Kabanata 6: Milley Is Sick

1676 Words
06: Milley is Sick BETTY "I don't like it here." Agad akong napabusangot dahil sa sinabi ni Milley. Kakarating palang namin pero yung mukha ni Milley parang gusto na lang umuwi. Siya naman itong nag request na pumunta rito sa park. "So many people. So kalat. So ingay." Naka cross arms siya at nakataas din ang kilay. Ibang klase talaga ang batang ito. "Natural lang na marami ang tao rito, park eh," saad ko. "At saka ayaw mo ba no'n? Marami kang makakalaro." Mas lalo siyang sumimangot. "At saka ikaw rin naman ang nagsabi na gusto mong pumunta rito para makipaglaro. Ngayong nandito na tayo, i-enjoy mo na lang." "I just said that for me to know if Daddy will allow me." Bahagyang nagtaas ang aking kilay dahil sa sinabi niya. "He did allow me, but not Kuya." Marahas siyang bumuntong hininga. "Why Daddy hate Kuya that much?" Saglit akong natigilan dahil sa naging tanong niya. Nakatingin siya sa akin na para bang gusto niyang marinig ang magiging sagot ko. "Paano mo nasabi na ayaw ng Daddy mo sa Kuya mo?" balik tanong ko sa kaniya. Marahas siyang napabuntong hininga. Kung umasta ito ay para bang sobrang bigat ng pinagdadaanan niya. She's only five years old. "I just can feel it, and also — every time Kuya wants something or ask something from Daddy, always... Daddy didn't let him. Just like the meeting he really needed to attend." "Siguro si Daddy mo, that's only his way to protect you and your Kuya... it doesn't mean na laging tinatanggihan ng Daddy mo ang Kuya mo ay ayaw na niya ito sa kaniya." "Protecting us?" Saglit siyang natahimik na tila ba nag-isip siya. "Maybe he only wants to protect his self or even his business." Parang may tumusok sa dibdib ko sa sinabi ni Milley. Limang taon pa lamang siya, pero ang bigat na ng mga salitang lumalabas sa bibig niya — mga salitang hindi dapat alam ng isang bata, na dapat ang alam lang niya ay kung paano mag enjoy sa paglalaro. Marahas akong napabuntong hininga. Hinaplos ko ang mukha niya, na syempre tinabig niya na may kasama pang irap. “Milley, minsan siguro ang daddy mo natatakot din kaya super extra strict siya sa inyo," saad ko. Kumunot ang noo niya. “Takot? Daddy? He’s not scared of anything. Actually everyone is scared of him, even you — you're scared too." Ang hirap talagang kausapin ng batang ito, laging may sagot eh. Ang hirap ding manalo. "May mga takot na hindi natin nakikita, Milley. Some people hide it by simply acting tough and strong." Umiling siya na para bang hindi niya tanggap ang sinabi ko. “But Kuya is hurting,” mahinang sabi niya. "He can act tough, but he can also show if his scared — we're his family." Napangiti ako nang may halong lungkot. Pinagmasdan kong mabuti ang kaniyang mukha. Sandaling tumingin siya sa paligid—sa mga batang tumatakbo, sa mga magulang na nagtatawanan. Bumalik ang tingin niya sa akin. “Do you think Daddy will change?” tanong niya habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata. "Do you think he will also act like that? Like those father who plays with their children?" Hindi agad ako nakapagsalita. Ayokong magsinungaling para lamang mapagaan ang loob niya. "I guess, no." Napakamot ako ng noo. "Milley, magtiwala ka lang sa daddy, hindi man siya magiging tulad ng ibang daddy na nakikita mo ngayon panigurado akong maipapakita niya rin ang mga bagay na gusto mong makita sa kaniya." "Okay, whatever you say." Mukhang suko na talaga siya. "Still I don't like to play with them, they look so mabaho na." "Edi tayo na lang maglaro..." "Let's just go inside that shop," putol niya sa sasabihin ko. Nakaturo siya sa isang ice cream shop. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay muli siyang nagsalita. "Tara na." Kaya wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sundan na lang siya. Pagkauwi namin, medyo kabado ako — paano kasi inuubo na si Milley, mukhang nasobrahan ata siya sa ice cream. Kasi naman, pinipigilan ko ayaw magpapigil. Mamaya patay ako sa amo ko eh. "Milley, you clearly know you can't eat too much ice cream." Nandito kami ngayon sa kwarto ni Milley kasama si Jarred na pinagsasabihan ang kapatid. "And you." Itinuro niya ako. "You should have known about this." Malay ko ba. "Kuya, I'm fine. It's just that, I really enjoyed it." Pagkatapos niyang magsalita ay umubo ito kaya naman mas lalong kumunot ang noo ni Jarred na para bang isang malaking pagkakamali na magkasakit si Milley. "Just make sure you can explain this clearly to Daddy," saad ni Jarred habang nakatingin sa kapatid ngunit alam kong para sa akin ang sinabi niya. Hindi na lang ako umimik. "Rest now, Milley." Napangiti ako nang humalik si Jarred sa noo ng kapatid. "Thank you, Kuya." Matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Milley. Sa totoo lang, kahit naman naiinis ako madalas sa ugali ng magkapatid na ito, sa tuwing nakikita ko silang dalawa — kitang-kita ko ang pagmamahalan nilang dalawa. Na tila ba sa bahay na ito, kakampi talaga nila ang bawat isa. Hindi man sila suwerte sa ama nila o maging sa ina nila — masuwerte naman sila dahil kasama nila ang isa't isa. Iniwan namin si Milley sa kaniyang kwarto para makapagpahinga ito. Pinuntahan ko naman sila Auntie sa quarter, nadatnan ko sila sa sala na nagmimiryenda. "Kumusta ang alaga mo?" tanong ni Auntie. "Inuubo, Auntie. Mukhang patay na naman ako nito." "Maghahanda ako ng herbal mamaya, ipainom mo iyon sa kaniya." Tumango-tango lang ako. Ipagdadasal ko na lang talaga na maging okay siya agad. "Sakitin talaga si Milley kaya bantay sarado siya ni Sir Zach," ani April na naglagay ng banana cue sa aking pinggan. "Good luck na lang talaga sa'yo mamaya." Marahas akong napabuntong hininga. "Ito naman, tinatakot mo na naman siya," saad naman ni Risse Marahas akong napabuntong hininga. Sana lang talaga maganda ang mood ni Sir today, dahil kung hindi? Baka tuluyan na niya akong patalsikin. Saglit lang akong nanatili sa quarter dahil hindi ako mapakali para kay Milley. Bago ako nagtungo sa kwarto niya ay ako na ang gumawa ng herbal na sinasabi ni Auntie. Pagkapasok ko sa kwarto ni Milley ay mahimbing ang pagkakatulog nito, inilapag ko sa mesa ang herbal. Nilapitan ko rin siya para ayusin ang kaniyang kumot. Hinawakan ko ang noo niya, medyo mainit na siya. Malilintikan talaga ako nito. Nabaling ang tingin ko sa pintuan nang marahang bumukas ito. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko si Sir Zach na mukhang dito agad dumiretso. Tiyak kong alam na niya ang sitwasyon ni Milley. "How is she?" bungad na tanong niya. "Medyo mainit po siya..." "Are you stupid?" putol niya sa sasabihin ko. At heto na nga ang pamumuksa niya sa akin. "Isa lang ang trabaho mo, pero hind mo pa iyon magawa ng tama." Natahimik ako. Literal. Grabe naman kasi si Sir. Talim ng dila. "Binasa mo naman siguro ang lahat tungkol kay Milley, hindi ba? O talagang tanga ka lang." "Grabe ka naman, Sir," saad ko, nakasimangot. Saglit siyang natahimik, marahil hindi niya inaasahan na sasagot ako. “What?” malamig niyang tanong. Huminga ako nang malalim. “Alam ko po ang kondisyon ni Milley. Alam ko po kung ano ang bawal at hindi. Pinipigilan ko po siya.” Diretso ang tingin ko sa kaniya. “Pero hindi po siya robot. Bata lang po siya." Lalong tumalim ang tingin niya. Kung nakamamatay lang talaga ang tingin baka kanina pa ako humandusay. Lumapit siya sa kama at hinawakan ang noo ni Milley. Hindi nagbago ang kaniyang mukha na para bang kasalanan talaga na magpakita ng emosyon. “You were irresponsible,” sabi niya, pero mas mababa na ang boses, pero nandoon pa rin ang talim sa kaniyang tinig. “Opo,” sagot ko. “Kung gusto niyo pong sisihin ako, sige po. Pero huwag niyo pong isipin na wala akong pakialam kay Milley, dahil kahit ilang linggo ko palang siyang nakakasama — malapit na po ang loob ko sa kaniya." Muli niya akong binalingan ng tingin. “You don’t get to lecture me. You are just a maid." “Hindi po ako nagle-lecture,” kalmado kong sagot. “Nagsasabi lang po ako ng totoo. At saka oo, kasambahay lang ako, pero tao lang din ako." Kahit amo ko siya at takot ako sa kaniya, hindi naman ata ako papayag na magpatalo sa kaniya. Oo, alam ko naman na may pagkakamali ako kaya lang sobra na rin kasi ang pang-iinsulto niya. "Daddy?" Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Si Milley, mukhang nagising ata dahil sa bangayan namin ng kaniyang walang pusong ama. "You clearly know that you can't eat too much ice cream, Milley." At mukhang pagagalitan pa niya si Milley sa halip na tanungin kung kumusta siya. "Sorry, Daddy. I just enjoyed it, but I'm..." Umubo siya. "Not fine," ani Sir Zach tila masama talaga ang loob niya dahil sa nangyayari. "Baby, okay ka lang ba? May herbal akong inihanda, inumin mo iyon para kahit papaano ay maging maayos ang pakiramdam mo," singit ko, dahil mukhang wala naman akong aasahan sa lalaking ito. Marahan siyang tumango. Kinuha ko ang herbal na gawa ko at pinainom ko iyon sa kaniya, nanonood lang naman si Sir Zach na salubong pa rin ang kilay. "Rest after that," pagkakwa'y saad niya. Tumalikod na ito at handang umalis. Nagsalita si Milley. "See, I told you — he doesn't care." Tila may kung anong kumurot sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Milley. Nakita ko ang saglit na pagtigil ni Sir Zach ngunit wala itong sinabi — pero alam kong narinig niya. Marahas akong napabuntong hininga. "He cares, siguro hindi niya lang alam kung paano ipakita," saad ko para naman sa gano'n ay gumaan ang pakiramdam niya. Mapait itong ngumiti saka umiling. "Stop defending him, Betty just to make me feel better. It's okay. I'm already used to it. Good night." Hindi na ako nakapagsalita. Kawawa naman ang batang ito. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD