Chapter 15
"Masarap ba?" Tanong ni Caleb.
Yes, we're here sa FC na akala ko parang maliit na school fair lang. Yun pala parang mall! Ang pinagkaiba ay puro kainan at restaurant nandito.
Meron pa nga may maliit na aquarium tapos ikaw pipili ng isda or kahit anong seafood tapos pupunta ka sa isang restaurant at dun nila lulutuin.
Ano nga ulit tawag dun? 'paluto?'
Ang ganda din dito!
"Yes! I want more fries please?" Nag puppy eyes ako sakanya.
Ang sarap dahil hindi sobrang alat tapos crispy din yung fries.
I heard him chuckled.
"Why? I want more. Buy me more please Caleb?" I ask.
"Nakaka limang order ka na." Puna niya sa akin.
Simula kasi nung pumasok kami dito ay niyaya niya ako sa sikat daw dahil sa fries nila. At totoo nga dahil masarap nga ito.
"Bakit ba? Masarap eh. Angal ka?" I look at him.
Tinaas niya ang dalawang kamay at tumayo para bumili.
I drink my buko juice and eat my fries again. I know, buko juice tapos fries? But it's the best!
Ilang sandali ay bumalik na si Caleb dala ang dalawang order ng fries.
"Ikaw? Anong kakainin mo?" I ask.
Kanina pa kami at kanina pa din siya walang inoorder.
"I'm good. Tsaka hati--" i cut him.
"No! Bili ka sayo." Inirapan ko siya at kinuha yung dalawang order ng fries.
Narinig ko siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang takaw mo." Pang aasar niya. "Sabihin mo nga, oink oink."
Dahil sa inis ay agad ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa.
"Hey hey! Stop!" Daing niya.
Ha! Kala niya diyan ah. At sinong baboy? Ako? Excuse me I'm sexy!
Kinuha ko ang fries at sinubo sa kanya. Medyo nagulat pa siya pero sinubo din naman.
"Ang arte ah, malinis naman hands ko." Inirapan ko siya at sumubo ulit.
"Yeah, i want more." Bumuka ang bibig niya.
Napangiti ako dahil doon. Ang cute niya. Sinubuan ko siya ng dalawa na agad niyang nginuya ng may ngiti sa labi.
"Ang saya mo ah." Pansin ko.
I think after this ay pwede na kami bumalik.
"Yes. I'm so happy because you're here." Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti.
Agad akong nailang.
"Don't look at me." Hindi din kasi ako makakain ng maayos.
"Why? Ang ganda mo kaya." Sabi niya.
Nakakainis dahil ramdam ko ang pamumula ng muka ko!
"I said s-stop staring..." Napatingin ako sa mga gilid gilid dahil ayokong harapin siya!
"Now, you're blushing." Natawa pa siya saka kumuha ng fries.
Gusto ko sabihin na akin yon at huwag siyang kumuha pero naiilang talaga ako.
"You're cute." Nakangiti na sabi niya.
"And you're annoying. Stop staring nga!" Naiinis na sabi ko at kinuha yung fries.
Tumayo ako nag lakad na patalikod.
"Hey!" Hinila niya ako sa braso. "I'm just teasing you. Joke lang eh." Nakanguso din siya.
Kung ok kami at hindi ako naiilang sakanya sasabihin ko na cute siya dahil sa pag nguso niya.
"So, joke lang na cute ako?" Mataray na tanong ko.
"Yes! I mean no-- ahh f**k!" Inis niyang ginulo ang buhok niya. "Basta tara na!"
Hinigit niya ako papunta sa exit. Nakita ko na lalo siyang naiinis dahil tinatawanan ko siya.
"Stop laughing." Inis na sabi niya.
Instead ay mas natawa pa ako. Look at his face! So damn cute!
Nakanguso siya tapos kunot ang noo.
Huminto kami saglit at hinarap niya ako. Natatawa parin ako pero pinipigilan ko naman!
"I said stop laughing." Mariing sabi niya.
Halata ang inis sa boses niya. Hawak niya ang kamay ko pero at pinipisil minsan pero hindi naman masakit.
"Why? You're funny kaya. Look at your face!" Ang kaninang pigil na tawa ay lalong lumakas ng mas lalong nagtaka ang muka niya.
"Stop laughing or else..."
"Or else what?" Hamon ko sakanya.
Feeling niya naman takot ako sakanya.
"I'll kiss you."
Automatic na napatigil ako sa pag tawa at tinikom ang bibig ko. Hinarang ko din ang kamay ko sa labi ko.
"Tsk titigil ka din naman pala eh." Mayabang na sabi niya at inakbayan ako.
Sinubukan kong tanggalin pero ayan nanaman yung banta niya.
"Want me to kiss you hmm?"
"Ayon! Alalang-alala kami tapos naglalandian lang pala kayo?"
We both look at Cassandra. Naka halukipkip ito at naka taas ang isang kilay. Ang bipolar ni Cassandra, iba iba ang ugali eh. Minsan mabait, minsan mataray, minsan galit lagi. Ewan ko sakanya.
By the way she's wearing a corset top white and black agolde jeans. She also wear a pair of Black sneakers. She also tie her hair into a ponytail.
She's with Keziah who's wearing a black tank top and white pencil cut skirt. She also wear a faux Jacket with a pair of brown croc boots.
"What are you two doing here?" Caleb ask. " And Where's Jaspher and Prince?"
Oo nga, bakit hindi nila kasama? Atsaka kala ko ba parehas sila ni Prince na sa music club?
"Si Jaspher pinatawag ng dean, si Prince naiwan dun sa overpass may ka chikahan." Paliwanag ni Keziah.
"Eh anong ginagawa niyo dito?" I ask. "Kala ko ba may audition pa kayo?"
"Kuh, kunwari ka pa gusto mo lang solohin si Caleb eh." Pang aasar ni Cassandra.
See? Kanina bitchy siya ngayon naman nakangiti at nang aasar.
She also look kinikilig.
"Shut up." Pambabara ko.
"Ehe, kung di pa kami dumating malamang deretso kayo sa mote--"
"Oh shut up Cassandra!" Sigaw ko.
Kanina ay natatawa ako dahil kay Caleb ngayon ay naiinis na ako!
"Tara na anong oras na oh." Yaya ni Caleb.
Nasa balikat ko parin ang braso niya kaya magkadikit talaga kami!
"Kachika nilalanggam na ako!" Kinikilig na sabi ni Keziah.
Kachika? So mag kachika na pala sila ni Cassandra? What about me?! Ano ako?
"Tss, inggit nanaman kayo." Pakikisabay ni Caleb sakanila.
Agad ko siyang hinampas sa dibdib dahil sa inis! Bakit kailangan niya makisali sa pang aasar nila?
"Kanina mo pa ako hinahampas." Daing niya. "Gusto mo lang ata hawakan abs ko eh."
My lips parted in shock. Ganon ba talaga kakapal ang muka niya?
Narinig ko ang malakas na tili ni Keziah at Cassandra. Nakakainis dahil sakanila ako na ang naasar ngayon imbis na si Caleb!
"Di ka makatawa ngayon? Kinikilig ka?" Pang aasar pa ni Caleb.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya ng malakas.
"Stop laughing!" Sigaw ko.
Kung pwede lang na tanggalin ang kamay niya sa balikat ko ay ginawa ko na para matakbuhan siya! Pero baka halikan niya nga ako tapos andito sila Keziah at Cassandra? No way!
Imbis na huminto ay lalong lumakas ang tawa niya.
"Yieee Caleb tawang tawa, kinikilig yan?" Pang aasar pa ulit ni Keziah.
"I said stop laughing!" Sigaw ko ulit sakanya. "Stop laughing or else...."
"Or else what?" Bulong niya.
Oh damn ang husky ng boses niya! Why is he so damn...argh! Fine, he's handsome.
Parang ginaya niya din ako kanina, so gagayahin ko din siya.
"I'll kiss you." Banta ko.
Akala ko naman ayaw niya, akala ko sasabihin niya na wag, akala ko titikom ang bibig niya, but damn it! Gusto niya!
Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Smack lang naman. Ang bilis nga. Bitin-- no! It's not.
Malakas na tumili sila Keziah at Cassandra sa likod. Nag tutulakan pa silang dalawa!
"You..!" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa sobrang inis!
Isa pa na wala akong masabi dahil sa gulat at kaba. Bakit naman ako kinakabahan?
"Shet ang PDA ng dalawang toh sarap itapon sa gitna ng overpass." Kinikilig na sabi ni Cassandra.
"Napaka brutal mo talaga." Sabi ni Keziah.
"Eh sino kaya yung halos lumabas laman loob ko dahil sa lakas ng hampas?" Sabat naman ni Cassandra.
"Eh-" magsasalita sana si Keziah pero natigil dahil kay Caleb.
"Tara na, sobrang pula na ni Paris." Nakangiti na sabi niya.
W-what?
"You're blushing."
Feeling ko naririnig ko ang sarili ko kanina. Dapat ako yung ngiting tagumpay eh! Bakit parang nag iba na? Ako dapat ang nang aasar! Nakakainis!
"You're cute."
Mas lalo akong namula dahil doon sa sinabi ni Caleb.
Hanggang makarating kami sa school ay naka akbay siya sakin. Maraming tumitingin na students tapos bubulong. May iba naman kukuhanan ng picture tapos yumuko.
Kala mo naman hindi makikita.
"Ehem, Mr. Del Franco?"
Agad akong napalingon sa likod. Sila Cassandra at Keziah din.
"May i remind you that Public displays of affection are inappropriate and unwanted in our school?" Malaki ang boses nito.
Base sa suot niya ay isa siyang coach? White and blue shirt tapos ay black pants. I think coach siya ng basketball team? May ball din kasi sa shirt niya.
"Coach naman eh." Kinamot ni Caleb ang batok niya. "Kayo nga din ni Ms. Pau-"
"Mr. Del Franco!" Tila kulob ang boses nito.
Imbis na matakot ay natawa si Caleb.
"Yieee kinilig ka Coach?" Pang aasar pa ni Caleb.
"Coach Martin?"
May dumating naman na isang babae. Teacher ata?
She's wearing a white ribbed tank top and a black pants. Pair with a pair of black mini heels. She also have a pink clear glasses.
She's also singkit. She look like a korean. Makinis at maputi din. No wonder Coach Martin immediately put a sweet smile on his face.
"Yes Ms. Pauline?" Sagot agad ni Coach.
"Can you help me with some stuffs?" Malambing at mahina ang boses nito.
"Yeah! Sure!" Sagot ni ni Coach.
Ngumiti ng matamis si Ms. Pauline at nauna na mag lakad. Bago umalis si Coach ay tumingin pa siya ulit sa amin.
"Del Franco ha, PDA is not allowed in our school." Marring paalala ni Coach.
"Ok coach, goodluck sa date niyo--"
"Del Franco!" Saway ni Coach.
Tumawa lang si Caleb at nag sorry pero halata namang pabiro lang. Umalis din ito pagkatapos at sinundan na si si Ms. Pauline. Pagka alis ni Coach ay tinanggal ko ang braso ni Caleb.
"Bakit ganon ka makipag talk kay Coach? Parang mag friends lang kayo ah?" I accused him.
"Hm, Coach ko na siya since third year highschool kaya close kami." Paliwanag nya bago binalik sa balikat ko ang kamay.
Bakit ba hilig niya ilagay sa balikat ko ang braso niya? Mabigat kaya!
"Wag mo kasing tanggalin." Daing niya saakin.
"Eh ang bigat kasi!" Reklamo ko. "So you're playing basketball since highschool?"
Sabi niya since 3rd year eh, so nag lalaro siya?
"Oo, sikat nga yan dati eh." Sabat ni Keziah.
Really? I didn't know that!
"So you know Caleb dati pa?" I ask.
Nakakainis pala na wala akong alam sakanila?
"Yup. Pero di niya ako fan." Tinuro ni Cassandra si Caleb. "At ngayon lang kami nagkakilala nitong si Pandak."
Hinampas ni keziah ang balikat ni Cassandra dahil doon.
Yes medyo maliit si Keziah, siya nga ang pinaka maliit saamin.
"Hindi ako pandak, Matangkad ka lang!" Sigaw niya.
"Pota kala ko lalabas laman loob ko dahil sa hampas na yon ah?" Natatawang sabi ni Cassandra.
"Bakit hindi ka fan ni Caleb? Di ba siya magaling?" I ask. Again.
Gusto ko pang malaman ang tungkol sakanya.
"Magaling naman, ang alam ko siya ang captain. Pero hindi kasi ako mahilig sa basketball eh." She answered.
"So captain ka dati?" I look at him.
Bakit parang wala akong kaalam alam sakanya eh magkasama kami sa isang bahay?
"Yeah, pero tumigil din ako."
"Why?" Hindi ko talaga siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi.
"Tara na 4:00 pm na oh." Inakbayan niya ulit ako.
"Ayaw mo lang sagutin eh." I accused.
Halata naman sa muka niya eh. Hindi din siya makatingin ng deretso sakin.
"Pwede bang next time nalang?" He ask.
Hinihingi pa ng palugit. Pero tinigilan ko na dahil parang tanga akong nang hihimasok sa buhay niya.
Hanggang makarating kami sa open field ay madaming tumingin. Ano bang problema nila? Edi magpa akbay sila sa boyfriend or girlfriend nila! Ayaw nalang mag aral eh.
"Diba sila pa ni Faye?"
"Hala pano si Faye?"
"Baka broken si Faye ngayon."
"Oo napaka epal naman ng babaeng yan eh."
At ako pa talaga?
"Wag mo na pansinin inggit yan." Bulong ni Keziah.
"Sabihin mo lang sis aabangan ko sa kanto yan." Bulong naman ni Cassandra.
Natawa nalang ako dahil sakanila. Kung tutuusin ay sila ang pinaka unang naging friends ko.
Nung nasa dati kong school ako ay puro plastik ang mga nalapit saakin. Mga gusto lang ng fame. O kaya mga pasimpleng kopya.
"Sige Paris, Caleb, una na kami ah?" Paalam nila Cassandra at Keziah.
Oh tapos na nga pala sila.
"Tara dun tayo." Turo ni Caleb sa loob ng gymnasium.
"What? Why there? Bakit sila dito?" Marami din naka pila sa ibang mga tent.
"Sports. Nandun yung court." Paliwanag niya bago hinatak ulit ako papunta sa gymnasium.
Nakakaasar na yung pag hatak hatak niya ah.
Nang nasa loob ay napa wow nalang talaga ako sa ganda ng preparation nila. Bawat club ay may nakalagay. Meron ditong basketball, chess, badminton, volleyball tennis at iba pang sports.
Nagpa register na ako at umupo sa isa sa mga upuan.
Bawat lamesa ay may Chess board. Bali mag hihintay nalang ng uupo sa harap mo para makalaban. Kung sino ang manalo sainyo ay siya ang pasok sa club.
Si Caleb ay nagpunta na sa court para sa try out. While me, parang tanga na nag aantay dito.
While waiting naisip ko na kuhanan ito ng picture ang chess board.
I post on my i********: and i also put a caption.
Goodluck to me!
I think ok na yan? Nag scroll pa ako sa i********: ko bago nabasa ang mga comment ng mga annoying friends ko.
Siyempre nangunguna na si Caleb!
@weird_Caleb: omg you go girl! Don't lose ok girl? Fighting keribels natin yan! #goparis
Naiinis akong natawa sa comment niya. Nakakainis dahil bakit ganon siya mag comment?! Tapos natatawa dahil sa comment. Ok I'm weird.
@itspence: gusto mo snacks? Libre ko basta bayaran mo(•‿•) #goparis
Really prince? Libre tapos may bayad? Minsan ewan ko kung pano siya nakakayanan ni Cassandra.
@CassElena: pakigalingan ha, wala akong kaibigan na bano sa chess.
#goparis
Now i know how.
@keziahxyrille: Palayk po. #goparis
Seriously? Of all people akala ko medyo matino pa siya eh. At eto pa isa..
@DJ_Vasquez: penge load. #goparis
I want to kick all them! Nakakainis sila. Ang ayos ng post ko tapos ang kalat ng comment nila!
Ayan tuloy pati mga followers ko may go paris nadin! Nakakainis talaga!
Tinanaw ko si Caleb. Nakaupo ito sa bench at nakatingin sa cellphone habang nakangiti.
Why? Kachat niya ba si Faye? Ano bang pakielam ko? Natawa pa siya at napailing.
Why? I'm curious so i message him.
To: annoying guy
Why are you smiling like an idiot?
Nakita ko na kumunot ang noo niya. Why? Nakaistorbo ba ako sa kachat niya?
From: annoying guy
Focus on your game Jae.
Really? Yan ang sasabihin niya? Ha! He never failed to annoy me.
Ayaw niya ako pansinin? Edi wag! Care ko naman. Di naman siya kawalan.
"Ehem, let's start."
I look at the man sitting in front of me. Kanina pa siya? Why is he-- oh! Nag hihintay ng pala ako ng kalaban. Nakakainis!
"Ok, sorry. I'll go with the white." Sabi ko sa kalaro ko.
But wait, medyo namumukaan ko siya? No, baka makasalubong ko lang.
"Stop staring miss and play." Mariing saad ng lalake sa harap ko.
"Ow, sorry."
Nagsimula na kami. Sa ilang taon kong naglalaro ng chess at ilang beses kong natalo si Daddy....
"Checkmate."
I lost. Magaling siya! Ilang ulit ko siyang inutakan pero nalalaman niya! Kahit nag bibigay ako ng pa-in ay hindi niya pinapansin.
"W-what... Why? Bakit...pano?" Naguguluhan na ako pero naka poker face lang siya.
"Masiyado kang halata sa pag bibigay ng pa-in mo." He said coldly.
I sighed. "Ok, you got me there Mr." Yes, i lost.
I have to find another club to join. Nakakainis dahil confident akong sa chess club ako eh.
"Don't worry, magaling ka." He said. "You can still join chess club but you have to play with someone and win. That's all."
He even gave me an advice ha? Sabagay, wala naman sinabing may limit eh.
Tumayo na ito at umalis. So that's it? Matapos niyang manalo parang wala lang sakanya? Siguro he used to win na dati pa.
May isa pang umupo sa harap ko at mabilis itong natapos dahil nanalo ako.
"N-nice play, P-paris..." Nahihiyang sabi nito.
Inabot pa niya ang kamay niya para makipag shake hands. Napangiwi ako ng abutin ito.
Halata din kasi kanina pa na hindi siya marunong. Ginalaw niya agad ang king kahit may mga pawn pa siya. Tapos hindi din niya alam ang tura ng bawat piece.
He also look like a nerd. I mean, hindi ko siya nilalait or what pero halata lang base sa mga napapanood ko sa mga drama.
He is wearing a white long-sleeved polo with blue blazers and blue pants. He also wear a white socks and black shoes and last, he is wearing a thick clear glasses.
That's our uniform by the way. Siya lang ata ang nakikita kong naka uniform pa.
Ang I.D namin ay wala pa dahil hindi pa daw napa schedule sa photographer.
"I-i'm tristan." Pakilala niya.
Nilahad niya ulit ang kamay niya para makipag shake hands. Siyempre I'm a good girl kaya so nakipag shake hands din ako.
"Paris." Pakilala ko.
Natulala siya saglit bago nagsalita. "Yeah, alam ko." Wala sa sariling sabi nito.
"Uhm, yung kamay ko." Paalala ko.
Ayaw niyang bitawan at nakatitig lang siya sakin. Hindi niya ba alam na nakakairita na siya?
"A-ah! Sorry!" Dali dali niyang binitawan ang kamay ko.
Palihim ko siyang inirapan. Nakakainis kasi na parang ang sama ko naman sakanya.
"Hi, ahm patapos na po kasi ang audition." Sabi ng isang babae.
Tinuro niya ang isang parang stall kung saan may lalake na nakaupo.
Itinuro niya sa akin ang mga dapat gawin dahil ako ang nanalo.
Sabi niya puntahan ko daw ang stall at sabihin sa lalaki doon na ako ang nanalo sa chess game. Bakit hindi nalang yung girl kanina ang magsabi?
Inuutusan niya ba ako?
"A-ah paris... G-gusto mo samahan k-kita?" Nauutal na tanong ni Tristan.
Mas lalo lang siyang naging Weird sa paningin ko. Bakit ba siya nauutal? Tapos namumula din siya.
"Paris!"
I know that voice. It's prince.
"Nanalo ka? Pinapatanong ni Cassandra eh." Hinihingal na sabi niya.
"Yes. Sa pangalawang round dahil natalo ako nung first." I explained.
Marunong naman ako tumanggap ng pagkatalo. It's ok. At least i know i did my best.
"Talo ka sa first round?!" Tuwang tuwa nitong sigaw.
"Yes. Why are you so happy?" Inis na tanong ko.
Sobrang saya niya na natalo ako? I want to kick him!
"No! I mean yes! Who wouldn't be? Nanalo ako sa pustahan!" Sigaw niya.
Pustahan?
"Are you making fun of my game?!" Inis na tanong ko.
"Well, kaya nga tinawag na game-- aray pucha paris!" Daing nito.
Pinag hahampas ko kasi siya sa balikat. So hula niya matatalo ako? Wala ba siyang hanga sakin?
"Bakit ako lang hinahampas mo?" Nakangusong tanong niya.
"Duhh siyempre ikaw nakipag pustahan sa game ko!" Sarcastic na sabi ko.
Is he even thinking?
"Eh hindi lang naman ako ah!" Reklamo niya sakin.
"You mean may kasama ka?"
"Siyempre! Ano ako tanga? Nakikipag pustahan sa sarili?" Natawa pa siya ng bahagya.
Pinapalabas niya ba na tanga ako? God! I really want to kick him!
"Tell me, sino sino?" Mataray na tanong ko.
Sasagot sana si Prince pero May nagsalita sa likod. I nearly forgot about him.
"P-paris, tara na baka... Baka isara na nila yung sa chess c-club. Di ka makabot." Mahinang sabi ni Prince.
Kung kanina ay namumula siya ngayon ay parang naiinis siya. Take note na hindi siya sakin nakatingin kundi kay Prince.
"Ah sige na pre ako na bahala kay Paris." Nakangiti na sabi ni Prince.
Mas lalong nainis si Tristan at kinuyom na ang kamay.
"Ako na. Ako ang nauna sayo." Mariing sabi nito.
Kita din sa mata niya ang galit.
"Kaya nga ok na. Ako na bahala sakanya. Alis ka na." Nakangiti parin si Prince pero halatang naiinis na siya.
Kung ako naman ay naiinis na din.
"Ah, it's ok Tristan. Kaibigan ko siya. Thank you."
Nagulat siya sa sinabi ko. Kita sa mata niya ang protesta pero umalis nalang din siya.
I'm not guilty.
"Sino ba yun?" Prince ask me.
Huh! Kala niya makakatakas siya sa kasalanan niya.
"So sino pasimuno?"
Napalunok siya bago nagsalita. "Ok, wag highblood madam ha?" Paalala niya.
Inirapan ko lang siya at humalukipkip.
"Si Faye talaga pasimuno nito--"
"What?!" I reacted.
Talagang magaling siyang inisin ako ah? Panira!
"Teka sabi ng wag Highblood eh." Nakataas ang pareho niyang kamay na parang sumusuko. "Nakita kasi niya na si Diaz kalaban mo kaya ayun automatic na sa lose kami ni Faye tumaya. Pero yung dalawang pasaway na puro daldalan lang alam sa win tumaya pati na din yung jowa mo."
Jowa?
"Who's my jowa?" The last time i check I'm single.
"Kuh kunwari ka pa alam naman namin na kayo ni Caleb." Nang aasar na sabi niya.
Inirapan ko lang siya. Walang patutunguhan ito kung makikipag talo ako.
"Who's Diaz nga pala?" Sino ba siya at bumaliktad tong si Prince saken?
"Isaiah!"
Hinawakan ni Prince ang pisngi ko at pinaharap sa gilid.
"Siya. Siya si Diaz. Isaiah Caden Diaz."
Siya?!
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N
Cassandra's outfit is from
Itsyuyan
Keziah's outfit is from
Itsyuyan
Ms. Pauline's outfit is from
Pinterest
Thank you. Seeyah!
//ClumsyAlmond//
_______________________