bc

Entice Me, My Supermodel Billionaire

book_age16+
8.8K
FOLLOW
73.5K
READ
billionaire
sex
friends to lovers
playboy
sweet
bxg
realistic earth
first love
model
seductive
like
intro-logo
Blurb

WARNING: R-18 ROMANCE STORY!

The story of Vivianna Apple Cash, the daughter of Vivian Ruth and Apollo Cash from the story FOR RENT: BRIDE FOR THE BILLIONAIRE.

“What does it means to entice someone? Attracting someone by arousing desire and temptation is what I want.”

“Then entice me, my supermodel billionaire…”

Si Vivianna Apple na isang anak ng bilyonaryo ay matagal nang may gusto kay Enrique Morales. Ngunit maraming mga itinatago si Enrique sa buhay niya. Sikat na basketbolero si Enrique sa Cashland University at pinagkakaguluhan siya ng mga babae dahil sa kaniyang gwapong itsura at magandang katawan.

Enrique Morales, isang lalaki na nagpanggap na mayaman upang makapag-aral ng maayos sa Cashland University. Nagtatrabaho siya sa isang bar at nirerentahan ng mga babae ang kaniyang katawan. Ginagawa niya ang lahat para ma-satisfy ang mga babae gamit ang kaniyang katawan. Nang sa gano’n ay kumita siya ng pera at mabuhay.

Paano kaya matatanggap ni Apple ang tunay na pagkatao ni Enrique? Makayanan kaya ni Apple sa oras na malaman niya ang lahat ng tungkol kay Enrique?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Five Years Later… Cameras everywhere… All eyes on me… All attentions were on me… I’m here in the big stage and the crowd is shouting my name. Umingay na ang pangalan ko. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung kailan ako matatawag na ‘sikat’ at ‘angat’ sa larangan ng Fashion Model. Sanay na ako sa bawat flash ng mga cameras. Hindi na nasisilaw ang mga mata ko. Hindi katulad noong unang beses ko na naranasan ‘yon. “Vivianna!” “We love you so much, Vivianna!” “You’re so stunning! You’re a queen, Vivianna Apple!” Marami pa akong naririnig ng mga sigawan ng crowd. Nakakatuwa dahil maraming nagpunta rito sa pinakaunang Fashion Show na kasama ako. Hindi lang naman ako ang model dito, pero ako ang halos isinisigaw ng mga tao. Ang pangalan ko ang siyang nag-iingay sa buong MOA Arena. Dapat ay matuwa ako… Pero hindi ko ‘yon nararamdaman ngayon. “What a crowd! The show didn’t even started yet, but the crowd is now dying to see their favorite models! So who is your favorite model? Shout it!” sambit naman ng host sa fashion show na ito. “We want to see Vivianna Apple!” “Vivianna will slay tonight!” Pangalan ko na naman ang mas nangibabaw sa buong lugar. Nakita na nila ako kanina saglit lang dahil pinakita kami sa stage. Mamaya ay gagawin na namin ang runaway modeling, kung saan ay isa-isang lalabas ang mga models para rumampa at irampa ang mga damit na suot. And guess what? Ang brand na imo-model namin ay ngayon ay pagmamay-ari ko mismo. La’El Clothes and Accessories Brand Company ang pangalan. Hindi alam sa publiko ang tungkol dito. Gusto ko kasi ay tago lang ang tungkol sa impormasyon na ‘to. Last year lang nailabas ang tungkol sa bagong brand na ito at ang mga produkto ko ay agad nang lumalaban sa mga sikat na produkto, lalo na sa ibang bansa. Kaya naman ay mabilis din na sumikat ang pangalan ng brand ko. Hindi lang mga damit ang binebenta ng kumpaniya ko. Mayroon ding mga bags, shoes, and more. Malaki ang kumpaniya ko na ‘to. I remembered saying to my Mom and Dad that I don’t want to enter the business industry. But here I am, also having my own company. “I feel like this Fashion Show is for Vivianna Apple only! Everyone, let’s just wait for Vivianna to have her own Fashion Model Show!” sagot naman ng host sa crowd. “Grabe, napakasikat mo na. Ito pa lang ang unang fashion show na kasama ka, pero ang ingay na ng pangalan mo,” kumento naman ng nagme-makeup sa akin. Matipid lang ako na nginitian siya. Magsasalita na sana ako, ngunit may biglang sumabat na isang model din. “Kahit naman ito ang unang beses niya sa fashion show, sikat na talaga siya noon pa lang. That’s the power of money and connections. Her parents were the famous billionaires. Kaya ano pa ba ang aasahan mo? Hindi naman siya sumikat dahil sa pagmo-model niya. Sumikat siya dahil sa pangalan niya at background niya,” maarteng sambit niya. That’s Eva. Kahit noong nagpa-practice pa lang kami ay mainit na ang dugo niya sa akin. Madalas ay hindi ko siya pinapatulan, dahil ayokong bumaba sa level niya. Mas nagfo-focus lang ako sa mga priorities ko at inilalaan ko na lang ang oras ko sa pagpa-practice sa modeling para mas gumaling ako. “So are you saying that she’s not really that talented in terms of modeling?” natatawa pa na kumento naman ng kaibigan niya na si Jovy. “Ano pa nga ba? She’s just famous because of her parents, and not because she’s really good in modeling.” “Huwag mo na lang pansinin ang mga ‘yon. Inggit lang naman sila sa ‘yo dahil ikaw ang mas pinipili ng mga tao kaysa sa kanila,” bulong pa sa akin ng bakla na nagma-makeup. Wala rin naman akong balak na patulan sila. Nagluluksa pa ang damdamin ko ngayon, kaya wala akong panahon na bigyan pa sila ng oras. I am currently dealing with my own problems and feelings that no one knows. “I won’t waste your time anymore. It’s time to show them one by one! They will be modeling the products of the new and famous brand nowadays, La’El!” Tumayo na kami at pumila sa backstage. Sa totoo lang ay hanga ako sa mga gumagawa ng designs sa mga products ko. Nakikita ko ngayon kung gaano sila kaganda. Hindi mapagkakaila na kahit mahal ang presyo ng mga produkto ko ay worth it naman dahil sa ganda ng quality at design nito. Kakaiba talaga kumpara sa mga old famous brands sa buong mundo. Pero ang higit sa lahat, ako rin naman ang nag-isip ng mga disenyo. That’s also my hidden talent. Kaya naisipan ko rin na magtayo ng sarili kong brand. Dinadagdagan na lang ng mga designers ko ang sarili kong design para mas i-improve at pagandahin lalo. “Ang ganda ng dress na ‘to. I want to buy this one. Ang pinakamalaking boutique pala ng La’El ay narito sa Philippines. So it means, Pinoy ang may-ari ng company na ‘yon?” rinig ko na sambit ni Eva. “That could be possible. Pero hindi pa rin nire-reveal kung sino ang may-ari. Even the company ay dito rin nakatayo. And that dress costs fifty thousand pesos,” sagot sa kaniya ni Jovy. Napansin ko na bahagyang nagulat si Eva sa presyo ng dress na suot niya. “What? Gano’n kamahal ang dress na ‘to? Hindi ba parang overpriced sila masiyado?” mahinang kumento pa niya. Pero dahil kasunod lang nila ako ay narinig ko pa rin ang sinabi niya. Napangisi naman ako. “Kahit ang mamahal ng mga products nila ay marami pa rin ang bumibili. Ten thousand pesos nga yata ang pinakamura na dress nila. Well, La’El is a big brand. Kaya malamang ay puro higher class lang din naman ang bumibili roon, kaya malaki ang sales.” “Ayoko na pa lang bumili ng damit na ‘to. Ayos nang nasuot ko siya ngayon at nagawa kong magkaroon ng photo na suot ‘to.” Nagtawanan pa ang dalawa matapos sabihin ni Eva ‘yon. Lumapit naman ako sa kanila. “You just can’t afford buying it. That dress fits perfectly to those woman who’s decent and have class. That’s why it doesn’t suits you,” mahinang sambit ko sa kaniya. “W-What?!” Hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan na lang. Nauna na akong pumunta sa stage dahil isa-isa na kaming tinatawag. I saw how furious Eva is. Pero hindi naman niya ako magawang sugurin ngayon dahil nasa entablado na kami. Nginitian ko lang siya. Kahit ayokong ngumiti ngayon ay kailangan kong gawin. Nagsimula na silang rumampa sa gitna. Hanggang sa ako na ang tinawag ng host. Ang bawat suot namin ay dine-describe niya para malaman ng crowd. Habang rumarampa ako sa gitna ay hindi ko maiwasan na mas masaktan. He could’ve seen this special event in my life right now… Marami ang pumapasok sa isipan ko. Dapat ay masaya ako dahil maraming mga tao ang sumusuporta sa akin ngayon, pero hindi ko magawa. I maintained my fierce look while modeling the dress that I am wearing right now. Then suddenly, I remembered something… “Look! May shooting stars!” Itinuro ko naman agad ang langit para makita niya. Agad naman ako na pumikit para mag-wish. “Make a wish!” sambit ko pa. Narinig ko pa na natawa siya dahil sa naging reaksyon ko. “Okay, okay. I’ll make a wish too,” sagot niya. Nang matapos ako ay nilingon ko siya at tinitigan. I’m so lucky to have this man in my life. I swear, I don’t want any other man except him. “Ano ang wish mo?” tanong ko sa kaniya nang matapos siya. Nginitian naman niya ako. “Ikaw muna. Ano ang hiniling mo?” tanong niya pabalik sa akin. “Hmm… I wish that you would be there on every special event of my life. Gusto kong kasama kita sa lahat ng journey ko na paparating sa buhay ko.” Niyakap naman niya ako nang mahigpit. “How about yours? Sabihin mo na sa akin kung ano ang hiniling mo.” “I wished that you’ll be in my life forever.” Pero hindi na mangyayari pa ang mga hiling na ‘yon. Dahil wala na siya ngayon sa buhay ko… He left me without any reason… Sa unang beses ko na tumuntong sa malaking entablado na ito at humarap sa ganito karaming mga tao, wala siya. Over thousands of people here, presensya niya lang ang gusto ko. Pero wala. Ni anino niya ay wala rito. That was how my first love hurt me. It broke my heart big time. Love made me crazy. It’s all because of that man…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook