CHAPTER FOURTEEN

3691 Words
Chapter 14 "Potek napakahaba ng pila sa gotohan." Reklamo iyon ni Prince. We are all here in cafeteria. Lunch break kasi namin ngayon at kanina ko pa iniisip kung saan ako sasali. Hindi na nga ako nakinig sa ibang lessons dahil occupied yung head ko. "Feeling ko sa cooking club nalang ako." Sabi bigla ni Keziah. She's eating lasagna and coke. "Oo nga magaling ka magluto eh. Masarap pa." Sabat ni Jaspher. I forgot, kasama namin siya at si Caleb. Siyempre pati si Faye, pero nagpaalam na bibili daw ng juice. At kaya pala familiar yung guys kanina, si Jaspher pala yon. Sabi ko na nakita ko na siya eh. "Eh ikaw ano kukunin mo?" Tanong ni Caleb sa akin. Bakit ako tinatanong niya!? Wala pa ako masagot eh! "Maybe..." Hindi ako makasagot dahil hindi ko pa alam. "Marunong ka ba kumanta?" Tanong ni Cassandra. Agad ako ng umiling. last time na kumanta ako halos hindi nakatulog si Psalm dahil hindi daw talaga maganda. "Eh sayaw Marunong ka?" Tanong ni Prince. Argh! Nakakainis! Hindi din ako nasayaw. Umiling ulit ako. "Ang common naman ng mga ni-suggest niyo eh." Sabi ni Keziah at humarap sa akin. "Sports club ka nalang." "Wala akong alam na sports." Ngumiwi ako sakanya. "Ay bulok. Tamo kami ni Caleb sports club na." Tawa ni Jaspher. Binato siya ni Caleb ng tissue dahil doon. So may club na siya? Ako wala pa! Nakakainis! "Kami ni Cass, sa Music Club eh." Sabi ni Prince habang nakain ng goto niya. "Really? You can sing?" Or baka instruments ang alam niya? "Ha! Baka hindi niyo alam kung gaano kagaling tong si Master Cass sa music!" Pag mamayabang ni Prince. Agad siyang tinampal ni Cassandra sa likod at dumaing si Prince. Really? I wish i can sing. Para music club na agad! But sadly I can't. "Diba ate magaling ka mag Chess? Sa Chess club ka." Nagulat kami at napatingin sa likod. Nandun si Psalm na hawak ang tray na May lamang pagkain. "What are you doing here?!" Tanong ko. Dapat may klase siya ah? At saka anong ginagawa ng senior highschool student dito? "What? Eh maaga dismissal namin dahil May meeting mga teachers. Pinag a-attendance lang kami tas ok na." Paliwanag niya at naupo sa tabi ko. "Eh nag attendance ka na?" I ask. "Oo, yung president namin nagsulat sa name ko. Dikit ko yon eh." Humagalpak ito ng tawa. What? Dikit? Ha! Napaka tamad talaga ng isang ito! "Kuhh cutting ka lang eh." Akusa ni Caleb. Sasagot sana si Psalm pero may isang lalaki ang nagsalita. "Aba anong ginagawa ni Boss Psalm sa College Campus?" Sabi ng isang lalaki na lumapit pa sa table namin. Who's that? Bakit kilala si Psalm? At base sa nakikita ko, College student siya? Why? "Lah paki hanap?" Nakangiti si Psalm pero kita ang inis sa mata niya. "Hahanapin ang alen?" Takang tanong nung lalaki. "Yung pake mo pakihanap." Maangas na sagot ni Psalm. Wait what? Bakit siya ganyan magsalita. Hindi niya ba alam na andito ako? "Aba't-" "Hoy panget layas dito pag nag init dugo ko magiging isa kang panget na hakdog tamo." Putol ni Psalm sa. Sasabihin sana nung lalaki. "Hey! Watch your words Psalm ha! Ang bully mo! Who teach you that?" Striktong sabi ko sakanya. "Ate, ako lang nagturo non. Sakin nga nila nalaman eh." Mayabang na sabi nito. "Yan! Napakayabang mo kasi!" Saway ko sakanya bago hinarap yung lalaki. "Hahaha, sino toh? Ate mo? Ate's girl ka pala eh!" Nagtawanan yung kasama ng lalaki. What? Ate's girl? "You! How dare you!" Sigaw ko. Tumayo pa ako sa upuan at akmang susugudin siya pero nahawakan ni Caleb sa dalawang braso para pigilan. "Hey! Let go of me! I'll teach this guy a lesson!" Pinilit kong kumawala kay Caleb pero ayaw niya akong bitawan! Sila Cassandra ay napatayo na din. Si Jaspher ay lumapit kay Caleb at may binulong. "Kalma lang Paris jusko baka ma guidance ka balaka!" Banta ni Keziah. "Eh takot naman pala kayo ma guidance eh! Bulok!" Pang aasar nung lalaki bago nagtawanan ulit sila. "Anong sabi mo? Sapakin ko kaya muka mo tamo tulog ka." Bayolente naman na sabi ni Cassandra. Feeling ko mas affected na sila kesa sa akin eh. Medyo lumuwag na din yung kapit ni Caleb. Kumalma na din kasi ako. Si Psalm? Ayun masayang kumakain ng pasta niya! Sobrang hilig niya talaga diyan. "Sapak? Eh pag pinitik ata kita talsik ka eh." Humalakhak na ulit sila. Pero wrong move ata dahil biglang sinapak ni Prince yung lalaki. "Gago ka ah! Tara sa kanto papasaksak kita kay aling marites tamo!" Sigaw ni Prince. Mukang hindi pa siya serious dahil nag joJoke pa siya. Pero agad umawat si Jaspher at Caleb na namura pa. Si Cassandra naman ay gulat pa hanggang ngayon. Tinignan ko ang masayang nakain na si Psalm. "Psalm! Nag susuntukan na sila nakain ka paren!" Reklamo ko sakanya at hinampas pa. "Aray ate! Hayaan niyo na kasi yan. May taning na pag aaral niyan eh." Hinimas nito ang balikat niya kung saan ko siya hinampas. Nay taning pag aaral? Why? "Nag hihirap na ba sila?" I ask worriedly. Wow nag worry pa ako sa kalaban ah. "Nope. Malakas maka hatak sa gulo ang panget na yan kaya ayun may banta na siya mula sa guidance na pag nakipag away pa siya ulit..." Gamit ang hinlalaki ay ginuhit niya ang leeg na parang sinasabi na 'patay na' Ang harsh naman niya mag sabi! "Kaya ayan, pag tapos nito tamo pinatalsik na yan." Tumawa pa siya at kumain uli. "Eh yang tanginang yan sarap ihampas sa semento pag mumuka eh." Galit na sigaw ni Prince. Si Caleb ay nasa likod at inaawat siya habang si Jaspher naman ay nasa harap para umawat. "Shhh, prince, Di niua deserve ang semento ok?" Malambing na sabi ni Jaspher at hinawakan pa ang pisngi ni Prince. Imbis n action ang nangyayari ay nagtawanan lang sila. "Eh san ba dapat?" Pakikisali ni Caleb. Talagang nakisali pa siya ha! Mga kalokohan talaga! "Sementeryo para cool." Sabat ni Keziah. Pati ako ay natawa na dahil doon. Nagtawanan lang kami hanggang sa may pumito. This is bad..... - "So, Mr and Ms Escalante, Ms.Santiago, Ms. Morales, Mr. Del Franco, Mr. Lopez and Mr.Vasquez, can you explain what happened?" Kung kanina nasa cafeteria kami, ngayon nandito kami sa Guidance. Hindi nga ako ang nanapak pero nadamay. Yung mga lalaki kanina na nangaasar samin ay nasa clinic dahil sinapak nga ni Prince. "I'm so disappointed Ms. Santiago. You are the face of the school bilang anak ng dean!" Dismayadong sabi ni Ms. Dimaculan. Siya ang guidance nga mga First year sa college campus. "Eh sila naman nauna eh." Nakangusong sabi ni Keziah. "I don't care! Dapat ay lumayo ka nalang dahil alam mo naman ang mga kalalakihan dito! And Ms. Morales? Diba pangalawang warning mo na ito?" Mataray pa na sabi ng guidance. "Huh? Pano mo po nalaman? Loh stalker kita?" Pabirong sabi ni Cassandra. Pero imbis na matawa ay lalong nagalit ang Guidance counselor. "I'm so disappointed dahil sa ugali mo Ms. Morales! Ganyan ba ang itinuturo sa iyo ng magula--" naputol ang sasabihin ni Ms. Dimaculan. "Excuse me ma'am pero wag niyo ho sana idamay ang pamilya ni Cassandra. Ako ho ang may kasalanan. Ako ng nanapak. Happy?" Medyo inis na sabi ni Prince. Hmm, ang torpe talaga niya. Pero ang manhid naman ni Cassandra dahil hindi niya napapansin ang feelings ni Prince. "Gaya ng dati, napaka bastos talaga ng ugali mo Mr. Lopez. Hindi pa ako tapos magsalita pero pinuputol mo." Lalong naiinis na sabi ng guidance counselor. I'm starting to feel awkward dahil feeling ko may past sila tapos hindi ko alam. Hindi pa ako makasabay sakanila! "Sige, lahat kayo magkakaroon ng first warning." Anunsyo nito. "We have five warnings here. Pag naka five na kayo? I'm sorry--" "No you're not sorry kaya." Bulong ni Keziah. Natawa kami dahil doon. Pero mukang bingi si Ms. Dimaculan. "What?" Tanong nito. Malamang wala kaming balak sagutin yon. "Ganda mo daw po Ms. Dimaculan." Pambobola ni Psalm bago tumawa ulit. "Quiet. As i was saying..." Hindi ko na yon pinakinggan dahil alam ko naman na pag naka five warnings na edi out na. Dropped na ganon. Hanggang sa pinalabas kami bulong ng bulong si Keziah. "Ambaho naman ng bibig eh." Bulong ni pa ni Keziah. "Ate keziah napaka ingay pag tayo narinig tamo baka may parusa na." Ngumuso pa si Psalm. "Ohh ang baby boy takot mapaglinis ng CR." Ginulo ni Keziah ang buhok ni Psalm. Am i selfish kung sasabihin ko na ayaw ko na ginaganon si Psalm kasi gusto ko ako lang ang sweet sakanya? Ah! Ano ba yan! Yan kasi ang nakakainis na bagay sa ugali ko eh. Pag nasanay na ako gusto ko ako lang. "Ehh! Wag mo guluhin. Si ate lang ang may karapatan guluhin ang buhok ko." Hinawi hawi pa niya ito. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. He's so sweet talaga. I swear kung sino man ang mang aaway o magpapaiyak sakanya? Baka ma-depress siya sa gagawin ko! "Ano plano mo sa buhay Psalm? May klase pa kami ng 2:30." Tanong ni Caleb. It's only 2:20 pm kaya may time pa kami. Medyo malayo din kasi ang building namin dito eh. "Baka tambay muna ako sa convenience store sa tapat." Bored na sagot ni Psalm. "Pwede ba tigilan mo na siya?" Mataray na sabi ko kay Psalm. I know kung sino ang binabantayan niya dun. Kahit nickname lang ang binigay ni Caleb kanina ay kilala ko na. "Ate... Alam mo naman eh." Ungot ni Psalm saakin. Siyempre wala naman akong magawa, gusto niya eh! Basta pag umiyak siya andito parin ako para sakanya. Even if the whole world is against him, andito parin ako para sakanya. He's my treasure. Pero biglang tumunog ang speaker na naka kabit sa mga poste. 'Dear lovely Freshmens, we encourage you to go to our school’s open field. for those who want to join our clubs. each club has a different schedule. please see the schedule on our f*******: page for the schedule of each club. every teacher has also been told that there is no class on this day. that's all thank you very much. What? I thought may quiz pa kami mamaya? Siguradong tuwang tuwa ang mga hindi nag review. "Uy mamaya pa kaming 4:00 pm sa music club." Sabi ni Prince habang nakatingin sa phone niya. "Ako ngayon na! Hala 2:30 pm ang sa cooking club." Nag papanic na sabi ni Keziah. "Sige na bye na gora go na ako!" Agad na tumakbo si Keziah na sinundan naman ni Jaspher. "Ano yon lakas ng tama eh mamaya pang 3:50 pm ang sa sports club." Pang aasar ni Caleb. They all have a club na tapos ako nalang wala! Nakakainis! "Ikaw ate? Ano trip mo?" Sabi ni Psalm. May lollipop na rin siya sa bibig niya. "Maybe I'll go to..." I can't think of anything! "Chess club." Suhestiyon ni Caleb habang nasa screen ng cellphone ang mata niya. "Look, meron sila non. You like chess right?" Agad na nabuhayan ako ng loob. Bihira ang may chess club sa mga school eh. "But wait, sa sports club siya nasali kaya sa sports club ka mamayang 3:50 pm." Sabi ni Caleb bago tinago ang cellphone sa bulsa niya. "Baka mahulog yan." Saway ko sakanya. Mamaya madukutan pa siya eh. Tapos pag umupo siya baka mahulog sa bulsa. Sayang yung cellphone niya. Latest model pa naman eh. "Wait, bakit sports?" Tanong ni Psalm. Argh! Yan kasi hindi siya nanonood ng balita eh! Masama talaga na puro video games ang inaatupag niya. "Well Chess has been recognised as a sport by the International Olympic Committee." Paliwanag ni Caleb kay Psalm. Napatango nalang siya at tinapon ang stick ng lollipop sa trashcan na nasa gilid ng puno. Bawat puno o poste dito May trashcan sa gilid para daw mapanatili ang kalinis sa school. May janitor naman kaso sa mga building sila nag lilinis. "Sige ate, una na ako may aayusin pa ako eh." Paalam ni Psalm. "Aayusin? Sure?" Baka yung nasa convenience store ang ayusin niya eh! "Ate naman eh." Nguso ni Psalm. Tinawanan ko lang siya. "Fine. Go. Pero wag kang iiyak ha." Sinamaan niya ako ng tingin bago tumakbo palayo. Lahat ng makasalubong niya binabati niya. Wow ang famous ng kapatid ko kahit sa college campus ah? "Jae..." Tawag ni Caleb sa akin. So seryoso siya dun sa jae ang tawag niya sakin pag kami lang? Nakakairita talaga ang name na yon. "Don't call me that. Nakakainis alam mo yon?" Inis na sabi ko sakanya. Pero ang walangya tinawanan lang ako! "Tara na sa field." Aya niya. Hinawakan pa niya ang wrist ko. Buti nga hindi pa sa hands eh. Dahil handa talaga akong tanggalin yon. "What? Eh kala ko ba 3:50 pa yung start? Ano gagawin natin don tatayo?" Sarcastic na sabi ko sakanya. It's only 2:30 pm eh. "Pwede din naman tayong huminga eh. Ikaw Choice mo kung hihinga ka. Pwede ka din kumurap." Nakangiting sabi nito. Agad akong nainis dahil sa sinabi niya. Talagang nakangiti pa siya! "Ha.ha should i laugh?" Mataray na sabi ko sakanya. "Ikaw Choice mo ulet." "You are so nakakainis!" Madiin na sabi ko at hinatak ang kamay ko mula sakanya bago naglakad palayo. Pero agad din niyang hinawakan ang kamay ko. This time naka intertwined ang hands namin. "Joke lang, galit ka na agad eh." Kinuha niya ang bag ko at sinukbit sa balikat niya. "Tara, may malapit na mall dito. Dun tayo tumambay." Di pa ako nakakasagot pero hinatak na niya ang kamay ko! Hinila niya ko papuntang parking ng school at huminto sa tapat ng motor niya. "Hey, don't tell me diyan ulit tayo sasakay? No way! Ayoko na diyan!" Reklamo ko sakanya. Kanina halos mamatay na ako sa bilis ng patakbo niya eh tapos pati ngayon?! "May car na dala si Psalm diba? Yun nalang sakyan natin!" Pamimilit ko sakanya. Pero ang loko ayaw paawat! "Ano ba kasi gagawin natin don!?" Inis na tanong ko sakanya. "Date." Simpleng sagot niya bago inabot sakin ang helmet. Wow ha, first time na hindi siya ang nag suot ng helmet sa akin. Medyo nainis ako dahil doon pero nas nainis ako sa sinabi niya. Date?! "bakit naman tayo mag De-date?!" Sigaw ko sakanya. Ang ibang nag bebenta ng kung ano ano sa gilid ay Napatingin sa amin. Medyo nahiya tuloy ako dahil baka isipin ni LQ kaming dalawa. Wait, bakit L? FQ pala. Friends quarrel. Nakakainis kasi itong lalaking ito eh! "Yes, Date. Para naman hindi boring maghintay. Come on, suot mo na yang helmet." Sabi niya. Sinuot niya din ang helmet niya bago sumakay sa motor niya at nag simulang i-istart ang motor niya. "Wait! Hindi pa nga ako napayag eh!" Angal ko sakanya. Bakit pag kasama ko siya feeling ko nawawalan ako ng Choice? Argh! "Dali na, sige ka iiwan kita." Pananakot niya sa akin. Aba! Ako pa talaga tinakot ng mokong na ito! "Edi iwan mo! Pakialam ko naman sayo." Inirapan ko siya at pinatong sa baba ang helmet. Gusto ko ng mag walk out pero ayaw ng mga paa ko! Nakakainis bakit ayaw nito mag lakad palayo! Nag muka tuloy akong inaantay siya na pigilan ako. Imbis na umalis ay gumilid ako para makaandar siya paalis. "Oh ano, lakad na! Hindi kita pipigilan." Gusto ko siyang pigilan! Gusto ko sabihin na ok sakin mag punta ng mall basta hindi kami diyan sasakay sa motor niya. Natatakot kasi talaga ako na bigla nalang akong mahulog diyan eh! I heard him chuckled kaya napatingin ako sakanya. "Ang cute mo talaga mainis." Nagulat ako ng bumaba siya sa motor niya at tinanggal ang helmet niya. "Sige, dun nalang tayo sa FC." FC? san yun? Ang alam ko kasing FC ay Feeling Close. Well yun ang alam ko. Ewan ko sa iba. "San yun? Malapit lang?" I ask. Kasi it's already 2:40 pm. Wait, naka 10 minutes na agad kami dito? Bakit ang bilis ng oras? "Nah, dun lang yun sa may overpass." He shrugged his shoulders. Ngayon ko lang din halos napansin na ang lapad pala ng dibdib niya? Tapos straight body din siya. "Then let's go. Baka di na tayo makapunta." Inirapan ko ulit siya. Gusto ko mag walk out at mauna sakanya umalis pero hindi ko alam ang daan! Tumawa lang ulit siya at inakbayan na ako. Napapansin ko hilig niya mang akbay ngayon. Agad ko rin itong inalis dahil mabigat ang braso niya. Nang nasa gilid na kami ng kalsada ay nag punta kami sa dulo ng overpass at umakyat doon. Ang bongga din nila ah, may pa ganito pa sila. Kulay blue ito gaya color ng school namin. Sa gilid ay may ilang mga natitinda ng mga mani at mais. Meron din mga candy. Buti pinapayagan sila dito? Ang alam ko masi bawal yun eh. Yun ang alam ko ah, hindi ko sure. Pero mukang mabait naman ang school namin para payagan sila dito. Habang nag lalakad ay napatingin ako kay Caleb dahil huminto siya. Yun pala ay tinupi niya pataas ang sweater niya. Hindi tupi na maayos ah? Actually hinila niya ito pataas. Pero ok lang, maganda naman tignan dahil hindi magulo at hindi din maayos. "Tara, pag baba natin dito lakad lang ng kaonti tapos andun na tayo." Paliwanag niya nung pababa na kami. "What is FC?" I ask, kanina pa kasi ako nalilito kung ano ang meaning non eh. "Food Court." Simpleng sagot niya. Food court? Kanina pa ako nag iisip tapos simpleng food court lang ang ibig sabihin? So mga tamad ang taong nag isip non. Food court na nga lang papaikliin pa. "Pero ang tunay na Tawag dun ay stagium." Dagdag pa niya. "Stadium? As in parang sports arena ganon?" Paniniguro ko sakanya. Baka kasi pag punta ko dun laro pala ng isang sports ang pupuntahan namin eh. I want food. "Nope. Stagium. Stage and I-U-M." Paliwanag niya sa akin. Ahh, so pinag halo lang din. "Why?" Again. I ask. Ang gulo naman kasi eh. Natawa na siya. Siguro dahil sa sobrang dami kong tinatanong. "Tuwing 9Pm kasi may stage na tinatayo sa gitna tapos may mga banda galing sa ibang mga school ang nag pe-perform." He explained. Sa tono niya din ay parang nag eenjoy pa siya sa pag e-explain sakin. Yung iba naiinis na dahil ang dami ko daw tanong. "Can we watch it?" I want to see how they perform. Tsaka di ko pa nararanasan night life sa manila. Sabi nila masaya daw. Yung iba naman boring daw. Feeling ko hindi dahil sa matataas na building. Feeling ko kasi maganda ang ilaw ng mga iyon pag gabi eh. "Sure! I mean, siyempre naman." Nangingiti ito habang sinasabi iyon. Kung assuming ako iisipin ko na kinikilig siya. "Namumula ka." Pansin ko sakanya. Yung pisngi at tenga niya ay namumula. Ang cute pala ng labi niya. Reddish tapos hindi malaki at hindi din maliit. "I-i'm not..." Sabi niya bago nag iwas ng tingin. "Oh, nag ba-blush ka!" Pansin ko sakanya. "I said I'm not!" Nang makababa kami ay nanguna siya sa paglalakad. Dahil malalaki ang legs niya ang hirap makasabay! "Hey! Wait lang! Ang bilis mo mag walk!" Sigaw ko. Pilit binibilisan pero mahangin kasi eh, tapos yung palda ko baka umangat. Bakit ba kasi ako nag skirt?! Next time I'll wear pants or shorts. Basta hindi skirt! Ilang hakbang ang layo niya sa akin. Nag desisyon akong bagalan ang lakad ko. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya niyang marating ng wala ako. Halos apat na hakbang ang layo ko sakanya. At tuloy tuloy parin siya. Ayokong tumigil sa pag lalakad dahil baka maiwan talaga ako. Ayoko non.... Habang naglalakad ay may bigla nalang tumakbo sa gilid ko kaya napatingin ako doon. Isang lalaki na May hawak na bag ang tumatakbo. Napatingin ako kay Caleb na ngayon ay medyo malayo na. Pero kita ko pa naman siya at kung tatakbo ako ay maabutan ko pa Mag sisimula na sana ako tumakbo when someone bumped me in my shoulder. "Ouch! Ano ba--" "Tss, sagabal." Inis na tumakbo ang lalaki para habulin ata yung kaninang lalaki. Siya pa talaga galit ha! Excuse me ako kaya yung nabunggo niya! Nakakainis! Tapos sinabihan pa akong sagabal. Aba daanan kaya ito hindi takbuhan! Napatingin ako sa baba ng may isang rectangle na bagay akong nakita. Pinulot ko yon at tinignan. Ahh, school I.D. siguro doon toh sa lalaki kanina? Isaiah Caden Diaz 2nd year Chemical Engineering At sa school din pala namin siya? Sobrang laki pala talaga ng school namin at di ko siya nakikita. Sabagay hindi ko pa nalilibot ang buong school. "Paris!!" Napalingon ako sa tumatakbo na si Caleb. Papunta siya sa akin. "Bakit nawala ka bigla? May nagtatakbuhan kanina, ok ka lang?" Nag aalalang tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Yung bag ko akina." Sabi ko sabay kuha ng bag ko sa balikat niya. Ang sagwa kasi na may supt siya nito. Feeling ko mas Fashionista pa siya kesa saakin. "Bakit? Ako na mag bubuhat, mabigat." Hinawakan niya ang strap ng bag pero hindi ko iyon binitawan. "Ako na." Hinila ko yon pero ayaw niyang bitawan! "Ako na nga, kaya ko buhatin." Hinatak niya ulit pero hindi ko binitawan. "Ako na--" Napaupo ako sa sahig dahil bigla niya itong binitawan. "s**t! Sorry!" Natataranta siyang hinawakan ako sa kamay at inalalayan patayo. "Bakit mo binitawan!?" Inis na sabi ko. Pinagpag ko ang kamay at suot ko dahil madumi ang kalsada. Maalikabok din. "Sabi mo...." Napatigil ito saglit. "Wala sige. Sorry." "Hmp! Dahil diyan bilhan mo ako ng fries. I want it plain." I said. Aba masakit kaya yun. Well, may kasalanan naman ako. "Of course. Tara dun yun oh." Turo niya sa harap. I thought food court? "Welcome to FC Jae." ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• A/N Thank you. Seeyah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD