“Go, Enrique! OMG! Galingan mo!” sigaw ko. Pero I doubt na maririnig niya ‘yon. Dahil hindi lang naman ako ang nagchi-cheer para sa kaniya ngayon.
“Go, Baby Enrique! I love you!!”
“That’s my baby! Go! Go! Enrique Morales!”
“Enriqueeee! Ang gwapo mo!”
“Ang hot ng asawa ko!”
Halos lahat ng mga kababaihan dito ay sinusuportahan siya. Akala niya siguro ay walang susuporta sa kaniya, kaya ba niya ako inalok na suportahan siya? Inaangkin na nga siya ng mga babae rito. Asawa raw nila si Enrique o ‘di kaya ay boyfriend.
Bitches. Kung alam lang nila na sa akin lang si Enrique!
Napailing na lang ako sa iniisip ko ngayon. Ano nga ba ang pinagkaiba ko sa mga babae na sumisigaw para kay Enrique? E ako rin naman ay inaangkin siya sa isipan ko. Kahit na alam ko naman na wala akong pag-asa… SA NGAYON. I’m sure magkakaroon din ako ng pag-asa sa kaniya in the future!
Konting papansin pa, Apple. Magkakaroon ka rin ng pag-asa kay Enrique.
Nang matapos ang game ay ang dami pa ring mga sumisigaw na babae sa paligid. Paano ba naman, naghubad si Enrique ng jersey niya sa harap mismo naming lahat! I mean, hindi lang naman siya ang naghubad ngayon sa harap namin. Pero siya ang pinakadahilan kung bakit parang mga uhaw na hayop ang mga babae na narito. Miski ako ay sobrang mapapatili dahil sa katawan niya na ‘yon.
Oohh! Look at that masculine and sexy body. Sobrang pawis pa ang katawan niya, kaya sobrang hot pa niyang tingnan ngayon! Ah, how I want him so bad for me only!
“Oh, gosh! Papalapit siya sa akin!” narinig ko na sigaw ng mga kababaihan sa likuran ko. Kaya naman ay napatingin muli ako kay Enrique. Papalapit siya sa kinaroroonan namin ngayon. Sa akin ba siya lalapit? O may kakilala siya sa likuran ko?
Hindi ko na inalis pa ang mga mata ko sa kaniya, hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin! Oo, sa harap ko mismo! Kanina ay hindi nakita ng mga babae na magkausap kaming dalawa at nilapitan ako ni Enrique. Maaga kasi ako na pumunta rito at mas lalo lang dumami ang mga kababaihan nang makapwesto na ako.
“OMG. Bakit niya nilapitan si Apple?”
“Are they close?”
“They are the same sections ever since first year high school. Kaya siguro naging close na sila.”
“Really? Akala ko ba shy type si Fafa Enrique?”
“They’re just friends. Walang malice d’yan. Hindi rin naman sila bagay.”
What?! Hindi kami bagay ni Enrique?! Kung kaya ko lang lumingon ngayon sa mga babae na ‘yon, malamang ay ginawa ko na. Para makita ko kung sino ang gaga na nagsabi na hindi kami bagay ni Enrique. Tapos patatalsikin ko kaagad siya rito sa Cashland University! Kinalma ko na lang ang sarili ko dahil nasa harap ko si Enrique ngayon.
“Congrats. You did well sa training game ninyo. Kahit na hindi mo naman na dapat ginalingan kanina dahil tryout lang naman,” sambit ko naman sa kaniya.
“Did I entertained you earlier when I was inside the court?” tanong niya sa akin. Pinunasan naman niya ang mukha niya. Saka ko lang din naalala na nakahubad pa rin siya sa harapan ko ngayon! Oh! Mas nakikita ko na sa malapitan ang kaniyang six packs abs! For sure ang sarap siguro na hawakan ng katawan niya na ‘yon.
Focus, Apple! Hindi mo pwedeng titigan ang katawan niya sa harap niya. Have some class naman!
“Ah, yes of course!”
“Good. Magaling na ba ako sa lagay na ‘yon?” medyo natawa naman na sambit niya sa akin. “Hindi pa ba? Ang galing mo kaya. Tsaka hindi mo na dapat ako sinabihan kanina na suportahan ka. Dahil sobrang dami mo naman nang supporters. Halos lahat ng mga kababaihan dito ay pangalan mo ang isinisigaw kanina,” kwento ko pa sa kaniya. Kahit alam ko naman na aware siya tungkol doon.
“But I’m happy that you supported me too. Anyways, do you want to eat something with me?” yaya pa niya sa akin!
Oh, gosh! Ang puso ko! Parang sasabog sa kilig ang puso ko ngayon. Niyayaya lang naman ako ng isang Enrique Morales sa isang date! Oh, masiyado akong OA. Niyaya lang naman niya ako na kumain kasama siya, tapos naisip ko agad na magde-date kami? Pero kung kami lang naman pa lang dalawa ang kakain, hindi ba at date na rin ang tawag do’n? Ah, basta! Iisipin ko na lang na magde-date kaming dalawa.
“Oh, sure. Wala na rin naman akong pupuntahan pa,” pagpayag ko agad. Magpapabebe pa ba ako? Siyempre ay hindi! Sobrang rare na mangyari ‘to. Lalo na at ito ang unang beses na kakain kami ni Enrique na magkasama, kaya dapat talaga na i-grab na ang ganitong klase ng opportunity! Not everyone can eat with him.
Mabuti na lang at ang ganda ng suot ko ngayon. Tapos maganda rin ako. Hindi ako na-haggard masiyado sa pag-cheer ko kanina para sa kaniya. “Can you wait for me outside our locker room? Magbibihis lang ako at kukunin ko lang din ang gamit ko roon.”
“Sure.”
Sumunod naman na ako sa kaniya papunta sa gilid ng court, dahil naroon ang locker room nila. Nag-alisan na rin naman ang ibang mga tao ngayon dahil tapos na ang laro at wala nang panonoorin. Pero may iilan pa rin na natira. “Stay here. Mabilis lang ako,” paalam pa sa akin ni Enrique.
Umupo na lang muna ako sa labas ng locker room nila para hintayin siya. Tiningnan ko na rin ang sarili ko sa salamin na dala ko. Nag-retouch muna ako ng kaunti. Hindi na ako nag-abala pa na magpunta sa banyo. Baka hanapin pa ako ni Enrique. Nang matapos ako ay agad ko nang itinago ang mga makeups sa bag ko.
“Did you see Enrique?” tanong sa akin ng isang basketball player. “Ah, nasa loob siya ng locker room,” sagot ko naman sa kaniya.
“Can you give this to him when he go out? Hindi na ako papasok sa loob.”
Inabot naman niya sa akin ang isang paper bag. “Sure, no worries,” sagot ko na lang. Nagpasalamat siya sa akin at umalis na. Tiningnan ko naman ang laman ng paper bag at damit ‘yon. Hindi kaya ito ang damit na pamalit ni Enrique?
Naisipan ko na lang na kumatok sa loob para maiabot ‘to sa kaniya. Naisip ko na baka kailangan niya ang mga damit na ‘to, tapos hindi niya mahanap sa loob ng locker room. Kumatok naman ako, pero walang nagbubukas.
“You can enter that, Miss Apple!” rinig ko pa na sigaw ng isang player. Nakita siguro ako na kumatok. Tumango na lang ako ng bahagya sa kaniya at pumasok sa loob. What if may iba pang mga players na nagpapalit dito sa loob?
“Enri—“
Bago ko pa tuluyang matawag si Enrique ay may narinig na akong mga nagsalita sa loob. Sinasabi ko na nga ba at may iba pang mga lalaki rito ngayon. Lalabas na sana ako bago pa nila ako makita, nang marinig ko ang pangalan ko.
“Hey, Morales. Does you and Apple are dating?” tanong ng isang lalaki na hindi ko kilala ang boses.
“Bakit mo naman nasabi?” tanong ni Enrique pabalik sa kaniya.
“Nakita namin kayo kanina na nag-uusap after the game, dahil siya agad ang pinuntahan mo. Duma-damoves ka na ba ngayon sa anak ng may-ari ng C.U.?” dagdag pa ng isang lalaki. Mukhang magto-tropa sila.
“Not really. We’re just… getting to know each other, I guess?” sagot ni Enrique.
OMG! Getting to know each other na raw kami? Ibig sabihin ay gusto niya rin ako na mas makilala pa? Hindi ko naman inaasahan ang sagot niya na ‘yon. Nakakatuwa dahil gusto rin pala niya akong makilala.
“Oh, really? Type ko si Apple. Sa tingin mo ba ay sasagutin niya ako sa oras na ligawan ko siya?” sambit pa ng isang lalaki. Sino ang tinatanong niya? Si Enrique ba? Kung sino man siya, wala akong balak na sagutin siya. Miski ang mag-attempt na ligawan ako ay hindi na niya agad magagawa pa. Kay Enrique lang ako!
“I don’t think so. Just ask her if you want. She’s outside and… waiting for me,” tunog nang-aasar na sagot ni Enrique!
Jusko, ang puso ko! Parang sasabog na sa sobrang kilig. Agad naman ako na lumabas sa locker room, para hindi na nila ako mahuli pa. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at inayos ang sarili ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ay lalabas na sila, kaya kailangan ay umakto akong normal at walang narinig sa usapan nila sa loob. Parang ang pagkakasabi pa ni Enrique no’n ay nagyayabang siya, dahil hinihintay ko siya rito ngayon.
Hindi nga ako nagkamali at lumabas na nga sila. “Woah, Enrique’s right. She’s really waiting for her, dude,” rinig ko na sambit ng isang lalaki.
Nilingon ko naman sila at tumayo na ako. Tiningnan ko naman agad si Enrique. Wala akong pakialam kung sino ang mga lalaki na kasama niya ngayon, kaya hindi ko na sila pinagtuonan pa ng pansin. Sigurado lang ako na kasama niya sa varsity team ang mga lalaki na ‘to. Lumapit naman sila sa akin. Agad kong iniabot ang paper bag kay Enrique.
“May isang basketball player na nagpapabigay niyan sa ‘yo. Pinabilin niya sa akin,” sambit ko naman.
“Ah, so that’s why she’s waiting for you. May ibinilin pala sa kaniya, kaya ka lang hinintay!” kumento agad ng isang lalaki. Nagtawanan pa sila ng kaniyang mga kaibigan. Ang lalaki na ‘yon ang nagsabi kanina kung sasagutin ko raw ba siya kapag niligawan niya ako. Natandaan ko ang boses niya. Ngayon na nakita ko na ang itsura niya, saka ko siya nakilala. Siya ang isa pang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan, bukod kay Enrique. I must admit na gwapo rin talaga siya, hindi ‘yon mapagkakaila. Ngunit mas gwapo pa rin si Enrique sa mga mata ko.
“No, you’re wrong. I’m waiting for him because we’re going to eat outside,” deretso at matapang na sagot ko pa sa kaniya. Napansin ko na umangat ang gilid ng labi ni Enrique dahil sa sagot ko. Saka siya tumabi sa akin at hinarap din ang mga kasamahan niya.
“Una na kami,” simpleng paalam niya lang. Saka na kami naglakad paalis sa court. Oh, gosh! Pakiramdam ko naman ay sobrang ganda at haba ng hair ko ngayong araw! Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Vivianna Apple Cash?
“So saan tayo kakain?” tanong ko naman kay Enrique. Papunta na kami ngayon sa parking lot.
“Ah, hindi ko nga pala nadala ang sasakyan ko,” bigla ay sambit ni Enrique. “Oh, ayos lang! Dala ko ang sasakyan ko. We can just use my car,” suhestiyon ko.
Siguro ay nagpahatid siya kanina sa driver niya, kaya hindi niya nadala ang sasakyan niya. Imposible naman kung nag-commute siya, dahil mayaman siya. Well, walang nakakaalam kung saan siya nakatira at kung gaano kayaman ang pamilya niya. Miski ako na gustong-gusto siya ay hindi ko malaman ang tungkol sa information ng family niya. May usap-usapan lang noon na masiyadong private ang information ng family niya. Pero sa akin naman ay ayos lang. Kahit mahirap pa siya, tanggap ko siya. But I doubt that.
“Can we?”
“Oo naman. Tara?”
“Then just let me drive your car.”
Hindi na ako umangal pa at agad na ibinigay sa kaniya ang susi ng kotse ko. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa passenger’s seat. Inilagay na rin niya ang mga gamit niya sa back seat, saka siya pumasok at umupo sa driver’s seat. Pakiramdam ko talaga ay officially dating kaming dalawa ngayon!
“May alam akong restaurant na masarap kainan. Ayos lang ba sa ‘yo kung doon tayo kakain?” tanong niya sa akin habang pinapaandar ang sasakyan ko.
“Sure! Kahit saan naman tayo kumain ay ayos lang sa akin. Hindi naman ako maarte,” sagot ko pa sa kaniya.
Kahit saan, basta kasama siya ay ayos lang sa akin! First time talaga ‘to. Dadamihan ko ang pictures naming dalawa sa oras na kumain na kami!
Hindi rin naging matagal ang biyahe namin at nakarating kami sa isang medyo mataas na lugar. Akala ko ay sa isang fancy restaurant kami kakain, pero hindi pala. Pero ayos lang dahil maganda naman ang lugar ng restaurant ngayon. Ang ganda ng view nang makababa na ako sa kotse. Pumasok na kami sa loob at humanap ng magandang pwesto. Nakasunod lang ako kay Enrique.
Umupo na kami sa medyo dulong bahagi. Doon ay mas kitang-kita ang magandang tanawin ng buong lugar. Nagbigay naman ng menu ang isang waiter. Saka ko nakita na ang mura lang ng mga pagkain doon. Prices ranges from ₱200-400 pesos only. 400 na ang pinakamahal, for family pa at hindi single course. First time kong kakain sa ganitong kainan. Kaya naman ay nagulat ako. Pero hindi naman talaga ako maarte. Nakakagulat lang na ang isang mayaman na si Enrique ay mas gustong kumain sa ganitong klase ng lugar. Pero hindi ko rin naman siya kekwestiyunin. Mas lalo ko pa siyang nagugustuhan ngayon, dahil mukha siyang practikal sa buhay.
Mas gusto ko ‘yon. Karamihan kasi sa mga lalaki na nakilala ko ay porket mayaman, grabe na lang kung magwaldas ng pera. Kaya naman mas nagustuhan ko ngayon si Enrique dahil sa pagiging praktikal niya sa buhay.
“Ah, I’m sorry kung dito kita dinala. Nabigla ka ba?” tanong sa akin ni Enrique. Agad naman ako na napailing dahil sa sinabi niya.
“Oh, no! Ayos lang kahit dito mo ako dinala. Namangha nga ako dahil ang ganda rito,” sagot ko agad. Ayoko na maisip niya na hindi ako masaya na rito kami ngayon kakain.
“Ah. Napansin ko kasi na napatulala ka sa menu, kaya naisip ko na baka hindi mo nagustuhan dito.”
Napalalim lang naman ang iniisip ko dahil sobra ko siyang pinupuri sa utak ko. Pero siyempre ay hindi ko naman ‘yon pwedeng sabihin sa kaniya ngayon.
“Iniisip ko lang kung ano ba ang masarap na orderin dito. Ito na lang spaghetti ang sa akin,” turo ko naman sa gusto ko.
“Dinala kita rito dahil mas gusto kong kumain sa mga ganitong klase ng kainan. Mas masarap ang mga pagkain na mura, kaysa sa mga nasa mamahaling restaurant. Tapos ang kaunti lang naman ng sine-serve. Dito ay mura lang tapos marami pa,” kwento pa sa akin ni Enrique.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito kadaldal. Oo, madaldal na siya sa lagay na ‘yon. Dahil noong ilang taon ko siya na kaklase ay ni hindi ko man lang siya naririnig na nagsasalita masiyado. Hindi ko rin siya nakakausap noon ng ganito katagal. Kaya natutuwa ako sa kaniya ng sobra ngayon.
“Kung sabagay. Isa kang athlete, kaya dapat lang na malakas kang kumain.”
Um-order na kaming dalawa at pinag-usapan na lang ang tungkol sa lugar na ‘to. Hindi naman ito masiyadong kalayuan sa C.U. Hindi ko lang talaga alam na may ganito pa lang lugar dito.
“Pwede ba na isama pa rin kita rito next time?” yaya pa niya sa akin. Napangiti na naman ako dahil gusto pa niyang makasama muli ako rito. Sino ba naman ako para tumanggi? At wala rin naman akong balak na tanggihan ang alok niya na ‘yon!
“Pwede naman. Ayos lang sa akin,” sagot ko sa kaniya.
“Mabuti na lang at hindi ka maarte, katulad ng ilang mga babae na mayaman…”
Hindi ko naman narinig masiyado ang sinabi niya na ‘yon. “Ha? May sinabi ka ba?” tanong ko pa sa kaniya.
“Thank you for being here with me…”