"Why don't you try to be an actress? Bagay din naman sa 'yo dahil maganda ka at magaling ka ring um-acting!" April said to me. Umiling naman ako sa kaniya. "Nah. Kaya lang naman ako magaling sa acting ay dahil activity natin at para sa grades. But that's not what I want. Ugh, hindi ko talaga alam kung ano ang pipiliin kong course sa college," sagot ko naman sa kaniya.
I envy them. All of my friends already had a decision on what they will get in college. Graduating na kami ng high school next week, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang kukunin kong kurso. "Masiyado ka nang nai-stress kasi sa lahat naman ng bagay ay magaling ka. You can just do everything that you want. Lalo na at kayo naman ang may-ari nitong C.U."
Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi ni Divine. Hindi naman ibig sabihin na magaling ako sa lahat ng bagay ay dapat ko na ring kunin ang mga kurso no'n sa college. I'm not a robot. Nasasabi lang din naman nila na magaling ako sa lahat ng bagay ay dahil masipag akong mag-aral. Mabilis ko lang din na natututunan ang bawat bagay. Hindi ako magaling, sadyang natututo lang ako. Practices makes perfect.
"You know what, mas maganda kung mag-survey ka na lang. Sabihin mo sa buong class natin na mag-vote kung ano ang pwedeng kurso na kukunin mo for college. In that way, mas makakatulong 'yon na makapag-decide ka. Tapos malalaman mo rin ang suggestions ng ibang tao para sa 'yo," suggest naman sa akin ni April. Napaisip naman ako sa ideya niyang 'yon.
"I think that's not a good idea, April. Hindi rin naman pwedeng iasa niya ang kaniyang kukunin na kurso sa ibang tao," apila naman agad ni Divine. "Huh? Hindi ko naman sinasabi na sundin niya mismo kung ano ang may pinaka-maraming boto sa survey na 'yon. Para lang magkaroon siya ng ideya sa kung ano ang posible niyang kunin sa college. Lalo na at alam din naman ng mga kaklase natin kung saang mga bagay mahusay si Apple."
"I think that's a good idea. Mas maganda nga 'yon para marami akong pwedeng choices. Thank you, guys!" masayang sagot ko naman para matigil na sila sa alitan nila. Gusto ko lang naman magpa-survey para malaman ko kung ano ang isasagot ng long time crush ko na bagay sa akin na kurso.
“Kailan ka ba magsisimula sa survey? Excited na rin kaming malaman kung ano ang magiging resulta at kung ano ang pipiliin mo na course sa college,” sambit ni April sa akin.
“Pero much better pa rin talaga kung makakasama ka sa course na gusto namin ni April, which is Tourism course,” dagdag pa ni Divine. Isa rin talaga sa choice ko na maging Flight Attendant in the future. Matangkad din kasi ako. Pero pakiramdam ko ay mas may gusto pa akong iba. Lalo na at dala ko ang apelyido na ‘Cash’. Maraming tao ang nag-aabang kung ano ang kukunin ko pagtanda ko. Pero hindi rin naman ako pine-pressure nina Mom and Dad. Sinabihan nila kami ni Vaughn na piliin kung ano ang kurso na makakapagpasaya sa amin. We can pursue what we want. Ang problema lang talaga ay marami akong gusto at kayang gawin, kaya hindi pa rin talaga ako makapagdesisyon ngayon.
“Mamaya after lunch habang wala pang klase ay mag-announce ako sa room for the survey. Mabilis lang din naman ‘yon na matatapos,” sagot ko. Na-excite naman ang mga kaibigan ko. Pero mas excited naman ako. Isa lang naman ang gusto kong malaman. Ang magiging suggestion ni Enrique.
Natapos na ang lunch break namin kaya nagsibalikan na ang mga kaklase namin sa room. Tumayo naman na ako sa harapan para mapunta na sa akin ang atensyon nilang lahat. Dahil kilala naman nila kung sino ako rito ay nirerespeto nila ako. Mabait din naman ako sa kanila. Mabait ako basta mabait sa akin ang tao. Until now naman ay wala akong nakakaalitan sa mga naging kaklase ko. Sa ibang section kasi ay maraming mga inggit sa akin, kaya pinag-uusapan nila ako. Nakakarating sa akin ang mga usap-usap. Pero warning lang ang ibinigay ko sa kanila. Dahil ayoko naman na paalisin sila rito sa C.U. Tinakot ko lang sila para matahimik sila sa pagsasabi ng kung ano-anong mga masasamang bagay tungkol sa akin.
“I have an announcement to make. Since our professor will be late by ten minutes, I will consume her time for my personal use. Please do me a favor. I need your help. I just want you to write to a small paper about your suggestions on what course should I take on college. Any courses will do. I have been struggling to what course should I take, kaya I need your help. Baka sakali ay makapagdesisyon ako kapag nakita ko ang mga suggestions ninyo. Basta sa tingin niyo ay doon ako magaling o ‘di kaya ay doon ako nababagay. And please put your names on the paper too. Para alam ko kung sino ang nag-suggest no’n. Can you do that for me?” sambit ko sa lahat. Sumagot naman sila at ang iba ay tinanguan lang ako. Napapalakpak naman ako sa tuwa. Kumpleto naman na kami rito sa room ngayon. Mayroon ding akong inihanda na maliit na box para roon nila ilalagay ang mga papel nila.
Isa-isa na silang nagsihulog doon. Nakita ko na nagsulat na rin sa papel si Enrique. Hindi na ako mapakali at sa kaniya lang talaga ang gusto kong makita. Maya-maya ay tumayo na siya, kaya hindi ko pinahalata na inaabangan ko ang sa kaniya. Nang ilagay na niya ‘yon sa loob ay tiningnan niya ako. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin, pero hindi niya magawa. Tatalikuran na sana niya ako nang magsalita ako.
“Thank you,” sambit ko lang. Bahagya niya lang akong tinanguan saka umalis na roon. Napanguso naman ako ng bahagya. Sigurado ako na may gusto sana siyang sabihin sa akin, pero hindi niya lang nagawa. O baka naman feeling lang talaga ako na may gusto siyang sabihin sa akin?
Wake up, Vivianne Apple. He doesn’t even care about you.
Nag-participate lang naman siya ngayon siguro dahil anak ako ng may-ari ng university na ito. Nalungkot naman ako nang maisip ko ‘yon. Nang makumpleto na ang lahat ay tumayo na muli ako. “Thank you for your participation. This will be a great help for me to choose the right course for me,” sambit ko. Bumalik na ako sa upuan ko at sakto naman na dumating na rin ang professor namin.
“I can’t wait to know the result of this survey,” bulong pa sa akin ni April. “I will just tell you guys on our group chat later about the result. Sa bahay ko na lang ito bubuksan,” bulong ko rin sa kanilang dalawa. Magkakatabi lang naman kami kaya madali lang na nakapag-usap. Mas gusto ko na sa bahay ko tingnan. Nang sa gano’n ay walang makakakita sa akin sa oras na kiligin ako sa isinulat ni Enrique.
Excited akong umuwi sa bahay. Nang makapasok ako ay nanakbo na agad ako papunta sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa nga si Vaughn sa baba, pero hindi ko siya pinansin. Malamang ay nagulat ‘yon dahil ni hindi ko man lang siya binati. Handa na sana siyang yakapin ako, pero nilagpasan ko lang siya. Mamaya na lang ako babawi sa kaniya. Ini-lock ko na ang pinto ng kwarto ko, saka ako tumakbo sa lamesa ko. Soundproof naman ang bawat rooms namin dito sa mansiyon, kaya hindi ako maririnig ng mga tao sa labas. Hinanap ko na agad ang papel na inilagay ni Enrique. Kinalkal ko talaga ang mga papel para sa kaniya agad ang mabasa ko na suggestions. Awtomatiko akong napangiti nang mabasa ko kung ano ang isinulat niya.
Enrique Morales
I think being a model suit you. You should get a Fashion Modeling course.
Grabe, ang puso ko! Parang tumatalon din sa tuwa ang puso ko ngayon! “WAAHHH!! Grabe, kinikilig ako!” sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na kiligin ng sobra dahil sa isinulat niya.
Tiningnan ko naman ang suggestions ng iba pang mga kaklase ko. Simpleng pangalan lang talaga mismo ng course ang inilagay nila. Natatangi ang kay Enrique na may pa-message pa. Mostly ang mga nabasa ko ay business course, engineering course, acting course, at tourism course. Pero ang lahat ng mga 'yon ay wala nang kwenta sa akin ngayon. Ang mahalaga lang naman sa akin ay ang suhestiyon ni Enrique.
"Apple, bakit hindi mo man lang ako binati o pinansin?" rinig ko na reklamo agad ni Vaughn. Itinago ko naman ang mga papel saka masaya akong lumabas ng kwarto ko. Nakangiti ko naman na sinalubong si Vaughn, saka ko siya niyakap. "I have decided to what course should I take in college!" masayang pagbabalita ko sa kaniya.
"Really? Ano naman ang gusto mo na kunin mo?"
"I want to be a model someday! So, I will take a Fashion Modeling course. May ganoon naman sa C.U., 'di ba?"
"Wow! Good for you, then. Maganda rin 'yang napili mo na kurso. Lalo na at bagay sa 'yo dahil matangkad at maganda ka. Mabuti naman at nakapili ka na ng gusto mo. Mas maganda na ibalita na 'yan ngayon kina Mom and Dad. Para malaman na rin nila kung ano ang gusto mong kunin sa college," sagot naman ni Vaughn sa akin. Kita ko naman na masaya siya sa desisyon ko. Well, alam ko naman na suportado niya ako sa bawat desisyon ko sa buhay. Basta kung ano ang gusto ko ay suportado niya. Pero kung hindi naman maganda ang desisyon ko ay sasabihan niya pa rin ako kahit papaano.
"I'm so excited to turn into a college student! I can't wait to graduate to high school!" sambit ko pa sa kaniya. Nauna na akong bumaba kaysa sa kaniya. Narinig ko na rin naman kanina na nakauwi na sina Mom at Dad mula sa trabaho. Excited na rin ako na ipaalam sa kanila kung ano ang gusto kong kunin na kurso. Hindi rin ako nagkamali dahil natuwa rin sila sa gusto kong kunin na kurso. Suportado talaga nila kaming dalawa ni Vaughn. Hindi lahat mga magulang mula sa mayayamang pamilya ay ganoon. Alam ko dahil may mga kaibigan ako na puro galing sa mayayaman na pamilya. Halos lahat sila ay gustong sundan nila ang yapak ng kanilang mga magulang. Hindi rin pwede na piliin nila kung ano talaga ang kurso na gusto nila, dahil ang mga magulang nila ang magdedesisyon para sa kanila. Nakakasakal ang ganoong klase ng mga magulang. Kaya maswerte talaga ako na hindi ganoon sina Daddy Apollo at Mommy Vivian.
***
"So nakapag-decide ka na ba sa kukunin mong course, Apple?" tanong agad sa akin ni Divine. Sakto naman na narito kami sa room ngayon nang itanong niya 'yon sa akin. Lalo na at masaya ako dahil narito si Enrique at nagbabasa ng isang libro. Hindi naman kami masiyadong maingay. Break time kasi namin ngayon, kaya lumabas ang iba naming mga kaklase. Ako, si Enrique, at ang mga kaibigan ko lang ang natira ngayon dito sa room.
"I decided to take a Fashion Modeling course," masayang sagot ko. Medyo nilakasan ko pa nga ang boses ko para mas marinig ng ayos ni Enrique 'yon. Alam ko naman na hindi siya sigurado kung siya lang ba ang nagsabi sa akin na mag-model ako. Siguro ay iisipin din niya na marami ang nagsabi no'n sa akin mula sa aming mga kaklase. Pero hindi rin naman ako sigurado kung may pake ba talaga siya sa kurso na napili ko o kung may pakialam ba siya sa usapan naming tatlo ngayon. Pero wala na akong pakialam pa sa mga 'yon. Ang mahalaga sa akin ay narinig niya ang sinabi ko.
"Wow! Bagay nga rin sa 'yo 'yon, girl. 'Yon ba ang nanalo sa survey?" tanong naman sa akin ni April. "Hmm... Actually ay namili na lang ako sa mga nakasulat sa papel. Ang may pinakamarami kasing boto ay ang business course. Alam niyo naman na ayaw kong mag-business, kaya hindi ko na lang sinunod kung ano ang nanalo sa survey. Kaya nagtingin pa ako sa ilang mga suggestions at nakita ko na maganda kung magmo-model nga ako. Tutal naman ay noong bata pa lang ako, sumasali na ako sa mga pageants dahil kay Mom. Kaya tingin ko rin ay 'yon na ang pinakabagay sa akin na kurso," paliwanag ko naman sa mga kaibigan ko. Pero ang totoo ay gusto ko lang talagang iparinig 'yon kay Enrique.
"I can't wait to see you on stage, modeling. I mean, ayos na rin kahit hindi ka namin makakasama ni April sa iisang course. Ang mahalaga naman ay magkakaibigan pa rin tayong tatlo," madrama naman na sambit sa akin ni Divine. Tinawanan ko naman siya dahil sa kaniyang sinabi. "Ano ka ba? Of course, magkakaibigan pa rin tayo. Nasa iisang university lang din naman tayo. Tsaka tayo-tayo pa rin naman ang magsasama sa bondings. Lalo na at apat na taon na rin naman tayong magkakaibigan na tatlo," sagot kong muli sa kaniya.
***
College came and I'm so happy to start my college journey today. Inspired ako dahil nga desisyon ng crush ko kung ano ang kurso na kinuha ko sa college. I am now 17 years old and also a first year college student. Sa sobrang excited ko na pumasok sa unang klase ay napatakbo na ako. Kinikilig ako kahit na ilang buwan ko naman nang hindi nakikita si Enrique. Hindi ko nga alam kung saan siya papasok. Kung mananatili pa rin ba siya rito sa C.U. o baka lumipat siya ng ibang university. Ang mga accounts naman no’n ay naka-private, kaya hindi ko rin nakikita kung ano na ba ang mga ganap sa buhay niya. Well, mukhang hindi rin naman siya gano’n ka-active sa social medias. Tahimik nga siya sa personal, hindi imposible na baka gano’n din siya hanggang sa social media. Wala na tuloy akong balita kung ano na ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Medyo nalungkot ako buong summer dahil hindi ko siya nakikita.
Dahil nga tumatakbo ako sa sobrang excitement, bigla na lang ay may nabangga akong lalaki. Nabitawan ko tuloy ang phone ko. Hindi ko rin inaasahan na may makakabangga ako. Bigla kasi siyang sumulpot sa harapan ko at galing siya sa kanang bahagi ko. Hindi ko siya napansin dahil medyo naging malinaw ang pag-iisip ko tungkol kay Enrique. Agad ko namang kinuha ang phone ko dahil nagbukas ‘yon at lumabas ang lock screen ko! Si Enrique pa naman ang nakalagay do’n. Stolen shot ko ‘yon sa kaniya noong fourth year high school kami. Wala naman kaming litratong dalawa, kaya hanggang gano’n lang ang mayroon ako. Sana naman ay hindi nakita ‘yon ng lalaki na nakabangga ko. Muntik pa naman niya sanang kunin ang phone ko para siya ang mag-abot no’n sa akin.
“I’m sorry, it’s my fault,” sambit ko naman sa kaniya at bahagyang tumungo. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang lalaki na nakabangga ko. Ang mahalaga naman ay nakahingi na ako sa kaniya ng pasensya. Alam ko naman na ako ang hindi tumitingin masiyado sa daan, kaya ako ang may kasalanan. Lalagpasan ko na sana siya nang marinig ko siyang magsalita.
“No worries, it’s fine.”
Ang boses na ‘yon… Hindi ako maaaring magkamali! Pamilyar sa akin ang boses na ‘yon. Para makumpirma kung tama ba ang nasa isip ko, dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko sa lalaki na nasa harapan ko. Bigla ay nanlaki ang aking mga mata nang makita ko sj Enrique sa harapan ko! Yes, it’s really him! Hindi ako nananaginip ngayon dahil siya talaga ang nakikita ko sa aking harapan. Bigla ko namang inayos ang tayo ko at umaktong normal sa harapan niya. Ayoko naman na magmukha akong gulat na gulat na makita siya.
“Enrique? Dito ka pa rin pala mag-aaral ngayong college?” tanong ko sa kaniya. “Uh, yes. Are you okay?” tanong naman niya sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko. Baka mamaya ay mukha na akong haggard sa harapan niya dahil nanakbo pa ako. Hindi ko naman akalain na sa unang araw ng college life ko ay siya ang bubungad sa akin. Destiny na ba ang tawag sa pagkikita namin ngayon?
“A-Ah. I’m fine! Sorry again.”
“Huwag ka nang tumakbo, baka mas malala pang aksidente ang mangyari sa ‘yo n’yan. A future model should take care of her body,” sambit pa niya sa akin. Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman ‘yon inaasahan! Grabe naman magpakilig ang isang Enrique Morales. Hindi ko naman akalain na babanatan niya ako ng gano’n. Alam ko naman na ang OA na ng reaksyon ko ngayon dahil lang sa simpleng sinabi niya. Pero kasi… ilang buwan ko siyang hindi nakita dahil nagbakasyon. Tapos ganito pa agad ang magiging bungad niya sa akin! Ang saya lang sa puso!
“Excited lang akong pumasok ngayon. Lalo na at ang aaralin ko na ay ang kurso na gusto ko,” sagot ko rin sa kaniya. Nagsimula naman siyang maglakad. Dahil papunta rin naman doon ang room ko ay sumunod ako sa paglalakad niya. Dahan-dahan lang din naman ang lakad niya, kaya nasusundan ko siya. “It’s good to know that you’re happy with the course that you’ve chosen. Mukhang nakatulong nga ang survey mo sa amin noon. Ilan ba ang mga nagsabi ng Fashion Modeling?” tanong niya muli sa akin.
For the first time since the first time that I talked to him, he talked to me first. I mean, ito ang pinakaunang beses na siya ang unang kumausap sa akin tapos ito rin ang unang beses na sobrang haba ng mga nasabi niya. Noon kasi ay talagang mabibilang mo kung ilan lamang na mga salita ang lalabas sa bibig niya bilang sagot sa mga kausap niya. Gano’n siya ka-cold. Hindi naman siya masungit. Kahit papaano ay approachable siya kapag kinakausap ng mga tao. Sadyang maiksi lang siya sumagot at ayaw din niyang kumausap ng mga tao na mahina ang pag-intindi. Saka ko lang naalala ang tanong niya sa akin. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na siya lang naman ang nagsabi no’n sa akin o hindi. Pero dahil ngayon lang naman kami nagka-usap ng ganito ay hinarap ko na siya. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
”To be honest, I want to thank you properly. You’re the only one who suggested that I should become a model someday. That’s why I took Fashion Modeling course. Hindi ko alam kung narinig mo ba ang usapan namin last time ng mga friends ko sa room bago magbakasyon. Business course ang may pinakamaraming boto at hindi ko naman ‘yon gusto. Kaya namili na lang ako sa iba pang mga suggestions at sa ‘yo ang napili ko,” paliwanag ko naman sa kaniya. Nakita ko na bahagya siyang napangiti dahil sa sinabi kong ‘yon.
“But you shouldn’t just be depended on my suggestion. Kailangan ay gustong-gusto mo rin talaga ang kurso na napili mo,” sagot pa niya sa akin. “Don’t worry dahil bata pa lang din naman ako ay nagmo-model na ako. Sinasali ako noon ni Mom sa mga pageants. Kaya isa na rin naman sa options ko ang modeling. My parents and my twin brother were so proud of me the day that I told them what course I will take on college. Na-finalized lang naman ang desisyon ko dahil sa suggestion mo. At least one person believed in me that I can be a model someday,” masayang sagot ko naman sa kaniya. Hindi na mapigilan ng nararamdaman ko ang emosyon ko ngayon. Ang saya naman pala maging college, kung ganito kaganda rin ang bubungad sa ‘yo.
Bigla ay itinuro niya ang pinto ng isang room. “I think you’re already here in your room,” sambit pa niya. Napatingin naman ako sa taas ng pinto at saka ko nakita na ito na ang classroom ko! Sayang naman at narito na pala kami. “Ah, oo nga. Anong course pala ang kinuha mo?” tanong ko pa. Kailangan kong malaman. Susulitin ko na ang pag-uusap namin na ito. Dahil hindi ko naman alam kung kailan pa ang sunod na pag-uusap namin. Lalo na ngayon na hindi na kami magkaklase. Mas lalong wala nang chance na magkausap pa muli kami. Dapat ko na lang ba siyabg banggain palagi? Nang sa gano’n ay makausap ko siya?
“I’m just next to your classroom. I took Sports Science course. I want to be a coach someday. Well, ngayong college ay varsity pa rin naman ako at gusto kong mag-participate sa malalaking mga liga. I will make my name before I become a coach.”
“Wow! That’s great! Bagay nga rin sa ‘yo ang pinili mong course. Lalo na at ‘yon naman ang makakapagpasaya sa ‘yo,” sagot ko naman. Natahimik na kaming dalawa at mukhang ako na lang naman ang hinihintay niyang pumasok sa room ko. Nang sa gano’n ay makapasok na rin siya sa room niya. “Hmm… I’ll go inside na. It’s fun to talk to you,” nahihiya pa na sambit ko. Papasok na sana ako sa loob ng room nang bigla siyang magsalita muli.
“Can we… talk like this again?”
Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang ‘yon. “O-Of course! We can talk anytime naman. Just call me when you see me or I’ll just call you when I also saw you, gano’n.”
”No, not like that. I want to communicate with you for real.”
What?! Did I just hear him right?! He wants to communicate with me for real?! Ibig sabihin ay gusto na niya akong palaging kausap? Gano’n ba? Inilabas naman niya ang phone niya at saka may pinindot siya roon. Saka niya ipinakita sa akin ang isang friend request na ginawa niya sa account ko! “I added you in your social media account. I will chat you later.”
Aalis na sana siya nang hawakan ko ang braso niya. “Or you can also just text me? Here’s my number!” excited na sambit ko. Mabuti na lang at may parang business card ako kung saan naroon ang pangalan at phone number ko. Iniabot ko naman ‘yon sa kaniya. Nahihiya ako kaya pagkaabot ko no’n ay agad na akong pumasok sa room namin. Oh, gosh! Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito. I can’t believe that this is actually happening to us right now.
College lang pala ang kailangan para umusad ang communication naming dalawa. Sana naman ay umusad na rin ang relasyon naming dalawa.