ENTICE ME 1

1500 Words
“Vivianna! What do you want to eat?!” Mom shouted. I ran downstairs and went to kiss her on her cheeks. “Mom, I’m on diet. I won’t eat breakfast. Bread is enough,” I said as I took the bread out of the bread toaster. “What? Ang payat mo na nga tapos hindi ka pa kakain ng breakfast?” nagtataka na tanong sa akin ni Mom. I pouted my lips to look cute on her. “Mom, I’m not payat! My body is called sexy, okay? Tsaka I’m starting my diet na today. Every lunch and dinner na lang ako kakain. Hindi ako pwedeng maging bloated. I need to stop eating a lot.” Tinaasan naman ako ni Mommy ng isang kilay. “And why is that? Nakakagulat na sa takaw mo na ‘yan, e biglang gusto mo nang mag-diet.” “Hmm… I just want to be more sexy and flexible. I want to be a model soon, right? Kaya ngayon pa lang ay sinisimulan ko nang i-maintain ang katawan ko na ‘to. Besides, I’ll be college next school year. I need to be prepared,” sagot ko. Nilapitan naman ako ni Mommy sa pwesto ko. “Vivianna, may four months ka pa bago matapos ang school year na ‘to at bago ka maging college. Are you sure that you really want to pursue modeling? Ayaw mo ba na pumasok sa business at magtayo na lang ng fashion brand company?” Nginitian ko naman siya. “Mom, I already talked to you about that. Like Vaughn, I don’t want to enter the business industry. But you don’t have to worry, because we will be successful on our own.” “I know that you and Adonis can do it. Kanino pa ba kayo magmamana? E ‘di sa amin ng Daddy Apollo mo.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Mabuti na lang at suportado nila kami ni Vaughn sa lahat ng mga gusto naming gawin at desisyon sa buhay namin. They are giving us enough privacy for ourselves and they don’t want to control our lives. That’s why they are the standard of a perfect parents. Maswerte kami ni Vaughn dahil naipanganak kami na sila ang mga magulang. Alam ko naman na marami sa mundo na kinatatayuan namin ang may mga hindi magandang buhay kasama ang kanilang mga magulang. ‘Yong iba nga ay iniiwan pa. Kaya masaya ako na ganitong buhay ang naibigay sa amin. Ang yaman ng pamilya ko ay deserve naman nila. Hindi sa pagmamayabang, pero pinaghirapan naman talaga nila ‘yon nang ilang taon. They are working hard to be on top and for our family. Ang sabi ng ibang tao ay nagyayabang kami dahil mayaman ang mga magulang ko. But yes, nagyayabang talaga ako. Dahil kayabang-yabang naman ang buhay na mayroon kami ngayon dahil pinaghirapan ‘yon ng mga magulang ko. Hindi nila ‘yon nakamit kung hindi sila naghirap at nagpakapagod. They deserve all the praises. Lalo na at hindi rin naman nila hinahayaan ang mga employees nila. In fact, mayroon nang nagin milyonaryo dahil sa pagtatrabaho sa mga kumpaniya nina Mom at Dad. “Aalis na ako, Mommy! Bye! I love you!” I kissed her cheeks and went out of our house. Sumakay na ako sa sasakyan at ihahatid ako ng driver namin. Since hindi pa ako legal age, hindi pa kami hinahayaan nina Mom at Dad na magmaneho ng sariling sasakyan. Marunong naman na kami ni Vaughn, pero hindi pa rin kami pwede. They prioritize our safety. Nang makarating na ako sa C.U. ay agad akong pumasok sa room namin. Simula noong first year high school ako at hanggang ngayon na fourth year high school na ay excited pa rin akong pumapasok. Araw-araw akong excited mula pa noon. Dahil masisilayan ko ang long time crush ko! Yes, sa ganda kong ‘to ay wala pa rin akong nagiging boyfriend. Ayos lang naman kay Mommy at Daddy na magka-boyfriend ako. Ewan ko lang kay Vaughn kung ayos sa kaniya. Pero hindi ako magbo-boyfriend hangga’t hindi ang long time crush ko ang magiging boyfriend ko. Loyal at faithful ako sa kaniya kahit hindi niya ‘yon alam. Torpe ako… Kahit alam ko naman sa sarili ko na maganda ako, sexy, matalino, at mabait ako ay hindi ko pa rin magawang umamin sa kaniya tungkol sa nararamdaman ko. Why? Dahil never niya akong pinansin. Apat na taon na kaming magkaklase, pero bihira lang kaming mag-usap. Ang gwapo niya kahit noon pa lang. Pero tahimik lang siya sa classroom. Kapag naman kasama niya ang mga kaibigan niya ay nakikita ko siyang tumatawa palagi at masaya. Pero hindi ko alam kung bakit kapag sa room ay tahimik lang siya. Kung mag-uusap man kami ay minsan lang, kapag may groupings at kami ang magkagrupo. Hindi ko rin siya magawang kausapin. Ayokong mag-first move. Lalo na at sikat ako rito sa C.U. Ako ang anak ng may-ari ng Cashland University. Pagmamay-ari namin ito. Kapag nalaman ng mga estudyante rito na ako pa ang unang nag-aapproach sa lalaki, tiyak na magiging issue agad. Laganap pa naman ang chismis sa bansa na ‘to, lalo na kapag kilala ka ng mga tao. Tsaka iniisip ko rin na sa ganda ko na ‘to? Kung talagang may interes siya sa akin na kahit katiting ay papansinin niya ako at kakausapin. Pero wala talaga. Kaya kahit alam ko sa sarili ko na maganda at mabait ako, wala pa rin akong confidence na kausapin siya at umamin sa kaniya. That’s why I am just keeping my feelings for him ever since. He is Enrique Morales. Famous siya rito sa C.U. dahil isa siya sa basketball varsity. Halimaw siya kapag nasa court. Kaya nga pati ako ay humanga na sa kaniya. Sobrang lakas ng karisma niya at ang lakas niyang magpakilig ng mga babae, kahit wala naman siyang ibang ginagawa. Ewan ko ba kung bakit naging ganito na lang bigla kalakas ang tama ko sa kaniya. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Umaasa ako na baka sakali ay mapansin niya ako at siya ang unang mag-approach sa akin. Paano ba naman, sa ganda kong ito ay ako pa ang unang papansin sa kaniya at kakausapin siya? Minsan nga ay naiisip ko baka may girlfriend na talaga siya pero lowkey lang ang relasyon na mayroon sila. Baka hindi taga-C.U. ang babae na ‘yon. Sinubukan ko noon na humanap ng ibang lalaki na pwede kong maging crush. Hindi ko ugali ang lumandi. Pero maraming mga lalaki ang lumalapit sa akin at sumusubok na ligawan ako, pero inaayawan ko kaagad sila. Sinasabi ko na study first ako at wala akong oras sa mga lalaki. Pero ang totoo ay hinihintay ko lang talaga si Enrique. Para akong naghihintay sa container na butas na mapuno ng tubig. Ibig sabihin ay imposible na mapansin ako ni Enrique. Kasi kung may balak siya na pansinin ako o ‘di kaya ay interesado siya sa akin kahit papaano, e ‘di sana ay matagal na niya akong kinakausap. Pero sobra naman ang kilig ko kapag nakausap ko siya. Gusto ko talaga na palagi ko siyang kagrupo, baka sakali maging mas close kaming dalawa. Pero kahit madalas kaming maging magkagrupo, mabilis naman namin na natatapos ang mga activities namin. Bakit? Dahil matalino si Enrique. Ayaw niya rin na natatambakan siya ng mga school works. Kaya para sa kaniya ay habang maaga pa, kailangan na agad tapusin. Hindi tuloy humahaba ang oras ko na nakakasama ko siya. He got all of my ideal to a man. He’s tall, very handsome, very masculine, very neat to his self, very talented, very gentleman, and good in playing basketball. It’s like… nasa kaniya na talaga ang lahat. He’s the real definition of the word ‘perfect’. Pati rin naman ang ugali niya ay mukhang maayos. “Excuse me.” Nawala ang iniisip ko at nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad naman ako na napalingon sa likuran ko. Saka ko lang napansin na nakatayo lang ako rito sa pinto ng classroom at nakaharang na. Pero shems! Si Enrique ang nagsalita sa likuran ko! Dahil sa presensya niya ay agad akong pumasok sa loob at pinauna na siyang maglakad kaysa sa akin. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kaniya na apektado ako ng presensya niya. Baka mapansin pa niya na ang lakas ng tama niya sa akin. “Sorry,” sambit ko na lang. Tinanguan niya lang ako ng bahagya at dumeretso na talaga sa pwesto niya. Gano’n lang ang usapan namin. Minsan ko na nga lang marinig ang boses niya na ako ang kausap, pero gano’n lang kasaglit ang usapan. Pero ayos lang dahil ang mahalaga ay nakita ko na siya ngayon. Masaya na ako roon! Iniisip ko lang na baka kapag nag-college na kami ay hindi ko na siya makita pa. I, Vivianna Apple Cash, is head over heels to Enrique Morales!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD