I woke up in a familiar bedroom. Narito na ako ngayon sa kwarto ko. Sobrang sakit pa ng ulo ko, kaya naman ay ipinikit ko muna ulit ang aking mga mata. Maya-maya ay inisip ko na kung paano pa ako nakauwi kagabi. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Lance kagabi na siya na lang daw ang mahalin ko. Naalala ko kung paano ko siya tinawanan at kung ano ang mga isinagot ko sa kaniya matapos niyang sabihin sa akin ‘yon. “Hell, no! Ayoko na ngang magmahal pa ng ibang lalaki bukod kay Enrique, eh. Tsaka hindi kita type ‘no. Kahit lasing man ako o hindi, wala pa rin akong balak na patulan ka. Well, it was just my mistake earlier na muntikan ko nang magloko kay Enrique. Pero nawala na ‘yon agad sa isip ko at nagsisi na rin naman agad ako. Anyways, bye!” Hindi pa niya ako no’n hinayaan na magman

