ENTICE ME 5

2366 Words
“Vivianna Apple! May ka-date ka raw na isang basketball player kahapon, ah? Sino ‘yon?” usisa agad sa akin ni April nang makita niya ako sa room. Oh, gosh! May nakakita na ba sa amin kahapon ni Enrique na magkasama? Ang bilis naman ng balita kung gano’n. Pero dahil hindi naman date ang ginawa namin ni Enrique kahapon, ide-deny ko sa mga kaibigan ko. Baka ikalat pa nila tapos makarating pa kay Enrique. Ayoko na maisip niya na assumera ako. “Huh? Wala, ah! Sino naman ang stupid na nagpapakalat ng balita na ‘yan?” tanong ko pabalik sa kaniya. Pinanliitan naman ako ng mga mata ng dalawa kong kaibigan. Para bang sinusuri nila ako ng ayos para malaman kung nagsisinungaling ba ako o hindi. “Are you sure? Usap-usapan na ngayon na nanood ka kahapon ng basketball game, tapos naghintay ka pa sa kanila. Hindi lang sure kung sino ang lalaki na nakasama mo kahapon.” “Ah, ‘yon ba? Si Enrique Morales ang nakasama ko. ‘Yong classmate natin noong high school tayo. I bet you know him.” At least man lang ‘yon ay maamin ko sa kanila. Para unti-unti na rin nila na malaman na nagiging close na kami ni Enrique. Para in the future, kung sakali man na magkagusto na sa akin si Enrique ay madali ko na lang na maaamin sa kanila. Pero sa ngayon, hanggang feeling at assumera na lang muna ako. Buti pa nga sa panaginip ko ay nagawa ko nang mayakap at mahalikan si Enrique! Gosh, ang talandi ng isip ko. Para na akong manyak ngayon dahil puro si Enrique na lang ang palagi kong iniisip. Daig ko pa ang isang manyak na lalaki. Nakakahiya kapag napasok ni Enrique ang isip ko. “Oh, kailan pa kayo naging close?” tanong naman ni Divine sa akin. Nagkibit-balikat naman ako. Sasagot na sana ako nang paluin ng bahagya ni April si Divine. “What do you mean na close sila? Asa naman na makipag-close si Enrique sa kahit na sino. I mean, oo ang gwapo niya noon pa man. Sikat din siya sa pagiging magaling na basketball player. Pero kilala mo naman si Enrique. Four years natin siyang naging kaklase noon, pero ni hindi ko man lang ‘yon nakita na kumausap ng babae. ‘Yong isang kaibigan niya lang na lalaki ang palagi niyang kausap noon. Kaya asa naman na maging close sila ni Apple,” sagot niya. Well, hindi ko sila masisisi kung magtataka man sila at hindi agad maniniwala na close na nga kaming dalawa ni Enrique. Dahil gano’n naman talaga ang pagkakakakilala sa kaniya ng halos lahat. Sobrang tahimik niya kasi talaga noon. Para siyang may sariling mundo, pero hindi naman siya weirdo. “We’re close already. We ate as friends yesterday. Kaya huwag niyo kaming iisipan ng kahit na ano,” sagot ko naman sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang kaibigan ko. “Woah! Woah! Paano mo naging close ang isang tahimik at shy type na si Enrique Morales, ha?” “He approached me first. Tsaka wala namang masama kung maging close kami. Besides, ilang beses ko na siyabg naging ka-grupo noon sa mga activities, kaya medyo nagkakausap na rin talaga kami noon pa,” sagot ko pang muli. Tiyak na ang dami pang itatanong sa akin ng mga ‘to. “Kung sabagay… Wala rin naman talagang malisya kung kumain kayong dalawa. Asa naman na magkagusto ka sa kaniya,” kumento pa ni Divine. Kinunutan ko naman siya ng noo dahil sa sinabi niya na ‘yon. “Why? Wala namang mali kay Enrique, ah? He’s handsome, talented, popular, and smart. Mukhang wala namang mali kung magkagusto ako sa kaniya?” He’s perfect! Lahat na ng katangian na gusto ko sa lalaki ay nasa kaniya. Wala nang ibang lalaki pa na mabuti para sa akin, bukod sa kaniya. Hindi lang makita ng mga kaibigan ko ang nakikita ko kay Enrique, dahil may mga boyfriends na sila. “Don’t tell us na may gusto ka na talaga kay Enrique?! OMG!” OA pa na sigaw ni April. Sinamaan ko naman siya ng tingin at napatingin pa ako sa paligid namin. Baka mamaya ay may nakarinig ng sigaw niya. Tapos ikalat pa at makarating kay Enrique. “Hey, of course not! Stop concluding things, April. Sinabi ko lang naman na walang mali kay Enrique. Tsaka ang daming mga babae na nagkakagusto sa kaniya, ‘no. We’re really just friends.” “Huwag kang magmahal ng basketball player, Apple. Masasaktan ka lang,” sambit ni Divine. “What do you mean?” “Katulad ng basketball sports, paglalaruan ka lang ng lalaki kapag basketball player. Lalo na rito sa C.U. Karamihan sa mga ‘yan ay mga player din pagdating sa babae. Hindi uso sa kanila ang salitang ‘seryoso’. Kaya kung ako sa ‘yo, huwag na huwag kang magmamahal ng taong basketball player at sikat pa sa mga babae. Like the basketball, after shooting the ball, iiwan na. Gano’n din ang madalas na mangyari sa mga babae kapag nagkagusto sa isang player.” Gusto ko pa sana na ipagtanggol si Enrique sa kanila, pero mahahalata na nila ako. Alam ko naman sa sarili ko na hindi gano’n ang ugali na mayroon si Enrique. Mabait siya at hindi katulad ng ibang mga gago na lalaki. Wala sa itsura niya ang paglaruan ang feelings ng isang babae. Dahil hindi ko naman kaklase ang dalawa kong friends ay lumabas na sila sa room ko nang magsimula ang klase namin. Pero tila ba lumilipad ang isip ko at tanging si Enrique lang ang naiisip ko. Kailan ba ako magsasawa sa kakaisip kay Enrique? Mukhang hindi ‘yon mangyayari. Break time na at hindi ko kasabay sa oras ng break time ngayon ang mga kaibigan ko. Wala pa ako masiyadong nagiging friends dito sa kurso ko na Fashion Modeling. Kaya naman ay kinuha ko ang phone ko. Alam ko na sabay ang break time namin ni Enrique. Tapos magkatabi lang naman kami ng room. Hindi muna ako lumabas ng room ko at nag-type ng message para kay Enrique. To: Enrique Morales Would you mind if we eat together now? Nagdadalawang-isip pa ako kung ise-send ko ba ‘yon o hindi. Pakiramdam ko ay nakakahiya kapag ako ang unang nagyaya sa kaniya na kumain kaming dalawa. I’m a bit conscious. Baka isipin niya na ang clingy ko na sa kaniya bigla. “Don’t you want to send it?” “Oh, s**t!” Napasigaw ako dahil sa gulat at napatayo. Kaya naman bigla kong napindot ang send button sa phone ko! Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin ngayon kay Enrique na nasa harap ko na. Hindi ko siya inaasahan na makikita sa harapan ko ngayon. Siya pa ang nanggulat sa akin. Kinuha naman niya ang kaniyang phone at tiningnan ang nag-text sa kaniya, which is me. “Oh, so para sa akin pala ang text mo na ‘yon?” medyo natatawa pa na tanong niya sa akin. Lord, sana lumubog na ako sa sahig ngayon. Grabe na ang kahihiyan na nararamdaman ko at this moment! “Ah, yes. Wala kasi akong makasama. Kaya ikaw lang ang naisip ko na yayain. Although medyo nakakahiya dahil hindi pa naman tayo gaanong close, kaya hindi ko ma-send agad,” paliwanag ko agad sa kaniya. Nakakahiya talaga, Apple! Nai-send ko pa ang message na ‘yon sa harapan niya. “Teka, bakit ka narito sa loob ng room namin?” tanong ko nang mapagtanto ko ‘yon. “I was about to go to the cafeteria with Jamshed, but I saw you here alone. Nakatulala ka lang sa phone mo, kaya pumasok na ako para tawagin ka. Nakakahiya naman kung sisigaw ako mula sa pinto,” sagot niya sa akin at napakamot pa sa ulo niya. “Ah, is that it? Nasaan na ang kaibigan mo? Baka hinihintay ka na niya sa labas,” sambit ko naman. Inayos ko na ang sarili ko at kinuha ang wallet sa bag ko. “Pinauna ko na siya. Ang sabi ko ay may kasabay na akong kakain. Tara?” yaya naman niya sa akin bigla! Hindi ko ‘yon inaasahan. Ang bilis naman pa lang kausap nito kapag niyayaya. “Uhm, tara?” nahihiya pa na sagot ko. Lumabas na kami sa room namin at nagpunta sa cafeteria. Maraming tao ngayon, pero may sarili akong pwesto rito na ako lang at mga kaibigan ko ang pwedneg pumwesto. Gano’n din si Vaughn at ang mga kaibigan niya. “Doon na lang tayo kumain sa pwesto para sa akin.” Nagpunta na kami roon at hindi masiyadong matao rito sa pwesto ko. Umupo muna kami roon. “What do you want to eat? It will be my treat.” “Oh, no. ‘Wag na. Nakakahiya naman sa ‘yo. Nilibre mo na ako kahapon, kaya ako naman dapat ngayon ang mag-treat sa ‘yo,” apila ko agad sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha ko kung hahayaan ko na naman siyang ilibre ako ngayon. Kahit na alam ko naman na maliit na bagay lang sa kaniya ang halaga ng mga pagkain dito sa cafeteria. “Or gusto mo ba na sa mini mall na lang muna tayo kumain ngayon?” tanong ko pa sa kaniya. Mas marami rin kasing kainan doon. “Ah, mas gusto ko ang mga pagkain dito sa cafeteria kaysa roon.” “Oh, okay. Masarap din naman talaga ang mga pagkain dito. Anong gusto mo? Ako na ang mag-treat sa ‘yo ngayon.” Pinapili ko naman na siya ng pagkain dahil hindi ako pumayag na hindi ko siya mailibre ngayon. Mas maganda na give and take kami, hindi ‘yon puro take lang ako. Porket mapera siya ay hindi ko dapat ‘yon abusuhin. Naisip ko lang bigla na never kong nakita na kumain si Enrique sa mini mall dito sa Cashland University. Mula pa noon at hanggang ngayon ay dito lang siya kumakain sa cafeteria. Minsan nga ay hindi ko siya nakikitang nakain. Mine-maintain niya siguro ang body fit niya dahil isa siyang athlete. Talagang hindi katulad ng ilang mga mayayaman na lalaki si Enrique. Nang mai-serve na sa amin ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain. Alam ko na napapatingin na sa amin ngayon ang ibang mga estudyante, pero hindi ko na lang sila pinagtutuonan ng pansin. Malamang ay nagugulat sila ngayon na magkasama kaming dalawa. “So how’s your class earlier?” tanong ko kay Enrique. Para naman may mapag-usapan kaming dalawa ngayon habang kumakain kami. “Ayos naman. Madali lang naman ang mga subjects namin ngayon.” “Kung sabagay. Isa kang honor student, kaya malamang ay basic lang sa ‘yo ang lahat.” Kaya mas hinahangaan ko rin siya ngayon. Sobrang talino niya. Hindi na ako magugulat kapag gagraduate siya na kasama sa c*m laude. Gano’n siya katalino. Isa siyang lalaki na mukhang hindi asa sa pera at success ng magulang. Kumbaga katulad ni Vaughn, ang kakambal ko, mayroon din siyang pangarap sa buhay na gusto niyang makamit nang walang tulong ng kaniyang mga magulang. Isang lalaki na may paninindigan. “Baka matunaw ako sa kakatitig mo sa akin n’yan. May dumi ba ako sa mukha?” tanong naman bigla sa akin ni Enrique. Napabalik naman ako no’n sa reyalidad! “Oh, wala naman. Sorry. May bigla lang akong naalala. Hindi ko alam na sa ‘yo pala ako napatitig,” pagpapalusot ko na lang at saka ipinagpatuloy ang pagkain ko. “Oh, gosh. Enrique, are you dating her?” tanong ng isang maarte na babae. Hindi ko kilala kung sino siya. “It’s none of your business whether I’m dating her or not,” seryoso lamang na sagot ni Enrique. So it means kilala niya ang babae na ‘to? Sino naman kaya ‘to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa niya. Hindi ko talaga siya kilala. Pero halatang ma-attitude ang isang ‘to. “What are you looking at?” maarte at matapang pa na tanong niya sa akin. Awtomatiko naman na napataas ang isang kilay ko. “Don’t you know who I am?” maarte rin na tanong ko sa kaniya pabalik. Hindi yata ako kilala ng babae na ‘to para kausapin niya ako ng ganito. “Do I need to know you? I don’t care about you. I only care about my ex boyfriend.” Ex boyfriend? Napatingin naman ako muli kay Enrique. Naging girlfriend niya ang isang hitad na ‘to? Kailan? Bakit hindi ko alam ang tungkol doon? O baka naman feeling lang ang babae na ‘to? “Enrique, kung ito na ang babae na ipinalit mo sa akin. Pwes, hindi ako papayag. Do you think she can replace me in your heart? I doubt. She’s not even that pretty. Mas maganda pa nga ako kaysa sa kaniya,” sambit pa ng babae. Nilalait-lait ako ng harap-harapan ngayon. Ang sarap na niyang sabunutan, pero I need to keep my elegance. Hindi katulad ng isang ‘to na walang ka-class sa katawan. “I am assuming that you… and your friends are transfer students,” sambit ko. Dahil halata naman na hindi talaga nila ako kilala. “Kim, that’s enough. Umalis ka na rito,” sambit naman ni Enrique sa kaniya gamit ang seryoso na boses. “No, I won’t leave you. Mag-comeback na tayong dalawa. Sinundan kita rito sa C.U. Kaya dapat ay magbalikan na tayo ngayon. Para mo akong pinagtataguan dahil hindi kita nakikita sa laki ng university na ‘to.” What a freaking sight. Mukhang ngayon lang college pumasok ang mga ‘to rito sa C.U. Tatlo sila na magkakaibigan. Tahimik lang naman ang dalawa sa likod, pero masama na ang tingin sa akin. How pathetic. “She’s more beautiful and elegant than you. Kapalit-palit naman talaga ang isang tulad mo. We’re over, matagal na. Kaya pwede ba? ‘Wag mo na akong guluhin pa. I’m having a proper meal with my girl right now. Can’t you see?” Napanganga na nga ako sa mga sinabi na ‘yon ni Enrique sa harap ng tatlong mga bruha na ‘to! Kinikilig ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD