"How come na hanggang ngayon ay wala ka pa ring boyfriend?" tanong sa akin ni April habang kumakain kami. Nagkibit-balikat naman ako.
"Required na ba na magkaroon ng boyfriend ngayon?" tanong ko rin pabalik sa kaniya. Palibhasa kasi ay may ka-long time boyfriend na silang dalawa ni Divine. Yes, ako na lang ang single sa aming magkakaibigan. Mula pa lang noong high school kami ay may mga boyfriends na sila. Si Divine ay papalit-palit ng boyfriend. Samantalang si April naman at two years na sila ng boyfriend niya. Ako naman... siyempre ay hinihintay ko pa na magkagusto sa akin si Enrique! Kahit na hindi ko naman alam kung may pag-asa ba talaga ako sa kaniya o wala.
"Well, nagtataka lang kami ni April dahil sa ganda mo na 'yan ay hindi ka pa rin nagkakaroon ng boyfriend. Study first ka ba?" sagot ni Divine sa akin.
"Don't tell us na balak mo pang makapagtapos ka muna, bago ka mag-boyfriend, ha?"
Inirapan ko naman ang mga kaibigan ko. Ayoko lang talaga na sabihin sa kanila ngayon na matagal na akong may gusto kay Enrique at siya ang hinihintay ko.
"Hindi ko lang talaga trip ngayon na magkaroon na ng boyfriend. I just want to enjoy my youth first. Stress lang sa buhay 'yang mga lalaki. Sa inyo pa nga lang ay nai-stress na ako kapag magkaaway kayo ng mga jowa ninyo. Nakikita ko kung gaano kayo grabe kung umiyak at masaktan, pero nagi-stay pa rin naman sa relationship. Mga marurupok!" pang-aasar ko naman sa kanila. Nang sa gano'n ay malihis na ang usapan namin.
"Once magmahal ka in the future, maiintindihan mo rin kami. Masakit ang magmahal, pero syempre ay mas lamang naman ang masarap magmahal," sagot ni April sa akin.
"Oh, please. Stop that."
"That' s true, Apple. Hindi mo pa kasi nararanasan ngayon, kaya ganiyan ka. But believe us or not, kapag nagmahal ka na ng husto, for sure ay gagawin mo ang lahat para sa tao na 'yon. Kahit na naiisip mo na hindi tama na gawin 'yon ay gagawin mo pa rin. Something like that," dagdag naman ni Divine sa usapan namin.
Actually, hindi naman talaga ako nagmamadali sa love life. Totoo na gusto ko pang i-enjoy ng husto ang pagiging single ko. Lalo na at bata pa naman ako. Mag-eightheen years old pa nga lang ako two months from now. Minor pa ako, kaya hindi ko muna masiyadong iniisip ang tungkol sa mga relasyon na 'yan. Masaya na ako na kinikilig ako may Enrique paminsan-minsan, mula pa noon.
"Darating din naman talaga ako sa panahon na magmamahal ako, but not now. Hindi pa ako gaanong ready."
Pero hindi naman 'yon totoo! Ready na ready ako sa oras na si Enrique ang manliligaw sa akin, 'no! Pero kahit hindi na siya manligaw sa akin ay ayos lang. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa at kami na agad-agad, sa oras na dumating ang panahon na 'yon. Magpapa-pabebe pa ba ako? E matagal ko naman nang gusto si Enrique. Baka magpa-party pa ako sa buong C.U. sa oras na malaman ko na may gusto na rin siya sa akin.
Pero sa ngayon ay low key muna ako. Hindi ko ipapahalata sa kaniya na patay na patay ako sa kaniya.
Nagi-scroll ako sa group sa social media ng C.U. nang madaanan ko ang isang post.
ANNOUNCEMENT:
We will have a tryout for basketball men tomorrow. All freshmen can join the tryout. We will also have a one hour training and it will be lead by Enrique Morales, the new captain. Students can also watch.
Start of the training: 1:00 PM
Tryout will start at 2:00 PM
"Oh my gosh!" sigaw ko. Napatayo pa ako dahil sa kilig ko. Nagulat pa ang mga kaibigan ko dahil sa biglang pagsigaw ko. "Hey, what happened?" tanong pa sa akin ni April.
Inayos ko naman ang sarili ko at hindi pinahalata sa kanila ang kilig ko. "Samahan ninyo ako manood bukas ng tryout ng basketball, ha! For sure naman ay wala tayong klase no'n."
"Pass ako. Magagalit ang boyfriend ko kapag nanood ako sa basketball," sagot agad sa akin ni April. Under naman ang isang 'to!
"How about you, Divine? Hindi ka naman siguro pagbabawalan ng jowa mo, 'no?"
"Busy ako bukas. Mas gusto ko pang makinig sa klase, kaysa manood ng basketball. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa sports."
Nakakainis naman ang mga kaibigan ko na 'to. "Umamin ka nga sa amin. May natitipuhan ka ba na lalaki sa basketball team? Naalala ko lang na kahit noong high school tayo ay ang hilig mo manood sa basketball games," usisa naman sa akin ni April.
Nagkunwari naman ako at umakto sa harapan nila. "Mahilig lang talaga ako na manood ng mga gano'n. Nakaka-excite ang bawat laban sa basketball. Masaya pa makiapag-asaran sa mga supporters ng kalaban na team. Tsaka naghahanap ako ng gwapo, 'no! Baka sakali ay may mahanap akong lalaki roon na matitipuhan ko, hehe," pagdadahilan ko naman sa kaniya.
Tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya. Parang duda pa siya sa isinagot ko na 'yon. Kaysa naman mapansin nila na may gusto ako kay Enrique. Itatago ko 'yon hangga't hindi ako nagugustuhan ni Enrique.
***
Kinabukasan ay nagpaganda talaga ako ng husto para sa araw na 'to. Naibigay ko na kay Enrique ang phone number ko noong nakaraan pa, pero hindi pa rin naman niya ako tine-text. Hinihintay ko siya na mag-text sa akin, para malaman ko rin ang number niya. Since ako lang naman ang nagbigay ng number sa aming dalawa.
Nang matapos akong magpaganda ay bumaba na ako. Naabutan ko pa si Vaughn na nasa salas. "Hindi ka ba pupunta ngayon sa C.U.?" tanong ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa ko.
"Why are you so dressed early in the morning? May lakad ka? And why would I go there today? Wala namang klase dahil sa sports tryout," masungit na sagot niya sa akin.
"Maganda ba ako ngayon?" tanong ko. Umikot pa ako sa harapan niya para mapakita ko sa kaniya ang kabuuan ko ngayon.
"May pinapagandahan ka ba? Sino? For sure ay manonood ka ngayon sa basketball tryout, ano? Kaya ganiyan ang itsura mo ngayon? Sabihin mo sa akin kung sino ang lalaki na 'yan."
Inirapan ko na lang siya. Imbis na sagutin niya ang tanong ko, babalikan niya rin ako ng mga tanong. Nagpaalam na lang ako sa kaniya at umalis na ako ng bahay. Magsisimula na rin ang tryouts. Gusto ko na manood muna sa training, kaya medyo maaga ako. Kahit na wala akong kasama ngayon na manonood.
Nang makarating na ako sa malaking court ng C.U. ay ang dami na agad mga babae roon. Nahihiya ako dahil wala akong kasama ngayon. Tapos ang ilang mga estudyante rito ay puro may mga kasama. Ang loner ko tuloy na tingnan ngayon. Bakit ba kasi nagkaroon agad ng boyfriend ang mga kaibigan ko? Wala tuloy akong kasama ngayon.
Humanap na muna ako ng pwesto at doon ako sa medyo malapit sa court mismo. Nang sa gano'n ay mas makikita ko ng ayos at malapitan si Enrique. Hindi pa naman nagsisimula ngayon ang training nila. Nang makahanap na ako ng mauupuan ay umupo na ako. Wala masiyadong tao ngayon na nakaupo rito sa pwesto ko. Kinuha ko muna ang phone ko para magmuni-muni. Maya-maya ay may lumapit sa akin. Hindi ko tiningnan kung sino 'yon, dahil nakita ko agad ang sapatos niya na panglalaki. Baka makita pa ni Enrique na nakikipag-usap ako sa ibang lalaki.
Feelingera ko talaga!
"Why are you alone?"
Ngunit agad na napaangat ang paningin ko nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki na 'yon! Nanlaki ang mga mata ko nang makita na tinabihan ako ni Enrique ngayon.
"Hey, what are you doing here? Magsisimula na ang training ninyo, ah?" sagot ko sa kaniya.
Okay, I need to calm down. Ang bilis na ng t***k ng puso ko ngayon dahil sa presensya pa lang niya. Siguro dahil hindi ko rin naman inaasahan na kakausapin at lalapitan niya ako ngayon.
"Are you here to support someone?" tanong pa niya sa akin. Dapat ko bang aminin sa kaniya na manonood ako ng basketball ngayon para sa kaniya?
"Gusto ko lang manood. Boring kasi sa bahay," palusot ko na lang.
"Then pwede ba na ako ang suportahan mo ngayon? Since wala ka namang susuportahan na player dito sa tryout."