Kaya napapikit na lamang si Analyn at nagkunwaring tulog 'to. "Sir, mayamaya darating na ang mga pulis para mag imbestiga sa inyo. At sa pasyente," saad ng nurse na kapapasok lamang. "Gano'n ba? Paano kung nagkamalay na siya at sinabi niyang ako ang maghahatid sa bahay nila? Wala na bang magiging problema?" tanong ni Bryan na parang naging interesado sa babae. Habang si Analyn naman ay nakikinig lamang at nagtataka sa mga sinaad ng binata. "May problema pa rin po. Dahil ang sinabi niyo po kagabi ay hindi niyo kilala ang babae na 'to. At kailangan pong bayaran ang bill niya rito sa hospital," sagot naman ng nurse. "Okay ganito na lang. May kakilala akong pulis, puwede bang siya na lang ang mag-imbestiga sa babae na 'to?" tanong pa ni Bryan. "Naisangguni na po namin. Kaya bahala na po

