Ilang araw ng nawawala si Bryan at patuloy pa rin sa paghahanap sila Joseph, Angelo, Fancis at Marlo. At hindi lang sila ang naghahanap dahil pinahanap din si Bryan ng mga taong ayaw siyang maging pinuno at pinapapatay. Kagaya na lamang ni Dexter ang anak ng isa mga kaalyado ng kanilang organisasyon. Ngunit tutol itong maging susunod na pinuno si Bryan. "Don Gustavo! Kumusta kayo?" nakangiting tanong ni Dexter nang makita niya ang ginoo sa isang party. "Mabuti naman," sagot naman ng Don. "Totoo ba na nawawala ang kanang kamay niyo? Si Bryan Avelino?" tanong pa nito. "Ang bilis namang makarating sa iyo ng chismis. Correction, hindi nawawala si Bryan. Nagbabakasyon lang nagpapahinga muna sa ngayon," mariin namang sagot nito. "Gano'n po ba? Bakit parang hindi niyo yata siya kasama ngayo

