sa ioffer niya sa akin ang magstay sa America for good. Actually hindi pa naman final ang plano na mag-stay ako ron for good. Kung gusto ko umuwi dito sa Pilipinas, hahayaan naman daw ako ni mommy. Pero as of now, ang naiisip ko ay doon na manirahan. "Ahh mauna na kami" paalam ni Airene sa amin. "May pupuntahan pala kami, ngayon lang sinabi sa akin" sabi niya pa. "Ah Cia, hindi na kita maiihatid, biglaan din kasi ang aya sa akin" sabi niya sa akin. "No it's fine, magbyahe na lang ako pauwi" sabi ko. "Are you sure? Baka wala ka nang masakyan" pag-aalala niya. "Ihatid ka na lang kaya muna namin" pag-aalala niya. "No, okay lang mauna na kayo. May mga taxi pa naman sa labas" pagpupumilit ko. "Sige na umuna na kayo, ako na bahala kay Cia" biglang sabi ni Aaron mula sa likuran ko. "Are you sure? Baka magalit si Sam" nag-aalalang tankng ni Jizel. "No it's fine. Besides she's my friend. Wala siyang dapat ikabahala" paliwanag niya. "Sige uuna na kami. Cia, text mo ako kapag naka-uwi ka na" paalala ni Airene saka naman ako tumango. "Thank you!" sabi ko bago sila tuluyang umalis. Maya-maya lang ay nag-aya na ring umalis sila Mark at Jizel. Naka-motor sila kaya naman nauna na silang umalis sa amin. Kami naman ni Aaron ay magtataxi pa-uwi kaya naghintay kami ng dadaan. "You don't have to send me home." sabi ko sa kanya. "No it's fine. Baka sermonan pa ako ni Airene kapag nalaman noong hindi kita inihatid." saka siya pekeng tumawa. "Ako na bahala kay Airene" sabi ko. "Baka kasi hanapin ka na rin ni Sam" habol ko pa. "No it's fine. Gusto rin sana kita maka-usap" sabi naman niya sa akin "About what?" tanong ko. "I just want to thank you" sagot niya. "Ha?" naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Thank you for almost three months. I know hindi ayos ang pag-uusap natin before. I never had a chance to thank you for everything. For three months, naramdaman ko na girlfriend talaga kita" saka siya natawa. "For three months, naramdmaan kong sineryoso mo ang relasyon natin. For three months, naramdaman kong masaya ka" sabi niya pa. "Ako ang dapat mag thnak you sa iyo eh" sabi ko."Isa ka sa reason kung bakit naging malaya ulit ako. Kung hindi dahil sa iyo, sa inyo nila Airene, baka hanggang ngayon nagpapanggap pa rin ako" sabi ko pa. "Hindi niyo alam kung gaano niyo nabago ang buhay ko" biglang nangilid ang luha ko. Parang ayaw ko na tumuloy bukas. "Thank you sa four years na friendship. Thank you sa four years na pakikipag-away niyo para sa akin. And thank you for accepting me" at tuluyang pumatak ang mga luha ko. "Mabuti kang tao Cia. And I'm happy na naging masaya kang kaibigan kami. Sana hindi ka magbago. And sana kahit sa America ka na magstay for good, kahit minsan ay bumalik ka dito." sabi niya saka may dumating na kotse sa harap namin. "Let's go!" aya niya saka binuksan ang pinto ng kotse. Sumakay naman ako at siya naman ay sumakay sa harapan. Si Sam pala ang sumundo sa amin. For the last time, makikita ko siyang masaya with Sam. I'm happy for him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD