"Oo, ikakasal na ako. Matatali na ako. Pero alam ko namang hindi 'yon magtatagal," saad naman ni Analyn. MABILIS na dumaan ang araw hanggang sa sumapit na ang inaabangang araw ni Don Gustavo. At iyon ay ang maikasal ang kanyang anak kay Bryan Avelino. "Oy, dud. Ano'ng problema mo? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo?" tanong ni Joey kay Angelo. "Dapat kasi, ako ang ikakasal kay Analyn, hindi si Bryan," saad naman ni Angelo na nanghihinayang at hindi mapalagay. "Okay lang 'yan, may usapan naman kayo ' di ba? Saka may usapan din kayo ni Analyn. Kaya maghintay ka na lang ng tamang panahon," saad pa ni Joseph. "Eh, kasi hindi mawala sa isipan ko ang ipinangaķo ko noon na akin siya pagpatak niya ng dyesiotso. Saka paano ako hindi mapapakali. Mamaya hahalikan ni Bryan si Analyn sa harap ng

