"Wala! Ano ba 'yang iniisip mo? At tinatanong mo sa akin? Syempre, walang nangyari sa amin," pagsisinungaling ni Angelo. "Mabuti kung gano'n. Maganda na 'yong malinaw ang usapan," saad naman ni Bryan. Habang si Joseph naman ay nakatingin na nagtataka at kunot noo kay Angelo. Pagdating nila sa mansyon ay agad na bumaba ng sasakyan si Bryan. Nagtaka ito dahil hindi agad sumunod ang dalawa. Kaya muli itong bumalik ng sasakyan. "Oh? Ano pang ginagawa niyo diyan? Hindi ba kayo bababa?" takang tanong pa nito. "Bababa na, Bry. May tinanong lang ako kay Angelo," saad naman ni Joseph. "Ano namang itatanong mo sa kanya?" tanong din ni Bryan. "Hindi naman gano'n ka importante. Kaya tayo na," saad na lamang ni Joseph at bumaba na rin ito ng sasakyan. Habang si Angelo naman ay sumunod na rin.

